Ang Tadhana ni Narding 3: LEA...

By Ai_Tenshi

172K 12.5K 1.4K

Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 202... More

LOA NOTE:
LOA Part 1: Balik tanaw
LOA Part 2: Portal
LOA Part 3: Ang Entablado ni Jorel
LOA Part 4: Bagong Bisita
LOA Part 5: Gene at Asis
LOA Part 6: Siyam na Trono
LOA Part 7: Makabagong Panganib
LOA Part 8: Ang Puting Van
LOA Part 9: Gutom
LOA Part 10: Haplos ni Bart
LOA Part 11: Liwanag
LOA Part 12: Susi
LOA Part 13: Susi ng Teknolohiya
LOA Part 14: Mahalagang Talaan
LOA Part 15: Isla ni Duran
LOA Part 16: Ang Limang Anghel
LOA Part 17: Akashic Record 1
LOA Part 18: Akashic Record 2
LOA Part 19: Liga ng mga Anghel
LOA Part 20: Sagradong Sandata
LOA Part 21: Ang Simula ng Misyon
LOA Part 22: Sayaw ng Panganib
LOA Part 23: Bortang Pang kalawakan
LOA Part 24: Ugigi
LOA Part 25: Ang Lihim ni Rexus
LOA Part 26: Kawal
LOA Part 27: Sagradong Sinulid
LOA Part 28: Luha sa likod ng Ngiti
S2 NOTE:
LOA S2 Part 29: Ang Agnas na Mundo
LOA S2 Part 30: Mahunaya
LOA S2 Part 31: Sugo ng Dilim
LOA S2 Part 32: Sugo ng Dilim 2
LOA S2 Part 34: Senbon
LOA S2 Part 35: Sagradong Sandata ni Senbon
LOA S2 Part 36: Ang Imortal na Diyos
LOA S2 Part 37: Doktor
LOA S2 Part 38: Kriminal ng Kalawakan
LOA S2 Part 39: Prince Disector
LOA S2 Part 40: Medikal at Teknolohiya
LOA S2 Part 41: Makasalanang Halik
LOA S2 Part 42: Kamandag ng Nakalipas
LOA S2 Part 43: Trono
LOA S2 Part 44: Itinalagang Pag kakamali
LOA S2 Part 45: Utak
LOA S2 Part 46: Kakamping Baliw
LOA S2 Part 47: Taga Pag mana
LOA S2 Part 48: Walang Hanggang Talino
LOA S2 Part 49: Paraiso ng Tuakatung
LOA S2 Part 50: Pag lalakbay
LOA S2 Part 51: Guhit
LOA S2 Part 52: Pag papala
LOA S2 Part 53: Si Lua, Enoch at Enki
LOA S2 Part 54: Kapatid, Pangako, Pag kabigo
LOA S2 Part 55: Sagradong Buhay
LOA S2 Part 56: Pag kakamali ng Nakaraan
LOA S2 Part 57: Ang Hari ng Karagatan
LOA S2 Part 58: Masalimuot na Pag tatagpo
LOA S2 Part 59: Agwat ng Lakas
LOA S2 Part 60: Adhikain ng Diyos
LOA S2 Part 61: Ang Tungkod ni Enki
LOA S2 Part 62: Ang Kataas taasang Ama
S3 NOTE:
LOA S2 Part 63: Sa Piling ng Minamahal
LOA S3 Part 64: Ang Karanasan ni Nai
LOA S3 Part 65: Kable
LOA S3 Part 66: Ang Dalawang Ama
LOA S3 Part 67: Masayang Araw
LOA S3 Part 68: Buod
LOA S3 Part 69: Pangamba
LOA S3 Part 70: Fans Day
LOA S3 Part 71: Mahiwagang Mundo
LOA S3 Part 72: White Beki sa Karagatan
LOA S3 Part 73: Nag iisang Minamahal
LOA S3 Part 74: Katok
LOA S3 Part 75: Itim na Narding
LOA S3 Part 76: Wanted
LOA S3 Part 77: Para sa Kapayapaan
LOA S3 Part 78: Mga bagong bayani
LOA S3 Part 79: PH Warriors
LOA S3 Part 80: PH Warriors 2
LOA S3 Part 81: Kalaban sa Ulap
LOA S3 Part 82: Ang Dalawang Nardo
LOA S3 Part 83: Ang Tanging Kabutihan
LOA S3 Part 84: Pylo
LOA S3 Part 85: Bahaghari
LOA S3 Part 86: Bahaghari 2
LOA S3 Part 87: Hyper Mode
LOA S3 Part 88: Ang Tanging Anak
LOA S3 Part 89: The Gate Of Babylon
LOA S3 Part 90: Para sa Ama
LOA S3 Part 91: Dasal ni Isayas
LOA S3 Part 92: Ang Gintong Liwanag
S4 NOTE:
LOA S4 Part 93: Ang Bagong Mundo
LOA S4 Part 94: Kulto
LOA S4 Part 95: King Borta
LOA S4 Part 96: Madilim na Mundo
LOA S4 Part 97: Tanglaw
LOA S4 Part 98: Decode
LOA S4 Part 99: Ang Simula ng Wakas
LOA S4 Part 100: Natatanging Alyansa
LOA S4 Part 101: Ang Paraiso sa Buwan
LOA S4 Part 102: Umakaku
LOA S4 Part 103: Anum
LOA S4 Part 104: Lakas ng Pag kakaisa
LOA S4 Part 105: Parusa ng Ama
LOA S4 Part 106: Jenov
LOA S4 Part 107: Natatanging Teknolohiya
LOA S4 Part 108: Flail
LOA S4 Part 109: Sagradong Katawan
LOA S4 Part 110: Huling Hapunan
LOA S2 Part 111: Propesiya
LOA S4 Part 112: Rajal
LOA S4 Part 113: Ang Kapayapaan ng Puso
LOA S4 Part 114: Mahalagang Paraiso
LOA S4 Part 115: Lupain ng Anghel 1
LOA S4 Part 116: Lupain ng Anghel 2
LOA S4 Part 117: Ang Huling Mandirigma
LOA S4 Part 118: Ang Pinaka Malakas na Sandata
LOA S4 Part 119: Pakpak
LOA S4 Part 120: Anghel (WAKAS)

LOA S2 Part 33: Lakas sa Lakas

1.3K 109 5
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Tumilapon ang aking katawan sa lupa at bumaon ako dito na parang isang mabigat na bagay..

"Paano ba iyan? Hindi mo kinaya.." ang wika niya sa aking itaas.

Natawa rin ako.. "Iyon ang akala mo." ang sagot ko at dito ay laking gulat niya ng biglang mag crack ang kanyang higanteng pangalawit at nabasag ito na parang salamin.

Part 33: Lakas sa Lakas

JOREL POV

"Malakas ang kamao mo. Alam kong malalakas ang mga taga Roika dahil mas mabigat ang hangin doon. Espesyal talaga ang inyong lahi kaya't gusto gusto ito ng mga Atrox." ang wika niya habang nakatayo sa aking itaas.

"Maraming taon na mag buhat noong mabura ang mga Atrox. Bukod sa kanila ay marami nang mga mananakop ang pinatumba ng aming planeta. Minsan na itong nawasak at noong sumibol muli ay mas pinalakas pa nila ang kanilang pwersa. Hindi na mauulit ang pag bagsak ng Roika dahil nandito na ako." ang tugon ko.

"Kung sa tingin mo ay malakas ka, bakit hindi natin subukan?" ang wika niya habang naka ngisi. Dumistansiya siya sa akin at lumipad patungo sa harap ng buwan.

Nag liwanag ang kanyang katawan ng pinag halong itim at pula. Nag labas ito ng malakas na awra na bumalot sa paligid.

Lumipad si Nai at sinubukan asintahin ang kalaban gamit ang kanyang baril pero walang nangyari.

Ilang sandali rin sa posisyon ang kalaban bago namin mapansin ang kakaibang ingay na nag mumula sa lupa. Dito ay nakita namin na lumalakad lahat ng bangkay patungo sa iisang direksyon, pati ang mga nasa bakuran ng gusali ay umalis rin na parang tinatawag ng kung ano.

"Nakaka kilabot!" ang wika ni Nai na parang maduduwal. Hinawakan niya ang kanyang baril at isa isang pinasabog ang mga ito. Pero sa kabila ang mga pag papasabog sa kanila ay hindi naman rin natignag ang kanilang pag lalakad hanggang sa hindi na namin ito mabilang.

"Tinatawag niya ang hukbo ng mga bangkay patungo sa kaniyang direksyon." ang wika ko habang naka masid.

"Masama ito." ang bulong ni Nai.

Nag patuloy ang ginagawang pag tawag sa mga hukbo hanggang mag tipon tipon ang mga ito. Nag liwanag kanilang mga katawan at hinigop ang isa't isa.

Nag patong patong..

Nag sanib sanib hanggang sa maging isang malaking bilog. Lumaki ito ng lumaki hanggang sa maging higante.

"Pinag sama sama niya ang mga bangkay para makagawa ng isang malakas na sandata." ang wika ko habang pinag mamasdan ito.

"Sandata ng mga bangkay? Na kakaiba ang amoy. Arrgghhh, bumabaligtad yata ang sikmura ko kuya." ang wika ni Nai.

Mula sa pagiging bilog ay humubog ito at naging tao. Ang mga paniki ay pumalibot sa kanya, nag labas ito ng nakaka kilabot na sigaw na animo nang nagagaling sa pinaka kailaliman ng lupa at sumama sa hangin na ang bibigay sa amin ng ibayong kilabot. Kitang kita namin kung paano ito mabuo dahil mas lalong lumiwanag ang buwan kaya malinaw ang buong paligid.

"Pwe! Ang baho! Awrk!" ang suskang reklamo ni Nai noong umabot sa amin ang hangin mula sa sigaw ng higante.

"Alerto ka Nai, huwag kang mawawala sa focus. Mabilis si Senbon at ang hayok ito sa dugo sa pag sira ng katawan gamit ang kanyang kuko, doon ka tumingin sa kanya at huwag sa halimaw." ang sagot ko habang pinag mamasdan sila.

Makalipas ang ilang minuto ay tuluyang nabuo ang higante. Nag liwanag ang bibig nito at may lumabas na isang malakas na enerhiyang sumibat sa aming kinalalagyan. Ngunit sa halip na iwasan ay sinangga namin ito dahil tiyak na tatama ito sa gusali kung mag kataon.

"Maganda hindi ba? Nabuo ang aking kakampi dahil sa pinag halo halong katawan ng mga patay. Ito ang tinatawag na kapangyarihang manipulahin ang nabubuhay at namamatay na nilalang." ang wika niya na hindi maitago ang pag kagalak.

Maya maya ay lumapit siya dito at pinag masdang mabuti ang kanyang likha. "Sa palagay ko ay hindi pa sapat ito. Mas kinakailangan pa niya ng malakas na kapangyarihan." ang dagdag niya at saka biglang naging itim na usok ang kanyang katawan. Pumasok ito sa bunganga ng higante.

Mula sa pagiging simpleng higanteng bangkay ay nag karoon ng porma ang katawan nito. Nag karoon ng kalasag, nag karoon ng dalawang mahabang sungay at nag liliwanag dibdib. Mas lalo pa itong lumaki na halos abot na sa langit ang taas! Kapansin pansin rin ang kanyang mga kamay na may mahabang braso at pulang mga kuko.

Tumingin ako kay Nai at naunawaan niya ang nais kong iparating. Kapwa kami lumipad sa ibang direksyon palayo sa gusali kung saan kita kita namin ang pag kabigla ng mga tao noong makita ang dambuhalang halimaw na nilikha ni Senbon. Tila isang perpektong bangungot sa tuwing sisigaw ito at mag lalabas ng kakaibang tinig na kilabot ang siyang hatid.

Lumayo kami sa gusali kung saan makaka kilos kami ng mabuti at hindi naman kami nabigo dahil sumunod sa aming direksyon ang higante. Napaka liit namin pag natabi dito, halos isang dangkal lang kung tutuusin. "Nandito kayo para sa aking sagradong sandata tama? Kukunin niyo ang aming mga kapangyarihan upang mahadlangan ang pag gunaw namin sa kalawakan. Ngunit umaasa lang kayo sa wala dahil sa mga oras na ito ay taglay na namin ang mga sandatang sinadya niyo pang dayuhin sa aming mga demensiyon." ang wika niya.

"Ang totoo ay iyon ang orihinal na plano. Ngunit maaari itong baguhin at gamitin ang susunod na plano? Tama ba?" tanong ni Nai.

"Kung hindi namin makukuha ang sagradong sandata ay wawasakin nalang namin ito. Kasama ka!" ang sagot ko naman dahilan para matawa siya.

"Baliw! Mga baliw kayo! Sa tingin niyo ay mapapatay niyo ako ng ganoon kadali? Imposible ang mga sinasabi ninyo dahil ang planetang ito ay ang aking demensiyon, sa makatuwid ay hawak ko na kayo una palang!" ang sigaw niya at dito ay nag simula nang umatake ang higante. Humahaba ang kanyang kamay at mas mabilis ito sa aming inaasahan.

Ang kanang kamay ay sumagupa kay Nai, ang kaliwa naman ay sa akin. Sa bawat kamay na iyon ay may matatalim na kuko na parang mga espadang lumilipad at bumabaril ng paulit ulit. Malalaki ang mga ito na kapag tumatama sa lupa ay nagigiba ang mga nakatayong malalaking bato at bundok dito. "Ngayon Roika kaninong kamao ang mas malakas??!!" tanong niya at nag liwanag liwanag ang kamao ng higante at mabilis na sumibat sa aking kinalalagyan.

Hindi naman ako nag pasindak, may tiwala ako sa aking lakas kaya sinagupa ako ito. Hinataw ko ang pinaka malakas na suntok.

Sumabog ang mag kaibang pwersa sa paligid..

Para akong isang lamok na bumangga sa isang tao. Ngunit napigilan ko ang kamao ng higante! Iyon nga lang ay masyado itong malaki para itulak kaya ang katapusan ng aming palakasan ng kamao ay ang pag katalo ko at pag bagsak ng mabilis sa lupa.

Sumibat ang aking katawan sa mga malalaking batuhan at kada pag tama nito ay nagigiba ang mga ito at nadudurog.

Habang nasa ganoong pag bagsak ako ay nakita ko rin si Nai na bumubulusok pababa kasama ng isang mahabang kuko na parang patalim. Tumilapon kami sa mag kaibang direksyon dahilan para matuwa ang kalaban at mas lalo pa itong mag wala sa pananabik.

Hindi pa ako nakakabawi ay nakita ko nanaman na bumubulusok ang kanyang kamao patungo sa akin at dito ay isang suntok nanaman ang aking tinamo. Paulit ulit niya akong dinikdik sa lupa hanggang sa bumaon ako ng husto dito. Kitang kita ang malaking hukay na ginawa ng kamay ga bahay na kamao habang paulit ulit na tumatama sa akin. Halos mabugbog ang aking katawan at nag dugo na rin ang aking bibig. Lalong nawasak ang aking suit kaya halos hubad na ang aking katawan.

Nanatili akong nakabagsak sa lupa..

Maya maya ay umangat ang kamao at ihahataw muli ito sa akin. Kaya naman umakyat ang enerhiya sa aking mata at isang malakas na laser ang pumigil dito.

Lumaban ang kanyang kamao sa aking enerhiya kaya mas lalo ko pang nilakas ito kahit na mag dugo ang aking mata.

"Arrrghhhhhhhhhh!" ang sigaw ko at dito ay sumabog ang kanyang kamao at naputol na ikinagulat ni Senbon.

Humapa ang liwanag sa paligid, umuusok ang aking buong katawan partikular sa aking mata na dumugo at tumulo sa aking pisngi. Pilit ako umahon sa hukay at dito ay nag uubo nalang ako sa dami ng buhangin at lupang pumasok sa aking bibig dulot ng halos paulit ulit na pag dikdik sa akin.

Hingal..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay isang malakas na pag sabog rin ang ang mula sa direksyon ni Nai dahilan para maputol rin ang isang kamay nito at mag liparan ang mga kuko na tumama sa buong paligid..

Lumipad si Nai patungo sa akin at inalalayan ako sa pag tayo. Halos duguan na rin ito katulad ko. "Ayos ka lang ba kuya? Higante nga siya ngunit mabilis at matalim ang kanyang kamay. Kahit ang espada ni Sin ay nawasak na dahil ginamit ko ang lahat ng pwersa nito." ang wika ni Nai na halos na napaupo nalang sa aking tabi. Kitang kita ko rin ang malalaking saksak sa kanyang katawan dulot ng pag kahiwa. Halos madurog na ang ikalawang bahagdan ng kanyang lakas na Ad molibiria.

"Nag bubunyi ba kayo dahil nasawak ninyo ang kamay ng aking alaga? Hindi pa tapos ang laban, ngayon palang ako nag sisimula!!" ang sigaw niya at dito ay tumubo muli ang dalawang kamay ng higante at mas lalo pang humaba ang kanyang kuko..

Ang akala namin ay dito nag tatapos ang kanyang pasabog ngunit mali pala dahil mula sa likuran ng higante ay tumubo pa ang dalawa pang kamay na puro patalim.

"Tang ina, yung isang braso at kamay nga lang ay mamatay na ako. Naging apat pa ito. Diyos talaga ang kalaban natin kuya." ang wika ni Nai.

"Nakakatamad panoorin kung tig iisa lang kayo ng kalaro. Mas marami ay mas masaya diba?" ang tanong niya at dito ay sabay sabay na gumalaw ang mga ito patungo sa amin. Ang bawat kuko ay malalaki, ang braso at balat ay parang bakal sa tigas kaya't pati ako ay hirap na pigilan ito.

Nag liwanag ang aking mata at ibinuga ko sa ere ang enerhiya mula dito pero halos nasagad na ito kaya nawala rin agad, ni hindi tinamaan ang higanteng bagay na parating.

Nasa ganoong posisyon ako ng agad akong hinala ni Nai at dito ay mabilis kaming lumipad palayo para maka iwas. Lumikha ng pinaka malakas na pag sabog ang mga ito noong tumama sa lupa dahilan para mabiyak ang paligid at masira ang lahat ng dito.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

Hades University By Adamant

Mystery / Thriller

76.5K 3.3K 35
Hades University [BXB|Mystery|Thriller|Fantasy|Horror] Isang prestihiyosong unibersidad ang bigla na lamang naitatag sa bansa sa kasalukuyang taon, a...
46.4K 3.4K 51
(Updates once or twice a week) Dahil sa isang napakatraumatikong insidente na nangyari sa buhay ni Adrian Evans sa pananatili niya sa bubong ng kany...
210K 9.2K 50
A Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asaw...
201K 7.7K 40
A Sequel to "Julian's Gift" By Absurd018 HIGHEST RANK: #25 IN FANTASY THEMED STORY Si Julian. Kasama ang asawa na si Matteo at ang iba pang kasama sa...