To Love Again - cHappy thirty-five

3.7K 82 14
                                    

To Love Again – cHappy thirty-five

 

LAUREN's pov

Panay ang hila sakin ni Vernice mula sa pagkakahiga. Hindi naman ako tumitinag at nanatili sa posisyon.

"C'mon! 'Wag ka ngang maarte jan, parang ano naman 'to!" naiinis niyang sabi.

Ipinikit ko lang ang mga mata ko at itinaas ang comforter hanggang leeg ko. Tinatamad ako.

"Isang buong linggo ka ng nag-iinarte. It's not healthy. What about the baby!" tili niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "What about the baby?" taka kong tanong. "Baliw." I whispered and snuggled closer to my pillow. Haay, anlameeeeg.

"Sige na, samahan mo na ko sa photoshoot ko. Please, please, please? Pretty please? I'm begging you! Bagsak na bagsak na 'yung pride ko, 'di ka ba naaawa?" lambing niya pa.

Ilang pang panghihikayat ang ginawa niya pero nakahiga lang ako hanggang sa makatulugan ko na. Ayokong lumabas. Ayokong magpakita sa mga tao. Ayokong makakita ng ibang tao. Ayokong maalala 'yung mga nangyari nung isang linggo. Ayoko. Ayoko na.

You're probably wondering why I'm being like this. Eh sino ba namang hindi kung 'yung groom mo tatakbuhan ka sa gitna ng kasal niyo? Hah! Hindi ako natutuwa. Iyak nga ko ng iyak eh. Iniwan niya ko sa ere. Ni wala man lang paliwanag kung bakit ginawa niya 'yun. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako tinatawagan. Malay ko ba kung ano ng nangyari dun. Syempre, nag-aalala din ako at the same time nagsaktan rin. Hindi ko na inisip na napahiya ako. Ang gusto ko ay ang paliwanag niya. Pero wala. Nakakainis.

"Ang ganda naman niya, Ver."

"Yeah. Where did you find such beauty?"

"She's rare, right? Oh-oh— 'wag niyong hahawakan. Baka magising."

"Is she single?"

"Ano ka ba?! Siya 'yun!"

"Ay, ganun ba. Sorry, Ver. Haay, ang swerteng bata naman nito."

Napakunot-noo lang ako nang may marinig akong boses sa kwarto ko. Sino na namang tao nandito? Ayoko nga ng may bisita eh, ang kulit naman.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko para lang mapansin na hindi ito ang kwarto ko. Naka-upo ako at nakaharap sa isang vanity mirror. The heck! "Anong—" my frown deepen when I saw how groggy I look at the mirror. I look like sh.t.

"Hi, Laurieeee!" suddenly, someone hugged me from behind and I was startled for a sec.

"Vernice," napahawak ako sa ulo ko at minasahe 'yun. Naiirita ako. "Ano na naman 'to? Nasaan ako?"

"Ah, sinama kita sa photoshoot! Dyereeeen!" nilahad niya pa ang kamay niya para i-emphasize kung nasan kami. In-adjust ko naman 'yung mata ko sa ilaw. Nasa isang studio kami. A lot of people where busy running some errands. Halatang busy ang mga tao dito. Pwera dito sa gawi namin dahil napapalibutan kami ng mga salamin, make-ups, gowns, dresses at iba pa. Sumakit lang ang ulo ko.

Tumayo ako. "Uuwi na ko." Wala naman akong gagawin dito kundi ngumanga habang nagpo-pose siya.

"Sanda—"

"Ver! Oh! It's so nice to see you here. Siya na ba 'yung model? Hi!" the man beamed at me and kisses both my left and right cheek. Bakla 'to, bakla. Naiilang tuloy akong ngumiti. Pasimple ko ding pinunasan 'yung bibig ko, baka sakaling may tumulong laway ng di ko namamalayan. Nakakahiya naman. Leche kasi dinala-dala pa ko dito! Kakatayin talaga kita Vernice! Naku kang babae ka!

"Yep. Meet Lauren Nichole En. Laurie, this is my friend Addy Salmonte. One of the country's most prize designer and make-up artist." She proudly said. Bahagyang hinampas ni Addy si Vernice sa balikat.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon