To Love Again - cHappy twelve.point.two

3.9K 76 5
                                    

To Love Again - cHappy twelve.point.two

LAUREN's pov

Tinignan ko sa orasan ko kung anong oras na at nakita kong quarter to 4 pa lang. Ang aga pa. Pinagmasdan ko lang na maglaro si Andrei. Inaya niya kong maglaro kanina kaso sobrang init kaya tumanggi ako. Narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko 'yun.

"Hello po?"

<"Lau, nasan ka? Umuwi ka na?">

"Hindi pa po Ate Amy. Bakit po?"

<"Pwede ka bang pumunta dito sa Phase I ng field? Medyo kulang kasi kami dahil dumagsa 'yung taga-ibang school para magvolunteer. Nahihirapan akong i-handle sila at ipa-register. Dala mo ba 'yung registration form na binigay ko sa'yo nun?">

"Opo. Sige po, pupunta po ko jan."

<"Alright. Paki-xerox ng mga 20 copies. Salamat ha.">

"Wala po 'yun Ate Amy. Si Lester po? Hindi po ba siya tumulong?"

<"Nandito pero pasyente ang inaasikaso niya. Dagsa nga sakanya eh. Ewan ko ba, mga sinasadya atang sugatan ang sarili para gamutin ni Les. Haynako. Anyway, I'll see you here na lang.">

"Opo. Bye, Ate Amy." Natatawa kong binaba 'yung tawag. Kahit kailan talaga 'yung lalaking 'yun.

Kinawayan ko si Andrei. "Nak! Alis na ko. May aasikasuhin pa pala ko sa school."

"Sige lang, Ma!" ngumisi siya nang pumasok 'yung bolang hinagis niya at pumunta sakin. "Hatid na kita?"

"Hindi na. Magpractice ka na lang dito. Magtext ka pag-uuwi ka na ah? Wala ka pa naman kasama sa bahay niyo."

"Ayos lang po sanay na ko. Sige po, ingat!"

Nginitian ko siya at umalis na ko para magpuntang school. Nagjeep lang ako dahil malapit lang naman talaga 'yung court mula sa school kaso kung lalakarin ko baka abutin ako ng siyam-siyam. Nagmamadali pa naman ako.

Lakad-takbo ang ginawa ko papuntang Phase I habang dala ko 'yung xinerox ko.

Ang daming tao. Puro taga-ibang school. Bakit hapon na sila pumunta? Kaloka ah.

"Hey! I heard magpeperform daw mamaya ang AshLee twins! Grabe! Buti na lang talaga at nagvolunteer tayo!"

"Tama! Gwapo ng President ng Student Council nila 'nu? Muntik akong mahimatay! Shucks!"

"Buong member ng Student Council gwapo! Kyaaaaahh! Magpapa-transfer na ko dito sa CA!"

"Ahhhh! Ako rin! Ako rin!"

Lahat sila kinikilig. 'Yun lang pala habol nila para magvolunteer. Haays!

"Eto na po Ate Amy." Binigay ko sakanya 'yung registration form. Pinapila niya naman 'yung mga estudyante. Pinabantay niya sakin 'yung mga nagreregister.

"Miss, gwapo ba talaga 'yung mga miyembro ng Student Council niyo?" tanong ng isang kinikilig na babae habang nagsusulat.

"Uhh... Oo."

"Talaga?!" tumili siya at lumingon sa likod. "Sabi sa'yo eh! Ah Miss, nasan 'yung Student Council room?"

Napataas 'yung kilay ko sa sinabi niya pero hindi niya 'yun nakita. Juskoday! Napuno na naman ng mga nahuhumaling na kababaihan ang school na 'to. Hindi pa ba sapat 'yung mga nasa elementary at college branch? Grabe naman.

"Sa palagay ko, off-limits dun. Saka hindi yata kayo pwedeng pumasok sa loob ng buildings." Totoo naman 'yung sinabi ko. Nasa policy 'yun ng school unless may permiso para makapasok.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon