To Love Again - cHappy twenty-two

2.3K 44 3
                                    

SNOWNOTE---

                 Aaaaaand we’re currently on the climax of the story. Shemaaaaay! Basahin niyo na lang. ‘Wag na rin kayong huminga haha xD BY THE WAY! Binabasa nga pala ‘to ni AJ! Wuuuuuuy! Hindi ikaw si Jean ah! Hindi ikaw ang nasa isip ko nung Jean ‘yung name ng nilagay kong kontrabida. Mas gusto ko naman ‘yung Alexandria mo haha! Na pang-bida ang pangalan, oha-oha! I love you JJ :D

 

Read.vote and most importantly, I want to hear your response about this chapter *smirk* Let’s see. Comment your insights!

 

 

------------------------

 

 

To Love Again – cHappy twenty-two

 

LAUREN’s pov

Napanganga ko nang mapagtanto ko kung saan ako dinala ng tatlong lalaki. Ang akala ko, kikidnap-in talaga nila ko. ‘Yun pala, sapilitan ang pagkuha nila sakin para dalhin sa boss nila. Sabagay, ano nga naming mapapala nila sa pagkidnap sakin eh mahirap lang ako.

Pero ang hindi ko lubos maisip ay kung bakit niya ko pinadampot? Sa anong dahilan?

“Sir, nandito na po siya.”

“Good. You can leave now.”

“Yes, Sir.”

Iniwan na kami nung tatlong bodyguards niya kaya kaming dalawa na lang ang natirang tao sa opisina niya.

“T-tito.” Kinakabahan kong sambit. This man intimidates me. Unang kita ko pa lang sakanya, ilag na agad ako dahil sa matalim na mga tingin niya. Hindi ko nga alam kung bakit napagtitiisan siya ni Tita sa sungit niya.

“Good to see you, Lauren. Maupo ka.” He gestured the seat infront of me and I immediately obliged. Takot ko lang sa taong ‘to. Parang may lason ang bawat salita niya kapag kausap mo siya. Ang gusto mo na lang, matapos agad ang pag-uusapan niyo nang makahinga ka ng maluwang.

Kinakabahan na talaga ko. May kutob akong seryosong bagay ‘to dahil pwede niya naman akong ipatawag na lang pero hindi at sapilitan ang utos niya. Meaning, kapag humindi ako, dadalhin pa rin nila ko sakanya.

“How are you?” he said while looking intently at me. Para akong isang prey na isang maling galaw ko lang, patay ako.

“A-ayos lang po.”

“I see.”

“B-bakit niyo po ako dinala dito?”

He leaned back in his seat without looking anywhere but me. “You see… ayaw na ayaw kong may nagtatago ng sikreto sakin. Well, lahat naman ng tao ganun.”

Oh sht! Sabi na nga ba! Napakuyom ako ng kamay sa hita ko. Alam na niya. Oh ghad! Sht. Sht. Sht.

“Especially when it comes to someone who’s dear to me.”

I gulp. Nasu-suffocate na ko ngayon pa lang. Gusto ko ng umuwi. Parang may masamang mangyayari sakin dito.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon