Ang Tadhana ni Narding 3: LEA...

Par Ai_Tenshi

172K 12.5K 1.4K

Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 202... Plus

LOA NOTE:
LOA Part 1: Balik tanaw
LOA Part 2: Portal
LOA Part 3: Ang Entablado ni Jorel
LOA Part 4: Bagong Bisita
LOA Part 5: Gene at Asis
LOA Part 6: Siyam na Trono
LOA Part 7: Makabagong Panganib
LOA Part 8: Ang Puting Van
LOA Part 9: Gutom
LOA Part 10: Haplos ni Bart
LOA Part 11: Liwanag
LOA Part 12: Susi
LOA Part 13: Susi ng Teknolohiya
LOA Part 14: Mahalagang Talaan
LOA Part 15: Isla ni Duran
LOA Part 16: Ang Limang Anghel
LOA Part 17: Akashic Record 1
LOA Part 18: Akashic Record 2
LOA Part 19: Liga ng mga Anghel
LOA Part 20: Sagradong Sandata
LOA Part 21: Ang Simula ng Misyon
LOA Part 22: Sayaw ng Panganib
LOA Part 23: Bortang Pang kalawakan
LOA Part 24: Ugigi
LOA Part 25: Ang Lihim ni Rexus
LOA Part 26: Kawal
LOA Part 27: Sagradong Sinulid
LOA Part 28: Luha sa likod ng Ngiti
S2 NOTE:
LOA S2 Part 29: Ang Agnas na Mundo
LOA S2 Part 30: Mahunaya
LOA S2 Part 31: Sugo ng Dilim
LOA S2 Part 32: Sugo ng Dilim 2
LOA S2 Part 33: Lakas sa Lakas
LOA S2 Part 34: Senbon
LOA S2 Part 35: Sagradong Sandata ni Senbon
LOA S2 Part 36: Ang Imortal na Diyos
LOA S2 Part 37: Doktor
LOA S2 Part 38: Kriminal ng Kalawakan
LOA S2 Part 39: Prince Disector
LOA S2 Part 40: Medikal at Teknolohiya
LOA S2 Part 41: Makasalanang Halik
LOA S2 Part 42: Kamandag ng Nakalipas
LOA S2 Part 43: Trono
LOA S2 Part 44: Itinalagang Pag kakamali
LOA S2 Part 45: Utak
LOA S2 Part 46: Kakamping Baliw
LOA S2 Part 47: Taga Pag mana
LOA S2 Part 48: Walang Hanggang Talino
LOA S2 Part 49: Paraiso ng Tuakatung
LOA S2 Part 50: Pag lalakbay
LOA S2 Part 51: Guhit
LOA S2 Part 52: Pag papala
LOA S2 Part 53: Si Lua, Enoch at Enki
LOA S2 Part 54: Kapatid, Pangako, Pag kabigo
LOA S2 Part 55: Sagradong Buhay
LOA S2 Part 56: Pag kakamali ng Nakaraan
LOA S2 Part 57: Ang Hari ng Karagatan
LOA S2 Part 58: Masalimuot na Pag tatagpo
LOA S2 Part 59: Agwat ng Lakas
LOA S2 Part 60: Adhikain ng Diyos
LOA S2 Part 61: Ang Tungkod ni Enki
LOA S2 Part 62: Ang Kataas taasang Ama
S3 NOTE:
LOA S2 Part 63: Sa Piling ng Minamahal
LOA S3 Part 64: Ang Karanasan ni Nai
LOA S3 Part 65: Kable
LOA S3 Part 66: Ang Dalawang Ama
LOA S3 Part 67: Masayang Araw
LOA S3 Part 68: Buod
LOA S3 Part 69: Pangamba
LOA S3 Part 70: Fans Day
LOA S3 Part 71: Mahiwagang Mundo
LOA S3 Part 72: White Beki sa Karagatan
LOA S3 Part 73: Nag iisang Minamahal
LOA S3 Part 74: Katok
LOA S3 Part 75: Itim na Narding
LOA S3 Part 76: Wanted
LOA S3 Part 77: Para sa Kapayapaan
LOA S3 Part 78: Mga bagong bayani
LOA S3 Part 79: PH Warriors
LOA S3 Part 80: PH Warriors 2
LOA S3 Part 81: Kalaban sa Ulap
LOA S3 Part 82: Ang Dalawang Nardo
LOA S3 Part 83: Ang Tanging Kabutihan
LOA S3 Part 84: Pylo
LOA S3 Part 85: Bahaghari
LOA S3 Part 86: Bahaghari 2
LOA S3 Part 87: Hyper Mode
LOA S3 Part 88: Ang Tanging Anak
LOA S3 Part 89: The Gate Of Babylon
LOA S3 Part 90: Para sa Ama
LOA S3 Part 91: Dasal ni Isayas
LOA S3 Part 92: Ang Gintong Liwanag
S4 NOTE:
LOA S4 Part 93: Ang Bagong Mundo
LOA S4 Part 94: Kulto
LOA S4 Part 95: King Borta
LOA S4 Part 96: Madilim na Mundo
LOA S4 Part 97: Tanglaw
LOA S4 Part 99: Ang Simula ng Wakas
LOA S4 Part 100: Natatanging Alyansa
LOA S4 Part 101: Ang Paraiso sa Buwan
LOA S4 Part 102: Umakaku
LOA S4 Part 103: Anum
LOA S4 Part 104: Lakas ng Pag kakaisa
LOA S4 Part 105: Parusa ng Ama
LOA S4 Part 106: Jenov
LOA S4 Part 107: Natatanging Teknolohiya
LOA S4 Part 108: Flail
LOA S4 Part 109: Sagradong Katawan
LOA S4 Part 110: Huling Hapunan
LOA S2 Part 111: Propesiya
LOA S4 Part 112: Rajal
LOA S4 Part 113: Ang Kapayapaan ng Puso
LOA S4 Part 114: Mahalagang Paraiso
LOA S4 Part 115: Lupain ng Anghel 1
LOA S4 Part 116: Lupain ng Anghel 2
LOA S4 Part 117: Ang Huling Mandirigma
LOA S4 Part 118: Ang Pinaka Malakas na Sandata
LOA S4 Part 119: Pakpak
LOA S4 Part 120: Anghel (WAKAS)

LOA S4 Part 98: Decode

1.3K 93 14
Par Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 4

AiTenshi

Feb 13, 2020

Part 98: Decode

Matapos ang ilang oras na break ay muli kaming bumalik sa silid ng pag pupulong upang pag usap ang mga na decode na kasulatan sa mga larawan na nakita sa loob ng buwan. Ang mga ito ay may mataas na uri ng hieroglyphs na isinalin nina Gun at Sam upang mas madaling maunawaan, kaparehong proseso ng kanilang ginawa upang buksan ang sikretong mapa at data na iniwan ng planetang Yurya bago kami pumasok sa konsepto ng pag kuha ng mga sandata laban sa mga Diyos na naka portal sa mga pyramid.

"Ngayon ay kakaiba, dahil ang mga naka tala sa hieroglyphs ay hindi portal, hindi rin ito mapa na nag lalaman ng mga lokasyon. Ito ay tungkol sa kataas ama na si Alpha at sa kanyang mga anak na nilikha kabilang na sina Rashida, Gamal, Enki, Baal, Senbon at iba pa. Ayon sa teksto ay nanirahan ang mga Diyos kasama ang kanilang ama sa isang payapang mundo o paraiso kung tawagin.

Si Xeno Alpha ay nag mula sa isang payak na planeta na kung tawagin ay Xeno Planet. Ang planetang ito ay nabuo sa pinag halo halong gas at hindi nag laon ay nag karoon ng organismo at nag simula ang buhay. Mula sa organismo ay nag karoon ng pag babago hanggang sa maging hayop ang mga ito at malaunan ay nabuo ang mga nilalang na nakatayo gamit ang kanilang dalawang paa. Dito nag mula ang kauna unahang buhay na sinasabing pag sibol ng unang talino ng isang nilalang.

Sa pag lipas ng panahon ay simibol ang unang sibilisasyon na may payak na pamumuhay. Dito ipinanganak si Alpha na nag tataglay ng extra ordinaryong pag iisip, may kakayahan siyang tumuklas ng mga bagay bagay gamit ang simpleng materyales tulad ng bato, bakal at mga dahon at punong kahoy. Siya rin ang naging ugat ng kauna unahang talino ng mga nilalang. Dahil sa katalinuhan ay nagawa niya ang mga bagay na imposible at ito ang naging daan upang mas lalong yumabong ang talino ng payak na planeta.

Sa pag lipas ng taon at sa mga sumunod pa ay halos sumibol na rin ang bagong henerasyon ng Xeno planet ang lahat ay maunlad na at napaka dali para sa lahat na lumabas at mag siyasat sa kalawakan.

Ngunit sa kabila ng kaunlaran ay nakalalungkot isipin na ang Xeno planet ay nag iisa lamang sa buong kalawakan. Kaya naman lumikha si Alpha ng mga nilalang na may iba't ibang anyo. Ang lahat ng iyon ay binatay niya sa kanyang sarili upang kanyang maging kawangis. Ang walong nilalang na iyon ay tinawag niyang mga "anak". At sila ay tumutukoy kina Enki, Rashida, Baal, Gamal, Cura, Senbon, Yukzi at Ugigi. Si Isayas ay hindi kabilang dahil bago lamang siyang nilikha.

Gumawa ang kataas taasang ama ang isang artipisyal na lupain sa paligid ng orbit ng Xeno Planet at ito ay nag mistulang buwan na nakikita sa gabi. Dito niya itinira ang kanyang mga anak upang mas yumabong ang mga ito. Biniyayaan niya ng "medalyon" ng kapangyarihan at inutusan niya ang mga ito na "humayo at mga pakarami."

(Inilipat ni Gun ang pahina)

Inilarawan rin sa teksto ang mga sandata at ang maaaring kapangyarihan ni Alpha. Ang sabi rito ay umulan ng mga bulaklak sa kalangitan at nagkamatay ang mga nilalang sa planetang Xeno Planet. Ang hindi ko lang maunawaan kung bakit pati ang planeta ni Alpha ay wawasakin niya. Nakatala rin dito ang iba't ibang sandata na ginamit upang kilalanin siyang sanlibutan bilang kataas taasang ama. At ang mga sandatang iyon ay mga sibat na gawa sa tubig, espadang gawa sa kidlat, mga bulaklak na nag lalabas ng kakaibang halimuyak at mga baril na sumisibat na parang liwanag. Iyon lang ang laman ng teksto." pag sasalaysay ni Gun sabay patay sa kanyang monitor.

Maya maya ay tumayo si Sam. "Talagang parte na ng pamumuhay ng tao ang mga ito noon pa man. Ang tungkol sa mga sandata ng Diyos ay naka tala na sa ating matatandang kasulatan katulad nalang ng isang mahalagang epiko sa India na nakatala sa kanilang sagradong aklat ng Sanskrit, ito ay tinatawag na "Mahabharata".

Dalawa ang parte ng sagradong kasulatan ng Sanskrit. Ito ay ang Mahabharata at Ramayana na tumatalakay sa tinatawag na "goals of life". Kabilang na rito ang pilosopia ng Dharma na ang ibig sabihin ay "right action", Artha ay "purpose", Kama ay "pleasure" at Moshka na ang ibig sabihin ay "liberation." Ang lahat ito ay tumutukoy sa pananaw at ugali ng isang sagradong nilalang na nabuhay sa mundo daangg libong taon na ang nakalilipas.

Ipinakita rin sa Mahabharata na ang kauna una unahang mga Diyos ay nag tataglay ng mga sandata katulad ng nag aapoy na sibat, espadang kidlat at mga bulak balak na bumabagsak sa lupa na ang ibig sabihin simbolo ng mga nuclear weapon na animo bulaklak sa kalangitan.

Ipinakita rin dito ang labanan ng mga Diyos gamit ang kanilang mga sandata habang nakasakay sa lumipad na karwahe, mga nag aapoy na kariton at nag liliwanag na sapatos. Ang lahat ng ito ay malinaw na tumutukoy sa mga UFO at space ship. Sa makatuwid noon pa man ay mayroon nang tala ng labanan ng mga Diyos sa kalawakan at ngayon ay tiyak na mauulit lamang ito. At panibagong kasulatan na ulit ang sisibol." ang paliwanag ni Sam habang ipinapakita ang lumang teksto ng pahina ng mahabharata.

"At maaring ang sinasabing "medalyon" na ibinigayn ni Alpha sa kanyang mga naka ay hindi basta medalyon lang kundi isang mataas na uri ng teknolohiya na inilagay sa isang bilog upang lumikha ng isang malakas na enerhiya. Ang hindi lang malinaw sa akin ay kung bakit winasak ni Alpha ang kanyang sariling planeta." wika ni Jorel.

"At ngayong malapit na siya sa atin ay tiyak tayo na ang susunod! Nanatakot ako papa Bart!!" ang wika ni Tibur sabay yakap sa braso ni Bart. "Hmmm, ang bango parang kaamoy rin ni Papa Cyan yung kili kili mo, no wonder kaya baliw na baliw si Nardeng sayo. Di naman siya maganda." ang dagdag pa nito dahilan para matawa ako.

"Natatakot rin ako papa Jorel. Hug me tight please!" ang wika ni Cookie na ayaw mag patalo. "Pero naalala ko lang kahit naman dito sa mga pelikulang pilipino ay may alien rin ah, tulad ni Kokey at ng mga kalaban ni Darna at Super B! At yung gwapong Alien sa Korean, si My love from the stars!" ang hirit pa nito.

"Dahil noon pa man ay naniniwala na ang mga tao sa alien at ang konotasyon na darating sila dito upang sakupin ang mundo ay nag kakatotoo na. Teka nga, alis ka nga diyan, ang init init e." ang reklamo ni Bart.

"At ngayon ay isang laban nalang ang dapat nating mag handaan, at iyon ang pag baba ng kataas taasang Diyos kasama ang kanyang mga kawal." ang sagot ni Juho.

"Kung sakaling masira ang Eartn ay naka handang buksan ni Haring Liran ng Araknia ang kanyang kaharian para mga nilalang ng planetang ito. Bubuksan ko rin ang Iranya para mayroong matuluyan ang mga tao." tugon ni Irano.

Napabuntong hininga si Duran. "Maraming salamat sa inyo. Alam kong maliit ang tiyansang manalo ngunit kung tayo ay mag tutulong tulungan ay magiging maaayos ang lahat."

"At hindi sapat ang ganda lang para manalo. Lalo ngayon wala na ang God powers Rashida kay Narding. Ang tanging mayroon tayo si Irano at Bart. Pero ang kay papa Bart ay hindi na ganoon kalakas dahil na overused na ng mga ninuno ni Serapin ang mga ahas, kabilang na ang ahas ni papa Bart." ang hirit ni Cookie.

Natawa si Sam "Kahit na wala ang liwanag ni Rashida ay nandito pa naman si Nardo. Mayroon pa tayong Jorel, Super Panget at Super Mecha. Mananalo tayo sa labang ito."

"At nandyan pa si Papa Cyan! Mataas ang resistensiya niya at nakaka ilang putok siya.. ng kanyang kapangyarihan." hirit ni Tibur.

"Mas mataas ang resistensiya ni Papa Bart dahil mas malaki ang ahas niya at mas maraming inilalabas.. na bomba, espada at laser." sagot ni Cookie.

Maya maya ay gumitna na sa kanila si Nai at Ace. "Mahirap na baka mag clash nanaman silang dalawa. Siguradong mag kakagulo nanaman dito sa loob ng silid."

Tawanan sila..

"So What's next? What's on your mind? Tweet!!" ang hirit ni Cookie.

"Mag handa at lakasan ang depensa para sa labanan. Iyan ang nasa isip namin ngayon." sagot ni Gun at habang nasa ganoong pag uusap kami ay pumasok naman ang isa sa mga assistant ni Duran sa kanyang lab. "Doc, sorry sa istorbo ngunit kailangan ninyong makita ito." ang nag aapurang wika niya kaya naman agad kaming tumayo para sumunod.

Noong makarating kami sa lab ay nag kakagulo ang mga tao sa loob nito. Napansin rin namin ang abnormal na pag ikot ng mga infrared telescope sa labas kung saan nakakasagap sila ng kung ano mula sa kalawakan. "Doc, tingnan niyo ito. Ang ang nakuhanan ng mga stallite mula sa malayong direksyon ng solar system." ang wika nila at nag flash sa monitor ang radar ng kalawakan kung saan sa labas ng solar system ay maraming maliliit na tuldok pula na marahang gumagalaw.

"Ano iyan? Ang dami naming red dots." ang tanong ni Tibur.

"Digmaan na ito." ang bulong ni Nai habang naka titig sa monitor.

Marami ang tuldok, hindi mo ito mabibilang sa iyong kamay at paningin. Sa dulo ng mga tuldok ay mayroong tatlong mas malaki pang tuldok na nag liliwanag ng husto.

"Ang maliliit na tuldok na iyan ay mga sasakyang pandigma ng mga kawal. At ang tatlong malaki sa likod ay isang pang kalahatang saskyang pandigma na nag lalaman ng mas maraming pwersa. Mukhang nakarating na rin sa Alpha na nagapi si Isayas na kanyang pinaka huling anak. Kaya lalo siyang nagalit at nag deklara ng digmaan!" ang wika ni Sam.

"Masama ito, maraming masyado ang kalaban. Pindutin ang alarm sa isla! At ilagay sa kulay pulang antas ang mga barrier!" ang utos ni Gun na parang natataranta.

Noong pinindot ang buton ay nag labas na itong signal at warning bilang emergency..

Humarap sa amin si Gun at nag wika "Ito na ang simula ng katapusan.. lalaban tayo.."

Itutuloy..

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

149K 1.4K 8
At ang kwento sasaklaw sa kapangyarihan ng oras, teknolohiya at walang hanggang kaisipan ng tao.
48.9K 3.2K 200
Kung nabasa mo na ang "I LOVE YOU SINCE 1892" o basta may alam ka lang sa story nato ay probably alam mo na ang point ng story na to. But don't ya wo...
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
15.5K 1.4K 53
Genre: Fantasy || Action