To Love Again - cHappy five

3.6K 72 6
                                    

 

To Love Again – cHappy five

 

LAUREN’s pov

“Hi, Lauren!” ngiting-ngiti sakin si Lester pagkadating na pagkadating ko ng clinic.

“*forehead-knot* Anong problema mo?”

“Wala naman.”

“Ichura mo. Tigilan mo nga ‘yang ngiti mo. Pumapangit ka.”

“Ang sama mo. Asset ko kaya ‘to.”

I hit a nerve there. Asset niya nga ‘yang ngiti niya. Muntik na kong ma-fall sakanya nun eh. Kaso napapansin ko kasi wala siyang planong lumagay sa status na in a relationship. Or baka may iba siyang gusto.

So, yeah. Muntik na ‘yun. Phew! ‘Buti na lang napigilan ko.

“Sorry na. Mapapatawad mo pa ba ko?” pagjo-joke ko.

“Ge, kiss mo ko.”

Hinampas ko siya ng clipboard. “Mukha mo.” Humalakhak lang siya.

Biglang bumukas ang pinto at nagulat ako. Kumabog na naman ang dibdib ko. Napapansin kong laging ganito ang nararamdaman ko kapag nanjan siya.

“Arwill, anong ginagawa mo dito?” nilapitan ni Lester si Arwill. “May sakit ka ba? You seem—“

“I want to sleep.” Tapos dire-diretso siya sa pinaka-dulong kama at dun nahiga. Tinignan ko si Lester kung anong problema pero nagkibit-balikat lang siya.

Buti na lang wala dito si Nurse Amy kundi pagagalitan siya sa inasal niya. Pupunta dito para matulog? Ano kaya ‘yun?

Lapitan ko nga. “Bawal matulog dito.”

Hindi niya ko pinansin. Bilis namang makatulog nito?

“’Wag mo ng gisingin.” Nakatingin si Lester kay Arwill at mukhang pinipilit na magmukhang seryoso. Of course he failed. “Puyat kasi ‘yan. Alam mo na.” Tapos tumingin siya sakin ng parang may ginawa akong—

“Hoy! Napaka mo. Nagkataon lang na nagkita kami kagabi ‘no.”

Kumunot ang noo si Lester. “Magkasama kayo kagabi?” tapos unti-unting sumilay ‘yung ngiti niyang nakakaloko.

Patay. Nahuli ako sa sarili kong bitag. Ay badtrip!

“Ayyiiiiieeeeh!” ang pambansang panukso. Mawawala ba naman ‘yan?

“Asar ka.”

Tumawa lang siya. “Ang bilis mo namang bumigay.” Tinitigan niya kong maigi tapos ngumiti. Ang weird!

“Kinikilabutan ako sa’yo. Kung ano man ‘yang iniisip mo siguraduhin mong walang halong kalokohan ‘yan.”

Natawa siya. “How did you know?”

Napakunot-noo ako. Ang weird talaga. “Naka-drugs ka ba?”

Umiling siya. “Nevermind.”

Narinig kong nag-ring ‘yung cellphone ko. “Hello?” sagot ko sa kabilang linya.

< ”O-oy.” >

”Oh Nikko? Napatawag ka? May masakit ba sa’yo?” kinabahan ako. Hindi naman kasi siya tumatawag sakin eh. Though di ko na pinansin na ‘Oy’ sagot niya. Walang galang na bata.

< ”Wala.” >

”Bat napatawag ka?”

< ”Girlfriend mo ba ‘yon?” > Parang boses ng babae ‘yung narinig ko sa kabilang linya?

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon