To Love Again [TSCM series 2]

By SiL3NtSnOw

152K 2.9K 221

Arwill Andre Alvarez More

The Student Council Members [series 2]
To Love Again - cHappy one
To Love Again - cHappy two
To Love Again - cHappy three
To Love Again - cHappy four
To Love Again - cHappy five
To Love Again - cHappy six
To Love Again - cHappy seven.point.one
To Love Again - cHappy seven.point.two
To Love Again - cHappy eight
To Love Again - cHappy nine
To Love Again - cHappy ten
To Love Again - cHappy eleven
To Love Again - cHappy twelve.point.one
To Love Again - cHappy twelve.point.two
To Love Again - cHappy thirteen
To Love Again - cHappy fourteen
To Love Again - cHappy fifteen.point.one
To Love Again - cHappy fifteen.point.two
To Love Again - chappy fifteen.point.three
To Love Again - cHappy sixteen
To Love Again - cHappy seventeen
To Love Again - cHappy eighteen.point.one
To Love Again - cHappy eighteen.point.two
To Love Again - cHappy nineteen
To Love Again - cHappy twenty
To Love Again -- cHappy twenty-one
To Love Again - cHappy twenty-two
To Love Again - cHappy twenty-three.point.one
To Love Again - cHappy twenty-three.point.two
To Love Again - cHappy twenty-four
To Love Again - cHappy twenty-five
To Love Again - cHappy twenty-six
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.one
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.two
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.three
To Love Again - cHappy twenty-eight
To Love Again - cHappy thirty
To Love Again - cHappy thirty-one
To Love Again - cHappy thirty-two
To Love Again - cHappy thirty-three
To Love Again - cHappy thirty-four
To Love Again - cHappy thirty-five
Epilogue

To Love Again - cHappy twenty-nine

2.9K 63 1
By SiL3NtSnOw

To Love Again – cHappy twenty-nine

 

LAUREN's pov

The dinner went just fine. In fact, hindi ko nga expected na nandun sina Tita Van. I guess they just missed me. Same here.

So, nung linggo pinayagan ako na umuwi muna. Nagkachikahan lang kami ni Vernice tungkol sa kung anu-ano. Bonding with Lola Theresa na wala namang ginawa kundi usisain 'yung alaga ko. She kept asking how is my relationship with him. Umiiling-iling lang ako. Hindi rin nakatulong 'tong si Nikko na puro irap lang ginawa sakin. 'Di pa rin maka-get over na inaalagaan ko si Arwill.

Kung ako nga tatanungin, he's actually doing good. He doesn't need much of me nursing him everytime. I mean, he can put his shirt on without shouting for help, for Pete's sake! Partida, may bali sa ribs at nadislocate ang braso nun eh. I was wondering kung may kaso ba na nabalian siya ng buto dati kaya alam na alam niya ang gagawin kahit wala ko. Sila Tita Van lang naman ang nag-iinsist na alagaan ko siya.

The elevator dinged open and I got off but not before I saw someone in front of Arwill's door step. They're talking and I absolutely knew the girl.

It's Diandra. From here, I can see them casually exchanging words, smiles meron pa ngang hinampas ni Diandra ang braso ni Arwill. And she was like, "That's firm muscle you got there. *giggles*"

God! She's flirting! My theory was right. Si Arwill nga ang nakita niyang naka-suit noong magkausap kami. And now she's slowly taking her moves by this... this... THIS! Heck! Baka nga hindi lang sila iisang beses nagkita eh. Habang wala ako, nilalandi niya na si Arwill.

I sighed. Diandra is Diandra. Nasa dugo niya ang makipagflirt dahil sa bansa nila, natural ang ganung klaseng pakikitungo. Pero pagdito mo siya nilugar, babansagan ka kaagad ng 'malandi', 'makati', 'maharot', etc. Wait, did I just called my friend 'malandi'? Groan! This is so not me!

Ipinikit ko ang mga mata ko at nag-isip. I need to calm. I need to stop putting unpleasant words to my friend. We're good. Hindi nga lang ako sumasama kapag nagpa-party siya but I know we've been good friends eversince.

Napagpasyahan kong bumaba na muna at maghintay ng 20 minutes sa lobby bago umakyat ulit. May mini café naman dito kaya doon na muna ko magpapalipas ng oras.

Nag-order ako ng brewed coffee at umupo sa gitnang part. Hindi ko maintindihan 'yung logic kung bakit uupo ka sa gilid. Madali lang siguro akong mabore habang pinagmamasdan ang mga tao na naglalakad kaya hindi ako umuupo doon. I sighed as I get comfortable in my sit.

As I was sipping my coffee I noticed someone familiar. Wearing a v-neck coumoflage shirt and black rolled-cuff twill shorts. Nang mag-zero ang tingin niya sa gawi ko he immediately broke into a wild grin and run into me. Ngumiti ako at tumayo para salubungin siya. He hugged me so tight na kulang na lang hindi ako makahinga.

"Ma!"

I chuckled. "Yes, nak? Wow, how did you find me? Wala ka bang klase?" Humiwalay siya sakin at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. The grin never leaving his face.

"I asked Kuya Nikko." He shrugged. "Kamusta, Mama? Miss na miss na po kita."

"Aww~" I ruffled his hair. "You're so biiiiiig! Muntik na naman kitang hindi makilala. Eto, maayos naman."

Inayos niya 'yung buhok niya. Boy, he grew as a handsome man. He's no longer the boy I used to teased. He's not shy anymore and can talk to people comfortably. His posture is so relax. Every girl in this coffee shop turned their heads when they saw him. What do you call that? Ah, yeah. Charisma.

"I didn't skip class. Ano lang..." nastock 'yung kamay niya sa batok niya at umiwas ng tingin. "pumunta lang talaga ko dito."

Naningkit ang mga mata ko. "Para saan?"

"Uhh..." sa taas naman siya tumingin. He really don't want to meet my gaze. "'Yung sa..."

"Sa...?" uminom ako sa kape ko para maitago 'yung ngiti ko. Ghaa! So adorable!

"Camping po namin sa—"

Napatigil siya sa pagsasalita at napadiretso ang tingin. Dahan-dahan siyang tumayo habang nagtataka ko naman siyang tinignan. May naramdaman akong presensya sa gilid ko at nang tignan ko kung sino, napatayo din ako.

Andrei's posture became rigid. His fist curved into a ball and then namalayan ko na lang na sinuntok niya na si Arwill. It happened so fast!

"Andrei!" saway ko. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso para pigilan. Napatingin na lahat ng tao sa gawi namin dahil sa ginawa niya.

Tinuro niya si Arwill na nakahawak sa panga niya. His eyes went from dark to its gray color. Hindi man lang siya nagulat. Its like tinanggap niya talaga 'yung suntok ni Andrei. "You!"

"Andrei, ano ba?!" mariin kong bulong sakanya. Galit siya. Galit na galit. Nanginginig ang buong katawan niya. Kung hindi ko lang siya hinahawakan, baka binugbog niya na si Arwill.

"Excuse me, Sirs and Madam. Is there a problem here?" ani ng tinig sa gilid namin. The manager I assume. He's wearing the café's formal uniform.

Itinaas ni Arwill ang kamay niya. "I can handle this."

"Ok, Sir." He bow his head saka umalis.

"Sandali." Tawag ko dun sa manager. Lumingon siya at bumalik. "Paki dalhan naman kami ng ice pack. Thank you." Tumango ito at magalang na umalis.

Kumalma na sa gilid ko si Andrei. Pinaupo ko siya. I gestured Arwill to sit at the opposite.

Humalukipkip ako. "Anak, magsorry ka."

Umiwas siya ng tingin at ginulo ang buhok. Halatang iritado.

"It's okay. I deserve that punch." Aniya na nakatitig lang kay Andrei. Did I just saw pride in his eyes towards the boy?

Umirap si Andrei at bumulong. "'Buti alam mo."

Hinampas ko siya sa braso. "Kailan ka pa naging bastos?" kaunti na lang magkapareho na sila ng ugali ni Nikko.

Sumandal siya at nakatingin lang sa kaliwa. "'Di niyo ko masisisi, Ma. Iniwan ka niya nung mga panahong hindi mo na—" tinakpan ko kaagad ang bibig niya. Oh, please!

Nagtatakang tinignan kami ni Arwill. Tinanggal ni Andrei 'yung kamay ko at nagkatitigan silang dalawa. "Nung mga panahong hindi mo na kaya. Panahon kung kailan kailangang-kailangan niya ng tao sa tabi niya. Panahon na muntik nang mawala sakanya—"

"Madam," sabi nung manager na may dalang ice pack. Thanks, God. Aatakihin yata ko sa puso dahil dun sa huling sinabi ni Andrei.

Kinuha ko 'yung ice pack at binigay kay Arwill. "Thanks." Nilagay niya 'yun sa panga niya.

I sighed. "Andrei, ayoko ng marinig 'yun. You know how much I tried to erase that memory in my mind."

His features became soft. "Sorry po, 'Ma. Hindi ko lang napigilan. I'll try to reign my emotions next time." Tumayo na siya at tinignan si Arwill na walang imik at nakikinig lang samin. "I won't apologize to you. You deserve it. By the way, it's nice to see you again, Papa." 'yun lang at umalis na siya.

Napangiti ako. Sira-ulo talaga.

____________

Nakabalik na kami ni Arwill sa unit niya. Wala siyang pasok ngayon. Sabi niya kasi ang pasok niya lang sa opisina ay T-TH-SA. It's Wednesday, by the way.

Tahimik lang akong naka-upo sa couch. Ganun din naman siya. Wala din si B dito kaya tahimik talaga.

"Next week," panimula niya. Tinignan ko naman siya. Nakatingin lang siya sa cellphone niya. Playing COC. Ako naman, pumapapak lang ng orange mula sa ref niya hehe. "pupunta ko ng Batangas."

"Saan?"

"Sa Batangas Racing Circuit."

Walang kong alam sa mga ganyan. Pero narinig ko nun kay Vernice na isa sa pinakamalaking race track sa Pilipinas ang Batangas. Minsan na kasi siyang nagpunta don para sa isang photoshoot.

Napaayos ako ng umupo. "May competition kayo?" hindi pa siya pwede. Halos three weeks pa lang simula nang mangyari ang aksidente. Hindi madaling gumaling ang nabaling ribs, ano.

"Can't I?" humihingi siya ng permission. No doubt.

Dahan-dahan akong umiling. "Sorry."

He sighed. "It's ok. Pero pupunta pa rin ako."

I pout. "Sasama ako."

He groaned. "No can do."

Sinipa ko siya sa paa. "Sasama ko, bahala ka jan." baka mamaya magmaneho 'yun doon eh. Lokohin lang ako.

"You'll get bored."

"I'll never get bored taking care of you."

Napatigil siya sa pag-tap sa cp niya. Pati ako napatigil sa pagkain dahil sa sinabi ko. Bumilis agad ang tibok ng puso. Oh sh.t.

Pero hindi ko expected na ngumiti siya. "Really, huh?" nanunukso ang mga kilay niyang nakataas. Sira-ulo 'to ah.

"Tse!" binuksan ko 'yung tv at nanuod na lang sa HBO ng movie. Asar. Ba't ko ba kasi nasabi 'yun eh.

Saka ko naalala si Diandra. 'Yung pakikipagtawanan nila sa isa't-isa. Siguro kaya siya pupunta ng race track para mambabae. Sabagay, tatlong linggo na siyang hindi nakakatikim. Ano ba naman mapapala niya sakin 'di ba? Asar. Asar talaga! Argh!

"Bakit naman nakabusangot ka?" tanong niya sakin. Hindi ko napigilang irapan siya. Bwiset!

Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakatutok ang mga mata sa tv. Maya-maya nagring ang cp ko. Sinagot ko ng hindi tinitignan. "Hello?" pabalang kong sagot.

<"Had a bad day?"> she chuckled. Napanganga naman ako.

"Ikaw pala, Diandra." Gulat kong sabi sabay tingin sa caller ID.

<"What?"> hindi nga pala nakakaintindi ng tagalog. Sorry ah.

"Nothing. What's up?"

<"Can I see you? Where are you right now?"> as if on cue napatingin ako kay Arwill na nakatingin din pala sakin. Ng mataman.

Nagkita nga pala sila kanina. Napakagat-labi ako. I'm so damned!

<"Lauren? Still there?">

"Y-yeah. Where do you want to meet?"

<"SM Aura. I want to go shopping. Tour me around, pleeeaaase?">

Tabingi ang ngiti ko. Ayoko sana pumunta eh. Ayoko lumabas.

"O-osige— I mean, sure! Hehe. Why not? See you at... 2pm?"

<"Got it! See yah!"> then she hanged up. Dahan-dahan kong binaba ang cp ko sa lap ko.

Lumundo naman 'yung couch na inuupuan ko. Napatingin ako kay Arwill na tinabihan pala ko. "So, tell me about Diandra?" he said while smirking. Sabi ko na nga ba.

He likes the girl. Oh my God!

______________

"Ako na lang magdadrive kasi!" gigil na pinigilan ko siya sa braso.

Nakakainis 'yung pinipigilan niyang ngiti. "Ayoko." Tapos pumasok na siya sa driver's seat.

"Hay!!! Bahala ka nga!" umalis ako at naglakad paalis ng parking lot. Naiinis talaga ko!

Nagulat na lang ako nang hapitin niya ko sa baywang at ipinasok sa two-seater niyang gray McLaren 12C. Hindi man lang ako naka-umang ng sasabihin.

Pumasok na siya at ini-start ang makina. "Seatbelt."

Nakabusangot kong kinabit ang seatbelt ko. He just chuckled at my behavior. Bwiset.

"I can't believe it's the same Diandra."

"Oo na. Umalis na tayo."

"Yes, Madam. Highblood naman masyado. *laughs*"

Hindi ko siya pinansin. Wala! Binigay ko na sakanya lahat ng impormasyon tungkol kay Diandra. Turns out that they also set a date for them to meet again. He even invite her to come in his unit. Kaunting oras pa lang pero ganun na kaagad ang nangyari. Paano pa kaya kung... hays! Enough of that! Bakit ba kasi ko nababadtrip!

"About Andrei," basag niya sa katahimikan habang nagmamaneho. Hindi ko pa rin siya nililingon. "he's also angry at me, huh."

Lumambot bigla 'yung puso ko pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila kay Arwill. Wala naman siyang kasalanan. Ako nga dapat ang nagagalit eh. Nakakakonsensya sa part ko.

"Hayaan mo, pagsasabihan ko 'yun."

Nagkibit-balikat siya. "I deserved it."

I sighed, "You don't. Hindi sila dapat ganun sa'yo. Wala ka namang ginagawang masama."

"Yeah? So, breaking your heart is not bad, huh? Ganun ba?" ang bitter ng dating niya.

"Baka nakakalimutan mong ako ang nangg.go—"

"Forget about it. I didn't mean it." Dumiin 'yung hawak niya sa manibela. Halos lumabas na 'yung ugat niya sa sobrang diin.

"And I didn't take it seriously."

Napahiyaw ako nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. "F.ck." he closed his eyes for a brief second before opening it with determination looming over it. "Now, I can't take it back."

I smiled tapos hinawakan ko 'yung kamay niyang nasa manibela pa rin. Instantly, lumuwang ang pagkakahawak niya dun at naramdaman kong kumalma na siya. Hay salamat naman. Baka mabunggo kami ng 'di oras kung hindi pa siya kakalma.

"Sorry." He sighed. "I'm really sorry, Lauren." Very sincere niyang sabi sakin na parang nahihirapan habang nakatingin sa mga mata ko.

Funny how the tables are turns. Kanina nagbabangayan kami tapos biglang seryoso. Abnormal na yata kami eh.

Hinawakan ko 'yung pisngi niyang napakalambot. "I know and I forgive you."

He leaned on my touch as he closed his eyes. "Jesus. I miss how you touch my face."

Napalunok ako sa sinabi nya. Kung alam mo lang, A.

"Let's go?"

Tumango siya at pinaandar ulit ang kotse. Wearing his boyish grin.

God, I'm having a handsome driver. And he's grinning like crazy.


Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
78.9K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
58.4K 850 55
V Series #2 He's Brent Joseph Lopez And he's her dearest secret. . . Started: June 10, 2016 Ended: December 30, 2018
1M 13.6K 26
Story ito ng isang asawa na pinagmamalupitan ng kanyang naging asawa , naging ina at pati na ang kapatid . Lumipas ang mahabang panahon ganun parin a...