To Love Again - chappy fifteen.point.three

3K 75 2
                                    

To Love Again – chappy fifteen.point.three

 

LAUREN’s pov

Nanlaki ang mata ng lahat sa ginawa kong pagtabig sa pinggan. Hindi agad sila nakakilos para pigilan ang ginawa ko. At lalong hindi nila expected na gagawin ko ‘yun.

Tanging paghinga lang namin ang tunog na maririnig sa paligid. Nagtataka ang mga tingin nila sakin.

Bakit niya ginawa ‘yun?

Ano bang nangyari?

Hindi niya ba alam na madi-disqualify siya dahil sa ginawa niyang ‘yun?

Pano na?

Nanginginig ang mga kamay ko kaya tinago ko na lang sa likod at yumuko. “S-sorry. Sorry talaga.”

“What the hell, Lau?” rinig kong sabi ni Zaion. Napapikit ako ng mariin at kinagat ang mga labi sa panginginig.

Sht. Sht. Sht.

Maiiyak na ko sa kagag.hang ginawa ko. “Sorry.” I said in a whisper. Pakiramdam ko hindi ko na kayang magsalita pa dahil baka mag-breakdown ako bigla. I am not gonna embarrass myself infront of them. Especially to him.

“God!”

“I think I’m gonna exit here.”

“Me too. ‘Don’t wanna see a girl crying.”

“Gwapo, baka pwede pa naman ‘yung pagkain?”

“Sige, Freed. Kukunin ko, lalamunin mo  ha— Hey, Arwill! Wait!”

“Jeez! Don’t tell me you’re gonna eat that?!”

“You’re f.cking kidding me.”

At that, I lift my head and saw Arwill putting my dish in another plate. Tumingin siya sakin at lumapit.

At habang papalapit siya, nag-scoop siya ng isang kutsara at sinubo. Kasabay ng pagtakip ko sa bibig ang pagtulo ng luha ko.

I heard gasps but I’m too focused on Arwill. He was just munching the dish like it didn’t fell on the floor minutes ago. Mind you, may bubog pa ‘yung nandun.

At ang tanging sinabi niya lang. “Wala pa namang five minutes.”

I sobbed loudly. Kainis! Kaya ayokong umiyak eh. Tinapakpan ko ‘yung mukha ko gamit ang mga kamay ko.

Now I know why I fell HARD with this guy. He’s just so sweet. Hindi niya hinahayaang masayang ‘yung effort na ginawa ng isang tao.

Bigla kong may naalala. “Teka! Baka atakihin ka ng allergy mo!”

“What allergy?” taka niyang tanong.

“Sa hipon! Ano ba?! Iluwa mo!” I grabbed his neck and pull him towards me. Binuka ko ‘yung bibig niya pero pinigilan niya lang ako.

“I don’t know what you’re saying.”

“You do!”

“No, I don’t!”

“Basta iluwa mo—“

“Wait-wait-wait.” Pigil ni Lester sa pagitan namin. “Before you strangle him, let me make this clear. Arwill doesn’t have any history having an allergy to shrimp. So, what makes you say that he has?”

Binuka ko ‘yung bibig ko pero sinara ko ulit. Hindi ako makapaniwala. Niloko niya ko?! Ang babaitang chaka doll na ‘yon?!

LOCUS: Jean told her.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon