To Love Again - cHappy twenty-three.point.one

2.1K 41 4
                                    

To Love Again – cHappy twenty-three.point.one

 

LAUREN’s pov

Mahirap magpaliwanag sa taong sarado ang isip. Iyon lang naman ang nasa isip ko ngayon habang pinagmamasdan ko siyang papalayo sakin.

Wala na. Wala na siya. Ang nag-iisang taong inaasahan kong magiging karamay ko. Wala na.

Napa-upo na lang ako at humagulgol.

 

Bakit ‘di ka nakinig? Huli na ba ko? Nahuli na ba ko?

 

Napagod ka na rin ba?

 

Nagsawa ka na ba sa kakaintindi sakin?

 

Ha? Arwill?

“Ahh… very sweet revenge, isn’t it?” said a mocking voice beside me. “Ang galing talaga at tumama ang hinala ko.” At tinawanan niya ko. ‘Yung tawang may kasamang pangungutya.

Nakita kong nagsquat siya sa harap ko at nilevel ang mukha niya sakin. Ang mukhang hinding-hindi ko makakalimutan.

“Jean.” Puno ng galit na sambit ko sa pangalan niya.

“Masakit ba? Ang tanga mo rin kasi eh. Hindi ka nag-iingat.” Hinawi pa niya ‘yung buhok ko na marahas ko naming tinapik. Nginitian niya lang ako ng pang-asar. “Kawawa ka naman. Malaki pa naman ang respeto ko sa’yo noon. Tapos isa ka pa rin pa lang makati. Ok pa sana if you just cheat on him but no. Talagang nagpabuntis ka pa—“

“’Wag kang magsalita na parang marami kang alam. Hindi mo alam ang nangyari. Pinalaki mo lang ang gulo.”

“B.tch.” naiinis na sabi niya. “Lagi kitang minamatyagan kaya alam ko lahat ng kinikilos mo. Kumukuha lang ako ng tsempo para mahuli kita. At nang makakuha na ko, tinimbre na kita sakanya. Ang tanga mo lang talaga dahil hindi ka nag-iingat. Pasalamat nga siya at hindi siya napunta sa isang katulad mo. Manggagamit.” Pagdidiin niya sa huling salitang sinabi niya. “You are worst than me.” Tapos tumayo na siya at umalis.

Napapikit ako. So all this time ‘yun na talaga ang plano niya. Ang makahanap ng pagkakataon para mapasama ako kay Arwill.

Iniyak ko na lang ‘yung inis ko dahil sa sitwasyon ko, nahihirapan lang akong labanan siya. At isa pa, baka masabi ko na hindi talaga ko buntis. Hindi pwede ‘yun. Masasayang ang effort ko.

Tumigil ako sa pag-iyak at napag-isip-isip ko na hindi ako papasok ngayong araw.

__________

ASH’ pov

“Easy there— oh sht!”

Napa-pikit na lang ako nang makarinig ako ng pagbasag. This time, alam kong salamin ‘yun sa bintana.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon