One Shots Anthology

By fieryphila

96.9K 2.1K 123

One book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different sto... More

Read This First
Beauty
Valentine's Gift
How Dare You?
Until Midnight
Clue of the Wooden Staircase
Cupid and Psyche
Uno with a Twist
Plagiarism
Wrong Love Gone Right
The Girl He Told Me Not To Worry About
Wanna Play?
Electricity
Belated Warning (not a one shot)
Flowery Words
Science Greek
Nanay Tatay
Nanay Tatay (Part 2)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 1)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 2)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Last Part)
30 Days of Hell (own version/revised)
Zeus
Happiness Isn't Allowed
Promise
Midnight Dream
Left
Ate
That Girl Is -
Karagatan (POETRY)
Philophobia
Philophobia: Part 2
Philophobia: Part 3
Philophobia: Finale
Thank you!
Maling Akala
Panindigan o Pabayaan
Notice [an author's note]
Plane Crash
Untitled Poetry
Happy Birthday
Past or Present?
Leaving or Waiting?
Note:
Promotion
Summer Secret
Hana and Haki
Walang Tayo
366 Days
Closure o Comeback? (HER POV)
Closure o Comeback? (HIS POV)
Closure o Comeback? (FINALE)
Unforeseen Warmth
Three-Month Rule
Her Unreadable Romance
Finding Myself
Öga for Öga
Stolen Groom
The Guy in my Dreams
Acceptance
First Love Never Dies
Jealousy
That Night You Called

Schizophrenia

556 19 0
By fieryphila






"Mabuti at pinayagan ka ng doktor na pumasok. Okay ka na ba?" Saad ng aking kaibigan pagkaupo ko sa aking upuan. Tumango na lamang ako at naglabas ng libro. Sabi kasi ng doktor, maiiwasan ko ang pag-iisip ng kung ano-ano kung itutuon ko ang sarili at utak ko sa ibang bagay. Distraction, kumbaga.



Akala ko'y titigilan na ako ni Sarene pero maya-maya pa ay kinalabit niya ako. Inipit ko ang bookmark sa pahina na binabasa ko bago ko siya lingunin. Nasa harapan niya kasi ako at hindi siya makatabi sa akin dahil hindi absent ang seatmate ko.



"You're not telling me your sickness yet, Bianca. I'm worried. Hindi mo pwedeng sabihin na simpleng lagnat lang 'yon kasi halos tatlong linggo ka sa ospital!" She said to me, worriedly. I sighed. Hindi ko alam kung handa na ba akong sabihin sa kaniya. Baka sabihin niya, isa akong baliw at layuan niya ako kapag gan'on. Ayokong mawalan ng kaibigan kapag nalaman niya kung ano 'yong dinadanas ko ngayon. She's my one and only bestfriend, I don't want to lose her.




You won't lose her if she is your true friend. She'll accept you no matter what your sickness is, Bianca.



Napabuntong-hininga na lang ako at itinigil ang pakikipag-talo sa aking utak. Isinuksok ko ang librong binabasa ko kanina sa aking bag at marahan siyang hinatak palabas ng room. Gusto ko siya lang ang makakaalam, at malaki ang tiwala ko sa kaniyang hindi niya ito sasabihin kahit kanino man.



I held her hand tightly, alam ko nagtataka na siya sa ikinikilos ko, kaya nagsalita na ako. "Sarene, I'm not a normal person anymore. Pwede mo akong tawaging baliw, kung 'yon ang iisipin mo. Pero sana, hindi mo ako iwan dahil sa kondisyon ko." Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon niya. Pero ang alam ko, nagtataka na siya.




Huminga ako nang malalim at yumuko, "Sarene, I have a sickness called...Schizophrenia.." limang segundo matapos kong sabihin iyon ay agad niya akong niyakap nang mahigpit. Nagulat naman ako d'on dahil ang ineexpect kong reaksyon niya ay itutulak niya ako dahil mandidiri siya sa akin.



"Sira ka talaga. Bakit naman kita iiwan just because you have Schizophrenia? You're still a normal person for me. You're still my bestfriend and I accept you for who you are. Don't overthink, okay? I love you, Biancs!" Naluha na lang ako nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ano ba ang ginawa ko at nakilala ko ang isang tulad n'ya? Damn. I hope this lady won't leave me, because I'm so grateful to have her in my life.











Today's Tuesday at tatlong linggo na simula n'ong nalaman ni Sarene ang sakit ko. Sinasabayan n'ya ako tuwing mag-iimagine ako pero kapag napipikit na ako ay itinitigil na niya ang pag-iimagine ko. Nakakatuwa lang, kasi may taong nandiyan para sa 'yo at gagabay sa 'yo kapag hindi mo na alam kung ano'ng gagawin mo.



Kasalukuyan kaming nasa corridor sa building ng elementary. Suspendido ang klase nila dahil may meeting ang mga teachers ng elementary kaya heto, dito kami tumambay ni Sarene ngayon habang vacant pa namin.




"Huy bakla, oo nga pala, kilala mo ba si Keazie Francisco?" Kumunot ang noo ko sa kaniyang tinanong. Keazie Francisco? Bakit parang familiar?




Umiling ako bilang sagot. Napanguso naman siya dahil panigurado, inaasahan niyag kialal ko 'yon. Tsk, paano ko makikilala 'yon? Ni wala nga akong interes sa mga kalalakihan.



"Keazie Francisco! The newest heartthrob in our campus! Ang gwapo niya ghorl!" Sigaw n'ya habang tumatalon-talon tapos hinahampas pa ako.


'Yong totoo? Mukha ba akong unan na pwedeng hampasin kapag kinikilig ang isang tao? Nyeta.



Hinawakan ko ang kanang braso niya upang patigilin siya. Bukod sa ang ingay niya, nahihilo na ako sa kaniya kakatalon niya at masakit na rin ang braso ko kakahampas niya!



"Sarene Mendoza, kalma." Napakamot naman siya sa kaniyang ulo at nag-peace sign. Natawa na lang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa.




Hindi ko pa man nakakalahati ang pahina ng binabasa ko ay may kamay na humablot ng libro mula sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako sa ginawa ni Sarene. "Tsk, May Schizophrenia ka na, nagbabasa ka pa? Ilang beses na ba kitang pinagsabihan tungkol sa pagbabasa mo ng fictional books?" Napanguso na lang ako nang sermonan niya ako. Jusko, ang bilis ding magpalit ng mood nito e. Kanina kinikilig pa tapos ngayon pinapagalitan na ako.



"Sorry na. Hindi ko mapigilan. Alam mo namang simula pa noon, hobby ko na ang pagbabasa 'di ba?" Saad ko sa nagmamakaawang boses. Pero hindi pa rin siya natinag, sumama lang ang tingin niya sa akin. Aish, wrong move, Bianca.




Kinuha ko na lang nang dahan-dahan ang libro mula sa kamay niya at isinilid iyon sa bag ko. Nagpagpag pa nga ako ng kanay bago ngumiti sa kaniya, "Ayan ho, tinago ko na. 'Wag na po magalit." Pabiro pa akong yumukod sa harapan niya kaya agad siyang natawa.



Pagkatapos n'ya akong sermunan ulit ay nagkwentuhan na lang kami ng kung ano-ano. Kinwento ko sa kaniya kung ano 'yong mga bagay na inimagine ko na naging sanhi para mapunta ako sa ospital at malaman ang sakit ko. Tatlo 'yong senaryo na ikinuwento ko sa kaniya, natatawa na nga lang ako sa nagiging reaksyon niya. Minsan naiinis siya, natatawa, tapos kapag malungkot 'yong sinasabi ko, maiiyak siya, WAHAHAHAHA.



Maya-maya pa ay natigil kami sa pagkukwentuhan nang may dumaang isang lalaki sa harapan namin. Unti-unti akong tumingala at d'on ko nakita ang isang lalaking matangkad, gulo-gulo ang kaniyang buhok, matangos ang ilong, mapupulang labi at mapupungay na asul na mata. Napadako ang aking paningin sa kaniyang kasuotan, nakasuot siya ng brown na long sleeves, maong pants at white rubber shoes. Tiningnan ko naman si Sarene at 'di na ako nagtaka nang makitang nakatitig siya rito, kahit ako, kung gan'to ka-gwapo ang dadaan sa harapan ko, baka 'di na ako kumurap!



"Excuse me, where's the faculty room? I just got here so I'm sorry for disturbance." Napalunok ako nang marinig ang kaniyang malamig ngunit baritonong boses. Bwisit, pati boses, ang gwapo.




I stand up then faked a cough to get Sarene's attention. Pero sa kasamaang palad, hindi 'yon tumalab. Kaya naman nginitian ko ang mala-adonis na nasa aking harapan at sinagot, "Uhm, from that corner, just go straight. May makikita kang building na pinakamataas sa lahat ng building dito. Go there, then go up in the third floor. May mga signs naman d'on kaya malalaman mo kung alin d'on 'yong faculty." Pagbibigay-direksyon ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya, parang inaabsorb niya pa 'yong sinasabi ko. Eh, sorry akin, hindi ako magaling magbigay ng directions.



"I didn't get it. Do you mind kung magpapasama ako sa 'yo?" Sabi na eh. Aish, hindi talaga ako magaling sa direksyon! Tumango na lang ako at binatukan si Sarene. Sumama pa ang tingin niya sa akin pero agad ko siyang binulungan, "Gaga, tumayo ka na r'yan. Nagpapasama siya sa faculty. Bilisan mo na, mamaya mo na siya titigan." Mas mabilis pa sa alas-kwatro siya kumilos. Napakurap na lang ako nang makitang lumingkis siya sa braso ni guy. Jusmeyo, nakakahiya!




Hinatak ko si Sarene at humingi ng paumanhin. "Hala, sorry. Gan'to talaga 'to kapag naooverwhelm. Tara na?"




"No worries. Let's go." He smiled then he let us lead the way. Natawa naman ako nang mahina bago maglakad patungo sa aming destinasyon.






"Thank you nga pala sa paghatid niyo ng kaibigan mo. I hope I can return the favor soon." Nginitian ko siya. Akala ko katulad siya n'ong ibang lalaki sa mga story na nababasa ko na cold 'yong personality, you get me? Typical fictional characters sa fictional books.

"You're welcome. Wala 'yon, maliit na bagay. Ganiyan din ako n'ong bago pa lang ako dito." Tiningnan ko ang relos ko at nakitang quarter to 4 na. Shet, may klase pa nga pala kami!


"Uy, una na kami, may class pa kasi kami. By the way, I'm Bianca. Nice to meet you!" Hindi ko na naintay pang sabihin niya ang kaniyang pangalan dahil hinatak ko na si Sarene. Medyo malayo kasi sa building na 'to 'yong next class namin. Dang, hindi ko man lang nakuha 'yong pangalan niya. Sayang..






Tapos na ang klase namin at naglalakad na kami ni Sarene pauwi. Kanina pa niya ako hinahampas-hampas nang pabiro dahil d'on sa lalaking kausap namin kanina. Hindi ko alam kung ano'ng mayr'on sa babaeng 'to at kilig na kilig d'on.


"Hoy, kalma nga! Kanina pa natin siya nakita, hindi maka-move on?" Sinamaan na naman niya ako ng tingin. Tae, hobby niyang bigyan ako ng masamang tingin kapag sinisira ko moment niya 'no?


"I can't calm! Isang Keazie Francisco 'yon! P'ano ako kakalma, aber?"


"Keazie? 'Yong sinasabi mong newest heartthrob ng campus natin? Siya 'yon?" Tumango siya nang tumango. Ewan ko. Pero wala akong reaksyon pagdating sa mga ganiyan. Oo, nagagwapuhan ako sa kanila pero hindi tumatagal ng ganiyan.


"Tigilan mo na nga 'yan. Tara na. Umuwi na tayo." Nagtaka naman siya sa inasal ko dahil hindi siya kaagad nagpadala sa hatak ko. Ewan. Nabadtrip ako bigla. Hindi naman ako pikon at mas lalong hindi ako nababadtrip ng walang dahilan. Hindi ako gan'on ka-abnormal.







Pag-uwi ko sa bahay ay nakaramdam ako ng pagka-dismaya. Dati rati, n'ong hindi ko pa alam na may Schizophrenia ako, maaabutan ko si Mama dito na nagluluto ng hapunan, tapos si Papa susunduin pa ako from school at kung nakaluluwag siya ay dadalhin niya muna ako sa mall para bumili ng mga kailangan ko pati na rin ng kapatid ko at ni Mama. Pero ngayon, ewan, hindi ko na alam kung bakit nag-iba. Ngayon, wala na akong naaabutang tao dito. Minsan mababalitaan ko na lang, pumunta silang mall, tapos palaging may uwing bagong gamit si Allen—kapatid ko. Hindi ko alam pero simula n'ong ma-kumpirmado na may Schizophrenia ako, parang nawalan ako bigla ng pamilyang masasandalan.



Napabuntong-hininga na lang ako sa kadramahan ko. Isinara ko ang pinto at tiningnan ang kaldero. Aray, walang kanin o ulam man lang. Chineck ko ang altar at aray ulit, walang iniwang pambili ng pagkain.


Ibinaba ko ang bag ko at umupo sa sofa. Kinuha ko ang wallet ko at nakitang singkwenta na lang ang laman ng wallet ko. Shocks, kakahingi ko lang kahapon. May babayaran pa ako bukas. Tapos bibili ako kanin at ulam?


Napa-iling na lang ako. Isinara ko ang wallet ko at itinapon ko sa bag ko. Hindi na lang siguro ako kakain ngayon.


Tumungo ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone sa mesa at humiga sa kama. Palagi kong iniiwan ang phone ko sa bahay kasi hindi ko naman siya nagagamit sa school. Wala naman akong icocontact at hindi rin naman nagtetext sa akin ang parents ko.


Binuksan ko ang mobile data at nagtaka nang may makitang nagchat sa akin sa Messenger. I have no other friends except for Sarene. Ni wala nga akong kachat dito maliban sa teachers, groupmates at sa kaniya.


Inistalk ko ang nagchat sa akin bago ko replyan. Chinese at two characters lang name niya sa Facebook. This person is a he. Wala siyang picture at wala rin siyang display photo, tanging shared posts lang ang makikita sa timeline niya. Hmm, suspicious.



凯齐
active now

Hi, Bianca. Nice to
meet you.

Excuse me?? Not being rude pero
sino ka?

I don't want to expose
myself. Saka na siguro,
kapag gusto mo na rin
ako.

Pfft, how can I like you if I don't
know you? Baka nga iblock pa
kita eh.

Hey, don't. Makikilala mo
rin ako. Masyado pa kasing
maaga para makilala mo ako.

I need to go. Thank you. I hope
that I can talk to you again, soon.

凯齐 has signed off.



Hindi pa rin ako maka-recover sa mga sinabi niya. Una, nakakagulat, pangalawa, hindi ko siya kilala. Pangatlo, I tried to translate his name pero nage-error lang. Hacker ba itong taong 'to?

I turned off my phone and kept thinking about it until I just felt that..

I fell asleep.






It's been two months and that anonymous guy is still pestering me. I tried to block him pero gumawa lang ulit siya ng new account kaya hinayaan ko na lang tutal wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Lagi na rin naming nakakasama ni Sarene si Keazie kaya ang gaga laging inspired mag-aral kasi lagi siyang tinuturuan ni Keazie.


At aaminin ko.


Nakakaselos



Hindi ko alam kung sa anong paraan ako nagseselos. Kung dahil ba lagi na lang kay Keazie nakatuon ang atensyon niya o dahil may nararamdaman na ako kay Keazie.

Ewan, magulo.


"Psh, tulala ka na naman. What are you thinking?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Keazie. He tapped my right shoulder kaya nagmukhang nakaakbay siya sa akin. May naramdaman akong kakaiba kaya agad akong tumayo mula sa bleachers at iniligpit ang gamit ko.


"Wala, baliw. Natulala lang may inisiip kaagad?" Prangka kong sagot habang nagliligpit. Bumaba naman siya mula sa bleachers at nakapameywang na nakatingin sa akin.

"Baka kasi nag-iimagine ka na naman ng kung ano-ano, tapos bigla kang gumawa ng kabaliwan, magkaroon pa ako ng kaibigan na baliw." Binato ko siya ng pencil case ko nang marinig ko ang word na baliw. Napaka-bully talaga nito kahit kailan, bwisit. Magkabukol sana siya, may stapler at puncher pa naman sa case ko.


Medyo na-bother naman ako sa sinabi niyang nag-iimagine na naman ako. Kung alam n'ya lang, palagi akong nagiimagine kapag napipikit ako. Mabuti na lamang at nandyan sila ni Sarene at ginigising ako.


Pero dahil mahina akong tao,


Hindi ko pa sinasabi sa kaniyang may Schizophrenia ako.



Why? I am too weak to tell him. Muntik na ngang madulas si Sarene sa kaniya, mabuti na lamang ay napigilan ko. I warned her not to tell him without my consent kasi magagalit talaga ako sa kaniya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, hindi niya ako tanggap kapag nalaman niya 'yon.


"Wait, where's Sar?" I asked. Bigla kasing nawala ang gaga, e kanina nakikipagharutan pa 'yon kay Keazie.

"Nag-CR. Una na tayo." He simply told me. Sumunod naman ako sa kaniya at kinuha ang bag ni Sarene. Kahit kailan talaga 'yon, burara sa gamit.

"Akin na 'yang bag mo." Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang bag ko at binitbit iyon. He's not that gentleman na bibitbitin ang bag naming dalawa ni Sarene kapag bitbit ang bag ng isa sa amin.


"Hoy, 'wag na. Magaan lang naman." Akma kong kukunin ang bag ko mula sa kaniya pero agad niya itong iniwas. Aish.


"Your bag is heavier than Sarene's. Just let me carry this, okay?" Wala na akong nagawa nang sabihin niya 'yon. Kapag kasi pinatulan ko pa, mapipikon lang 'yan tapos hindi mamamansin. Mahirap pa naman manuyo ng mas babae pa ang pagkatoyo kaysa sa 'yo.


Naglalakad kami patungo sa cafeteria nang biglang magsalita si Keazie. "Fuck, wait me inside. May kukunin lang ako sa library. 'Wag kayo aalis habang wala pa ako." He said with full of authority and parang nagmamadali siya kaya tumango na lang ako at hinayaan siyang makaalis.


Umupo ako sa pang-tatluhang table sa labas ng cafeteria. Masyado na kasing crowded sa loob at maingay kaya hindi na komportableng mag-stay pa r'on.


Habang naghihintay, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya agad ko itong dinukot mula sa aking bulsa at binuksan ito.


It was a message from the anonymous guy. Hays, nakalimutan ko nga palang magpatay ng mobile data kanina bago ako pumasok.

And yes, dinadala ko na ang phone ko sa school sa 'di ko malamang dahilan. May nag-urge sa akin na dalhin ito kaya nagpadala ako sa nagtulak sa akin, heto, araw-araw akong babad sa cellphone kapag tapos na ako sa mga ginagawa ko.



凯齐
active now

Good afternoon, love!
How's your day?

Ayos naman. Yours?

Nice, parehas tayo. Hm,
nag-snacks ka na ba?

Not yet. I'm still waiting
for Sarene and Keazie.

Are they dating?

Huh? Baliw. Hindi. Pero
si Sarene may gusto  yata
kay Keazie.

Eh ikaw? Do you like
him?

Hindi ko alam. Magulo. Feel
ko oo, feel ko hindi kapag kasama
ko si Sarene. Aish. Ewan.


Nang makita ko ang humahangos na paparating na si Keazie, pinatay ko ang data at in-off na ang phone ko. Sinilid ko itong muli sa bulsa ko at tiningnan siya. Pawis na pawis siya, tumakbo ba 'to?

"Bakit pawis na pawis ka? Ano'ng ginawa mo?" Tanong ko. Tumayo ako at binuksan ang bag ko saka kinuha ang towel ko. Iniabot ko iyon sa kaniya pero sinenyasan niya lang ako ng sandali, marahil hinahabol pa niya ang kaniyang hininga kaya ako na ang lumapit sa kaniya at pinunasan ang pawis niya.

Sakto namang dumating si Sarene at napatigil nang makita ako. Kinawayan ko naman siya at kumaway din siya pabalik pero visible sa mukha niya na nagulat siya. Slow akong tao kaya 'di ko alam kung ano'ng ipinapahiwatig ng reaksyon niyang iyon.

"Sakto dumating ka. Pabili nga munang tubig Sar, hetong baliw kasi na 'to pawis na pawis saka hinga na hingal." Dahan-dahan na lang siyang tumango at pumasok sa loob ng canteen. Ilang sandali pa ay dumating siya bitbit ang isang bote ng tubig.

I thanked her then gave it to Keazie. "Inom. Ubos dapat 'yan." I told him with full of authority. Bawal kasing hingalin nang sobra si Keazie dahil ayon sa Mama niya, baka atakihin siya sa puso. Kaya alagang-alaga kami sa kaniya.

Inilipat ko ang pagpupunas sa likuran niya. Ipinasok ko ang kamay ko sa shirt niya at pinunasan iyon. Potek, basang-basa ang likod niya!

Hinalungkat ko ang bag niya at mabuti na lamang at may nakita akong spare na t-shirt niya. Kinuha ko iyon at iniabot sa kaniya.

"Palit. Bilis." Wala pang sampung segundo ay nakapagpalit na siya. Tsk, masunurin naman pala.

Kinuha ko ang extra na towel sa bag ko at inilagay iyon sa likod niya. Jusme, para kaming mag-nanay dito! Nakakahiya pala!

Nang makaramdam ako ng pagkailang dahil humarap siya at ang lapit-lapit namin sa isa't-isa, bumalik na ako sa kinauupuan ko pero nagulat ako nang wala na r'on si Sarene. Nasaan na naman 'yon? Alis nang alis ng walang paalam, tsk.

Akma na sana akong uupo nang bigla akong hatakin ni Keazie palapit sa kaniya at niyakap ako patalikod. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya at ang mainit niyang hininga sa aking balikat.

"I don't know if this is still right. But I can't hold it anymore, Bianca." Damn, heto na ba? Mapapaamin na rin ba ako? Fuck.




"Bianca Gadacho, I'm sincerely telling you that, I, Keazie Francisco, will court you, whether you like it or not." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kumakalas ako sa kaniyang pagkakayakap pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayapos niya sa akin.

But wait.

Did he just...

Confess?






Isang buwan na ang nakalipas simula n'ong mangyari iyon. He became sweeter. At aaminin ko, unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya. Who wouldn't? Instead of flowers, lagi niya akong binibigyan ng handwritten letters, minsan nga, naka-baybayin pa.

Kapag naman nag-aaway kami, aalayan niya niya ako ng mga tula niya o minsan kakantahan pa. Pero alam ko sa sarili ko na hindi 'yon ang dahilan kung bakit nahuhulog ako sa kaniya.

Basta isang araw nagising na lang ako na, may nararamdaman na rin pala ako para sa kaniya, at hindi iyon simpleng paghanga na lang.

Pero sa kabilang banda, naging mailap na sa akin si Sarene. Minsan na lang siya sumama sa amin dahil mas pinipili niyang makasama 'yong mga bago niyang kaibigan na sa unang tingin pa lang, mahahalata mong hindi mabuti ang ugali nila.

'Yong anonymous guy, tumigil na rin sa pagchachat sa akin simula n'ong maikwento ko sa kaniyang nililigawan na ako ni Keazie. Hindi ko na siya nakikitang online pa. Ni hindi ko man lang nalaman ang totoo niyang pagkatao bago siya mawala.


"Hey, milady, sorry for making you wait. What's your order?" Napangiti ako nang biglang sumulpot si Keazie sa harapan ko. Bakit ang gwapo ng future boyfriend ko?

I scanned the menu and mukhang mapaparami ako ng kain.

"Mocha Cookie Crumble Frappuccino, Chicken Sausage and Bacon Biscuit, Lemon Crunch Yogurt Parfait and Vanila Biscotti with Almonds." Kinuha ko ang wallet ko at nag-bigay ng cash sa kaniya. Nagdalawang-isip siya kung kukunin niya pero nang tingnan ko siya ng masama, wala siyang choice kun'di kunin 'yon.

Ayoko kasi ng siya ang gagastos parati para sa aming dalawa kapag kakain kami. Kapag kaya kong magbayad, magbabayad ako ng parte ko. Hindi kasi ako sanay ng inililibre ako.

"Gutom ka ba?" Tumango ako nang dahan-dahan kaya natawa kami parehas. Kapag kakain kasi kami, kaunti lang ang kinakain ko. Ewan ko kung ano'ng sumapi sa akin para kumain nang marami ngayon.


10 minutes had passed before our foods arrived. Agad ko itong nilantakan at binatukan ko naman ang nasa harapan ko dahil nakatitig lang siya sa akin habang nagpipigil ng tawa.


Ngayong araw ay pupunta kami sa amusement park, at ngayon, balak ko na siyang sagutin.

Pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa amusement park. Nagulat ako dahil naka ride all you can pala ang ticket namin. Sinimulan namin sa moderate rides gaya ng carousel. Nang maghapon naman ay d'on kami sumabak sa extreme rides. Roller coaster, space shuttle, drop tower, twister, at vikings.

Natawa pa nga ako dahil 'di pala sanay 'to sa extreme rides. Nagkanda-suka suka siya kada ride namin. Sabi ko nga kumain na lang kami after namin sa drop tower pero sige lang daw, lubusin na raw namin tutal birthday ko naman daw. Kaya ayon, pinagtripan ko siya pero nang makita kong namumutla na siya, dumiretso na kami sa isang kainan.


"You okay love?" I asked. Hindi ko siya tinatawag sa gan'on pero wala lang, sasanayin ko lang sarili ko haha.

Halata namang nagulat siya sa tinawag ko sa kaniya. 'Yong maputla niyang mukha kanina, naging mapula. I made Keazie Francisco blushed!

"Did you just call me, 'love'?"

"Huh? You're just imagining things, Keaz." Pagmamang-maangan ko. Don't worry love, mamaya, hindi ka na mag-iimagine dahil lahat ng malalaman mo, totoo na.


Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa huling ride—ang ferris wheel. Many people says na romantic daw dito. Pakiramdam ko cliché pero why not try it, right?

Sumakay kami sa isang cubicle na ibang-iba sa lahat ng cubicle sa ferris wheel. Mas malaki ito at kulay ginto. Alam n'yo 'yong sa Cinderella? 'Yong sinakyan niya patungo sa castle? Parang gan'on ang hitsura. Pero ito, mahahalata mong exclusively for couples talaga.


Pagpasok namin ay isang table for two ang nakita namin. Romantic candlelight dinner for the two of us, wow.

May pagkain na ring nakaprepare at may mga balloons saka  puso sa paligid. Basta ang romantic ng place.

We held each other hands then sat properly. Kinain namin kung ano'ng nakahanda at nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay. But when we reached the top..

Kinuha ko ang kamay niya at itinayo siya. Ngumiti ako sa kaniya at nang marinig ang tunog ng fireworks sa labas, ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi bago yagkan nang mahigpit.


"I, Bianca Gadacho, is now considering herself as Keazie Francisco's girlfriend. I love you so much, love. And yes, you're not imagining things anymore." I felt him frozen when I said those words. I felt a tear fell to my shoulder. Omg, my baby's crying tears of joy!


Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. We smiled from ear to ear at inilapit ang mukha namin sa isa't-isa. We kissed each other passionately then exchanged our I love you's.

And suddenly...

Everything went black.





"She's awake!" Nagising ako sa halo-halong boses na naririnig ko. Unti-unti kong idinilat ang mata ko at nakita ko ang sarili ko na nasa isang ospital. May mga nurse at doktor sa paligid ko at para bang iniintay nilang magising ako.


"Na..Nasaan si..Keazie?" Mahina kong tanong. Masakit ang katawan ko pati na rin ang mata ko. Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi makapagsalita nang maayos.

Nagkatinginan sila. "Do you remember anything?" Umiling ako. Ang alam ko lang nasa ferris wheel kami ni Keazie, d'on ko siya sinagot ng oo, pero pagkatapos n'on, wala na akong maalala.


Sinenyasan ng doktor ang mga nurse na lumabas. Nang bumuti ang pakiramdam ko ay dahan-dahan akong bumangon at umupo. Tinanggal ng doktor ang kaniyang surgical mask at nagulat ako nang makita ang aking ama.


"Pa? Bakit nasa ospital ako? Kailan ka pa naging doktor?" Tankng ko. Nginitian niya ako, pero 'yong ngiting iyon, alam kong hindi siya masaya.


"Oo nga pala, where's Keazie? Kailan pa ba ako nandito?"


"Let me tell you everything. Don't panic, okay?" I nodded—but I can't promise, that I won't panic.


"Anak, you're in a coma for almost five months. 'Di namin alam kung p'ano, not until a scientist gave us a machine that can pass through your dreams. You experienced Schizophrenia for five months, Bianca. While you're asleep, we're watching your dreams. How did you made your imaginary friend, and a boyfriend in there. That anonymous guy? We knew that person. But I won't tell you of this person is a he or a she. Listen, please don't panic that all of those happy memories were just a dream. You can experience that in real life sweetie, but.. not in the same situation like that.."

Habang sinasabi niya iyon, namanhid ang buong katawan ko pero alam ko sa sarili ko na umiiyak ako dahil sa lungkot at sa sakit. Hindi ko inakalang, hindi totoo si Sarene, hindi totoo si Keazie, hindi totoong nanligaw siya sa akin. Hindi totoong sinagot ko siya. Hindi totoong nagkaroon ako ng kaibigan. Hindi totoong naging masaya ako.

Kasi lahat ng iyon, epekto lang ng sakit na mayroon ako.

I closed my eyes.

I thought that was real.


The only real thing that happened in my imaginary world is..

I have Schizophrenia.

And that ruined my happiness.





Note: Sorry guys ang lame. I tried to write again after months dahil may naging inspirasyon ako, hi vice president! Haha. So naging lame na 'yong ending kasi tinamad na ako magsulat at masyado na siyang mahaba. The word count is 4.2K yata? I'm not sure basta gan'on, hahaha. I dedicate this story to my bestfriend, Betina Bianca Gadacho! Here's your story!

Continue Reading

You'll Also Like

86.8K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
84.4K 3.6K 93
The head admin of a popular Facebook page found himself scrolling through the messages of their page, and accidentally opened a conversation from Jew...
416K 15.9K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
83.3K 110 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂