Ang Tadhana ni Narding 3: LEA...

By Ai_Tenshi

172K 12.5K 1.4K

Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 202... More

LOA NOTE:
LOA Part 1: Balik tanaw
LOA Part 2: Portal
LOA Part 3: Ang Entablado ni Jorel
LOA Part 4: Bagong Bisita
LOA Part 5: Gene at Asis
LOA Part 6: Siyam na Trono
LOA Part 7: Makabagong Panganib
LOA Part 8: Ang Puting Van
LOA Part 9: Gutom
LOA Part 10: Haplos ni Bart
LOA Part 11: Liwanag
LOA Part 12: Susi
LOA Part 13: Susi ng Teknolohiya
LOA Part 14: Mahalagang Talaan
LOA Part 15: Isla ni Duran
LOA Part 16: Ang Limang Anghel
LOA Part 17: Akashic Record 1
LOA Part 18: Akashic Record 2
LOA Part 19: Liga ng mga Anghel
LOA Part 20: Sagradong Sandata
LOA Part 21: Ang Simula ng Misyon
LOA Part 22: Sayaw ng Panganib
LOA Part 23: Bortang Pang kalawakan
LOA Part 24: Ugigi
LOA Part 25: Ang Lihim ni Rexus
LOA Part 26: Kawal
LOA Part 27: Sagradong Sinulid
LOA Part 28: Luha sa likod ng Ngiti
S2 NOTE:
LOA S2 Part 29: Ang Agnas na Mundo
LOA S2 Part 30: Mahunaya
LOA S2 Part 31: Sugo ng Dilim
LOA S2 Part 32: Sugo ng Dilim 2
LOA S2 Part 33: Lakas sa Lakas
LOA S2 Part 34: Senbon
LOA S2 Part 35: Sagradong Sandata ni Senbon
LOA S2 Part 36: Ang Imortal na Diyos
LOA S2 Part 37: Doktor
LOA S2 Part 38: Kriminal ng Kalawakan
LOA S2 Part 39: Prince Disector
LOA S2 Part 40: Medikal at Teknolohiya
LOA S2 Part 41: Makasalanang Halik
LOA S2 Part 42: Kamandag ng Nakalipas
LOA S2 Part 43: Trono
LOA S2 Part 44: Itinalagang Pag kakamali
LOA S2 Part 45: Utak
LOA S2 Part 46: Kakamping Baliw
LOA S2 Part 47: Taga Pag mana
LOA S2 Part 48: Walang Hanggang Talino
LOA S2 Part 49: Paraiso ng Tuakatung
LOA S2 Part 50: Pag lalakbay
LOA S2 Part 51: Guhit
LOA S2 Part 52: Pag papala
LOA S2 Part 53: Si Lua, Enoch at Enki
LOA S2 Part 54: Kapatid, Pangako, Pag kabigo
LOA S2 Part 55: Sagradong Buhay
LOA S2 Part 56: Pag kakamali ng Nakaraan
LOA S2 Part 57: Ang Hari ng Karagatan
LOA S2 Part 58: Masalimuot na Pag tatagpo
LOA S2 Part 59: Agwat ng Lakas
LOA S2 Part 60: Adhikain ng Diyos
LOA S2 Part 61: Ang Tungkod ni Enki
S3 NOTE:
LOA S2 Part 63: Sa Piling ng Minamahal
LOA S3 Part 64: Ang Karanasan ni Nai
LOA S3 Part 65: Kable
LOA S3 Part 66: Ang Dalawang Ama
LOA S3 Part 67: Masayang Araw
LOA S3 Part 68: Buod
LOA S3 Part 69: Pangamba
LOA S3 Part 70: Fans Day
LOA S3 Part 71: Mahiwagang Mundo
LOA S3 Part 72: White Beki sa Karagatan
LOA S3 Part 73: Nag iisang Minamahal
LOA S3 Part 74: Katok
LOA S3 Part 75: Itim na Narding
LOA S3 Part 76: Wanted
LOA S3 Part 77: Para sa Kapayapaan
LOA S3 Part 78: Mga bagong bayani
LOA S3 Part 79: PH Warriors
LOA S3 Part 80: PH Warriors 2
LOA S3 Part 81: Kalaban sa Ulap
LOA S3 Part 82: Ang Dalawang Nardo
LOA S3 Part 83: Ang Tanging Kabutihan
LOA S3 Part 84: Pylo
LOA S3 Part 85: Bahaghari
LOA S3 Part 86: Bahaghari 2
LOA S3 Part 87: Hyper Mode
LOA S3 Part 88: Ang Tanging Anak
LOA S3 Part 89: The Gate Of Babylon
LOA S3 Part 90: Para sa Ama
LOA S3 Part 91: Dasal ni Isayas
LOA S3 Part 92: Ang Gintong Liwanag
S4 NOTE:
LOA S4 Part 93: Ang Bagong Mundo
LOA S4 Part 94: Kulto
LOA S4 Part 95: King Borta
LOA S4 Part 96: Madilim na Mundo
LOA S4 Part 97: Tanglaw
LOA S4 Part 98: Decode
LOA S4 Part 99: Ang Simula ng Wakas
LOA S4 Part 100: Natatanging Alyansa
LOA S4 Part 101: Ang Paraiso sa Buwan
LOA S4 Part 102: Umakaku
LOA S4 Part 103: Anum
LOA S4 Part 104: Lakas ng Pag kakaisa
LOA S4 Part 105: Parusa ng Ama
LOA S4 Part 106: Jenov
LOA S4 Part 107: Natatanging Teknolohiya
LOA S4 Part 108: Flail
LOA S4 Part 109: Sagradong Katawan
LOA S4 Part 110: Huling Hapunan
LOA S2 Part 111: Propesiya
LOA S4 Part 112: Rajal
LOA S4 Part 113: Ang Kapayapaan ng Puso
LOA S4 Part 114: Mahalagang Paraiso
LOA S4 Part 115: Lupain ng Anghel 1
LOA S4 Part 116: Lupain ng Anghel 2
LOA S4 Part 117: Ang Huling Mandirigma
LOA S4 Part 118: Ang Pinaka Malakas na Sandata
LOA S4 Part 119: Pakpak
LOA S4 Part 120: Anghel (WAKAS)

LOA S2 Part 62: Ang Kataas taasang Ama

1.5K 128 42
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTeshi

Jan 28, 2020

Hinataw namin ang aming mga kamay na may pinag halong enerhiya sa dibdib ni Enki at tumagos ito sa kanyang likuran..

Binalot ng malakas na liwanag ang paligid sa saka sumabog..

Tumilapon ang aming katawan sa lupa..

Lumakas pa ang liwanag na lumukob sa buong kalangitan at kasabay nito ang tuluyang pagkawala ang aming mga kalasag..

Part 62: Ang Kataas taasang Ama

Tumilapon kami ni Irano sa batuhan, kapwa duguan at halos ubos na ang lakas. Ang pag sabog sa itaas ay gumuhit sa buong kalangitan at lumikha ito ng berdeng kulay na kumikinang kapag bumabagsak na parang mga butil na ulan. Bahagyang nakadilat ang aking mata, samantalang si Irano ay naka subsob nalang sa lupa.

Ilang sandali ring nag liliwanag sa buong paligid bago ito tuluyang mawala.

Mula sa malayong direksyon ay nakita kong tumatayo si Enki. Butas na ang kanyang buong katawan at ang kanyang sagradong anyo ay nawala na. Sumabog rin ang kanyang tungkod na nakatarak sa lupa.

Ang buong akala ko ay nagapi na namin ng tuluyan si Enki ngunit ngayon ay nakatayo pa ito bagamat tumutulo na ang dugo sa kanyang bibig. Mula sa kanyang kamay ay lumabas ang isang espadang luwad at nag tatakbo ito patungo sa amin ni Irano. "Hindi pa tapos Narding! Kukuhanin ko ang ulo ninyo ni Irano at iaalay ko sa kataas taasang ama!" ang wika niya.

Nakita ko siyang palapit sa amin kaya naman pilit kong iginalaw ang aking paralisadong paa at natitirang braso pero wala na ako halos enerhiya. Ni ang makapag salita ay hindi ko na rin nagawa.

Tumayo si Enki sa aking harapan at iniumang niya ang kanyang sandata saka ito pinakawalan sa ere paasinta sa ang aking leeg.

Nasa ganoong posisyon siya noong mag liwanag ang katawan namin ni Irano at dito ay lumabas nag espiritu ng dalawang lalaki. Sinalo nila ang espadang hawak ni Enki na sana ay babagsak sa akin.

Kung ilalarawan ang dalawang espiritung iyon, ang isa ay walang dudang si Rashida na balot ng gintong liwanag at ang isa naman ay isang lalaking halos kasing katawan rin Rashida, kasing tangkad, mahaba na asul ang buhok at may taingang palikpik. Nag liliwanag ng asul ang kanyang katawan at may mga bula pa sa paligid. Batid kong ang lalaking iyon ay si Baal. Ngayon ay nag harap harap na ang tatlong malalapit na mag kakapatid.

"Tama na Enki." ang wika ni Baal.

"Mga taksil. Itinakwil ninyo ang kalooban ng ating ama. Anong klase kayong mga anak." ang wika nito.

"Hindi namin itinakwil Enki, nag kataon lang na napamahal kami sa aming mga nilikha kaya't mas pinili namin na ipag tanggol ito. Noong mga bata tayo, parati mong sinasabi sa amin ni Baal na lumikha kami ng mga nilalang na naayon sa ating wangis dahil nais mong dumadami ang ating mga lahi. Habang nililikha ko ang mga planetang iyon ay parati kong inaalala ang mga bagay na itinuro at ipinag kaloob mo sa akin bilang nakakatanda kong kapatid. At maniwala ka man o sa hindi ay ikaw ang inspirasyon namin ni Baal para mahalin rin ang aming mga nilikha na katulad ng pag mamahal na ipinapakita mo sa amin noong tayo ay mga bata pa.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malilimot ang araw na namili si Ama kung sino sa ating walo ang gagawing taga paslang at taga hukom ng kalawakan. Ang nais ni ama ay kami ay Baal ang maging taga paslang ngunit sinuway mo ito at hindi ka pumayag sa kanyang nais dahil ayaw mong madungisan ng dugo ang aming kamay. Kaya't sa halip na kami ang maging kriminal ay ikaw ang gumawa noon para sa amin. At sa halip na ipasa mo sa amin ang iyong abilidad sa pag patay ay ibinigay mo ito kina Senbon at Yukzi." ang wika ni Rashida

"Enki, huwag mong isipin na kalaban kami. Ikaw pa rin ang aming kapatid at kahit ano ang mangyari ay hinding hindi mag babago iyon. Kami ni Rashida, tayong tatlo ay mag kasama samang muli sa iisang paraiso. Pangako." ang wika ni Baal at dito marahan niyang inalalagyan ang kamay ni Enki para ibaba ang espada nito.

"Sinusunod ang kagustuhan ni ama. Ang kanyang utos ang mahalaga sa lahat. Kaya't galit ako sa inyong dalawa dahil hindi niyo sinunod ang aking kalooban." ang galit niyang sagot.

"Dahil ginusto naming maging masaya at maging malaya. Iyon ang mga bagay na pinangarap namin na kasama ka ngunit si Ama, masyado niyang binulag ang iyong isipan kaya hindi mo na nakita at naramdaman na ikaw ay nabuhay ng masaya." tugon ni Rashida.

"Hindi totoo ang mga sinasabi ninyo! Nilalason niyo ang aking isipan!" sigaw ni Enki.

"Hindi namin magagawa iyon! Enki, kailangan ka huling ngumiti? Kailan ka huling beses na naging masaya?!" tanong ni Baal.

Hindi naka sagot si Enki..

Maya maya ay nag wika siya "noong gumawa tayo ng maliit na bituin, noong sama sama tayong nag kulay ng kalangitan. Iyon lang ang natatandaan ko. Ngunit ang kaligayahan na iyon ay nawala dahil tumalikod kayo sa kalooban ni Ama!" ang sagot niya.

"Tumalikod kami hindi para iwan ka o kalabanin. Tumalikod kami sa kanyang kalooban dahil gusto naming mabuhay ng malaya." ang tugon ni Baal.

"At ngayon lahat tayo ay nabigo! Sina Senbon, Yukzi at Ugigi ay wala na rin! Tayo ay ang mga anak ng kataas taasang ama na bumigo sa kanya!" ang galit na sigaw nito.

"Hindi ko masasabing pag kabigo ang aking ginawang pag lisan o ang aking pag kamatay dahil ginawa ko ito para sa aking sariling kagustuhan. Masasabi lamang na bigo ang isang bagay kung hindi mo nakamtam ang kaligayahan na nais mo." wika ni Rashida.

"Hindi kami nabigo Enki, dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin ang Earth at ang Sumerya (Dating pangalan ng Iranya, Araknia at Sarangia noon isang lupain palang ito at hindi pa nahahati sa tatlo). At ang papasalamat kami naging instrumento ang dalawang lalaking ito na ngayon ay nag aagaw buhay para lamang mapanatiling maayos ang aming nilikhang lupain." ang wika ni Baal.

"Oo nga't nakakalungkot na patay na sila Senbon at iba pa. Pero ang lahat ng ito ay parte lamang ng plano ni ama." ang tugon ni Rashida.

"Parte ng plano? Anong ibig mong sabihin?" pag tataka ni Enki.

"Lahat ng kanyang mga anak ay isinabak niya sa labanan. Oo nga't malakas tayo ngunit kung ang kalaban ay dalawa o tatlong nilalang na may katumbas na kalahati ng ating lakas ay tiyak na matatalo pa rin tayo. Parang sa isang pirasong kahoy, madali itong baliin kapag nag iisa, ngunit kapag nag kasama sama ay mahirap itong tibagin. Sa ating kalagayan ay isinabak tayo ni Ama sa labanan na nag iisa. Ito ay maituturing na pag papakamatay. Paano kung ang nakalaban nila Senbon ay nilalang na halos katumbas ng isang Diyos? O nilalang na may malakas ring kapangyarihan? Tiyak na ikasasawi niya iyon." ang wika ni Rashida.

"Tanggapin na natin na maraming nilikhang binhi si Ama, at ngayon ay hindi na niya tayo kailangan. Kaya ipinadala tayo sa misyon ng mag kakahiwalay." ang dagdag ni Baal.

Natahimik muli si Enki. "Ang sabi sa akin ni ama ay mayroon siyang nililikhang papalit sa aking mga kapatid."

"Mali, ang mga nilikha niya ay ang papalit sa atin." ang wika ni Baal.

"Kung ganoon, ang lahat ng ito ay misyon ng kamatayan. Ang ating kamatayan." ang bulong ni Enki at habang nasa ganoong posisyon sila ay bigla nalang ay isang maliwanag ba bagay ang sumibat sa kalangitan.

Bago pa nila mapansin, ang bagay na iyon ay isang mahabang mahabang sibat nakatugon sa kalangitan at ang talim ay sumaksak kay Enki.

Sumuka ng dugo si Enki..

At mula sa mahabang sibat na nakatugon sa kalangitan ay bumaba ang isang nilalang na may kakaibang kasuotan. Ang kanyang mukha ay may takip ngunit ang mata ay napaka amo at malamlam. Nag liliwanag ang kanyang katawan habang bumaba ang hagdan na lumabas mula sa itaas.

Buong lakas ini alis ni Enki ang sibat na nakatarak sa kanyang katawan at sumama pa ang kanyang lamang loob. Agad itong lumapit sa kataas taasang ama na bumaba mula sa kanyang harian gamit ang sagradong hagdan.

"Ama, bakit? Bakit mo ako pinarurusahan?" ang tanong ni Enki habang nakaluhod.

Hinawakan nito ang kanya mukha at nag wika. "Dahil tapos na ang inyong tungkulin."

Natahimik si Enki. "Ama, buong buhay ay nag lingkod ako ng tapat sa iyo. Kahit ang aking kaligayahan ay inisang tabi ko para pag lingkuran ka. Kung alam ko lang na gagamitin mo ako, sana ay lumisan nalang ako kasama ang aking mga kapatid." ang wika niya.

"Patawad kung inilihim ko sa iyo ang katotohanan tungkol sa iyong kapatid. Pero bago ka pumanaw ay kailangan mong malaman ang katotohanan na ako ang gumawa kay Gamal upang patayin si Rashida at ako rin ang nag lagay ng walang lunas na sakit kay Baal. Ang dalawang iyon ay hindi ko kailangan at nakakasagabal lamang sila sa aking plano." ang wika niya

Napa dakot sa batohan si Enki. Lumuha ito. "Amaaa! Bakit mo ito ginawaaa!!! Bakit?!!!!!" ang sigaw niya at dito ay umangat ang lupa sa paligid at inatake niya ang kataas taasang Diyos.

"Dahil hindi na kita kailangan. Nangangamba ako na baka dumating ang oras na pati ako ay kalabanin niyo katulad ng iyong ginagawa ngayon." ang sagot nito.

"Buong buhay ko ay inalay ko sa iyo! Nag sisisi ako amaaaa! Nag sisisi ako!!!" ang sigaw niya dito ay nag simula nang mabiyak ang lupa. Tumaas ang mga luwad at iginapos niya ang kataas taasang diyos.

Maya maya tumingin siya kina Rashida. "Umalis na kayo!" ang sigaw niya sabay kumpas ng kamay at lumabas ang isang portal. Binuhat ako ni Rashida at si Irano ay binuhat ni Baal.

"Sumama kana sa amin Enki! Paki usap!" ang sigaw ni Rashida..

"Hindi! Kailangan kong pigilan si Ama." ang wika niya sabay ngiti at binigkas ang isang katagang "patawad."

Ngumiti siya at itinulak ang mga kapatid sa portal..

Maya maya ay may bumagsak na lalaking nakaputi sa harapan ni Enki. Ang lalaki ay mula rin sa itaas.

Napatingin siya dito..

"Oras na para ikaw ay mag hapunan Pylo" ang wika ng ama.

Inalis ng lalaki ang kanyang hood at dito ay bumulaga sa kanya ang isang halimaw na may isang mata at malaki ang bibig. Sa isang iglap ay dinakot nito ang katawan ni Enki at kinain ito ng buo. Kitang kita ko kung paano sumabog ang dugo at lamang loob nito sa lupa habang nilulunok siya ng halimaw na iyon.

Sumara ang portal..

At dito ay hinigop kami nila Irano palayo sa bangungot ng labanan sa pagitan ng mga diyos. Niyakap ni Rashida ang aking duguang katawan at binigyan ako ng init.

Samantalang si Irano ay wala pa rin malay bagamat buhay ito, marahil ay naubusan lamang siya ng lakas..

"Tapos na ba?" ang tanong ko kay Rashida.

"Hindi pa Narding.. ang tunay na laban ay mag sisimula pa lamang." ang sagot niya habang kami ay tumatawid sa liwanag pabalik sa aming planeta.

End of Season 2

Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 69 35
An all-boys school WHERE LOVE KNOWS NO LIMIT.
120K 5.7K 62
Highest Ranking as of 6/19/2018: #4 Paranormal #10 WattPride #53 Fantasy #4 Superpowers Matapos malampasan ang masalimuot na nakaraan sa kanyang kam...
209K 9.2K 50
A Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asaw...