To Love Again - cHappy ten

3.3K 62 5
                                    

SNOWNOTE---

               Salamat sa mga nag-follow! Humayo kayo't magpakarami xD Charot lang! Osya! Ayan na po. PAUNAWA: Bawal sa bitter xD

Chos lang ulit haha! Vote & Comment!

Grammatical or typo error, my apologies~

------------------------

To Love Again – cHappy ten

 

#Sunday; Central Hospital

LAUREN’s pov

“Ipapakain mo ba sakin ‘yan o habambuhay mo na lang babalatan?” naiiritang sambit ng kapatid ko na nakatingin lang sakin.

Napatingin naman ako bigla sa binabalatan kong mansanas at napanganga. Muntik ng sumagad sa buto ‘yung pagkayod ko.

“You were spacing out. A lot.” Pansin niyang nakatitig lang sakin. Akmang kukuha siya ng mansanas pero pinigilan ko.

“Eto na lang.” Binigay ko na sakanya ‘yung nahiwa ko ng mga mansanas.

“Even your voice sounds no life. Meron ka yatang dapat i-share.” Umupo siya ng tuwid sa kama niya. “Spill.”

I snorted. “Maka-english ka ah.” Nagkibit-balikat lang siya.

Naupo naman ako ng maayos at lumingon sa paligid. Wala dito si Anya, ‘yung ka-share ni Nikko ng room. Naglakad-lakad yata.

“Wala lang ‘to.” I sighed.

Truth to be told, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng ganun nang makita ko si Arwill at Jean. I mean, nag-uusap lang naman sila. They didn’t do any intimate act or whatever. Pero ang tumatak sakin ay ‘yung mga mata ni Arwill habang nakatingin kay Jean.

He was looking at her with longingness.

‘Yun ang palaging nagre-replay sa utak ko. At hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Ilang araw pa lang ‘yun. Ilang araw lang na nakilala ko siya ng maigi. Bukod sa binabantayan ko siya dahil sa sinabi ni Coach Derek. He was cold as ice, a jerk sometimes, caring in a way, gentleman, and well sweet din minsan. Hindi sapat ‘yun para magustuhan ko siya.

Or so I thought...

Naihalamos ko ang palad ko sa mukha ko. Siguro umasa kong susundin niya ang pinayo ko sakanya kaya ganun.

“Ate?” yinugyog ako ni Nikko. “Ok ka lang?”

Tumango ako at umayos.

“’Guess you’re not. You’re in love aren’t you?” nanunukso ‘yung tingin niya sakin. Inirapan ko lang.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon