NOTE:
Basahin niyo ito ha. Narito ang mga reasons kung paano nabuo ang LOA. At nandito rin ang mga trivia tungkol sa mga paborito niyong LOA Champions.
****
Sabi nila na ako lang raw ang pinoy BXB writer na may sariling avengers. Pero paano nga ba ako nag simula para mabuo sila? Ang totoo nito ay nainspired lang rin ako sa panonood ng mga aliens sa mga documentary, dito pumasok sa isip ko na gumawa ng sarili kong super heroes. Sa palagay ko ang pinaka mahirap sa pag buo ng isang super hero na fantasy ay hindi yung twist, hindi yung plot o yung storyline. Kundi yung pag lalapat ng akmang BXB story na hindi lang basta nag landian o nag kagustuhan. Mahirap rin gumawa ng fight scenes at mag describe ng powers, kaya minsan pag di ko na kaya humahanap ako ng picture at ipinapakat ko nalang sa page para may idea sila. LOL.
Taong 2015 noong mainspired ako na gumawa ng sarili kong version ni Superman. Dito nabuo ang idea ni Jorel na mula sa planetang Roika. Siya talaga yung pinaka unang super hero ko at hindi ko na inisip na gumawa ng iba pa after niya. Pero ang kauna unahang version ng "My Super Kuya" ay ginawa ko noong 2014 at inulan ng katakot takot na pintas dahil ang ibang scenes daw ay magulo at panget kaya inalis ko siya at ibinalik ko noong 2015 na maayos at detalyado na, so wala silang naipintas. Resbak is real para kay kuya Jorel.
Taong 2016, muli ako nangarap na gumawa ng isa pang superhero na inspired naman kay Darna na likha ni Mars Ravelo. Alam niyo yun, sobrang fanatic ako ni Valentina kasi napaka unique ng pagiging character niya at lalo na akong natuwa noong mapanood ko si Orochimaru ng Naruto, napaka ideal ng powers niya para maging kalaban. So believe me, noong ginawa ko si Serapin ay ilang videos ni Orochimaru ang pinanood ko at inaral para makalikha ng perfect na villain, siyempre yung pang aahas niya ay di pa rin nawawala diba? Sino ang fan ni Serapin dito? Comment lang.
Taong 2017 nilikha ko ang super Mecha na si Ace. Inspired naman ito sa anime na Angelic Layer. Ang orihinal na plot nito ay isa siyang nabubuhay na manika parang ganoon sa anime, then later naisipan kong gawing battle robot na may emotion at isama sa liga. Kung nabasa niyo si Ace tiyak na narating niyo ang high tech na mundo isang daang taon mula ngayon. To be honest isa sa pinaka mahirap gawin itong si Ace dahil sa kanyang sci fi na tema, plus yung twist, dito yata ako binasagang "king of flashback" Lol
Taong 2017 nilikha ko si Super Panget. Nabuo ang konseptong ito habang nag kkwentuhan kami ng pinsan ko. Sabi niya ay nag sasawa na siya sa mga gwapong super hero. Dapat raw ay panget naman at yung hindi iaadmire ng mga tao ang kanyang looks. Karaniwan kasi ang mga kalaban ay mga super hero ay mga panget, mga halimaw at kakaibang ang anyo. Kaya dito sa kwento ni Super Panget ay binaligtad ko ang konsepto. Ang bida ay Panget tapos ang mga kalaban niya ay Super Pogi, Super Ganda at si Super Beki. Sino sa super enemy ang pinaka gusto niyo? Comment niyo naman.
Taong 2018 noong gawin ko ang book 2 Narding. Dito na sumagi sa isip ko na pag sama samahin yung ibang mga heroes sa isang story. At dito na rin pumasok sa akin ang idea ng pag pagawa ng LOA sa taong 2020 PERO hindi ko masyadong sineryoso yung idea na yon. Ginamit ko ang story line ng book 2 na ito para makagawa ng posibleng idea para sa 2020 which is hindi pa sure kung gagawin ko nga talaga kasi diba 2 years pa naman at matagal pa. Planado na ito mula sa twist at sa pag punta ni Narding kay Rashida upang mag tagpo silang dalawa. At habang ginagawa ko ito ay nag paplano na rin akong mag labas pa ng isang hero na bubuo sa liga kaya nilista ko na sa aking journal ang pangalang "Irano" pero that time wala akong idea kung ano siya at sino siya. Wala rin akong idea sa powers niya basta may Irano na darating at siya ang pang lima.
Taong 2019 nabuo ang kwento ni Irano. Basta ang alam ko lang gusto ko ng mermaid, gusto ko ng mala aquaman ang datingan. Nag enjoy akong gawin si Irano lalo na si Cyan na super hot, parang si Bart din diba? Lol. Noong gingawa ko si Irano, wala akong idea talaga, may times na nablanko ako at tumigil kasi as in zero ang nasa isip ko. PERO may ending na si Irano. At ang naisip kong ending ay lalakad siya sa building kasama sila Narding at ang iba pa. Noong natapos ko si Irano at nag success ang story niya ay napa "SHIT" ako at napamura. Ang sabi ko sarili ko ay "Puta, napasubo na yata ako, paano gagawin yung LOA? Imagine kay Irano ay nag struggle ako, paano pa pag lima na? Ang totoo nag sisisi ako na ganoon yung ending ng APNI sana pala nilangoy langoy ko nalang si Irano sa dagat at inilagay ko ang salitang "wakas".
To be honest, na stress ako, hindi ako nakatulog, nag over thinking ako hanggang sa natakot ako na baka bumigay na utak ko sa sobrang lakas ng imagination o yung lebel ng utak ko ay baka masagad. Minsan nakaka buang din kasi yung sobrang dami ng ideas na pumapasok sa utak mo lalo na kapag hindi organize, kaya buhat noong natakot ako ay nag control ako sa pag susulat ng fantasy. In the end, nag decide ako na huwag na gumawa ng LOA at ihang ko nalang yung ending ng kay Irano. Kasi alam kong mahihirapan ako. Mapapasubo ako at baka langawin nanaman yung kwento ko.
*******
NOVEMBER 2019
Nag decide ako na walang magaganap na LOA. Yung isip ko ay dinivert ko sa pag gawa ng Aluguryon. Nag focus ako sa story ni Gabriel at Jedro. Pero ang pinag tataka ko ay nag lilista ako ng pangalan ng mga kalaban, nag lilista ako ng names ng mga planets, stars. Bakit? Nagulat ako sa ginagawa ko. Sabi ko sa sarili ko "huwag! Delikado yung LOA, masisiraan ka ng bait dyan. Magaganda yung naunang book baka di mo masustain". Kaya itinigil ko yung pag iisip at nag focus ako sa Aluguryon..
Ang hindi ko maunawaan kung bakit kahit sa panaginip ko ay minumulto ako ni Narding at Irano. Lumulubog ako sa tubig, lumilipad ako, may time pa na parang nakita ko si Narding. "Walang LOA hindi ko kaya!" ang sigaw ko ko sa kanya. Pero parang ayaw niyang pumayag at sinasabi niya na "kaya mo." Ewan ko ba pero napapanaginipan ko yung mga characters ko na parang mga buhay sila. Si Mateo lang ng Aluguryon ay ilang beses akong pinag salin ng kape e. Ako lang ba? O kayo rin? Comment naman dito..
DECEMBER 14, 2019 ay natapos ko ang Aluguryon, nag pahinga ako sa pag gawa at nag enjoy sa vacation. Pero heto nanaman, nag susulat nanaman ako ng plan. Hanggang sa maka gawa ako ng maliit na concept gamit yung book 2 ni Narding at yung book ni Irano. Pero hindi pa malinaw yung flow ng story. Kumbaga ay 10% clear palang.
Biggest fear ko itong LOA, Una dahil mahirap gawin, maraming characters, nakaka pressure pa kasi kada isang super heroes ay may taga hanga. Pero sabi nga nila harapin mo yung challenge at huwag kang tumakas kaya noong moment na iyon ay nag decide akong gawin agad ang LOA, agad agad. PERO isasama ko ito sa Book si Narding kasi doon ako kumuha ng ideas.
Bakit agad agad ginawa ko itong LOA. May mga reasons din kasi akong importante. Una, dahil ngayong 2020 baka maging busy ako ng sobrang, baka mag change ako ng career o baka may dumating na magandang oportunity sa akin bilang isang simple tao na magiging sanhi ng pag kabusy ko tiyak na hindi ko na magagawa itong ganitong kabigat na story (eto naman talaga ang pinaka mabigat sa akin so far). Ikalawa, para sa ikatatahimik nalang ng konsensiya ko kasi ay may isang part sa isip ko na isinisigaw na tapusin ko ang nasimulan ko. Ikatlo, dahil ito ang pinaka mahirap at dapat agad na tapusin.
That moment humarap na ako sa laptop ko at may plan na agad ang LOA mula sa kalaban, sa mga abilities nila, sa stars o planet kung saan sila naka himlay. Lahat ay well planned bago ko pa simulan.
At ngayon ay masaya akong ihandog sa inyo ang aking master piece. Mula sa tinatawag nilang "prince of pinoy bxb fantasy", "king of flashback", "the master of all bxb genre" at kung ano ano pa. Pero sa akin ako pa rin si Ai Tenshi, isang simple writer na walang paki alam kahit madalas ay nilalangaw ang gawa. Lol.
Para naman sa mag babasa ng LOA, para di kayo maguluhan ay narito ang pag kakasunod sunod ng mga books.
My Super Kuya
Ang Tadhana ni Narding BOOK 1
Ace
Super Panget
Ang Tadhana ni Narding BOOK 2
Ang Paraiso ni Irano
Muli maraming salamat sa pag tangkilik at walang sawang pag mamahal..
-AiTenshi