One Shots Anthology

By fieryphila

96.9K 2.1K 123

One book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different sto... More

Read This First
Beauty
Valentine's Gift
How Dare You?
Until Midnight
Clue of the Wooden Staircase
Cupid and Psyche
Uno with a Twist
Plagiarism
Wrong Love Gone Right
The Girl He Told Me Not To Worry About
Wanna Play?
Electricity
Belated Warning (not a one shot)
Flowery Words
Science Greek
Nanay Tatay
Nanay Tatay (Part 2)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 1)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 2)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Last Part)
30 Days of Hell (own version/revised)
Happiness Isn't Allowed
Promise
Midnight Dream
Left
Ate
That Girl Is -
Karagatan (POETRY)
Philophobia
Philophobia: Part 2
Philophobia: Part 3
Philophobia: Finale
Thank you!
Maling Akala
Panindigan o Pabayaan
Notice [an author's note]
Plane Crash
Untitled Poetry
Schizophrenia
Happy Birthday
Past or Present?
Leaving or Waiting?
Note:
Promotion
Summer Secret
Hana and Haki
Walang Tayo
366 Days
Closure o Comeback? (HER POV)
Closure o Comeback? (HIS POV)
Closure o Comeback? (FINALE)
Unforeseen Warmth
Three-Month Rule
Her Unreadable Romance
Finding Myself
Öga for Öga
Stolen Groom
The Guy in my Dreams
Acceptance
First Love Never Dies
Jealousy
That Night You Called

Zeus

820 44 0
By fieryphila


— Dalawa o tatlo kaming nagsulat nito pero ako nag-edit then gumawa no'ng fourth paragraph hanggang matapos. And nakita ko lang ito sa drafts ko, bahala kayo diyan AHAHAHAHA.





Si Zeus, ang King Of Gods ay kumakatawan sa karahasan at pagdanak ng dugo ng kalaban. Maraming mga alamat at mga kuwento tungkol sa Gods and Goddess na may malaking bahagi sa sinaunang mitolohiya ang King of Gods.

Zeus...
Gusto mo bang makilala bilang isang marahas na mandirigma? Sa palagay mo ba ay magustuhan mo o igagalang? O baka natatakot?

Sa sinaunang Gresya, natakot si Zeus. Siya ay kilala bilang King Of Gods ng digmaan, at ang mukha ng maraming marahas na laban. Dahil dito, hindi isang sorpresa na si Zeus ay isa sa mga hindi kilalang mga Gods sa sinaunang Gresya. Sa katunayan, ang mga kuwento ay nagsasabi na hindi siya kagustuhan ng kanyang sariling pamilya o ng iba pang mga diyos. Kawawang lalaki!

Si Zeus ang hari ng digmaan.
Siya ang pinakamalakas na King sa lahat ng Gods at Goddesses dahil may pinag kaiba siya sa kaniyang pamilya, marahil sa 'di siya tanggap subalit pinag laban niya pa din ang kaniyang karapatan para sa kaniyang pamilya para siya ay matanggap ng kaniyang pamilya.

Umalis si Zeus at nag puntang bayan ng Pergo at doon niya sinubaybayan kung bakit di siya tanggap ng kaniyang pamilya, at doon niya din ito nakilala ang kaniyang mamahalin na si Hera, ang Goddess of Marriage and Birth, sobrang saya ni Zeus nang makilala niya ito.Umuwi ng bahay si Zeus at lagi niyang naalala ang babaeng nakita niya sa bayan ng Pergo, subalit may humahadlang sa kaniyang isipan na at pumapasok, kung bakit sa sarili niyang pamilya ay di siya tanggap at kinahihiya siya.

Isang araw ng linggo si Zeus ay pinapapunta niya ang lahat ng tao o ang mga iba pang Gods at Goddesses ng kaniyang kaharian at may pinapagawa siya sa  kalahatan.

"Kung sino man ang nakakilala ng babaeng ito maaring makatanggap sa akin ng malaking kayamanan, kung siya ay inyong nakita at kilala ninyo, dalhin niyo siya dito."

Dahil sa nagulat ang mga tao sa kaniyang ginawa mas lalong kinagalit ng kaniyang pamilya ito.

Bumalik si Zeus sa bayan ng Pergo at hinahanap hanap ang babaeng ito.

May nakakita sa kaniya na isang mangyan na pagala gala sa Pergo at isinumbong ito kay Hera. Sinabi niya rito na may pagala galang isang God sa kanilang bayan, at hindi alam ni Hera na ang lalaking iyon ay si Zeus, na siya ang huma hanga dito. Biglang lumabas si Hera sa kaniyang kwarto at hinanap si Zeus sa buong bayan. Hindi naman siya nabigo nahanap ito, nakaupo si Zeus sa isang bato habang lumilinga linga sa paligid. Nakatalikod sa kaniya si Zeus kaya hindi siya nakita nito, pero malakas ang pakiramdam ni Zeus kaya't agad nitong kinuha ang kaniyang espada saka humarap kay Hera, pero agad din niya itong ibinaba nang mapagtanto kung sino ito.

Nagulat si Hera sa ginawa ni Zeus pero agad din siyang kumalma at yumukod sa harap nito bilang respeto.

"Magandang hapon, ginoo. May nakapagsabi sa akin na pagala gala ka rito sa aming bayan. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"

Natulala si Zeus nang marinig ang maamong boses nito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ganda at kabaitang taglay ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na kaharap lang niya ang babaeng pinapangarap at napapaginipan tuwing gabi.

"M-Magandang hapon, binibini. P-Pasensiya na't nandito ako sa inyong bayan ng walang paalam, ako'y may hinahanap lamang." mautal utal na sagot ni Zeus habang ibinabalik ang kaniyang sandata sa lalagyan nito.

Tumango tango si Hera at isinantabi ang kaunting paghangang naramdaman sa binata.  "Ano ba ang iyong pangalan? At sino o ano ang iyong hinahanap? Baka makatulong kami."

"W-wala. Nahanap ko na ang taong iyon kani kanina lamang. A-Ako nga pala si Zeus, ang God of Sky, Justice, Lightning at Thunder. Ako rin ang hari ng lahat ng Gods."

Natigilan si Hera nang marinig ang pangalan nito. May itinanong pa siya rito at ang sagot nito ay mas lalong ikinatigil niya.

“Pwede ko bang malaman kung sino ang iyong ama?”

Napalunok si Zeus dahil hindi niya alam kung itinuring ba siyang anak ng pangalang babanggitin niya.

“S-si Cronus. Bakit mo naitanong?”

Agad na tumayo si Hera. Napaisip kaagad siya.

Siya ba ang nawawalang anak ni Ama? Ibig sabihi'y hindi pwede ang nararamdaman kong ito dahil posibleng magkapatid kami?

“W-wala. Sige, ginoo, mauuna na ako. Ako nga pala si Hera. Ikinagagalak kong makilala ka.” dali daling tumayo si Hera at bumalik sa kanilang tirahan nang may kaba, dismaya at pagtatakang nararamdaman.

Umuwi si Zeus sa kanilang kaharian at nakarating sa kaniyang pamilya na nakipag usap at nakipag kita siya sa isang mayamang babae sa Pergo. Bilang parusa sa kaniya ni Rhea—ng kaniyang ina, hindi na muli naka labas si Zeus ng kanilang kaharian dahil pinag babawalan na itong lumabas sa kanilang, dahil sa kaniyang ginawang pakikipagkita sa isang mayamang babae sa Pergo.

.
Habang naka higa si Zeus sa kanyang higaan, lagi niyang naiisip ang babaeng si Hera, at madalas niya din ito pinapakuhaan ng litrato dahil sa matagal na niya itong hindi nakikita.

Muling nakalabas si Zeus ng kanilang kaharian at para tumakas at makita lang ang kaniyang minamahal na babae at doon na din siya umamin nito..

Habang nakalabas siya ng kanilang kaharian, namamasukan bilang tindero si Zeus sa Pergo para lang kumita ng pera para sa pambayad ng kaniyang inupahang bahay sa bayan ng Pergo, at habang nagtitinda siya, papunta pa lamang si Hera sa tindahan ni Zeus. Nang makita ni Zeus si Hera, agad yumuko si Zeus dahil sa hiya.

Nang makilala ni Hera si Zeus, kaagad kumunot ang noo nito at lumapit kay Zeus.

“Zeus? Bakit ka narito? Ang balita ko'y hindi ka pinapayagang makalabas ng kaharian ninyo.” binalot ng pagtataka si Hera.

Hindi na napigilan pa ni Zeus ang kaniyang sarili at niyakap ng mahigpit si Hera. Wala siyang paki kung may makakita man sa kanila. Kahit si Hera'y nagulat sa inasal ng binata.

“Gustong gusto na kitang makita, binibining Hera. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili sa aking nararamdaman. Alam kong bawal dahil ako'y naka destinong ipakasal sa isang binibini pero wala na akong paki! Alam kong maikling panahon pa lamang tayo magkakilala, pero mahal na mahal kita, Hera.”

Naluha na lamang si Hera dahil sa inamin ni Zeus. Wala na siyang pakialam kung ito man ang nawawalang kapatid niya. Basta ang importante,

"Mahal na mahal rin kita, Zeus.”

Nagsama sila at nagpakasal nang sila lamang ang nakakaalam. Namuhay sila ng masaya, pero ang hindi nila alam,

May manggugulo sa kanila.

Nang nalaman ni Atlas, isang Titan at ang pinuno ng Titanomachy, na nag mamahalan at nag sama na sina Hera at Zeus sa isang sikretont tirahan kung saan din sila kinasal ng palihim ni Hera, pumunta si Atlas para batiin si Zeus at Hera sa kanilang naganap na kasalan ngunit si Zeus ay may nararandamang kakaiba kay Atlas, nagtaka rin siya dahil wala naman silang ibang pinagsabihan ng kanilang kasal kaya't nagtataka siya kung paano niya nalaman.

At sinabi niya ito agad sa kaniyang asawa. "Mahal ko may nararamdaman akong kakaiba kay Atlas. At saka, sinabi mo ba sa kaniya ang tungkol sa ating kasal?" Dahil sa kaniyang kaba hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kanina.

Hinaplos naman ni Hera ang braso ng asawa niya at saka sumagot, "Mahal ko, si Atlas ay isang mabuting Diyos sa aming kaharian, maaari natin siyang pag katiwalaan dahil sa kaniyang husay at galing sa pakikipag laban, at isa rin siya sa mga nagtanggol sa mga mangyan sa aming kaharian.”

Tumango tango na lamang si Zeus pero hindi pa rin siya kumbinsido. Ayaw lang niyang magkaaway sila ng asawa niya kaya sinang ayunan na lamang niya ito.

Habang ang ama ni Zeus ay laging nagaalala kung nasaan na ang kaniyang anak at bakit ito'y hindi pa umuuwi sa kanilang kaharian. Ang hindi nila alam, nag pakasal na si Zeus sa isang babaeng mangyan ng Pergo at doon naninirahan at nagsasama ng masaya.

Isang hapon, si Atlas ay pinag bantaan niya si Zeus para mapasakanyang muli si Hera, dahil hindi tinanggap ni Hera noon ang kaniyang pagmamahal kaya ngayo'y gusto niyang mapasakaniya ito at patayin si Zeus.

Isang gabi, nagkita si Zeus at Atlas sa isang liblib na lugar Pergo. Napagkasunduan nilang dito magtuos at kung sino man ang mananalo at matitirang buhay, siya ang makakatuluyan ni Hera.

Samantala, naalimpungatan si Hera dahil naramdaman niyang wala sa kaniyang tabi ang kaniyang asawa. Ang buong akala niya'y bumili lamang ito ng pagkain nila para bukas dahil may papel na iniwan ito, pero mas malala pa roon ang ginawa ng kaniyang asawa.

Sa kabilang banda, nagsimula na ang laban ng dalawa. Gumawa sila ng isang dimensyon upang walang makarinig sa kanila. Doon nagsimula ang laban.

Sinimulang paganahin ni Zeus ang kaniyang kapangyarihan, kinontrol niya ang panahon, alam niyang humihina ang kapangyarihan ni Atlas sa tubig, kaya't pinaulan niya ang panahon. Paano niya ito nalaman? Binabasa niya ang isipan ni Atlas.

Agad sumilong si Atlas pero hindi niya sinukuan si Zeus. Hindi niya hahayaang matalo siya.

Ginamit niya ang kaniyang isipan upang tawagin ang lahat ng Titan na malapit sa kaniya, nagulat si Zeus nang magsidatingan sina Oceanus, Tethys, Mnemosyne, at si Hyperion.

Pero nang mapagtanto niyang siya ang pinakamalakas,

Nawala ang mga negatibong pumapasok sa utak niya.

Pinagsabay sabay niyang gamitin ang kapangyarihan niya at pinaulanan ang limang kalaban ng kidlat. Dahil babae si Tethys, mabilis siyang matamaan dahil isa lamang siyang Sea Goddess.

Sinunod niya naman si Oceanus, ang asawa ni Tethys at ang nagrerepresinta ng dagat, siya rin ang pinaka matanda sa lahat ng Titan.

Nang makita ni Oceanus ang pagtumba ng asawa, agad niya itong dinaluhan at nawala sa utak niya na may labanang nagaganap. Doon nakakuha ng tiyempo si Zeus upang paulanan ng kidlat si Oceanus.

'Tatlo na lang. Tapos na ang laban at makakapamuhay na kami ng masaya.' sambit niya sa kaniyang isipan kaya't lalo siyang nabuhayan.

Sinunod niya si Mnemosyne, ang dati niyang kasintahan at ang nagrerepresinta ng memorya. Tinitigan niya ito ng mata sa mata at sinigurado niyang mawawala ang memorya nito sa mga nangyari. Alam niyang mabait na dalaga ito kaya't ginagawa niya iyon. Pagkatapos, nahimatay si Mnemosyne kaya't nagbaba siya ng ulap at inilagay doon si Mnemosyne. Pinabalik niya ito sa Mount Olympus para makapanirahan ito ng tahimik.

Sinunod naman niya si Hyperion, ang Titan of Light, ginamitan siya ni Hyperion ng nakakasilaw na liwanag, pero hindi siya nagpatalo, ginamit niya ang liwanag na taglay ng kidlat at itinapat sa dalawang mata nito na naging dahilan ng pagkabagsak niya.

Si Atlas na lamang ang natitira.

Pinagsabay sabay niya ang lahat ng lakas niya at bumulusok ang mga ito diretso sa kaniyang puso, bumagsak si Atlas sa lupa nang hindi man lang nakalaban.

Napangiti si Zeus.

'Akin pa rin siya.'

Bumalik siya sa kanilang tirahan at laking gulat niya nang maabutan doon si Cronus at Rhea, ang kaniyang mga magulang.

May kabang namuo sa kaniyang dibdib dahil sa magkasama sila ni Hera sa iisang bubong pero hinarap niya ang kaniyang mga magulang ng walang takot.

“Ama? Ina? Ano pong ginagawa ninyo rito?” napangiti ang kaniyang ina at hinawakan ang kaniyang kamay.

“May ipagtatapat kami ng inyong ama.” nagtaka siya sa nang mabanggit nito ang salitang "inyong", magkapatid ba sila?

Hindi na nagsalita pa ang magkasintahan at pinakinggan ang magulang.

“Itinadhana kayong magpakasal, Zeus, Hera. Kung inaakala niyong mag kapatid kayo, nagkakamali kayo ng akala. Ibinilin sa amin nh nakatataas na parehas kayong ituring na anak kahit hindi niyo pa kilala ang isa't isa. Kailangang tumungtong kayo sa ika dalawampu't limang taong gulang bago malaman ang lahat lahat. At ngayong nasa tamang edad na kayo, ito na ang tamang panahon. Ikinagagalak kong, nagkakilala na agad kayo at minahal ang isa't isa.” napaluha si Zeus sa narinig. Ibig sabihi'y, si Hera ang dapat na ipapakasal sa kaniya?

Niyakap niya ng mahigpit ang magulang at nagpasalamat dito. Sunod naman ay tumingin sa kaniyang asawa, hinalikan ito sa labi at niyakap.

“Mahal na mahal na mahal kita.”

Ikinwento niya ang nangyari sa pamilya at kasintahan, nakaramdam ng kaunting pag tatampo si Hera sa kaniya pero nawala rin dahil nagtagumpay siya.

Simula noon, ikinasal sila sa Mount Olympus at inimbita ang lahat ng mangyan sa bawat kaharian.

Doon nagsimula ang kanilang matiwasay na pamumuhay na puno ng pag ibig.

Continue Reading

You'll Also Like

SPG By JaiWrites

Short Story

9.8K 17 14
SPG
82.9K 110 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
86.8K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
416K 15.9K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee