To Love Again - cHappy thirty-one

2.6K 69 6
                                    

To Love Again – cHappy thirty-one

 

LAUREN's pov

"Thank you for today." Nakangiting sabi ni Eunice at niyakap ako. "Sana maging kayo ulit." I flinched when I heard that. Kumawala siya sakin para magbeso pagkatapos ay humiwalay na para salubungin si Freed.

"Take care." He winked at me pagkatapos ay pinagbuksan niya ang asawa niya ng pinto at pumasok na ng kotse.

"Uhm... pano, sabay na kayo ni Dia."

Paraya.

Nagkatitigan kami ni Arwill. He seems confused. Bakit? Kasya ba kami sa isang two-seater na kotse niya? 'Di naman. So what's with that look? He likes Diandra. That's a fact.

"I think I'll pass."

Sabay kaming napatingin kay Dia. "My friend wants to go to a bar near here. He's on his way. I know you're not a fun of bars. *chuckles* Thank you for touring me around, Lauren. I wish I could spend more time with you."

I smiled and hugged her. "Me too. Will you be ok?"

"Of course." She kissed my cheeks. "I'll see you again."

Tumango ako. Tinignan niya naman si Arwill.

"I really enjoyed your company. Thank you very much." She smiled sweetly at him.

"It's nothing." Maikling sagot ni Arwill. "Take care."

"Yeah. Bye." Then she tiptoed and kiss Arwill.

Napabaling sa kaliwa ang ulo ko. I heard Arwill's sharp intake of breath at napapikit ako. Oh, God. This is embarrassing.

Narinig ko ang takong ni Diandra na papaalis. I sighed. But not because I'm relieved.

"Let's go."

Bago pa ko makasagot hinila niya na ko sa kamay para magtungo sa McLaren niya. Pagpasok niya napasandal siya sa manibela at umungol. Humawak siya sa tagiliran niya at napasinghap.

Worriedly, napatitig ako sakanya. "Anong problema?"

"My ribs... it hurts." Daing niya.

Inalalayan ko siyang sumandal sa kinauupuan niya at chineck ang kalagayan niya. Namamaga ang tagiliran niya. "Nasagi ba 'to kanina?"

Tumango siya. "Let's go to the hospital. Ako ang magda-drive."

"Can you?"

I rolled my eyes. "Wala kang tiwala sakin?"

He gaped at me. "Meron syempre."

Lumabas ako ng kotse at umikot sa kabila. "'Yun naman pala eh."

_____________

#St. Louis Medical Hospital

Nakaupo sa isang kama si Arwill habang ine-examine siya ni Darren. Nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Though, I don't know why Arwill's glaring at Darren na wala namang ka-alam-alam.

Problema na isang 'to?

"Darren, labas lang ako." Sabi ko. Tumango siya sakin. I caught Arwill glancing at me but not saying anything.

Nauuhaw ako kaya gusto kong lumabas. I brought some coffee before going out. May mini park dito kung saan pwedeng makalanghap ng sariwang hangin ang mga may sakit. May nakikita pa kong palalakad-lakad na mga pasyente kahit gabi na. Umupo ako sa may bench malapit sa fountain at huminga ng malalim.

Frankly speaking, naguguluhan na ko sa nararamdaman ko. Matagal ko nang naitanim sa isip ko na nakaraan ko na si Arwill. That, what stays in the past, stay. Pero hindi naman dapat pati 'yung nararamdaman ko sakanya, magstay. Tanggap ko na noon na wala na talaga kami pero masakit pa rin pala. Kasi iniwan niya ko nang hindi man lang nagpapaliwanag.

To Love Again [TSCM series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon