Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 38: Nararamdaman

63.4K 2.9K 913
By blue_maiden



ILANG segundo rin siyang hindi nagsalita. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil hindi ako makatingin diretso sa mga mata niya. Kanina pa gustong kumawala ng puso ko. Dinig na dinig ko ang bawat pagtibok nito.

"Malinaw ang pandinig ko pero gusto ko pa rin makasigurado... tama ba 'yong mga sinabi mo? Mahal mo ako, Xiang?"

Nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Totoo ba ang mga sinabi mo, Xiang? Ako ang nilalaman ng iyong puso?"

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Ayoko na sana siyang sagutin pero nandito na 'to e, "Ha? A-ano... kasi..."

"Paano nangyari 'yon? Hindi ba si Liam ang mahal mo? Paanong ako na ang laman ng iyong puso?"

Unti-unti kong inangat ang ulo ko para makita ang mga mata niya. Gusto kong malaman kung anong nararadaman niya sa pamamagitan ng kulay nito. Kulay bughaw pa rin ito. Ibig sabihin lang ay walang pagbabago sa kanyang emosyon. Ibig sabihin lang din siguro ay hindi siya naapektuhan sa mga sinabi ko. Ano ba kasing naisip ko? Bakit ko ba 'yon nasabi? Alam ko na naman ang isasagot niya.

Isang malaking pagkakamali 'tong ginagawa ko.

Tumawa ako nang malakas at tinulak ko siya palayo sa akin, "Huli ka! Prank lang 'yon, no! Naniwala ka naman?"

"Prank?" Nakakunot ang noo niya. "Ibig sabihin ay hindi iyon totoo?"

Iniwasan ko muli siyang tignan dahil marunong siyang tumingin kung nagsisinungaling ba ang isang tao o hindi.

"Oo, testing lang, baka sakali kasing hindi ko na nga talaga mahal si Liam pero mahal ko pa rin pala."

Isa 'yong malaking kasinungalingan. Hindi ko na talaga mahal si Liam, alam ko 'yon sa sarili ko pero kailangan kong magpanggap.

"Dalang dala ka ha? Akala mo ba mahuhulog ako sa isang fictional character lang? Ano ako, hilo?"

Oo hilong hilo na ako.

"Oo nga pala... isa lang akong fictional character."

Mukhang nasaktan siya sa mga sinabi ko dahil sa pagbagsak ng mga labi niya pababa pero ayoko nang alamin pa ang totoong dahilan dahil baka kung ano pa ang isipin ko. Baka isipin ko pang nasaktan siya dahil binawi ko 'yong mga sinabi ko na mahal ko siya. Pero baka dahil sa sinabi ko na fictional character lang siya.

Kailangan kong linawin ang sarili ko, "Pero sa isang banda, hindi talaga 'yon ang ibig kong sabihin. Uhm... ibig ko lang sabihin na magkaiba 'yong mundo natin kaya hindi ako pwedeng mahulog sa'yo."

"H'wag kang mag-alala, Xiang, naiintindihan kita." Ngumiti siya nang bahagya. "Tama lang na h'wag kang mahulog sa 'kin dahil hindi ko rin naman iyon maibabalik sa'yo."

Expected ko na kahit papaano na ganito ang sasabihin niya pero masakit pa rin pala na marinig ko iyon ng harap harapan. Nanghina ang mga tuhod ko at nagbabantang tumulo ang mga luha sa mata ko. Parang pinapasok ang magkabilang pisngi ko.

Labanan mo 'yan, Serenity. H'wag kang iiyak sa harap niya. H'wag kang magpapahalata, nakalusot ka na.

"Ikaw ang gumawa sa 'kin, hindi ba? Kaya alam mo kung gaano ko kamahal si Weiming at kung gaano ako katapat sa pagmamahal ko sa kanya."

Sinara ko agad ang mga kamao ko para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko pero sa nga sinabi niyang 'yon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Agad akong tumalikod at tumakbo palayo sa kanya. Bahala na kung magmukha akong tanga at baliw. Ayoko lang talagang makita niya akong umiiyak.

"Xiang! Sandali lang!"

Binilisan ko ang pagtakbo ko. Inisip ko na hinahabol ako ng snatcher sa kanto na may dalang malaking balisong na nakahanda ng saksakin ang puso ko.

Pinahid ko agad ang mga luha ko. Baka kasi bigla siyang mag shunyi sa harapan ko at—

Ito na nga, ginawa na niya, "Xiang! Anong problema? Bakit bigla ka na lang tumakbo palayo sa akin?"

"Ah... kasi... ano..." piniga ko na lahat sa utak ko para makahanap lang ako ng idadahilan sa kanya. "Nauutot na kasi ako kaya lumayo agad ako sa'yo. Mabaho kasi kaya nahihiya ako."

Humawak siya sa tiyan niya at humagalpak sa tawa. Kanina parang ang lungkot niya pero ngayon parang naiiyak pa siya sa pagtawa.

"Ikaw talaga ang lakas mo magpatawa. Isa 'yan sa hahanapin ko kapag bumalik na ako sa mundo namin."

Mula sa mga paa ko ay umakyat ang panlalamig sa buong katawan ko.

"Pero seryosong tanong, mahal mo pa ba si Liam?"

Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya. Ilang beses pa ba niya itatanong iyon sa 'kin? Ang hirap magsinungaling, "Slight lang ganyan pero h'wag mo na muna ako tanungin tungkol sa kanya kasi baka mag-alala pa ako lalo sa kanya."

"Tingin mo ayos lang siya sa ngayon?"

Ayan din ang iniisip ko. Hindi ko na nga siya mahal pero mahalaga pa rin naman siya sa 'kin. Siya pa rin ang unang lalaking minahal ko.

"Hindi ko alam pero ayon ang hinihiling ko, na sana ayos lang siya. Sana walang ginawang masama sa kanya ang sarili niyang ama." Hinawakan niya ang braso ko at tska niya ito pinisil pisil. Malakas ang kiliti ko roon kaya napaliyad ako, "Sorry, malakas 'yong kiliti ko d'yan kaya h'wag mo masyadong diinan."

Kinamot niya 'yong ulo niya at napayuko. Ang kyut niya kapag parang napapahiya siya, "Pasensya na. Gusto ko lang naman na mawala ang pag-aalala mo."

"Alam ko 'yon kaya salamat. Gagawin ko ang lahat para makabisado ko na ang kapangyarihan ng Yang. Para na rin matalo na natin si Haring Midas at matapos na ang lahat ng ito."

"Malaki ang tiwala ko sa'yo, Xiang. Isa pa hindi ka naman nag-iisa dahil nandito kami para sa'yo."

"Salamat, Scion."

➖➖➖➖➖➖

MASAYA ang lahat na nagsasalo salo sa hapunan. Kung titignan ay simple lang ang pamumuhay nila rito. Walang stress at walang polusyon.

Kung hindi lang siguro namatay ang mga magulang ko ay dito pa rin kami maninirahan. Baka ngayon ay marunong na ako magmahika.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Scion. "Kanina ka pa tulala at hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo."

"May naisip lang ako," sinimulan ko ng kainin ang inihanda nila Kuya Sanchi. Sopas na gawa sa mga kulay puting kabute. Ngayon lang ako nakakain nito pero masarap siya. Malapot ang sabaw at nakakabusog kahit kapirasong laman lang. "Ang saya sana kung kasama ko pa rin ang magulang ko."

"Kung nasaan man sila ngayon ay panigurado akong masaya sila dahil mayroon silang mabait at matapang na anak."

"Sana nga masaya sila ngayon at sana hindi ko sila mabigo," tinignan ko muli ang kwintas na ibinigay sa 'kin ni itay. "Sana proud sila para sa 'kin."

"Sigurado akong ipinagmamalaki ka nila."

Hindi ko naiwasan na mapatitig sa mga niyang kulay bughaw. Sa sobrang tingkad ay para itong umiilaw. Kung pwede nga lang na buong magdamag ay titigan ko lang siya.

"Kung ikaw naman ang tatanungin ko, Xiang, proud ka ba sa 'kin? Hindi na ba ako 'yong taong kinamumuhian mo noon?"

Kung alam mo lang... mahal na nga kita, e. Ibang iba na siya sa Scion na una kong sinulat. Nagkaroon na siya ng sarili niyang damdamin at pag-iisip.

"Alam mo ang laki na nang pinagbago mo at dahil doon proud na proud ako sa'yo, Caption warrior Scion."

Ang laki ng ngiti sa mukha niya. Nakakatuwa na malaki rin anv apekto sa kanya ng mga salita ko.

"Salamat, Xiang. Ikinagagalak kong makilala ka, hindi lang dahil ikaw ang gumawa sa akin, dahil marami akong natutunan sa'yo at nakaramdam ako ng kakaibang saya kapag kasama kita."

Pero hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para mahalin niya ako dahil may tao ng nag mamay-ari ng puso niya. Ngayon lang ako nagsisi sa character na naisulat ko. Sana pala hindi ko na lang ginawa si Weiming.

➖➖➖➖➖➖

NATAPOS na ang hapunan at nagtipon tipon kami sa gitna ng isang bonfire. Pag-uusapan namin mga plano namin sa susunod na mga araw dahil malapit na ang eclipse at 'yon ang araw na lalabas muli si Haring Midas.

"Bibigyan natin si Serenity ng dalawa pang araw para hasain ang kanyang kapangyarihan. Pagkatapos noon ay pupunta tayo sa siyudad para pigilan ang isasagawang malawakang digmaan na sisimulan nila Jun. Kailangan mapigilan natin silang pumatay pa ng maraming tao. Hindi dapat mabuhay si Haring Midas dahil paniguradong maghahasik na ang kasamaan sa mundo."

Napalunok ako nang marinig ko ang dalawang araw. Konting panahon lang iyon para makibisado ko ang Yang. Mukhang kailangan kong magpuyat.

"Tayo rin ay magsanay ng ating mga kapangyarihan. Mas lalong lumakas sila Jun at hindi tayo pwedeng matalo. Tayo na lang ang inaasahan ng mundo."

Pero sa tuwing makikita ko ang mga mukha nila na punong puno ng pag-asa ay lumalakas ang loob ko.

"Sumainyo ang kapangyarihan ni bathala!"

Isa-isa nilang itinaas ang kanay kamay nila. Ginaya na lang namin sila ni Scion. Baka isa itong ritwal na ginagawa nila sa tuwing makikipaglaban sila.

Dumiretso na kami sa kanya-kanya naming kwarto na nasa itaas ng mga puno at gawa sa kahoy ng narra. Kahit ang mga gamit dito ay gawa sa kahoy. Para kaming nasa sinaunang panahon na kung saan ay wala pang mga teknolohiya.

Mag-isa lang ako sa kwarto ko. Sa ibang kwarto nila inilagay si Scion at si Auntie. Para raw mas lalo akong makapag-focus sa kapangyarihan ko. Baka nga hindi na rin ako matulog para kapag bakbakan na, hindi ako mapag-iwanan.

"Xiang," isang mahinang boses ang narinig ko malapit sa pintuan. "Gising ka pa ba?"

Lumapit ako at nakita ko si Scion na nakalutang sa ere, "Nakakalipad ka na nang matagal? Paano nangyari 'yon?"

"Isa yata 'to sa kapangyarihan ng seqouia. Hindi pa ako makatulog. Gusto mo ba akong samahan na lumipad?"

"Wala naman akong kapangyarihan para makalipad," inabot niya sa akin ang kamay niya. "Ano 'yan?"

"Yumakap ka sa 'kin, ililipad kita."

Dahil curious din ako kung anong pakiramdam ng lumilipad ay sumama na ako sa kanya. Nakayakap ako sa katawan niya habang dahan-dahan kaming lumilipad pataas.

May init na nanggaling sa paa ko papuntang itaas ng katawan ko. Nagsisitayuan din ang mga balahibo sa buong katawan ko. Ganito pala ang pakiramdam na lumilipad ka.

"Ang ganda pala talaga rito," bulong ni Scion.

Kitang kita namin ang buong lugar. Gabi man ngayon ay maliwanag pa rin dahil sa ilaw ng bilog na buwan. Kita ang napakaraming mga puro at kabi kabilang maliliit na lawa.

"Sana kahit makabalik na ako sa mundo namin ay pwede akong dumalaw dalaw dito," sa tuwing nababanggit niya sa mundo nila ay sumisikip ang dibdib ko. "Gusto rin kitang makita ulit, Xiang."

Gustong gusto kong pigilan ang sarili ko na mahalin si Scion pero hindi ko magawa dahil malalim na ang pagkahulog ko sa kanya. Sa mga simpleng salita lang niya ay natutuwa na ang puso ko.

"Ako rin, Scion, gusto kitang makita... palagi." Bulong ko. "Pero imposible na ata na makabalik ka pa ulit dito sa oras na bumalik ka na sa mundo niyo."

"Oo nga imposible na atang makabalik ako pero h'wag kang mag-alala, hinding hindi kita makakalimutan. Isa ka sa mga taong mahalaga para sa akin, Xiang."

Hindi ako nagsalita at niyakap ko lang siya. Sinulit ko na lang ang oras na kasama ko siya dahil pakiramdam ko nalalapit na ang pagtatapos ng lahat at kasabay noon ang pamamaalam ni Scion.

Amoy na amoy ko ang lavender niyang amoy. Matigas man ang kanyang dibdib ay masarap pa rin itong sandalan. Ayoko na nga sanang kumawala pa sa pagkakayakap ko pero hindi ganoon katagal ang puwedeng ilipad ni Scion. May limistasyon pa rin ang kapangyarihan ng sequioa kung hindi mo nakain ang kabuuhan ng mga dahon.

"Nasiyahan ka ba sa paglipad natin?" Tanong niya pagkababa niya sa kwarto ko. "Sana ay hindi ako nakaistorbo sa pagsasanay mo. Gusto ko lang makapagpahinga ka sandali."

"Masaya ako dahil inalok mo akong lumipad kasama ka. Mas gaganahan akong magsanay nito."

"Magsasanay rin ako para sa oras ng laban ay maipagtanggol kita."

Ngumiti siya at dahan-dahan na lumapit sa akin, sa mukha ko. Napaatras ako sa ginawa niya pero patuloy pa rin ang paglapit niya kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

May gyera na naman sa loob ng dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Akala ko ay hahalikan niya ako sa labi ko pero imbes na roon ay sa noo niya ako hinalikan.

"Goodnight, Xiang."

Pagmulat ng mga mata ko ay tanging naiwang hangin na sanhi ng shunyi na lamang ang nakita ko.

"Goodnight, Scion..." hinawakan ko ang dibdib ko. Kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko ay ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. "Wo ai ni..."

➖➖➖➖➖

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 475K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION
257K 6.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
115K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...