To Love Again - cHappy nineteen

2.7K 55 12
                                    

To Love Again – cHappy nineteen

 

LAUREN’s pov

“Dinala ka niya? Weh?” parang hindi makapaniwalang sabi ni Freed sakin.

“Seryoso ka, ‘Will? Weh?” baling ni Ash kay Arwill.

“Wala namang gayahan, Ash. Baka masapak kita.”

“Luh! Sige, gawa!”

“Both of you, shut up. Kumakain tayo.” Reklamo ni Locus.

Nahihiyang napayuko ako sakanila. Hindi ko alam kung pano nila nalaman na dinala ako ni Arwill sa bahay nila para ipakilala sa pamilya niya. Wala rin namang sinasabi ‘yung isa. Siguro mga tsismoso lang talaga ‘tong mga ‘to. Kalalaking tao.

KEN: Magshare kayo. Baka di ko kayo matantya.

ARWILL: Pinakilala ko siya kila Mama. Tapos.

ZAION: And then?

ARWILL: ‘Yun lang.

ASH: Aiiish! Walang sinabi sila Tita?

ARWILL: She’s very fond of Lauren. They accept her. There, happy now?

Nagkaroon ng standing ovation sina Freed, Ash at Zaion at pumalakpak. “Lupet mo, pare. Idol na kita."

LESTER: Gusto niyo pa bang kumain? Baka ‘di na kayo makatikim ng luto ni Lau paggumanyan pa kayo.

ZAION: Eto na nga! Eto na nga eh! Sorry na Fafa Les!

Napangiti na lang ako sa kaharutan nila. “Okay lang ba ‘yung lasa ng sinigang? Masyado bang maalat o maasim?”

Inakbayan ako ni Arwill. “Best sinigang ever.”

Kinurot ko siya sa tagiliran. “Nakuuu.”

“Pramis, masarap siya Lau.” Segunda ni Freed. “Ilagay ko kaya sa menu namin ‘to? Hmmm...”

ASH: Do you want to be a chef someday? Ako bahala sa’yo Lau. Sakin pa lang, tiba-tiba ka na.

Uminom muna ko ng tubig bago sumagot. “Hindi eh. Gusto kong maging nurse.” Tipid na ngumiti ako. “Gusto kong makatulong sa mga may karamdaman kahit sa maliit na paraan lang.”

Maang na napatitig silang lahat sakin. Walang nagsalita. Lahat tumigil sa ginagawa. Hanggang sa tumayo na naman ‘yung tatlo. Papalakpak sana sila nang binigyan sila ng nakamamatay na tingin ni Lester. Upo agad sila eh. Who would’ve thought that his angelic features has an evil side too?

LOCUS: Great.

LESTER: Awesome!

KEN: Magneficent. Wala lang, may masabi lang. O sinong nakatoka sa paghuhugas ng pinggan?

“’Wag na, ako na lang.” Tumayo ako. Nakakahiya naman sakanila. Ako na nga ‘tong nakikain lang.

LOCUS: Just leave it there. Kaya na namin ‘yan. Freed, ikaw na.

FREED: Aye, aye! Bisita ka namin, Lau kaya kami na bahala.

Napatango na lang ako. Guys who wash dishes? Sila lang yata ang kilala kong ganun kahit anak mayaman.

Dumiretso kami sa sala nila at pinaupo ako ni Arwill sa tabi niya.

LOCUS: Sa study room lang ako.

ASH: Practice. *winks*

KEN: Gonna sleep. *yawns*

ZAION: Mambababae ako. Hehehe.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon