To Love Again - cHappy twelve.point.one

3.1K 61 1
                                    

To Love Again – cHappy twelve.point.one

 

LAUREN’s pov

“Kanina ka pa ba jan?” basag ni Arwill sa katahimikan na namayani kani-kanina lang.

Alam niya naman eh, bakit pa siya nagtanong? Kaya nga stunned ang itsura ni Jean eh. Lalaking ‘to talaga.

“M-medyo.”

“Let’s go. Magwa-warm up pa kami.” Maglalakad na sana siya paalis nang parang may naalala. “By the way Jean, this is Lauren.” Pakilala niya sakin. “Nurse ng team. Lauren, this is Jean. Ex ko.”

Naglahad ako ng kamay. Hindi nakalagpas sa paningin ko na pumiksi si Jean nang banggitin ni Arwill ang salitang “Ex”

“Hi, nice to meet you.” Nakangiti kong bati.

Reluctant niyang hinawakan ang kamay ko. Ang lambot. She looks so fragile. So innoccent. Bumagay sa kaputian niya ang kulay brown niyang buhok. Wavy hair na hanggang dibdib. Maganda. Sobra.

“Hello. Kilala kita. Binabanggit ka kasi samin ng mga kaklase kong lalaking.”

Nagkaroon ng malaking question mark sa ulo ko. Ako? Kilala? Baka dun sa advice kuno. Haynako talaga. Ayoko ng ganun.

“Ah ganun ba? Ahm... sige mauna na kayo ni Arwill dun. Dadaan pa ko ng CR saka hahanapin ko narin si Jhay.”

“Sige.” Ngumiti si Jean. Tumango ako kay Arwill.

“Ingat.” Sabi niya. Kunot-noo lang ako habang naglalakad. Anong ingat?

Hindi naman ako nagpalit ng t-shirt. Naghilamos lang ako tapos tinext ko na si Jhay kung nasan siya. Sabi niya, nasa tent na raw siya. Kasama niya si Mira. As usual. Sabi ko susunod na ko.

Napagtanto kong magkasama sila Arwill at Jean ngayon. Nabagabag ako sa suot na t-shirt ni Jean. Syempre may makakakita sakanila. Ano kayang reaction ng mga tao? Kikiligin? Maiinis? Maiinggit?

O magseselos?

Sarili ko yata ‘yung pinariringgan ko. Umiling-iling ako para maalis sa isip ko ‘yon.

“Sabi na nga ba at makikita kita.” Ani ng malalim na boses ng lalaki. Pamilyar sakin kaya lumingon ako kung san nanggaling.

Nung una nagulat ako pero hindi ko pinahalata at nanatiling normal lang. Kahit na sa loob-loob ko, gusto ko siyang sampalin o suntukin sa ginawa niya samin ni Andrei.

“Anong ginagawa mo dito?” nasa tono ko ang pagka-asar. Sobrang higpit na ng pagkakahawak ko sa bag ko.

Tumindig ang balahibo ko nang lumapit siya sakin. Siya lang mag-isa. Naka-baseball uniform din siya at madumi. Mukhang kakagaling lang ng laro. Kung ganon... sila ‘yung...

“Nandito ako para ilampaso ang lalaking ‘yun. Obvious ba?” he smirked devilishly. Nakakatakot siya. Hindi ako tanga para ‘di malaman kung sinong lalaki ang tinutukoy niya.

Nakaramdam ako ng urge para ipagtanggol si Arwill. “Mas magaling siya sa’yo. Baka ikaw pa nga ang malampaso niya.”

“Oh.” Lumapit siya sakin. Ang tangkad niya. Hanggang kili-kili niya lang ako. Ang baho pa niya. Pero pag tinignan mo siya, mukha namang mabango at may itsura din. Maangas ang mukha niya. “No, no, no, sweetheart. Kayang-kaya kong pataubin ‘yang boyfriend mo.”

“H-hindi ko siya boyfriend.”

Mas lalong lumawak ‘yung ngiti niya na para bang naka-jackpot siya. Syet! Mapapahamak pa yata ko sa pagsasabi ng totoo.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon