To Love Again - cHappy eight

3.5K 59 3
                                    

 

To Love Again – cHappy eight

 

LAUREN’s pov

“Aray ko naman!” napahawak ako sa noo ko. Bigla ba namang pumreno si Arwill eh, nauntog tuloy ako sa likod niya.

“We’re here.”

“Oo na.” Asar na bumaba ako ng bike niya. “Sa susunod ‘di na ko sasakay d’yan.”

Jusko. Katakot-takot ang inabot ko sa sobrang bilis niyang magpedal. Kala mo may humahabol samin eh. Hanggang ngayon nanginginig pa ‘yung tuhod ko sa intense. Poknat na ‘yan!

Ang in-imagine ko pa naman kapag nakasakay ng bike eh ‘yung mala-Jodi&Cholo na scene. Nagkamali ako.

Maling-mali talaga. Unexpected na naman. Haynako.

Iniwan ko na siya dun at papasok na sana ng entrance nang tawagin niya ko sa pangalan ko. Nilingon ko siya.

“Sasama ko.”

Nalukot bigla ‘yung mukha ko. “Bakheeeeet~”  jusko naman oh! Gusto ko ng kumawala sa kagwapuhan ng lalaking ‘to. Lord, why oh, why?

“Dadalawin ko ‘yung pinsan ko.”

“Edi dalawin mo.”

He rolled his eyes tapos pinahawakan niya ‘yung susi ng bike niya sa valet. Wow ha? Ano ‘to? Kotse?

“Gaano ba ka-sosyal ‘yang bike mo at kailangan pang valet ang magpark?”

“You don’t really want to know the price of that one.” Nakarating na pala kami ng elevator ng hindi namamalayan.

“Magkano ba—“

“Half of your life.” Pinindot niya ‘yung “up” button sa elevator habang nanatiling nakanganga ‘yung panga ko.

SERYOSO?! Did I just ride a bike worth half of my life?! Pakiramdam ko nalula ko ako habang pasakay ng elevator.

Pinindot ko ‘yung pang-20th floor kung nasan ‘yung room ni Nikko. Nagtaka ko kasi hindi pumindot si Arwill.

Pagdating ng 20th floor lumabas agad ako ng elevator at pumunta sa ward ni Nikko.

Not knowing na nakasunod pala sakin ‘yung isa. Pusanggala.

“Nikko.” Bati ko sa kapatid ko. Kasalukuyan siyang ini-injection-an ng nurse habang naka-upo. Napatingin siya sakin.

“Bakit ngayon ka lang dumalaw?” naiinis niyang tanong. Magalang na nginitian ko ‘yung nurse bago umalis.

“Ah, kasi busy ako. Alam mo na.” I kiss his forehead. “Sorry, hehe.”

Ngumiti na siya. Gusto lang talaga nito kiss eh. Nagpa-cute lang kanina.

“Wow, may girlfriend ka pala?”

Eh?

Napatingin ako sa babaeng pasyente sa kabila. Kagat-kagat niya ‘yung apple kahit ‘di pa nababalatan habang nakatingin samin.

Siya 'yung bagong karoommate ni Nikko...

<”Girlfriend mo ba ‘yon?”> Parang boses ng babae ‘yung narinig ko sa kabilang linya?

“Sino ‘yon?” ang alam ko kasi wala naman siyang kasama sa kwarto. Baka bagong pasyente?

<”New patient. Annoying patient, tsk.”> binulong niya lang ‘yung huling sinabi niya. Haha! Ngayon lang nagsumbong sakin ‘to ah. <”Anong paki mo? Girlfriend ko nga. Bakit?”> at talagang pinatulan niya pa ah?

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon