Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 36: Tagapagligtas

65.2K 3.5K 326
By blue_maiden



Ilang beses ko na rin naitatanong sa sarili ko kung ano ba talagang layunin ko sa mundong ito. Madalas nasasabi kong wala, na para bang palamuti lang ako. Kaya nang malaman kong itinakda ako sa isang bagay ay nabuhayan ako. May saysay din pala ako.

"Dahil sa busilak na puso ni Segundo ay pinili siya ng Polaris. Siya lang sa mga puting salamangkero ang madalas na may hawak na libro dahil siya ang pinaka matalino sa kanila. Ang mga katangian niya ay kapareho ng iyong ama at pati na rin ikaw,  Xiang Serenity."

Matalino pala ako at busilak ang puso? Minsan kahit sa sarili ko may trust issue ako, e.

Pero sa lahat ng sinabi niya, may isang bagay akong pinakagustong malaman.

"Patapos na po ang istorya niyo Kuya Sanchi pero hindi niyo pa rin po nasasabi kung bakit tumalon si Itay sa bangin?" Nagkatinginan silang lahat at may lungkot sa mga mukha nila. "Pa-patay na siya... hindi ba? Pa-pati si inay?"

Alam ko na naman ang sagot sa tanong ko pero gusto ko pa rin iyon marinig sa kanila. Ang sakit pa rin kasing isipin na wala na ang mga magulang ko.

"Nalaman nila Jun ang lahat dahil sa pagsunod ng alagad niyang ahas kay Matias. Dali-daling sinugod ng mga itim ang isa naming kuta kung saan nagdalang tao ang iyong ina. Saktong iniluluwal ka nang araw ng pagsugod, kaya nang makapasok sila sa loob ay agad na nakikipaglaban si Matias kasama ang iba naming kasamahan ngunit may pumuntang ibang itim sa kubo kung na saan kayo ng iyong ina. Inilagay ka kaagad ng iyong ina sa kanyang likuran para hindi ka nila makita. Pinatay siya na hindi lumalaban para sa iyo, Serenity, para hindi nila malaman na may anak si Matias."

Hindi ko naiwasan na higpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Scion. Sobrang bigat sa pakiramdam marinig ang lahat pero kailangan kong malaman ito para na rin mawala ang pagkukulang na nararamdaman ko noon pa.

"Natalo ni Matias ang mga naunang itim na salamangkero pagkatapos ay bumalik siya sa kubo at doon na niya nadatnan ang nangyari. Bago tuluyang mawalan ng hininga ang iyong ina ay inihabilin niya kay Matias na ilayo ka sa mundo namin. Gusto niyang lumaki kang normal kagaya ng mga ibang bata. Inutusan ni Matias ang isa sa mga ahas niya para ibalik ka rito."

May inilabas siyang kwintas na ukit ahas na gawa rin sa batong jade. Parang kapareho ito sa kwintas na ibinigay sa akin ni Itay.

"Kagaya mo ay may iniwan din na mensahe sa amin si Matias gamit ang mga kwintas ng jade. Isa iyon sa mga kapangyarihan niya. Sinabi niya sa akin na palakihin kang sa mundo ng mga normal tao kaya sinunod ko iyon. Ibinigay kita sa lola mo dahil nakita kong may mabuti siyang puso. Iniwan ko ang litrato ng mga magulang mo para kahit paano ay maalala mo pa rin sila. Habang lumalaki ka ay pinagmamasdan ka namin sa malayo pero hindi kami lumalapit sa iyo dahil baka mahalata ito nila Jun."

Kaya pala pa minsan ay parang may sumusunod sa akin sa tuwing maglalakad ako sa kalsada, sila pala iyon.

"Hindi aksidente ang pagkikita natin, Serenity. Kaya nag-apply si Robert kala Liam bilang isang security guard ay para bantayan ang ginagawa nila at para na rin tignan ka. Para siguraduhin na ligtas ka tuwing natutulog ka sa bodega ng grocery. Ako rin ang nagsabi sa manager mo na pagbakasyunin ka muna sa Baguio, kapalit ang pagkuha ko ng insurance. Ako ang driver niyo roon para tuluyan na tayong magkalapit, napag-usapan namin na kailangan ka namin para sa laban na ito."

Iyon ba ang dahil kaya magaan agad ang loob ko sa kanilang dalawa sa unang kita pa lang namin? Kaya rin pala ang bait-bait nilang dalawa sa akin.

"Hindi natin maikakaila na dumarami na ang mga masasamang tao sa mundong ito, kaya naman dumarami na nang dumarami ang mga nakukuha nilang kaluluwa dahil doble ang bilang ng mga ito kumpara sa mga kaluluwang puti. Kaya natatakot kami na baka magtagumpay sila Haring Midas, lalo na't nabalitaan namin na sa eclipse ay magsasagawa ng ritwal ang mga itim na salamangkero para mas lalong lumaki at lumakas ang mga ahas na hawak ni Jun. Kapag nangyari ito ay maraming mamamatay. Hindi naman ito kakayanin ng mag-isa lamang, Serenity. Kailangan ka namin at ang libro ng Polaris."

Ngayon bukod sa itinakda ako ay isa na rin akong bayani na magliligtas sa mundo, gano'n ba 'yon? Pero bakit ba kasi ako? Sa dami ng tao ay bakit ako pa? Wala naman ispesyal sa akin.

"Hindi ba sinabi ng kanyang ama na ilayo niyo siya sa mundo niyo at Polaris na 'yan?" Singit ni Scion. "Ano itong sinasabi niyo ngayon na kailangan niyo siya? Delikado na hawakan pa ulit ni Xiang ang libro na iyon dahil pwede siyang gamitin nila Liam para sa pansarili nilang kagustuhan. Paumanhin pero hindi ko hahayaan na mapahamak pa siya ulit."

Nagsimula ang bulong-bulungan ng mga tao na nandoon. Huminga nang malalim si Kuya Sanchi at nagkatinginan sila ni Kuya Robert.

Alam kong ilang beses nang sinasabi ni Scion na po-protektahan niya ako pero nagugulat pa rin ako sa tuwing maririnig ko ito sa kanya.

"May punto ka, Scion." Sambit ni Kuya Robert. "Pero kapag nagtagumpay sila Jun sa plano nila ay may posibidad pa rin na mapahamak si Serenity. Maghahasik ang kasamaan sa buong mundo at kahit kami ay hindi ligtas sa kasamaan ni Haring Midas."

"Alam kong ayaw mapahamak ni Matias ang kanyang anak pero ayaw niya rin na marami ang mag buwis ng buhay. Kaya niya sinakripisyo ang buhay niya ay para maisip ng Yin na hindi na kailanman magagamit pa ang Polaris dahil siya na ang huli sa kanilang lahi pero nagkamali siya dahil hindi pa rin sumuko ang Haring Midas. Nalaman pa rin nila na may anak si Matias pero ang maganda lamang doon ay hindi nila alam kung sino." Pagpapaliwanag ni Kuya Sanchi.

"Iyon nga, hindi nila alam na si Xiang ang kailangan nila kaya kung iuutos niyong gamitan niya ang Polaris, malalaman na nila ito. Anong mangyayari pagkatapos noon? Maaari siyang mapahamak!" Bakas sa mukha ni Scion ang galit. Naglalabasan ang mga ugat sa leeg niya.

"Po-protektahan namin si Serenity sa abot ng aming makakaya. Kailangan lang natin maunahan sila Jun at isa pa plano namin siyang turuan ng kapangyarihan ng Yang para maprotektahan din niya ang kanyang sarili. Wala nang ibang paraan para mailigtas ang lahat. Ito na ang huli naming pag-asa."

Magsasalita pa sana ulit si Scion pero hinila ko ang kamay niya para pigilan siya. Alam kong matindin ang pag-aalala niya para sa akin pero tama sila Kuya Sanchi.

"Gagawin ko ang nararapat. Alam kong kung nandito rin sila Itay ay ito rin ang gagawin nila. Tutulong ako para hindi magtagumpay si Haring Midas."

Tinignan ko si Scion at mula sa kulay pulang mga mata ay naging abo ang mga ito. Ilang segundo lang ay inilayo niya ang tingin niya sa akin.

"Ang problema lang, wala na sa akin ang libro. Kailangan muna nating hanapin iyon."

Dahan-dahan ngumiti si Kuya Sanchi dahilan para mag mukha na naman siyang asadong siopao sa paningin ko.

"H'wag kang mag-alala, Serenity. Narito ang libro, nasa sanktuwaryo namin." Tumaas ang kanang kilay ko sa sinabi ni Kuya Sanchi.

"Nasa iyo ang Polaris? Paanong nangyari na napunta 'yon sa iyo, Kuya Sanchi?"

May inilapag siya sa lamesa na isang bag. Pinagmasdan kong mabuti iyon at unti-unti ay nagiging katulad ito ng aking bag. Ang mas ikinagulat ko may sarili itong bunganga na may mga ngipin pa.

"Naalala mo ba nang pumunta ako sa bahay niyo para ibalik ang naiwan mong bag? Ang totoo niyan ay itong bag na ito ang ibinigay ko. Kaya niyang gayahin ang iba't ibang klase ng lalagyanan. Ginaya niya ang bag mo at kinain niya ang libro ng Polaris pagkatapos ay palihim itong bumalik sa akin ng araw na rin na iyon."

Anak ng seaweeds! Sumakit pa ang ulo ko kakahanap sa libro ng Polaris pagkatapos nasa kanila lang pala 'yon?

Hinila niya ang batang Polaris palapit sa kanya, "Nang dalhin kita sa Attrium ay akala ko makukuha mo na ang libro pero dahil may dinadamdam ka ay hindi kinaya ng lakas mo ang kapangyarihan nito. Kaya ang mga magulang ni Polaris, na tumira at naglingkod sa mga magulang ni Liam para maging ispiya ay ibinuwis ang kanilang buhay para lang makuha ito sa loob."

Kaya siguro parang gulat na gulat siya nang malaman niya kung sino ako dahil kilala niya ako. Tumira rin siguro siya kala Liam kaya binantaan niya ako sa mga ahas at kaya isang susi ang kwintas niya sa kakaibang silid sa grocery.

"Nakuha namin ito at si Nida at ang kanyang anak na si Nilo," tinuro niya ang mag-inang nag bigay sa akin ng libro. "Ay inakit ang iyong mga mata papunta sa libro ng Polaris at para na rin kunin mo ito."

Nalagyan pala nila ng kapangyarihan ang mga mata ko. Kaya pala akit na akit ako sa libro na iyon.

"Ibinigay namin sa iyo ang libro para makasigurado kami na ikaw nga ay isa ring itinakda. Hindi muna kami nagpakilala noon dahil kung hindi ikaw ang itinakda ng Polaris ay hindi ka namin gugulihin sa normal mong buhay. Sinundan ka namin ng ilang araw at nakita namin si Scion. Agad kong napagtanto na galing siya sa libro dahil kakaiba siya at alam namin kung sino lang ang mga taong nakakasalamuha mo. Doon nakumpirma namin na isa ka ring tinakda."

"Patawarin mo kami kung nagduda kami sa kakayahan mo, Serenity. Hindi ka kasi lumaki sa mundo ng mahika kaya baka hindi na naipasa sa'yo ang tungkulin ng mga ninuno mo," singit ni Kuya Sanchi.

"Kinuha ko muli ang libro sa iyo dahil nabanggit ng mga magulang ni Polaris na natutunugan ka na ni Guison. Mas magiging mapanganib ito kaya itinago namin muli rito ang libro. Laking pasasalamat na lamang namin na kay Liam siya nag uulat at hindi mismo kay Jun, matagal na nilang alam na nasa panig natin ang iyong dating kasintahan."

Una pa lang talaga ay pinoprotektahan na niya ako. Kaya pala niya nagawang matunton ang kinaroroon namin noon ni Guison ay dahil alam na niya ang plano nito.

"Sinigurado muna namin na maayos ang libro dahil masugid nang naghahanap sila Jun. Nang maging maayos na ang pagkakatago nito at tska ka namin babalikan para ipaliwanag ang lahat ng ito sa'yo pero huli na ang lahat, nakuha ka na nila Jun. Patawarin mo kami, Serenity."

Wala naman silang kasalanan dahil naiintindihan ko ang lahat. Pari na rin ang gusto nilang mangyari ngayon. Alam ko naman na ayaw din nila akong mapahamak pero tama sila... ako na lang siguro ang natitira nilang pag-asa.

"Tapos na ang lahat. Nangyari na ang dapat mangyari kaya hindi na tayo dapat magsisihan pa. Kailangan na lang natin matalo si Haring Midas," tinginan ko muli si Scion pero sa malayo pa rin ito nakatingin. "Turuan niyo ako ng kapangyarihan niyo, gusto kong matuto, gusto kong tumulong sa oras ng laban."

Isa-isang nalapitan ang mga puting ahas sa akin. Hindi kagaya noon ay maamo na ang mga mata nila na ngayon ay kulay tsokolate.

"H'wag kang mag-alala, Serenity, hindi ka mahihirapan na makuha ang kapangyarihan ng Ying."

Natatakot ako ngayon sa mga pwedeng mangyari pero hindi ko rin maitago ang pagkasabik na magkaroon ng sarili kong kapangyarihan.


⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️

Continue Reading

You'll Also Like

46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
54.8K 1.7K 64
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
153K 4.9K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...