To Love Again - cHappy thirty

2.7K 60 1
                                    


To Love Again – cHappy thirty

 

LAUREN's pov

Bago kami bumaba ng sasakyan niya, nagsuot muna siya ng beanie at aviator and said "For private purposes."

I rolled my eyes.

At dahil wala pa naman si Diandra, napagpasyahan kong maglibot-libot muna dahil ang tagal na rin na hindi ako napunta sa SM.

"Kita na lang tayo— Teka! San mo ko dadalin?!" bigla ba naman akong hatakin sa kamay at dumiretso ng escalator.

"Samahan mo muna ko." Ani ni Arwill na nililibot ang paningin na parang may hinahanap.

Hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang paninitig ng mga kababaihan sa kanya. May nadapa pa nga pagbaba ng escalator. Lol. Simpleng long sleeve na tinaas hanggang siko at faded jeans lang naman ang suot niya.Wala namang kakaiba. Gwapo lang talaga ang tukmol. Tsk.

"Ash texted me awhile ago. Magkikita kami dito."

Nagtaka ko. "Eh bakit dito? Dudumugin siya ng mga fans niya."

He shrugged. "He can manage."

Lumiko kami sa kaliwa at dire-diretso hanggang sa pumasok kami sa isang music shop. Iba't-ibang klase ng instrumento ang nandito at nakakamanghang titigan lahat.

"Good afternoon, Sir Arwill! Ano pong inyo?" salubong ng lalaking sales personnel samin.

"Where's your boss?" tinanggal ni Arwill 'yung aviator niya at sinabit sa suot niyang v-neck.

"Ah, hindi ko po alam, eh. Pasulpot-sulpot lang 'yun eh." The man said shrugging. Matanda na siya. Mga nasa 40's. "Sige, Sir. Tawagin niyo lang po ako kapag may napili na kayo."

Tumango lang si Arwill at nagkalikot na ng iba't-ibang instrument doon. Ganun din naman ang ginawa ko.

Napunta ko sa hilera ng mga gitara. Actually wala kong alam sa mga ganito pero minsan sa buhay ko, gusto kong matuto maggitara. Iwas boredom. Nilibang ko ang sarili ko sa patingin-tingin at pagbabasa ng mga pangalan— na hindi ko alam na 'yun pala ang tawag sa ganung gitara— nang may marinig akong nagst-strum sa gilid ko.

Napatingin naman ako bigla at nakita kong nakasabit ang isang acoustic guitar sa katawan niya at nakatingin sakin.

Then without breaking the eye contact, he sang. Yes, Arwill André Alvarez is singing right in front of me.

♫Bucket full of tears
Baby, know I'm here
I'm here waiting...♫

Napatanga ko bigla sakanya. Nakakagulat. Sobra. Hindi ko alam na kumakanta pala siya. And his voice. God, his voice! Cold yet soft. Husky but fresh. It's like he's caressing your soul while looking straight into your eyes. Can someone bring me a box of tissue? I feel like my nose will bleed any minute now.

♫Close your precious eyes
And just realize
I'm still fighting...♫

And the lyrics. Bakit sa lahat ng kanta, iyan pa?

♫For you to be with me
And sit under this tree
We can watch the sunrise
We can watch the sunrise... ♫

Parang mabubuwal ako anytime. I need anything to support my weight because my knees can't take it anymore. Samahan mo pa ng titig niya. I gulped. Bibigay na talaga ko.

♫Wake up feel the air that I'm breathing
I can't explain this feeling that I'm feeling
I won't go another day without you...♫

He smiled at me after. That genuinely smile that I saw last time in his office. He's smiling like that to me right now. Hindi ko maiwasang maging espesyal sa paningin niya. Lalo na kung sumasabay pati ang mga mata niya. It's too much. Parang sasabog ang dibdib ko sa napakaraming emosyon.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon