Polaris (Published under Indi...

Por blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... Más

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 35: Itinakda

66.5K 3.1K 498
Por blue_maiden



Sinong mag aakala na may ganitong lugar pala sa dulo ng isang talon? Tanaw sa kinakatayuan namin ang buong lugar na puno ng mga puno at ilog. Nasa tuktok ata kami ng isang bundok.

Sa likuran namin ay ang pinasukan naming kuweba at sa dulo nito ay may malaking pintuan na gawa sa bakal.

"Maligayang pagbabalik, Serenity," literal na lumaki ang magkabilang mata ko nang makita ko si Kuya Sanchi. "Ikinagagalak ko na hindi kayo napahamak sa kuta ni Jun."

Sa tabi niya ay nakatayo si si Polaris, ang batang may-ari ng kwintas na jade. May mga lalaki at babae rin na nakasuot ng puting damit sa likuran niya. Halos magkakapareho ang suot nilang lahat. Maluwanag na pantalon at damit na may tali pa sa tiyan. Para silang mga monghe.

Sandali nga, baka naman isa silang kulto?

"Ano ba talagang nangyayari? Pwede bang ipaliwanag niyo sa amin ang lahat? Litong lito na ako," sambit ko. "Driver lang namin kayo noon sa van 'di ba? Bakit nandito na kayo?"

"Alam kong marami kang tanong, Serenity. Halika, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat habang tayo ay papunta sa aming tahanan."

Nagkatinginan kami ni Scion, hindi maganda ang timpla ng mukha niya. May trust issue na naman siguro siya. Hindi ko naman siya masisisi.

"Paano namin malalaman na hindi rin kayo isang kaaway?" Tanong ni Scion. Hinawakan niya nang mahigpit ang kanang kamay ko. "Sa mga nangyari ngayon ay mahirap nang magtiwala."

Ngumiti lang si Kuya Sanchi sa amin pagkatapos ay inabot niya sa akin ang isang lumang litrato.

Litrato ito ni tatay at nanay at may karga silang sanggol. Sa tabi nila ay naroon nag mas batang Sanchi at Arnold.

"Ikaw ang batang akay-akay ng iyong ina, Serenity." Hindi siya nagsisinungaling, hindi ko man nakita sa personal ang mga magulang ko ay alam ko pa rin ang itsura nila base sa litrato na ibinigay sa akin ni lola. "Kami ang matalik na kaibigan ng iyong ama at nandito kami para protektahan ka. Kailangan mo lang magtiwala sa amin, Serenity."

Naalala ko ang sinabi ni tatay sa akin doon sa kwintas na ililigtas ako ng mga kaibigan niya. Sila na nga siguro iyon. Noon pa man magaan na rin ang loob ko sa kanilang dalawa.

"H'wag kang mag-alala, Scion. Naniniwala ako sa kanila. Matutulungan nila tayo."

Hinawakan ko ang kanang kamay niya para magtiwala siya sa desisyon ko.

"Sige, may tiwala ako sa desisyon mo," mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Pero sa oras na malagay ka sa alanganin ay sasama ka sa akin sa isang ligtas na lugar."

Tumango ako kahit na hindi ko sigurado kung magagawa ko iyon. Depende pa rin sa sitwasyon kung hahayaan kong umalis na lang.

Biglang pumasok sa isip ko si Liam. Kamusta na kaya siya? Sana naman hindi siya saktan ng sarili niyang ama. Sa lahat ng mga nalaman ko, hindi man bumalik ang nararamdaman ko ay nanumbalik naman ang pag-aalala ko para sa kanya.

"Hali kayo, sumunod kayo sa amin," muling pag-aaya ni Kuya Sanchi.

Sumunod kami sa kanila papunta sa ibaba kung saan may mga bahay na gawa sa malalaking kabute. Makulay at tila ba umiilaw sila. Buhat-buhat pa rin ni Kuya Arnold si Auntie. Inilabas ko ang phone ko at lihim ko silang kinuhanan ng litrato. Ang cute kasi nilang tignan na dalawa at isa pa, gusto ko 'tong ipakita kay Auntie pagkagising niya.

Pagkadating namin sa ibaba kung nasaan ang mga bahay nila ay mas lalo akong namangha. Ang daming agila sa paligid, may kulay puti at kulay bughaw.

"Maligayang pagbabalik, Xiang."

Pagbati ng mga tao doon sa amin. Parang lahat sila ay kilala ako pero ni isa sa kanila ay hindi ko kilala.

May isang babae na pumunta sa harapan, nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko siya. Pamilyar ang mukha niya.

"Nagbalik loob na ang mga ahas sa atin?" Tanong niya kay Kuya Sanchi. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Napatingin din siya sa akin at yumuko, "Ikinagagalak kitang makita ulit, Xiang."

Siya 'yong babaeng nagbigay sa akin ng libro ng Polaris at kasama pa rin niya ang anak niyang lalaki.

"Ale, hindi ba ikaw ang nagbigay sa akin ng libro?" Tanong ko.

Hindi niya ako sinagot. Hinila ako ni Kuya Sanchi sa malaking lamesa sa gitna na gawa sa makapal na kahoy. Sa gitna ng lamesa ay may tatlong bilog na kasing laki ng kamao na panay ang ikot sa gitna ng isa pang bilog na sobrang liwanag. Tinignan ko ito ng mabuti at ang mga detalye ng mga bilog ay kapareho ng araw, buwan, earth at isang malaking bituin. Kusa silang gumagalaw.

"Marami kang dapat malaman, Xiang. Magsisimula tayo sa pinanggalingan ng libro." Seryoso niyang sabi.

Tumabi sa akin si Scion at sabay kaming nakinig kay Kuya Sanchi. Mukhang mahaba ang kwento niya tungkol sa malignong libro na iyon.

"Noong unang panahon ay nagkaroon ng malaking giyera sa norte kaya ang isa sa mga hari roon na si Haring Sapiro ay humingi ng tulong sa mga salamangkero ng bundok ng Cordillera."

Naglabas siya ng mapa at itinuro niya kung saan ang norteng sinasabi niya. Nasa itaas lang iyon ng Baguio. Malapit din doon ang bundok na sinasabi niya.

"Nagtipon tipon ang mga puting salamangkero na may kapangyarihan ng Yang at humingi sila ng tulong sa bituin ng Polaris."

Ayon na ba ang explanation kaya Polaris ang pangalan niya? Dahil literal na sa bituin ng Polaris galing ang kapangyarihan niya?

"Sa tuktok ng bundok ng Cordillera ay nagsagawa sila ng ritwal at habang ginagawa nila iyon ay nasa gitna nito ang kanilang pinuno. Itinaas niya ang kanyang kamay upang tanggapin ang kapangyarihan na ipagkakaloob sa kanila ng pinakamalakas na bituin," habang nag-kukwento siya ay nagsisitaasan ang mga balahibo sa buong katawan ko. "Umilaw mula sa kalangitan at parang linya na ito ay bumaba at tumama papunta sa nakataas na kamay ng kanilang pinuno ngunit ilang minuto pa lang ay hirap na itong tanggapin ang kapangyarihan kaya naman ang isa sa mga salamangkero ay iniharang ang kanyang libro sa liwanag upang mailigtas ang kanilang pinuno."

Umilaw ang bilog na kapareho ng earth. Gumawa ito ng hologram at ipinapakita rito ang mga nangyari sa kwento ni Kuya Sanchi.

"Nawala na ang ilaw ng Polaris pero ang libro na ipinangharang nila ay hindi nawala ang liwanag. Agad na tinignan ng mga salamangkero ang libro at nagulat sila dahil nagkaroon ng katagang "Libro ng Polaris" sa likuran nito."

Iyon din ang nakita ko sa likuran noon. Iisa nga sila. Kaya pala may samaligno ang libro na 'yon, e.

"Sa unang pahina ay nakita nila ang mga unang sulat ng libro at ang sabi rito ay, 'Kung ano man ang isulat sa librong ito ay siyang magkakatotoo... ngunit ang karapatdapat lamang na gumamit nito ay ang itinakda ng Polaris.' Iyon ang mga unang salita ng libro na siya ring nawala pagkatapos ng ilang segundo."

Malinaw na kung bakit lumabas sa mundo ko si Scion dahil aksidente ko iyong naisulat sa libro. Pero ang sabi roon ay ang itinakda lang ng Polaris ang makakagamit nito, so ibig sabihin ba isa ako roon? Isa akong chosen one, gano'n ba?

"Sinubukan ng pinuno na magsulat sa libro ngunit walang lumabas na kahit ano. Isa-isa nilang sinubok ang mga ito at sa huli, si Segundo, ang salamangkerong nag mamay-ari ng libro ang siyang nakapagsulat rito. Isinulat niya na magkaroon ng mga puting ahas na tutulong sa kanila sa pakikipaglaban sa mga itim na salamangkerong gumagamit ng kapangyarihang Yin. Nagkatotoo ito, lumabas ang mga ahas."

Katulad ba ng mga ahas na kasama namin ang ahas na lumaba sa libro? Iisa lang ba sila? At ano bang meron sa mga ahas at iyon na lang ang palagi nilang alaga?

"Malugod na ibinahagi ng mga salamangkero ang balita kay Haring Sapiro. Ginamit agad nila ito para madagdagan ang mga tauhan ng kaharian. Nanalo sila sa laban at nagbunyi ang lahat. Masyadong dumami ang mga tauhan na galing sa libro kaya mas lalong lumakas ang kaharian ng Saiporo. Dito nagsimulang maging ganid ang Haring Sapiro. Sinakop niya halos lahat ng kalapit bayan. Nang malapit na siyang pumanig sa kapangyarihan ng Yin ay doon niya napagtanto ang mga pagkakamali niya. Inutos niya sa mga salamangkero na itapon na ang libro."

Patuloy lang ang pagpapakita sa amin ng hologram. Ipinakita rin doon na madami ang mga namatay na tao na tila ba inosente pa.

"Ngunit pagkatago ng libro ay doon pumasok sa eksena si Haring Midas. Sinakop niya ang kaharian ng Saiporo sa tulong ng mga itim na salamangkero. Naghari ang kasaam at doon namatay si Haring Sapiro ngunit bago siya mamatay ay napatay niya muna ang pamilya ni Haring Midas."

Hindi man kita sa hologram ang buong mukha ni Haring Midas ay kita rito na malaki ang katawan niya at magaling siya makipaglaban.

"Ipinag utos ng Haring Midas sa mga salamangkero na buhayin ang kanyang asawa at dalawang anak ngunit hindi ito kaya ng kahit na sino mang salamangkero. Tanging ang Diyos lang ng kamatayan na si Yama ang kayang makabuhay ng taong namatay na pero meron itong kapalit."

Nabasa ko noon pa si Yama, noong nagbabasa ako ng isa sa mga libro sa library na pinuntahan namin ni Kuya Sanchi.

"Tinawag ng mga itim na samangkero si Yama sa pamamagitan ng isang delikadong ritwal. Kinailangan nilang magsakripisyo ng isang daang tao para lang magawa ito pero nagtagumpay sila, napalabas nila si Yama. Nakiusap si Haring Midas na ibalik ang pamilya niya pero ang kapalit na hiningi ni Yama ay isang daang milyong kaluluwa kapalit nito ang imortal na buhay nilang pamilya. Kailangan niya itong magawa bago ang susunod na Solar Eclipse."

Ngayong taon mangyayari ang susunod Solar Eclipse at iyon ay sa loob ng isang buwan na lang.

"Nagkasundo silang dalawa kaya mas lalong lumaganap ang kasamaan na umabot pa sa ibang parte ng mundo. Libo-libo ang mga namatay pero hindi pa rin nito inabot ang milyong kaluluwang kailangan. Ipinatawag muli ni Haring Midas ang mga itim na salamangkero para gumawa ng paraan. Doon na sumanib sa kanila ang pinuno nila Segundo. Nagkaroon siya ng inggit kay Segundo dahil siya ang itinakda imbes na siya na siyang pinuno nila kaya naisipan na lamang niyang gumanti. Sinabi niya sa Haring Midas ang tungkol sa Polaris pati na rin kung sino ang may hawak nito."

Kaya naman pala siya hindi itinakda ng Polaris dahil madali siyang nagkaroon ng inggit aa puso niya. Mabuti ng kay Segundo napunta ang kapangyarihan na gumamit dito.

"Hinanap nila si Segundo at para na rin magamit ang libro pero magaling magtago ang mga puting salamangkero... kaya naitayo ang lugar na ito, Xiang. Si Segundo ay iyong ninuno at siya ang nagtayo sa lugar na ito, sila ng mga kasamahan niya."

"Ibig sabihin lahi kami ng mga salamangkero? Pero bakit wala akong powers?"

Nagsitawanan silang lahat. Seryoso naman ako sa tanong ko pero bakit nila ako pinagtawanan?

"Iyon ay dahil itinago ka namin sa mundo namin dahil masyado pa itong mapanganib para sa iyo."

Lumabas sa hologram ang library na pinuntahan namin. Kita roon ang malaking pintuan na nakita ko sa loob.

"Itinago nila ang libro ng Polaris sa silid aklatan na pinuntahan natin. Hindi ito basta makikita at hindi rin ito basta-basta makukuha ng kahit na sino."

"Ano na pong nangyari kay Haring Midas?" Tanong ni Scion.

"Hindi nila napasakamay ang Polaris pero patuloy pa rin silang pumapatay, nagba bakasakaling magtagumpay pa rin sila. Humina sila nang mamatay si Haring Midas pero dahil sa kasunduan nila ni Yama ay nabubuhay pa rin ang presensya niya gamit ang mga itim na salamangkero. Isa sa mga apo ng pinuno ng Yin ay si Jun, ang ama ni Liam. Kaya ganoon na lamang ang kagustuhan niyang mapasakamay ang Polaris ay dahil gusto niyang mabuhay si Haring Midas dahil kapag nangyari iyon ay bibigyan siya nito ng mas malakas pang kapangyarihan."

Medyo mabigat 'tong mga bagong sinabi niya. Isa sa mga itim na salamangkero si Mr. Anderson pero bakit parang matalik na magkaibigan pa sila ni itay?

"Kung ninuno namin si Segundo, na isang puting salamangkero ay bakit magkasama si Mr. Anderson at si tatay?"

"Nakisalamuha siya sa mga Yin para mas lalo naming malaman kung anong plano nila at sa mga panahon na iyon ay malapit na kaming matunton ng mga itim. Para na rin hindi siya agad paghinalaan na siya ang itinakda ay kinailangan niyang mamuhay kasama sila."

"Itinakda si tatay?" Tanong ko.

"Lahat ng kadugo ni Segundo ay ang itinakda, Xiang. Iyon ang dahilan kung bakit mo nagamit ang Polaris dahil... isa ka rin sa mga itinakda."

"Ako ang chosen one?"

Hindi ko alam kung magandang plot twist ba 'to ng buhay ko o hindi.

***

Seguir leyendo

También te gustarán

6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
113K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
9.9M 494K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
10.3M 475K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...