To Love Again - cHappy twenty-five

2.4K 53 4
                                    

To Love Again – cHappy twenty-five

 

LAUREN’s pov

Nilapag ko ‘yung bag ko sa table at nagpunta sa locker ko para magbihis. Mabuti na lang at hindi ako full-time nurse sa ospital na ‘to.

“Good Morning people!” kumaway pa ng parang nasa beauty pageant si Liza. “Shucks ang ganda ko talaga, tae.”

“Kadiri naman. Ang aga-aga Liza.”

Inismiran niya lang ako. “Basta maganda ako.”

Natawa na lang ako at pumunta ng CR para magpalit. Yep, I agree with her. Morena siya. Matangkad at sexy. Madaldal nga lang kaya medyo sablay pero kahit ganun, masayang kasama ‘yan. Kilalang-kilala ko na sila ni Mea. Sa dalawang taon ba naman naming magkakasama eh. Buti na lang ‘di ako nagsasawa sa araw-araw niyang pagpupuri sa sarili niya.

Pagbalik ko, nakita kong nag-uusap silang dalawa ni Darren.

“Ano ba kasing meron sa inyo ni Lauren? Kayo na ba? Kaasar kayo ha.”

Darren just chuckled at napatitig na lang si Liza. Konti na lang lalabas na ‘yung laway niya. Someone has a crush. Uyyy~ Sorry, Liza. Off-limits.

“Bakit? Nagseselos ka na ba?”

Napanganga si Liza at napapaypay sa sarili. “My ghad! Whatever!” at pumasok na siya sa CR.

“Tinakot mo, ayan tuloy. Bakit ka nandito?”

“Good Morning to you too.” Hinalikan niya ko sa pisngi at napa-atras naman ako bigla.

He looked guilty. “I forgot, sorry.” Dumistansya siya at nilagay ang kamay sa bulsa. “Dinner later?”

Tumango ako. “Sounds good. Isasama ko si Nikko.”

“Great. I’ll see you, then.” He winked at me. I just smiled at him. “By the way, uhh…”

“Huh?”

“Ah, wala. Sige.” Patalikod siyang kumaway at umalis na. Ano kayang problema nun?

“Good Morning, guys! I miss you!” tapos hi-nug kami ni Mea.

LIZA: Hanuba, Mea! Nalulukot ‘yung uniform ko!

MEA: Ang arte mo, maganda ka ba?

LIZA: Oo naman!

“O, wag ka ng umiyak!” tapos nilagpasan niya si Liza at nilagay ‘yung bag sa locker. Nakabihis na rin siya at pupunta na lang kami sa kanya-kanyang station para magtrabaho na.

Mea sighed. “Haay, sana makita ko siya mamaya.”

“Araw-araw mo na lang ‘yang panalangin ah.” Sabi ko habang naglalakad kami sa hallway.

“Gusto niyo, tingnan natin siya mamaya?” malisyosang sabi ni Liza. “Syet! Sasama ko kay Doc Montaner mamaya kapag chineck-up siya.”

Nag-roll eyes lang ako. Siya na naman ‘yung pinag-uusapan nila.

“Napanuod mo ba sa balita ‘yun, Lauren?”

“Hindi eh. Busy na kasi ko nitong mga nakaraan.” True. Marami rin akong iniisip simula nung sumulpot SILA last week.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon