Ang Tadhana ni Narding 3: LEA...

By Ai_Tenshi

172K 12.5K 1.4K

Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 202... More

LOA NOTE:
LOA Part 1: Balik tanaw
LOA Part 2: Portal
LOA Part 3: Ang Entablado ni Jorel
LOA Part 4: Bagong Bisita
LOA Part 5: Gene at Asis
LOA Part 6: Siyam na Trono
LOA Part 7: Makabagong Panganib
LOA Part 8: Ang Puting Van
LOA Part 9: Gutom
LOA Part 10: Haplos ni Bart
LOA Part 11: Liwanag
LOA Part 12: Susi
LOA Part 13: Susi ng Teknolohiya
LOA Part 14: Mahalagang Talaan
LOA Part 15: Isla ni Duran
LOA Part 16: Ang Limang Anghel
LOA Part 17: Akashic Record 1
LOA Part 18: Akashic Record 2
LOA Part 19: Liga ng mga Anghel
LOA Part 20: Sagradong Sandata
LOA Part 21: Ang Simula ng Misyon
LOA Part 22: Sayaw ng Panganib
LOA Part 23: Bortang Pang kalawakan
LOA Part 24: Ugigi
LOA Part 25: Ang Lihim ni Rexus
LOA Part 26: Kawal
LOA Part 27: Sagradong Sinulid
LOA Part 28: Luha sa likod ng Ngiti
S2 NOTE:
LOA S2 Part 29: Ang Agnas na Mundo
LOA S2 Part 30: Mahunaya
LOA S2 Part 31: Sugo ng Dilim
LOA S2 Part 32: Sugo ng Dilim 2
LOA S2 Part 33: Lakas sa Lakas
LOA S2 Part 34: Senbon
LOA S2 Part 35: Sagradong Sandata ni Senbon
LOA S2 Part 36: Ang Imortal na Diyos
LOA S2 Part 37: Doktor
LOA S2 Part 38: Kriminal ng Kalawakan
LOA S2 Part 39: Prince Disector
LOA S2 Part 41: Makasalanang Halik
LOA S2 Part 42: Kamandag ng Nakalipas
LOA S2 Part 43: Trono
LOA S2 Part 44: Itinalagang Pag kakamali
LOA S2 Part 45: Utak
LOA S2 Part 46: Kakamping Baliw
LOA S2 Part 47: Taga Pag mana
LOA S2 Part 48: Walang Hanggang Talino
LOA S2 Part 49: Paraiso ng Tuakatung
LOA S2 Part 50: Pag lalakbay
LOA S2 Part 51: Guhit
LOA S2 Part 52: Pag papala
LOA S2 Part 53: Si Lua, Enoch at Enki
LOA S2 Part 54: Kapatid, Pangako, Pag kabigo
LOA S2 Part 55: Sagradong Buhay
LOA S2 Part 56: Pag kakamali ng Nakaraan
LOA S2 Part 57: Ang Hari ng Karagatan
LOA S2 Part 58: Masalimuot na Pag tatagpo
LOA S2 Part 59: Agwat ng Lakas
LOA S2 Part 60: Adhikain ng Diyos
LOA S2 Part 61: Ang Tungkod ni Enki
LOA S2 Part 62: Ang Kataas taasang Ama
S3 NOTE:
LOA S2 Part 63: Sa Piling ng Minamahal
LOA S3 Part 64: Ang Karanasan ni Nai
LOA S3 Part 65: Kable
LOA S3 Part 66: Ang Dalawang Ama
LOA S3 Part 67: Masayang Araw
LOA S3 Part 68: Buod
LOA S3 Part 69: Pangamba
LOA S3 Part 70: Fans Day
LOA S3 Part 71: Mahiwagang Mundo
LOA S3 Part 72: White Beki sa Karagatan
LOA S3 Part 73: Nag iisang Minamahal
LOA S3 Part 74: Katok
LOA S3 Part 75: Itim na Narding
LOA S3 Part 76: Wanted
LOA S3 Part 77: Para sa Kapayapaan
LOA S3 Part 78: Mga bagong bayani
LOA S3 Part 79: PH Warriors
LOA S3 Part 80: PH Warriors 2
LOA S3 Part 81: Kalaban sa Ulap
LOA S3 Part 82: Ang Dalawang Nardo
LOA S3 Part 83: Ang Tanging Kabutihan
LOA S3 Part 84: Pylo
LOA S3 Part 85: Bahaghari
LOA S3 Part 86: Bahaghari 2
LOA S3 Part 87: Hyper Mode
LOA S3 Part 88: Ang Tanging Anak
LOA S3 Part 89: The Gate Of Babylon
LOA S3 Part 90: Para sa Ama
LOA S3 Part 91: Dasal ni Isayas
LOA S3 Part 92: Ang Gintong Liwanag
S4 NOTE:
LOA S4 Part 93: Ang Bagong Mundo
LOA S4 Part 94: Kulto
LOA S4 Part 95: King Borta
LOA S4 Part 96: Madilim na Mundo
LOA S4 Part 97: Tanglaw
LOA S4 Part 98: Decode
LOA S4 Part 99: Ang Simula ng Wakas
LOA S4 Part 100: Natatanging Alyansa
LOA S4 Part 101: Ang Paraiso sa Buwan
LOA S4 Part 102: Umakaku
LOA S4 Part 103: Anum
LOA S4 Part 104: Lakas ng Pag kakaisa
LOA S4 Part 105: Parusa ng Ama
LOA S4 Part 106: Jenov
LOA S4 Part 107: Natatanging Teknolohiya
LOA S4 Part 108: Flail
LOA S4 Part 109: Sagradong Katawan
LOA S4 Part 110: Huling Hapunan
LOA S2 Part 111: Propesiya
LOA S4 Part 112: Rajal
LOA S4 Part 113: Ang Kapayapaan ng Puso
LOA S4 Part 114: Mahalagang Paraiso
LOA S4 Part 115: Lupain ng Anghel 1
LOA S4 Part 116: Lupain ng Anghel 2
LOA S4 Part 117: Ang Huling Mandirigma
LOA S4 Part 118: Ang Pinaka Malakas na Sandata
LOA S4 Part 119: Pakpak
LOA S4 Part 120: Anghel (WAKAS)

LOA S2 Part 40: Medikal at Teknolohiya

1.3K 97 4
By Ai_Tenshi

Chiba Yudai as Ace

*******

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 18, 2019

Mukha tama si Kuya Cyan, ang kalaban namin ay baliw. Mabuti nalamang dahil espesyal rin ang kakayahan ng natapat sa kanya. Kahit ilang beses na niyang nahiwa si Kuya Bart ay bumabalik pa rin ang katawan. Samantalang ang hari naman ng Araknia ay may kakayahang mag regenerate ng mabilis.

At ako ay nag tataglay ng bakal na buto na may mataas na teknolohiya, hindi agad ito mapuputol..

Ngunit sa palagay ko ay hindi pa rin magiging madali ang lahat lalo't ang aming kalaban ay isang kriminal na pinaka wanted sa buong kalawakan.

Part 40: Medikal at Teknolohiya

ACE POV

"Nakakatuwa at marami kang baon bata." ang wika niya habang naka harap sa akin.

"Maliit na bagay. Bakit kailangan ninyong wasakin ang mga planeta sa kalawakan? Bakit hindi niyo nalang kami hayaang mabuhay ng payapa?" tanong ko.

"Dahil iyon ang nais ng aming kataas taasang ama. Ang mga planetang walang kwenta katulad ng bituing ito ng Apasha ay nakatakdang mabura. Naalala ko pa noon, mapayapa ang pamumuhay ng mga nilalang dito bilang pangunahing nag susupply ng halamang gamot sa mga manlalakbay. Ngunit sa kabila ng katahimikan at kaligayahan iyon ay parami ang kanilang populasyon. Tila yata naligayahan rin silang mag parami ng husto kaya't naubos ang kanilang supply, nag hirap ang buong planeta. Naawa sa kanilang ang kataas taasang ama kaya nag desisyon siya na ipadala ako sa lugar ito sampu ng aking mga hukbo upang patayin ang lahat. Lalo na ang mga bata at sanggol na tiyak mag hihirap lang sa kanilang pag laki.

Parang isang magandang pelikula ang pang yayaring iyon. Isang gabi habang payapang natutulog ang lahat ay pinawalan ko ang nakalalasong gas na sumira at pumatay sa kanilang mga katawan. Halos hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang kanilang mga sigawan dahil sa takot. Isang magandang musika iyon sa aking pandinig. Biruin mo, kung dati ay isa o dalawang nilalang lamang ang pinapatay ko, ngayon ay isang buong planeta na. At ayon dito sa aking listahan ay ang planetang Earth ang susunod naming wawasakin." ang wika niya sabay tawa ng malakas.

"Kaya nga sa halip kunin namin ang sagradong sandata sa iyo ay nag pasya kaming patayin ka nalang namin. Siguro ay mas mainam iyon upang hindi na magdagdagan pa ang mga nilalang na papatayin mo." ang diretso kong salita dahilan para matawa siya.

"Huwag kang mag biro ng ganyan. At para sabihin ko sa iyo wala akong sagradong sandata, tanging matalinong utak lamang ang mayroon ako at iyon ang pinaka malakas na sandata sa lahat. Alam niyo ba na kung ako ang nag engineer sa inyong mga taga Earth ay baka mas matatalino kayo, mas malalakas at mas malalaki ang utak. Ewan ko ba naman kay Rashida kung bakit ginawang maliit at mang mang ang inyong mga utak. Ang likhain kayo ayon sa wangis niya ay malaking bagay na ngunit pati ba naman utak niya ay ginawa rin niyang basehan? Tingnan niyo ang kinahitnan ang inyong planeta, nahuli na ito at salat sa teknolohiya." sagot niya.

"50 taon mula ngayon ay sisibol ang talino ng tao sa aming planeta at iyon ang simula ng pag hahari nito sa kalawakan. Maaaring maliit nga aming utak ngunit batid kong hindi pa lamang nabubuksan ang tunay na abilidad nito. Ang aming utak ay hindi palang pang emosyon, pang galaw o para sa memorya, marami pang kakayahan ang naka himlay sa bawat ugat nito na hindi pa nabubuksan ng tao. Sa oras na mabuksan ang mga abilidad na iyon ay mag sisimula na ang pagiging halimaw ng aming planeta. Matalino ang Diyos na gumawa sa Earth dahil binalanse niya ang utak at pag iisip ng mga nilalang upang hindi mag ugat sa pag kasira." ang sagot ko rin.

"May isang sikretong parte sa utak ng mga nilalang na kung tawagin ay outer core, iyon ang pinag mumulan ng lakas at kakayahan ng mga nilalang sa iba't ibang planeta. Sa inyong lumang kasulatan, ang nag simula ang talino ng tao sa isang paraisong hardin na kung tawagin ay "Garden Of Eden". Isang magandang paraiso na may mga hayop, puno at kung ano ano pa, iyon ang pinapakita sa mga larawan sa iba't ibang sagradong pahina ng inyong aklat. Dito namulat ang sinaunang nilalang at nag karoon ng kaalaman. Pero alam mo ba ang katotohanan sa likod ng hardin na iyon? Ang katotohanan na hindi talaga ito isang paraiso o hardin kundi isang laboratoryo kung saan ginagawa ang mga nilalang para ilagay sa mundo.

Sa makatuwid ay hindi totoo ang paraiso, hindi totoo ang mansanas ito ay mga simbolismo lamang na ginamit upang itago ang katotohanan tungkol sa inyong pinag mulan. Ang kaalaman na itinurok sa inyong maliliit na utak ay ang simbolismo mansanas na sinasabing katalinuhan. Kayo ang produkto ng mga genetical experiment naming mga Diyos, kayo ang aming mga kakatwang likha. At ngayon, nalulungkot ako dahil kayong aming mga ginawa lamang ang siyang kumakalaban sa amin." ang wika niya.

"Dahil iyon sa aming maliit na utak. Nag karoon kami ng kaalaman upang tukuyin ang panganib, upang iwasan ang delikado, upang pag yamanin ang mabuti at upang wakasan ang kasamaan. Ang isanasabi mong maliit na utak ay mas malaki pa sa inyong inaasahan LOLO!" ang sagot ko sabay hagis ng bomba sa aking paligid. "Akala mo ba ay hindi ko nakikita ang mga imbisibol na karayom sa aking paligid. Ay bawat karayom ay nag lalaman ng propofol, etomidate, isoflurane, benzodiazepines, midazolam at lorazepam na ginagamit sa anesthesia at kapag sumobra ito ay maaaring mag dulot ng tuluyang pag kaparilisa sa katawan. Sabihin mong maliit ang aking utak?"

Dito ay isa isang sumabog ang kanyang mga patibong habang nag uusap kami. Maya maya ay nag liwanag ang aking katawan dito ay isa isa ring sumabog ang mga invisible na bombang kasing laki lang ng micro organism na naka palibot sa kanyang katawan.

Sinabugan siya dahilan para mawala ito sa balanseng pag lutang sa ere gamit nag levitation. "Dayaan lamang ang nang yari ginoo, nadetect ng aking system na ikaw ay nag kakalat ng mga karayom sa aking paligid habang tayo ay nag uusap kayang bilang pang counter ay nag kalat rin ako ng mga bombang mikrobyo sa iyong paligid at maaari ring sa iyong katawan." ang wika ko sabay "BANG!"

Napahinto ang doktor at dito ay sumabog ang kanyang mga kalamanan, braso, hita at dibdib..

Napaluhod siya at napasuka ng dugo. "Magaling, teknolohiya laban sa aking medikal na kaalaman. Ngunit nakalimutan mo ba ako ay isang doktor?" ang wika niya at dito ay nakita ko nalang na may tumutulong dugo sa aking braso.

Dito ay napansin kong maraming karayom ang nakatarak sa akin. At kanina pa pala niya dina-disect ang aking braso! Agad ko itong pinsabog at inalis sa aking balat. Wakwak ang aking balat braso na parang tinuklap.

Tumayo ang doktor at nag labas ang isang karayom na may pisi at dito ay walang anu ano'y tinahi niya ang kanyang mga nabiyak na laman dulot ng pag sabog sa loob ng kanyang katawan. "Isa kang Android, ang iyong mga buto ay makina at ang iyong mga lamang loob ay artipisyal. Hindi ko akalaing may ganitong teknolohiya sa inyong planeta." ang wika niya habang abala sa pag tatahi sa kanyang braso. Samantalang tinalian ko naman aking sugat at pansamantalang pinatigil ang pag tagas ng dugo dito.

Makalipas ang ilang saglit ay natapos niya ang pag tatahi sa orihinal na structure ng kanyang cells. Muli siyang tumingin sa akin at inilabas ang kanyang maliit na kutsilyo. Hinagis niya ito sa ere at biglang dumami ito. Ang lahat sumibat ng lipad patungo sa akin. "Hayaan mong pag eksperimentuhan kita. Hindi mo ito mararamdaman hijo!" ang sigaw niya.

Habang mabilis na lumilipad ang mga patalim sa aking harapan ay biglang sumulpot dito sa kuya Cyan. Nag liliyab ang kanyang buong katawan. Huminga ito ng malalim at bumuga ng lava dahilan para matunaw ang mga patalim.

Lumundag rin si Kuya Bart sa likuran ng kalaban at dito ay gumapang ang daan daang ahas. Ang bawat isang ahas ay nag bubuga ng mga maliliit ng patalim na umasinta sa doktor na baliw.

Naging magulo ang buong paligid. Nag lalawa ng kumukulong lupa at putik, mayroon ring nag liliparan na patalim. At mga ahas na paulit ulit na sumisibat sa ere. Walang malamang gawin ang kalaban sa pag iwas.

Maya maya ay nag liwanag ang mga ahas, ang sama sama ito at naging isang higanteng sawa. Bumukas ang bibig nito at mula sa bibig ay lumabas ang mas malalaking patalim na sumagupa sa doktor. Lumundag ang hari sa ulo ng sawa at dito muli itong bumuga lava dahilan para yumanig at mas lalong mawasak ang buong paligid.

Sinagupa ng kalaban ng atakeng iyon na parang baliw. "Iyan ang gusto Cura! Iyan ang nais kong makamtan!!" sigaw niya.

Natupok ang katawan ng doktor. Pero maya maya ay nahati rin ang sawa sa dalawa at natigil ang pag atake. Dito ay nakita kong natuklap muli ang balat at laman ni Kuya Cyan noong makalapit sa kanya ang kalaban pero bago pa tuluyang mapurohan ay naka iwas at bumagsak sa aking tabi.

Mayroon siyang malaking hiwa sa balikat pababa sa kanyang braso. Pinahilom nito ngunit bahagya lang sumara dahil talaga malaki at malalim ng pag kakatarak ng patalim.

"Hindi tapos!" ang sigaw niya sabay takbo patungo sa amin. Dito ay mabilis rin na nag tatakbo si Kuya Bart sa aming kinalalagyan. Humaba ang kanyang kamay at naging ahas, pumalibot ito sa katawan ng doktor. Lumigkis ito at walang ano ano'y sinakmal ang ulo ng kalaban.

Pero maya maya ay naputol ang braso ni Kuya Bart. Dahilan para makawala ang kalaban mula sa kanyang pag kakagapos..

"Masyadong mabilis ang kanyang kamay. Hindi ko namamalayang nahihiwa ang aking mga kalamnan." ang wika nito

"Hindi direktang dumidikit ang kanyang kutsilyo sa ating katawan. Ginagamit niya ang pwersa ng hangin para maging cutter na tumatama sa ating balat." ang sagot ng hari sabay pakita ng kanyang mga hiwa na hindi pa nag hihilom. "Tama lang siguro na tayo ang nakaharap niya. Ang isang nilalang na walang regenaration skills ay maagang mamatay sa kanyang kamay."

Tumubo ang braso ni Kuya Bart bumalik ito sa normal. "Tinatahi nanaman nya ang kanyang sarili."

"Iyon ang paraan ng kanyang pag hihilom." sagot ko habang naka tanaw sa kalaban.

Halos lahat kami ay sugatan na, puro laslas ang aming mga balat at hindi lang ito ordinaryong hiwa dahil nabibiyak ang aming laman at babawasan ito na parang tinatapyas na karneng baboy.

"Tatlo pa kayo niyan, huwag niyo sabihing hirap kayo? Bakit di kayo makalapit sa akin?" ang tanong niya habang naka ngisi.

Lumakad si Kuya Bart patungo sa kanya. "Ang taga pag mana ni Cura, sabihin mo sa akin Bart, nalimutan mo na ba ang ginawa mong pag tataksil kay Narding? Kung sa bagay masarap makipag talik lalo na kung sa katulad ni Serapin na mahusay at todo bigay." ang wika niya na may halong pang iinsulto.

"Matagal ko nang kinalimutan ang mga bagay na iyan." sagot ni kuya Bart at dito ay nag liwanag ang kanyang katawan. Mula sa lupa ay lumabas ang isang higante at kulay puting sawa na mayroong kaliskis na parang mga patalim. Kakaiba ang anyo nito dahil dalawa ang ulo ng ahas at parehong armado ng kakaibang armas.

Maya maya ay nag liwanag rin ang katawan ng Haring si Cyan. Naliyab ang suit kaya't naalis nang tuluyan ang kanyang pang itaas na saplot. Ang kanyang kinatatayaun ay nag babaga sa sobrang init. At habang lumalakad ito patungo sa kalaban ay lumabas sa kanyang kamay sa isang malaking palakol, isinampay niya ito sa kanyang batok. Sa kada hakbang na kaniyang ginagawa ay nasusunog ng husto ang lupa.

"Ace, ipahinga mo ang katawan mo. Kami muna ang bahala sa baliw na ito." wika ni Kuya Bart at talaga seryoso na silang itumba ang kalaban.

Sa kumpas ng kamay ni kuya Bart ay nag simulang kumilos ang dambuhalang sawa na dalawa ang ulo. Ang isang ulo ay bumubuga ng malakas na enehiyang sumisira sa paligid. At ang isa naman ay may parang armalite sa bibig at walang humpay itong nag papa ulan ng bala sa kalaban.

Mabilis kumilos ang doktor, halos umuulan ng patalim, mga karayom at matatalim na bagay na pang opera sa buong paligid. Sinagupa nito ang mga balang lumilipad sa kanyang direksyon.

Nag pakita rin ang matinding lakas ang hari ng Araknia, kitang kita ko ang pang sindak sa mata ng doktor noon ihampas nito ang kanyang nag aapoy na palakol sa kalaban. Halos mawasak ang mga bundok at mga punong natuyo sa paligid, humukay rin sa lupa at nag iwan ng malaking butas ang pag tama nito.

Naging magulo ang buong paligid, halos naging abo na ang buong bayan dahil sa kalabanan nilang tatlo. Kahit pinag tulungan nila kuya Bart ang kalaban ay nakikita pa rin na hirap sila lalo't kulang nalang ay maputol ang kanilang mga braso sa tuwing aatake ang kalaban at makakalapit sa kanilang kinalalagyan.

Tuloy ang pag sabog, tuloy ang pag yanig. Halos dumadagundong ang pag hampas ng sawa sa paligid. Masyado rin ang sira na ibibinibigay nito sa tuwing aatake sa tusong kalaban.

Makalipas ang matagal na pag iwas ay nag labas ng kakaibang awra ang kalaban at mula sa kanyang kamay ay lumabas ang isang higanteng hirringilya o syringe.

Hinila niya ang pinaka plunger nito at dito ay sinisipsip ang lahat ng awra sa paligid, kabilang ang ibinubugang laser ng higanteng sawa. Hinigop rin niya ang apoy sa espaya ni Kuya Cyan.

Noong mapuno ang barrel ng naturang syringe ay mabilis niya itong itinarak sa lupa. At dito itinulak niya ang plunger nito na parang tinurukan niya ang lupa.

Sinisip ng lupa ang enerhiya at walang ano ay sumiklab ito at sumabog ng malakas na malakas. Parang isang atomic bomb na sumabog sa lupa at tumaas ang impact hanggang sa itaas. Malaki ang sakop nito kaya naman pati ako ay tinanggay na rin. Lahat ng nakatayo sa paligid ay binura ng pag sabog. Tumilapon ang katawan nina kuya Bart at Cyan sa malayo. Ang higanteng sawa ni kuya Bart ay sumabog rin at nawalang parang bula.

Ilang minuto ring nag liliwanag ang buong paligid bago tuluyang humupa ang pag sabog. Dito ay tumambad sa aming mga mata isang higanteng hukay dulo ng pag atakeng iyon. Parang naging disyerto ang paligid at wala na rin kahit anong nakatayo dito maliban sa baka ng pag malalakas na pag yanig.

Agad na bumangon sina kuya Bart at kuya Cyan mula sa pag kakasadsad sa lupa. Dito ay may napansin kong isang kakaibang pisi at karayom na nakatarak sa kanilang mga sintido. "Kuyaaaa huwag kayong gagalaw! May naka kabit sa inyo mga ulo!!" ang sigaw ko.

Dito ay nakita nilang mayroon nang kung anong nakatarak sa kanilang mga ulo, sinubukan nila itong alisin ngunit matindi ang pag kakapakat. "Ano to?!" ang sigaw ni Kuya Bart.

Mula sa makapal na usok ay lumabas ang doktor. "Isang espeyal na brain scanner, gusto kong idisect ang inyong utak, ang inyong mga memorya. Alam niyo ba na mas interesado sa pag iisip ng isang nilalang kaysa kanyang lamang loob? Ngayon ay malalaman natin kung ano ang labis na kinatatakutan ninyong dalawa." ang wika ng doktor at dito ay ipinakita niya ang isang buton kung saan nakatugon ang dalawang wire na parang pisi na naka kabit sa karayom na nakatarak sa kanilang mga sintido.

Naka ngisi ang doktor at maya maya pinindot niya ang buton.

Gumapang ang kakaibang enerhiya sa pisi at noong marating ito sa karayom na nakatarak sa kanilang ay bigla na lamang silang nangisay at bumulagta sa lupa.

Nag "shutdown" ang katawan ng dalawa at kapwa namawalan ng malay. Pareho nakadilat pero walang buhay ang mata. Puti lang ang natira dito at walang kahit na anong senyales ng pag galaw1

Agad akong nag tatakbo para tulungan sila ngunit kahit anong gawin ko ay nananatili silang walang malay na parang isang laruang nawalan ng baterya.

"Anong ginawa mo sa kanila?" ang sigaw ko.

Natawa ang doktor. "Kaunting pag silip lang sa kanilang memorya ang aking gagawin. Huwag kang mag alala, magiging masaya ang ating laro pag katapos nito." sagot niya habang naka tawang demonyo.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

48.8K 3.2K 200
Kung nabasa mo na ang "I LOVE YOU SINCE 1892" o basta may alam ka lang sa story nato ay probably alam mo na ang point ng story na to. But don't ya wo...
15.3K 1.4K 53
Genre: Fantasy || Action
2K 146 48
Maging isang mahusay at magaling na seafarer! Yan ang pangarap ni Ice. At para maabot iyon, kelangan niyang makapasok sa MUP ang pinaka-popular na Ma...
146K 6.9K 75
Book 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang nagh...