Tao STP as Kuya Jorel
******
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League of Angels
AiTenshi
Dec 12, 2019
Part 3: Ang Entablado ni Jorel
Halos ilang taon na rin ang nakalilipas noong itinala ang isang sa pinaka madugong pag salakay ng mga dayuhan galing sa ibang planeta. Ang mga ito ay galing sa planetang Atrox kung saan ang lahat ay napapaligiran ng matataas at dekalibreng metal. Sa pamumuno ni Axel ay nagawang wasakin ng mga ito ang halos lahat ng nakatayo sa siyudad gamit ang lakas ng orbin. Ang bayaning pumigil at lumaban sa kanya ay nag mula pa sa Planetang Roika at ang pangalan nito ay Jorel. Ang tinaguriang pinoy version ni Superman dahil halos pareho sila ng lakas, parehong parang bakal ang katawan at kasing bilis ng kidlat kung lumipad sa kalangitan. Ang kanyang mata ay nag lalabas ng laser at ang kamao ay kasing tigas ng pinaka matibay na mineral sa kalawakan.
Sa ordinaryong buhay ay nag tatago siya bilang si Jorel na isang sikat na artista, singer at modelo. Madalas rin akong tinutulungan ni Jorel sa aking mga laban at dahil dito ay naging kaibigan ko na rin siya katulad nila Nai at Ace na parang tunay na kapatid na ang turing sa akin. Sino ba naman ang mag aakala na isang bayani at nag tataglay ng malakas na kapangyarihan ang lalaking ito sa entablado habang tinitilian siya at pinapalakpakan ng kanyang mga taga hanga sa buong arena.
(I do not own this photo. Credits to the rightful owner)
"Ang gwapoooo! Jusko! Nakaka inis ka Narding di mo naman sakin sinabing ganyang ka gwapo si Jorel. Ang kinis kinis, ang puti puti parang ang sarap i deep throat!" ang maingay na wika ni Cookie habang winawagayway ang poster ni Jorel. Samantalang ako naman ay nag eenjoy lang sa panonood, iba pa rin talaga kapag nakikita mo ng live na kumakanta ang singer na sa radyo mo lang madalas naririnig. Walang kibo si Bart, halatang walang interes sa pinapanood, gusto lang talaga niyang bantayan ako dahil naka kapit pa ito sa aking braso at sa tuwing ako ay mag tatangkang tumayo ay hinihila niya ako pabalik. "Ahas ka nga papa Bart, parati kang naka lingkis kay Narding e." ang hirit ni Cookie.
"Gusto mo mag labas rin ako ng ahas na lilingkis sayo?" tanong ni Bart.
"Okay lang, basta yung asa mong sumusuka ng malapot na katas at yung laging kinakain ni Narding ang ipang lilingkis mo sa akin!" ang maarteng sagot nito kaya naman naging ahas nanaman ang daliri ni Bart at kinagat si Cookie sa ilong. "Aray! Isa pa ha ililitson ko yang laruan mo na iyan!"
Tuloy pa rin ang concert ni Jorel, tumagal ito ng halos kulang tatlong oras dahil sa dami ng mga sikat na artistang nag guest. Natapos ang kanyang final performance sa kantang inialay niya sa kanyang mga magulang at fans. Halos hindi mag kamayaw sa dami ng taong tumitili at nauulol sa kanyang kagwapuhan. Talaga palang bukod sa kalawakan ay dinominate na rin niya entablado at halos parang naging tahanan na niya ito.
Reporter: "Sold out! Iyan ang tinagurian concert of the year! Halos hindi mahulugang karayom ang buong arena dahil sa dami ng nanood sa solo major concert ni Jorel! Marami ring celebrity ang naspotan sa venue katulad nila Sarah Geronimo, Regine Velasquez at Anne Curtis na talaga namang napahanga sa husay at talento ng singer actor.
Samantala, mukhang ang maganda ang simulan ng taong 2020 dahil sa pag ulan ng blessings at tagumpay ng ating mga kababayan sa laragan ng sports at pampalakasan. Tinanggal na overall champion ang bansa sa SEA Games na ginanap dito sa Pinas kamakailan lamang. Wagi rin ng 60 medalya ang swimmer na si Irano Tajiri sa swimming tournament na ginanap sa Ireland kahapon sa iba't ibang kategorya.
Balitang Pa istar naman tayo. Gazini Ganados balik pinas matapos mabigong maiuwi ang back to back crown sa Miss Universe. Ikinalungkot ng maraming pinoy ang hindi niya pag kakapasok sa top 10, at dahil dito ay nag desisyon na ang orginisasyon ng Miss Universe Philippines na mag pasa ng mas mataas na qualification para sa mga nag nanais na sumali sa susunod na search. Ilan sa mga planong iyan ay ang pag kakaroon ng quiz bee round kung saan mag tatagisan ng galing at talino ang mga kandidata sa mga general topic katulad ng calculus, world history at current issue. Mag kakaroon rin ng oratorical speech contest para sa mga kandidata kung saan lahat sila ay mag kakabisa ng isang buong diksyonaryo para mas mapaganda ang kanilang mga pag sasalita. At ang magiging highlight ng screening ay pag kuha ng entrance examination para sa mga gustong makasali sa search, ang nasabing examination ay may passing grade na 85% at ang makaka kuha ng mas mababa dito ay hindi makaka sali sa 2nd round ng examination. Dapat ay graduate at may honor! Malaking chance iyon para ikaw ay makapasa sa nasabing screening. Ako po si Liza Mae Lawit! Fresh na fresh!Nag uulat!"
End of report.
"Wow si Liza Mae!" ang nastarstruck na wika ni Cookie at mabilis itong nag tatakbo sa reporter para mag pa picture. "Wow ang ganda mo naman Liza Mae."
"Salamat, hindi nga ako nakapag handa e." ang wika ng reporter.
"Hindi ka pa nag handa niyan ha? Saan ang sagala?" ang biro ni Cookie.
"Ikaw talaga, baklang twwooo! Maganda ba?" ang tanong nito.
"Oo naman, parang hindi ka nanganak ng dalawa. Pak na pak ang kasexihan mo Liza Mae."
"Ano ka ba, isa pa lang ang anak ko no, si Cherry Mae Lawit. At siya ang papalit sa akin para maging isang reporter."
"Naku dumadami talaga ang mga may lawit na reporter. Ikaw Liza ha, nag papakalat ka raw ng fake news sabi sa internet! Ang dami mong bashers!"
"Hay nako bakla, ganyan talaga kapag sikat ka binabato ka ng mga haters. Pero you know what, sila ay mga secret admirers ko at alam ko yon. Halika mag pa picture na tayo bago pa ako dumugin ng ibang fans!" ang wika nito sabay akbay kay Cookie.
"Parang si Cookie lang naman yung lumalapit kay Liza Mae." puna ni Bart. Natawa ako at pinanood lang si Cookie sa kanyang ginagawang pag papa picture sa mga artistang nakakasalubong. Yung iba nga ay nagugulat pa dahil bigla nalang itong susulpot sa kanilang harapan.
Alas 11 ng gabi noong humupa ang tao, dito na rin ako nakita ni Jorel kaya agad siyang tumayo sa kanyang silya kung saan nag papa pirma ang mga fans. "Congrats, ang ganda ng concert mo." ang bati ko.
"Salamat. Akala ko nga ay hindi ko matatapos dahil hindi ako masyadong nakapag rehearsal, alam mo naman marami tayong mga bagay na inaayos." ang sagot nito at habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pag yakap ni Cookie kay Jorel, hinalikan niya ito at saka inamoy amoy ang pawis. "Grabe ang gwapo! Hindi ko na kaya! Im dying! Im dying!!!" ang malanding hirit ni Cookie kaya naman hinila siya ni Bart palayo "Pasensiya na pre, kakalabas lang sa mental nitong si Cookie." wika ni Bart.
Natawa kami..
"Buti sumama yung over protective mong boyfriend. Mukhang nakatagong maigi ang awra niya ngayon." ang wika ni Jorel.
"Oo nga, baka tumakas nanaman raw ako kaya nakabantay na." ang sagot ko naman.
Habang nasa ganoong pag uusap kami ay may lumapit sa amin na silang lalaki at bumulong ito kay Jorel. "Oo siya nga." ang sagot ni Jorel.
"Talaga kuya?!" ang nabiglang wika nito habang naka tingin sa akin, ang niningning ang mata at parang naka kita ng artista.
"Narding, kapatid ko nga pala si Jonas." ang naka ngiti wika ni Jorel.
Lumapit sa akin si Jonas na may ningning sa mata. "Ikaw ba talaga si Super Nardo?" ang tanong niya.
Ngumiti ako at binati siya. "Bakit kamukha ko ba siya?"
"Hindi ko alam, basta alam ko lang nag liliyab siya tapos parang ibong phoenix sa kalangitan. Ikaw ba iyon? Please sabihin mo naman kuyaaaa!" pangungulit nito.
"Makulit talaga iyang si Jonas, alam mo ba na inilibot ko pa iyan kila Nai at Ace para makita niya ito ng personal. Kayo na lamang ni Irano ang hindi pa niya nakikita." naka ngiting tugon ni Jorel.
Natawa ako at kinamayan siya. "Ikinagagalak kitang makilala Jonas." ang naka ngiti kong sagot..
"Wow! Siya nga kuyaaaaa!" ang masayang wika nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Noong mga sandaling iyon ay inimbitahan kami ni Jorel sa kanilang tahanan. Hindi naman niya sa akin inilihim na si Jonas ang kanyang kapareha, hindi naman sila tunay na mag kapatid dahil si Jonas ay isang tao at si Jorel naman ay isang alien mula sa planetang Roika. Matagal nang mag kasama ang dalawa at halos parang mag asawa na rin sila kung tutuusin. Sa mga panahon wala si Jorel sa aming mga labanan iyon ay dahil nasa Amerika siya at mas pinili ang mapayapang buhay kasama si Jonas. Ngayon ay masaya sila dito sa kanilang tirahan at halos napaka perpekto ng kanilang samahan.
"Nag pplano kaming bumalik sa Amerika ni Jonas. Iyon nga lang ay ayoko pang lumayo dahil batid kong may mangyayari. Sa tuwing napapatingin ako sa kalawakan ay parang may kakaiba, parang may mga matang naka tingin sa atin." ang wika niya habang nakatayo kami sa balkuhane ng kanilang second floor at naka tanaw sa mga bituin sa langit. Samantalang si Bart naman ay umiinom lang ng kape at naka upo sa sofa habang nag babasa ng pahayagan. Si Cookie at Jonas ay nasa sala habang nag lalaro ng mobile legends.
"Napaka cancer mo naman kuya Cookie! Mage na nga ako eh!" ang reklamo ni Jonas.
"Ano kaba, we need a mage! There are two kinds of people in the world! Choco muchooo!!" ang sigaw ni Cookie.
Natawa nalang ako. "Ang saya nilang dalawa. Ang kulit ni Jonas no?"
"Sinabi mo pa. Iyan ang rason kung bakit takot rin akong sumabak sa mga delikadong labanan dahil ayoko siyang makitang nag aalala o umiiyak dahil sa akin." tugon ni Jorel.
Tahimik..
Isang malalim na buntong hininga rin ang aking pinakawalan. "Nararamdaman ko rin na parang may nakatingin sa atin mula sa itaas. Hindi ko alam kung ano ito pero batid kong may kinalaman ito sa hinaharap." sagot ko.
"Narding, hindi rin malinaw sa akin ang tungkol doon sa portal na pinasukan natin. Natakot rin ako noong makita ang malupit na katapusan ng mundo. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang malalakas at dumadagundong na kulog at sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko ang lumuluhang kalangitan." ang wika niya habang naka pikit at inaalala ang bawat pang yayari noong mag tungo kami sa hinaharap.
"Hindi lang ikaw ang natatakot. Nakita ko sa mata ni Rashida ang takot kaya't binabalik niya tayo dito. Ang sabi niya ay hindi pa tayo nakahanda para kaharapin ang lumikha." ang wika ko.
"Hindi ba't siya ang lumikha sa atin?" ang tanong ni Jorel.
"Ang lumikha sa kaniya, ang lumikha sa mga Diyos. Ang Diyos ng mga Diyos. Ang matataas at ang mga nakatunghay sa dako pa roon." ang sagot ko habang nakatanaw sa madalim na kalangitan na napapalibutan ng maraming bituin..
Payapa ito at masarap pag masdan..
Ngunit ang tanong ay hanggang kailan?"
Itutuloy..