To Love Again - cHappy thirteen

3.3K 65 7
                                    

SNOWNOTE ---

                Fast-pacing ang story. Mahaba 'to. Di ko na hinati. Tinamad ako. Harhar. Well anyway, Dedicated to sakanya dahil birthday niya ngayon yey! Happy Birthday sa French Fries ko! Mahal na mahal kita kahit binubugbog mo ko lagi wahahaha! Labyu! :*

----------------

To Love Again – cHappy thirteen

 

LAUREN’s pov

Maaga pa lang nag-ayos na ko. Hindi ako makatulog kakaisip sa mangyayari ngayong araw na ‘to. Kinakabahan ako hindi lang para kay Arwill. Pati na rin kila Kuya Frank. Sana mag-ingat sila. Please, Lord.

Palabas na ko nang magvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung sinong nagtext.

From: Andrei Nak

Ma, sabay tayo pasok? Dito po ko sa hrap ng dorm nyo.

Sakto pala ‘yung text niya. Nagmamadali akong lumambas at binati si Lola Pining. Natanaw ko naman si Andrei sa labas na naka-uniform ng school nila. White polo na may logo ng school sa kaliwang dibdib. Black pants and black shoes. Ang linis niyang tignan. Mukhang kakaligo niya lang din dahil basa pa ang buhok niyang ginugulo niya.

“Good morning! Ang gwapo naman.”

Nagulat siya at napanganga sakin. “Akin na po ‘yan.” Tinuro niya ‘yung dala-dala kong isang bag. Baon ko ‘to at ni Nikko. Binigay ko sakanya. “Hindi ko akalain na sobrang aga niyo po. Nagbabakasakali lang kasi ko kung pwede tayong sabay pumasok.”

Natawa ko. “Maaga talaga ko kahit mamaya pa ang pasok ko. Hmmm... talaga? Buti na lang pala at sakto ka. Dinadalaw ko kasi ‘yung kapatid ko sa ospital. At dadaan muna tayo dun ngayon. Ok lang ba?”

“Ehhh...” nagdadalawang-isip niyang sabi. Napakamot siya sa batok niya. “Sige po. Pero sandali lang ako dun. Iba kasi oras ng pasok niyo samin eh.”

Napa-ohh ako. “Oo nga pala. Sige. Ibibigay ko lang ‘to sa kapatid ko tas hatid na kita sa school.”

Namula siya. “E-ehh... nakakahiya naman...”

“Huh? Bakit naman? Sige na. Gusto ko rin makita ‘yung school niyo. Graduating ka na ‘di ba?” at saka ganun naman talaga ang mga magulang diba? Hinahatid yung mga anak nila. Pinanindigan ko na talaga ah.

“O-opo.”

“Good. Galingan mo sa klase ha.” Tumango siya.

Pagdating namin ng ospital, tulog pa si Nikko. Tulog din si Anya at may nagbabantay sakanya. Ngumiti ako ng konti at tinapik si Nikko. Dumilat siya pero saglit lang.

“Ang aga mo.” Reklamo niya.

“Nagmamadali kasi ko. Iiwan ko na dito ha.” Hinalikan ko siya sa noo.

“Aalis ka na agad— Sino ka?” tanong niya kay Andrei. Biglang siyang nagtago sa likod ko.

“Eto naman.” Pinagalitan ko. “Anak ko ‘yan.” Proud kong sabi. “Si Andrei. Andrei, si Kuya Nikko.”

My brother sigh. Alam niyang joke ‘yon. “Hi.” Inaantok niyang sabi.

Sumilip si Andrei kay Nikko. “H-hello po.” Namumula ‘yung pisngi niya. Ang cute-cute!

“Alis na kami. Ingat dito ah.”

“K.”

“L M N O P...” umalis na ko bago niya pa ko bigwasan.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon