To Love Again - cHappy twenty-three.point.two

2.3K 60 7
                                    

Sorry for the Inapproriate words. Please be guided.

--------

To Love Again – cHappy twenty-three.point.two

 

ANDREI’s pov

“Sige, bye!” paalam ko sa mga ka-teammates ko. Haay. Ginabi na ko ng uwi. Pagagalitan ako ni Tatay neto.

Nagmamadaling naglakad ako papuntang sakayan ng jeep nang magring ang cp ko.

“Hello po.” Si Kuya Nikko pala.

<”Hello. Nakita mo ba si Ate ngayon?”>

“Ha? Hindi po eh. Bakit po?”

<”Ah, wala pa kasi siya. Baka lang nakita mo. Sige.>” tapos pinatayan na ko.

Nagtataka lang na tinignan ko ‘yung cellphone ko. Masama ang pakiramdam ko dito ah. Gabing-gabi na kaya. Nakakainis nga kasi ngayon lang kami pinauwi ng Coach namin galing sa malayong school kung saan kami naglaro.

Namimiss ko na rin si Mama Lau. Naglakad na ko ng makauwi na. Tapos tinawagan ko na rin ‘yung cellphone niya. Buti may load pa ko.

May nadaanan akong Bar, nakita ko pa nga si Papa eh. Pero baka kamukha niya lang kasi ‘di naman umiinom ‘yun. Tapos nang makalayo-layo na ko, nakarinig ako ng iyak ng isang babae.

“Tama na…” narinig ko ulit. Hala! >_____<) May multo pa yata dito!

Kaso may iba pa kong naririnig eh. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Malapit na ko. Umiiyak talaga eh. Parang hirap na hirap.

Nagulat pa ko ng may sumigaw ng, “Tama naaaaa!!!”

Sobrang pamilyar ng boses na ‘yun na napatakbo ako papunta sa may eskinita. Narinig ko ring ang ringtone na ‘yun kaya sigurado na ko.

“Mama!” sigaw ko. Nakita ko siyang umiiyak at may kasamang lalaki na… na…

Hindi na ko nagdalawang-isip at dumilim na agad ang paningin ko sa nakita. Isang bote ang nahawakan ko at agad na pinampalo sa ulo niya.

“T.ng.na mo ka! Mamamatay ka na!” pinagsusuntok ko siya sa panggigigil ko. “Babangasan ko na ‘tong mukha mo, t.ng.na mo talaga! Si Mama pa talaga ginanto mo, g.go ka! Papatayin talaga kita!” wala kong pakielam kahit wala na siyang malay ang mahalaga mabugbog ko ‘tong g.gong ‘to. Kulang pa ‘yan sa ginawa niya sa Mama ko. Ang tinuring ko ng ina nitong mga nakaraang araw. T.ng.na niya talaga.

“Hayop kang walanghiya ka! ‘Di ka na dapat nabuhay, g.go!” isang malakas na tadyak at napaupo ako habang hingal na hingal. Galit na galit ako sa ginawa niya. Hinding-hindi ko ‘to makakalimutan. Ako mismo magpapakulong sakanya, t.ng.na niya.

Narinig kong umiiyak pa rin si Mama. Nanginginig siya at nakayakap sa sarili. Bukas ang harapang bahagi ng polo niya. Punit-punit na ‘yun. Gulo-gulo din ang buhok niya at nadudugo ang labi. Isang beses ko pang sinipa ang walang malay na Rico na ‘to. Hayop talaga.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon