Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 45: Pamamaalam

58.3K 2.8K 435
By blue_maiden



NANLILISIK ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. Pulang pula ang mga ito, kasing pula ng buwan ngayon.

"Dad! Let her go!" Sigaw ni Liam.

Hindi niya alam na hindi na ang ama niya ang nasa harapan ko ngayon, kung hindi si Haring Midas.

"Kamusta na, itinakda?" Ibang iba na ang kanyang boses, may pagnginig sa mga ito. "Ikinagagalak kong makita ka nang harap-harapan."

"Hindi ka magtatagumpay sa mga balak mo," sambit ko. "Hindi mababaliwala ang sakripisyo ng tatay ko."

Tumawa siya nang napakalakas kasabay nang sunod-sunod na pagkidlat.

"Talo na kayo, nakuha na nga kita hindi ba?"

Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa kanya kanan kung saan ay nandoon si Scion na lumulutang sa ere.

"Subukan mo pang lumapit sa amin at dudurugin ng ahas na 'to ang itinakda."

Dahan-dahan na humigpit ang pagpulot sa akin ng higanteng ahas.

"Bitawin mo siya, lapastangan!" Sigaw ni Scion. Kulay pula na rin ang mga mata niya ngayon. "Ako ang harapin mong duwag ka!"

Nakalutang din siya sa ere kagaya ni Scion. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko.

"Sa labanan na ito, ang matalino ang nagwawagi at hindi ang mga mahina ang utak na kagaya niyo." Ngumiti siya sa akin na nagpataas ng balahibo sa buong katawan ko. "Mabubuhay ako, sigurado iyan at kayo... magsama sama kayo sa kabilang buhay."

Gumapang ang ahas na may hawak sa akin papunta sa hilaga. Sinusundan niya si Haring Midas na nakalutang pa rin sa ere. Nilingon ko si Scion at Liam at nakasunod sila sa amin.

"Ayaw talaga magpatalo ng mga kasama mo," sambit ni Haring Midas. "Tignan natin ang lakas nila."

Napakaraming itim lobo ang lumabas sa gilid ng daad. Sakto ang bilang nila para maharangan ang dalawa na sundan kami. Nakatingin pa rin ako sa kanila habang sinusugod na sila.

Alam kong kaya nilang labanan ang mga itim na lobo pero sa oras na matalo na nila lahat iyon ay nagawa na ng mga itim na salamangkero ang ritwal sa pagkuha ng dugo ko.

➖➖➖➖➖➖

ITINALI nila ako sa isang lamesa sa gitna ng isang malaking open field. Kitang kita ko sa kinakahigaan ko ang pulang buwan.

Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko pero hindi ito lumalabas dahil may dalawang ahas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa tuwing tatawagin ko rin ang mga puting ahas ay nagkakaroon ng kakaibang tunog sa isip ko. Napag-isipan talaga ni Haring Midas kung paano gagawin ang ritwal na walang balakid.

"Matagal na dapat akong nabuhay, kung hindi lang dahil d'yan sa ama mo."

May mahigit dalawampu na itim na salamangkero ang nakapalibot sa akin.

"Pero kagaya ng sinabi ko ay mabubuhay ako kahit na anong mangyari... at hindi lang ako basta mabubuhay, dahil magiging imortal ako."

Habang nagsasalita siya umiikot ikot siya sa lamesa kung nasaan ako nakatali. Ano pa ba ang hinihintay niya para simulan ang ritwal?

Pilit ko pa rin sinusubukan na palabasin ang kapangyarihan sa magkabilang kamay ko pero malakas ang dalawang ahas sa kamay ko.

"Asan na ang mga kaluluwa?" Inis na sambit ni Haring Midas. "Bakit hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin ito nakukumpleto?"

Kung gayon ay hinihintay pala muna niyang mabuhay bago nila gawin ang ritwal. May panahon pa ako para makaisip nang paraan upang makatakas.

"H'wag kang mainisip, itinakda. Nalalapit na ang iyong kamatayan at magsasama na kayo ng mga magulang mo."

Sinubukan ko kausapin ang mga ahas sa kamay ko pero sa tuwing gagawin ko iyon ay may kakaiba ulit akong ingay na naririnig.

"H'wag mo nang tangkain na utusan ang mga ahas na 'yan dahil nabuhay at mamatay silang isang itim na ahas."

Paano niya kaya nalalaman ang ginagawa ko? Nababasa ba niya ang iniisip ko?

Naisip kong kauspin muli ang mga ahas ko. May narinig man akong mga ingay ay hindi ko 'yon pinansin. Inutusan ko silang isama sila Kuya Sanchi at pumunta rito para tulungan ako.

"Alam mo... hindi ko sigurado kung gagana ang ritwal na ito pero isa ka naman kalaban kaya wala naman mawawala sa akin," huminga siya nang malalim. "Kung naging kakampi ka lang sana namin ay hindi ka maghihirap nang ganito."

"Hindi ako kakampi sa inyo! Wala kayong kasing sama! At isa pa, tanggapin mo na lang na wala na ang pamilya mo!"

Huminto siya sa harapan ko at agad na tumakbo papalapit sa akin. Hinawakan niya ang leeg ko kasabay nang panlilisik ng mga mata niya.

"Babalik ang pamilya ko! At walang makakapigil sa akin na kahit sino! Kahit ikaw pa!"

Mas lalong humigpit ang pagkakasakal niya sa akin, buti na lamang ay pinigilan siya ng tauhan niya.

"Mahal na Hari! Hindi pa po kayo tuluyang nabubuhay kaya mawawalang bisa ang ritwal kung papatayin niyo na siya!"

Inalis niya ang mga kamay niya sa leeg ko. Naubo ako sa ginawa niya, huminga ako nang malalim para pakalmahin ang baga ko.

"Lapastangan ka!" Labas na ang mga ugat sa mukha niya sa sobrang galit. "Subukan mo pa akong galitin at kakalimutan ko na ang ritwal na 'yan at papatayin kita!"

Hindi ko alam kung tama ba na ginalit ko siya pero nakumpirma ko ngayon na kailangan nila ako ng buhay para maisagawa ang masama nilang balak.

Kailangan lang ay hindi muna ma-kumpleto ang mga kaluluwa na kailangan nila.

May narinig kaming malakas na pagsabog sa pasukan ng open field. Agad na nagsipuntahan ang mga itim na ahas sa lugar namin.

"Sino na naman ang mga iyan?" Galit na tanong ni Midas. "Bakit ang daming sagabal sa plano na 'to? Ano ba ang ginawa ni Jun at hindi niya nai-ayos ang lahat bago ang bilog na buwan?"

Hindi nakapagsalita ang kanang kamay ni Mr. Anderson at nanginginig pa ang mga tuhod nito.

Meron pang mga usok na galing sa pagsabog. Maya-maya ay nasilayan ko na kung sino ang nagpasabog sa pasukan, sila Kuya Sanchi.

Agad silang inatake ng mga itim na ahas kaya agad nilang ginamit ang mga kapanyarihan nila para talunin ang mga ito.

Nilakasan ko pa ang enerhiya sa magkabilang kamay ko para tuluyan nang mawala ang dalawang ahas na nakapulupot dito.

Sumabot ang mga ito kasabay ng pagkatunaw nila. Ginamit ko ang kamay ko para sirain ang tali sa paa at kamay ko.

"Ang itinakda!" Sigaw ni Haring Midas. Agad na lumapit sa'kin ang ibang salangkero. "H'wag niyo siyang hayaan na makatakas!"

Diniinan nila ang pagkakahawak sa pulso ko para hindi ako makapagpakawala ng enerhiya.

Lumapit sa akin si Haring Midas, "Hindi na ako makapaghintay pa, gawin na natin nag ritwal. Kung kay Jun man mapunta ang kapangyarihan ay ayos lang dahil alagad ko rin naman siya."

Naghawak-hawak ang ibang salamangkero sa paligid namin at nagsimula silang magsalita ng kakaibang lenggwahe.

Hinawakan ni Haring Midas ang mukha ko at ibinuka niya ang kanyang bibig.

"Sa ngalan ng kapangyarihan ni Yama, mapapa sa akin ang iyong dugo na dadaan sa iyong bibig patungo sa akin!"

Nanghina ang buong katawan ko at may kuryenteng dumadaloy mula sa mga paa ko papunta sa bibig ko. Nagsisikalakas na rin ang mga boses ng itim na salamangkero.

May mainit na bagay akong nararamdaman sa lalamunan ko. H'wag naman sanang dugo ko na ito.

"Ngayon na! Mapapa–"

Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin. May isang matulis na bagay ang sumaksak sa kanya mula sa likuran.

"Sinabi ko na sa'yo na h'wag mo siyang sasaktan!" Sigaw ni Scion. "Lapastangan!"

Magkasabay naman na napaluhod ang dalawang salamangkero na nakahawak sa akin. Nakaramdam ako ng hininga sa likuran ko.

"Ligtas ka na, Xiang." Boses ni Liam.

Inilayo niya ako sa kinakatayuan nila Haring Midas at ni Scion.

Akala ko ay manghihina man lang si Haring Midas pero nakatayo pa rin siya. Hinugot niya ang espada sa likuran niya at humarap kay Scion.

"Ikaw ang lapastangan! Magbabayad ka sa ginawa mo!" Sigaw niya sabay tulak nang malakas kay Scion. "Kayo na ang bahala sa kanya, patayin niyo siya!" Utos niya sa mga alagad niya.

Lumapit ang walo pang salangkero kay Scion habang si Haring Midas naman ay tumakbo papunta sa direksyon namin.

Hinila agad ako ni Liam sa likuran niya, "D'yan ka lang sa likod ko. Kapag may nangyari sa akin, tumakbo ka na."

Mabilis siyang tumakbo kaya mabilis din niyang nahawakan sa leeg si Liam. Inangat niya ito gamit ang buo niyang lakas. Para bang hindi man lang siya nasaksak.

"Mga sagabal kayo sa plano ko!"

Nagpakawala ng enerhiya si Liam na korteng bola papunta sa tiyan ni Haring Midas. Tinamaan man siya nito ay hindi niya ito ininda. Nasira lang ang damit na suot niya pero walang galos ang kanyang balat.

"Ayan na ba 'yon? Anak ka pa naman ni Jun pero wala kang kwenta. Tama lang na itakwil ka na niya!"

Mula sa lupa ay lumabas ang dalawang malaking ahas at pumulupot ito sa paa ni Midas. Sa sobrang higpit siguro ng pagkakapulupot nila ay nabitawan na niya si Liam.

Nagpakawala ulit si Liam ng enerhiya na ngayon ay kulay pula na at mas malaki na kumpara kanina.

Ibinato niya ito muli sa tiyan ni Haring Midas. Sa pagkakataon na ito ay nagkaroon ng pula sa balat nito. Nakita rin naman ang pag-inda niya sa sakit.

Nakita ko ang pagkakataon para tawagin ang mga ahas ko para palibutan nila si Haring Midas upang hindi na ito makagalaw pa.

Nagawa nila ang inutos ko ngunit naglabas ng kulay asul na enerhiya ang Hari na korte itong espada sa magkabila nitong kamay. Hiniwa niya isa-isa ang mga puting ahas at dumiretso siya kay Liam.

Nagawang salagin ni Liam ang atake niya pero ang isang enerhiya ng Hari ay ibinato niya sa akin dahilan para mawala ang atensyon niya at doon siya nasaksak sa dibdib.

Nailagan ko ang matulis na enerhiya.

"Liam!" Sigaw ko.

Bumagsak ang katawa niya sa lupa. Napakadaming dugo ang lumalabas sa dibdib niya.

Nagpakawala ako nang napakaraming enerhiya sa kamay ko papunta sa Hari. Natamaan siya ng iba kong pinakawala pero nakatayo na siya sa ere.

Nag-shunyi papunta sa amin si Scion.

Lumipad si Haring Midas palayo pero agad siyang hinabol ni Scion.

Lumapit ako kay Liam at tinakpan ko ang sugat nita sa dibdib para hindi na maglabas pa ito ng dugo. Ginamit ko ang enerhiya ko para gawin itong band-aid para sa sugat niya.

"Liam, h'wag kang pipikit, ha? Ma-magagamot ka namin. Gagamitin ko ang bu-buong lakas ko para magamot ka... please h'wag kang susuko, ha?"

Sunod-sunod na ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Matindi ang tama niya at alam kong nanganganib ang buhay niya.

"Tulong! Kuya Sanchi! Tulungan niyo kami!" Sigaw ko. "Paki-usap! Kailangan namin ng tulong!"

Hinawakan ni Liam ang mukha ko, malagkit ito dahil sa dugo sa kanyang palad.

"H'wag mo nang sayangin ang lakas mo para sa akin, Xiang. Kakailanganin mo 'yan kung sakaling atakihin ka ulit ni Haring Midas... isa pa, malala ang..." hinabol niya ang kanyang hininga. "Malala ang tama ko. Hindi na ako aabot pa."

Umiling ako nang maraming beses habang iyak nang iyak. Para bang kinukutsilyo ang puso ko. Ayokong isipin na mawawala si Liam.

"May i-isang hiling lang ako sa'yo... pwede bang tawagin mo ulit akong Zhao?"

Matagal ko na siyang hindi natawag sa pangalan niyang 'yon. Iyon ang tinatawag ko sa kanya sa tuwing naglalambing ako. Gustong gusto niya na tawagin mo siyang ganoon kahit noon pa.

"Zhao..."

Ngumiti siya nang bahagya at pagkatapos ay bumagsak na ang kanyang kamay at tumigil na ang kanyang hininga.

Wala na si Liam... wala na siya.

➖➖➖➖➖

Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 635 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?
368K 27.4K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...