To Love Again - cHappy four

3.9K 70 14
                                    

 

To Love Again – cHappy four

 

LAUREN’s pov

Nag-isip-isip na ko ng mga dahilan kung pano siya lusutan. Pero hanggat hawak niya ng mahigpit ‘yung kamay ko, hindi ako makakapag-isip ng matino. Haay naman oh!

“Yo!”

“Hi, babe! *winks*”

Dalawang lalaki ang humarang samin. Ah, sila Ash at Freed pala. Bakit babe tawag ni Freed kay Arwill?

FREED: Bat magkahawak-kamay kayo? Selos ako.

ASH: Kanino? Kay Lauren o kay Arwill? :D

FREED: Kay Arwill, dude!

Tapos sabay silang humalakhak. Sira-ulo. Hinila ko naman ‘yung kamay ko mula sa pagkakahawak ni Arwill. Kahiya naman. Bakla pala si Freed.

“Arwill, alis na ko. Ok na pala. Di na ko pupunta ng clinic. Sige, bye.”

‘Di ko na siya hinintay na sumagot at umalis na. Nakakahiya talaga. Sa susunod nga hindi na ko didikit sa grupo ni Lester. Parang mga baliw eh.

Dumiretso na ko ng part-time ko malapit sa dorm. Specifically, sa Centaurus dormitory. Bahagi ‘to ng scholarship ko. Grabe lang sa pagkagalante ng Principal ‘no? Libre tuition fee at dorm. Pero sabagay, anim o pito lang yata kaming scholar sa batch ko.

“Hi, Lola Pining! Magandang gabi po.” Bati ko pagdaan sa counter slash reception desk. Nasa 50 pa lang naman ang age niya pero ang sabi niya kasi pwede ko na daw siyang tawaging Lola. Siya ‘yung taga-alaga samin dito or parang landlady na din.

Tumingin siya sa orasan na nakasabit malapit sa pinto. “Late ka na ah. Hala, sige umakyat ka na sa taas. Baka mahuli ka pa sa trabaho mo.”

“Opo! Salamat po!”

Nagmamadali akong umakyat at nagbihis. ‘Yung kwarto ko, pang-dalawang tao. Dalawa ‘yung kama. Kaso walang nag-ooccupy nung isa so solo ako. Pagkatapos kong ma-lock ‘yung pinto, nagmamadali akong bumaba.

“Bye, Lola! Mag-ingat po kayo!”

“Ingat rin, Nik!” siya lang ang tumatawag sakin ng Nik. Mas kilala ko bilang Lauren.

Tumakbo ko ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa pinagta-trabahuan ko. Coffee shop siya na ang pangalan ay “Rocket Coffee”. May pagka-galaxy kasi ang theme ng coffee shop na ‘to at ang pangalan ng boss namin ay Rocket.

Pagbukas ko ng backdoor, siya agad ang nabungaran ko. Napakagat ako ng labi.

He adjusted his eyeglasses and look at me with the coldest eyes I could muster. I froze at that moment.

Sesante na ba ko?

“You’re late. Don’t think I would dock your pay.”

I gulped and exhale silently. Muntik na ‘yon. “Y-yes, Sir.”

Tumango siya at tumingin sa clipboard niya na ni minsan eh hindi ko nakitang binitawan niya. Nagsimula na siyang mag-instruct ng mga gagawin at ako naman eh dumiretso na sa worker’s lodge para magsuot ng apron. Waitress ang trabaho ko.

Sinalubong ko ng ngiti ang mga papasok na customers.

-----------------

Tapos na ko sa paglilinis ng huling table ng lingunin ako ni Ate Venus. Katrabaho ko dito. Mas matanda siya ng limang taon. Ako kasi ang pinakabata dito.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon