To Love Again - cHappy twenty-seven.point.one

2.6K 52 3
                                    

To Love Again – cHappy twenty-seven.point.one

 

LAUREN’s pov

<“Talaga? Nagkita na kayo?”> boses pa lang niya, alam kong napatigil na ‘to sa kung anong ginagawa.

“Oo nga. Ang kulit. Last-last week lang. Busy kasi ako sa ospital kaya hindi ko nabalita sa’yo.”

<”Aww~ Bestfreng. Sign na ‘yan.”> excited niyang sabi.

Binaba ko ‘yung sandok at naghugas ng kamay. “Ang hilig mo sa ganyan ‘no? Magtigil ka nga.”

<”Kunwari ka pa. Sows! Hashtag, wala kang maloloko dito.”> humalakhak siya. <”Anyway, panahon naman na.”>

Pinatay ko ‘yung apoy sa stove at kinuha ‘yung pot holder. “Panahon para san?”

Tumikhim siya. <”Wala-wala. Haha~ Don’t mind me. Kinakausap ko lang ‘yung anak ko. Can we talk personally? Ayoko ng over the phone eh.”>

I sighed. Then isinalin ‘yung laman ng luto ko sa Tupperware. “I can’t. I’m gonna visit him in his office. You know, first day niyang hawakan ulit ang company.”

<”So sweet! Me gosh! Ok-ok! Sorry naman sa abala hihi! Bye, bestfreng! Balitaan mo ulit ako ah! Sana sa susunod mong tawag, inlove ka na ulit sakanya.”> humalakhak ulit ang gaga. Parang tanga lang talaga.

“Asa ka. Sige, bye. Paki-kiss na lang ako sa anak mo. Ingat!”

And then the line went dead. Ako naman, nag-ayos na ng sarili. Umuwi si B sa bahay nila ngayon kaya wala siya dito sa condo. Maaga naman si Arwill na pumasok.

Napatigil ako sa harap ng malaking salamin sa banyo. Everything here is luxury. Halos hindi nga ko makahinga kasi nakakalunod ‘yung mga kagamitan dito. Minsan nangangain pa. Ng mga tanga.

Naging maayos naman ang pagtuloy ko. Maliban nga lang pagnakakausap ko si Arwill.

Alam mo ‘yung feeling na, normal naman siyang kausap pero parang may nag-iba. We talk often. About his condition. About the present. But not about US, ‘yung dating US I mean. ‘Yung past, hindi talaga nahahalungkat. Iniiwas niya kasi ‘yung topic. I wonder why. Pero hindi lang talaga maalis sa isip ko na hindi na siya ‘yung dati. Yes, I saw him smile. Pero walang buhay. Wala. Blangko. Ngumiti lang siya for the sake na kailangan ngumiti kasi ganto ganyan. I don’t know. I don’t know anymore.

There’s something wrong. Pakiramdam ko meron talaga. Ayokong mag-assume na ako ang dahilan. Kasi kung ako nga, magiging iba ang trato niya sakin. Hindi ‘tong pinakikisamahan niya ko. He’s also too kind. Basta, iba talaga.

Imbis na magmuni-muni pa ko dito, umalis na ko ng Condo niya. Bumaba at naghintay ng taxi. Pero ‘di na pala kailangan kasi may humintong black na SUV sa harap ko.

“Good morning, Ma’am Lauren. Saan po tayo?” nakangiting bati ni Kuya Zed. With matching navy blue polo. Medyo nagulat pa ko na nasa harap ko siya. Paano niya nalaman na bababa ako?

“K-kuya Zed, bakit kayo nandito? Diba, nandun kayo kay Arwill? Hinatid mo pa nga siya. Dapat ‘di ka umalis dun.”

Bumaba siya ng sasakyan. “Akin na po.” Tapos kinuha niya sakin ‘yung dala-dala ko. “Inutusan ako ni Boss na bantayan ka. Kung aalis ka daw, ako na lang daw maghahatid sa’yo.”

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon