One Shots Anthology

By fieryphila

96.9K 2.1K 123

One book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different sto... More

Read This First
Beauty
Valentine's Gift
How Dare You?
Until Midnight
Clue of the Wooden Staircase
Cupid and Psyche
Uno with a Twist
Plagiarism
Wrong Love Gone Right
The Girl He Told Me Not To Worry About
Wanna Play?
Electricity
Belated Warning (not a one shot)
Science Greek
Nanay Tatay
Nanay Tatay (Part 2)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 1)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 2)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Last Part)
30 Days of Hell (own version/revised)
Zeus
Happiness Isn't Allowed
Promise
Midnight Dream
Left
Ate
That Girl Is -
Karagatan (POETRY)
Philophobia
Philophobia: Part 2
Philophobia: Part 3
Philophobia: Finale
Thank you!
Maling Akala
Panindigan o Pabayaan
Notice [an author's note]
Plane Crash
Untitled Poetry
Schizophrenia
Happy Birthday
Past or Present?
Leaving or Waiting?
Note:
Promotion
Summer Secret
Hana and Haki
Walang Tayo
366 Days
Closure o Comeback? (HER POV)
Closure o Comeback? (HIS POV)
Closure o Comeback? (FINALE)
Unforeseen Warmth
Three-Month Rule
Her Unreadable Romance
Finding Myself
Öga for Öga
Stolen Groom
The Guy in my Dreams
Acceptance
First Love Never Dies
Jealousy
That Night You Called

Flowery Words

1.2K 61 5
By fieryphila





"Pakopya ako sa drafting, Ky." nakangisi kong saad sa aking kaibigan na si Kyla. Lutang ang isip ko kagabi kaya hindi ko nagawa nang maayos ang last plate namin for the second quarter. Gabi na ako nagising kagabi at napaka-weird ng panaginip ko kaya hindi na ako nakatulog pa.

Itinuro niya ang bag niya pero nasa cellphone pa rin ang tingin. Tss, edi siya na may jowa!

Kinukuha ko ang plate niya sa kaniyang bag nang bigla kong maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko sa aking bulsa. Sino na naman kaya 'to?

Tuluyan ko munang kinuha ang plate niya saka sinara ang kanyang bag. Pagkatapos ay umupo ako sa aking upuan at kinuha ang phone ko. One new text message? Unknown number pa. The heck, wala naman akong ibang pinagbibigyan ng number ko.

Viniew ko ito at halos masuka ako sa salitang sinend niya saʼkin.

From: +6396328.....

Youʼre beautiful, lady, inside and out, cheer up, I love you so much.


Damn. Sa tingin niya ba napapaniwala ako sa mga salitang hindi naman napapatunayan? Ilang lalaki na ang naririnig kong nagsasabi ng ganito sa mga kasintahan nila pero sa huli ay iniiwan din naman nila. Hindi marunong makuntento. Isang tao rin ang nagsabi saʼkin nito, minahal ko siya ng buo, napahulog niya ako sa mga salita niya, pero ang hindi ko inakala, iiwan din niya pala ako. Fuck those flowery words.

I blocked his number and put my phone back in my pocket. Wala akong oras para makipag-lokohan, mas pipiliin ko pang sayangin ang oras ko sa pag-aaral kaysa sayangin ang oras sa paniniwala sa taong hindi ko naman kilala.

Inilabas ko ang mechanical pencil, ruler, at tech pen ko saka tinapos ang plate ko.




Finally, uwian na din. Nasa gate ako ng school namin dahil hinihintay ko ang mga kasabay kong umuwi, halos ang iba sa kanila ay iba ng strand kaya naman kailangan ko pa silang hintayin.

Plus, umuulan pa. Wala akong masisilungan at wala din akong dalang payong ngayon. Nakinig ako ng balita, sabi mainit daw ang panahon ngayon hanggang gabi, pero biruin niyo, fake news lang pala bwisit!

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa waiting shed at kinuha ang phone ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang napaka-raming messages mula sa isa pang unknown number. Simula kasi kanina noong binlock ko 'yong isa, hindi ko na inopen pa ang phone ko.

I opened it and saw 25 messages from....


The unknown number earlier? 'Yong nagtetext sa akin kanina na ang ganda ko daw tapos may pa-lady lady pa? Ampochi!? Ang yaman naman nito sa sim card!


Why did you block my previous number?

Tss, I'm watching you.

I know that you hate flowery words, but I promise, when the right time comes, I will introduce myself to you.

Baby.

Damn, are you that mad?

Don't block my number here, please.

Napa-iling na lang ako. Eh kung nagpapakilala na siya ngayon baka kausapin ko pa siya eh. Kaso hindi, he keeps sending messages showing that he 'loves' me. Pero sa tingin niya ba uubra ako sa kaniya? And how dare he call me baby? Hello!? 15 years old na ako, senior high na nga, tapos baby?!

Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang bag ko nang makita ko na nag-uwian na ang strand ng Cookery. Napahinga ako nang maluwag at hinintay na makalapit sila.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaking nakatingin sa akin. Naka-hoodie siya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Nakasuot din siya ng uniporme ng school at nakasabit ang backpack sa likuran niya. Nailang ako sa titig na iyon kaya iniwas ko ang tingin ko at nilapitan si Marian saka nakisilong sa payong niya.



Pag-uwi ko sa bahay ay i-chinarge ko ang phone ko at ginamit ito. Puro messages na naman galing doon sa unknown number. Napilitan akong replyan siya dahil wala namang mawawala saʼkin at ang kulit niya.


Hey, nakauwi ka na ba?

Yes, who are you? If you'll not tell
me your name then I'll block your
number.

Hey, wag.

Fine, just call me James.

James what? Saan ka nagaaral?

I'm in the same school with you.

Don't sleep late huh?

Why are you sending messages like
that to me?

Do you need something or what??

Yes, I need something.

I need your sweet 'Yes' when
I court you.



Nailang na ako sa topic namin kaya hindi ko na siya nireplyan siya. Huh? Manligaw? Eh hindi ko nga siya kilala. Nagaadik ba iyon? At James kamo? Diyos ko, napakaraming James sa school namin.


I turned off my phone and went to bed until I fall asleep.


Nasa labas ako ng school ngayon. Ewan ko ba, walang tao sa labas at naka-sara ang pinto. Eh anong oras na kaya. Tapos hindi pa ako nirereplyan ng mga kaklase ko. Sinubukan kong puntahan si Kyla, Angel, at Zandra kaso nakaalis na daw sila. Eh bakit naka-sara pa ang gate, eh hindi naman nagsasara 'to eh.

Napaayos ako ng tayo nang bumukas ang gate. Mukha ng masungit naming guard ang bumungad saʼkin. "Pumasok ka na." tumango na lang ako at tahimik na pumasok sa loob. Pero kataka-taka, wala akong ingay na naririnig.

Dire-diretso akong naglakad at nang makarating ako sa hallway, may mga rose petals sa nilalakaran ko ma para bang nagsisilbing path sa katapusan nito.

Sinundan ko ito hanggang sa huminto ito sa room namin. Nandoon si Marian, kaibigan ko at binigyan ako ng isang rosas. Hindi ito plastik, totoong rosas talaga siya, at halatang pinitas lang sa kung saan. "Ang swerte mo, huwag mo nang papakawalan iyan ha?" naguluhan ako sa sinabi niya. Ano bang nangyayari? "What the hell is happening in here, Marian?" sa halip na sumagot ay nginitian niya lang ako at iginiya sa pinto. Sunflower petals, iyon ang sunod kong nakita.

Sinundan naming dalawa ito at nakarating kami sa tapat ng computer lab. Pumasok kami doon at bumungad sa amin si Ghercie. "Hindi ko alam kung bakit ako nakiki-cooperate sa ganito, ang corny lang naman." inis niyang saad na ikinatawa namin sabay abot ng isang sunflower sa akin. Tangina, sino bang may pakana nito?

Gaya ng ginawa ni Marian, sinundan naman namin ang tulip petals. Sinundan namin ito hanggang sa makarating kami sa field at nalaglag ang panga ko nang makita ang buong section namin na naroon. May narinig akong boses, isang boses ng kumakantang lalaki.

Habang kumakanta ito ay siyang paghawi ng daan, doon ko nakita ang isang lalaki na hindi pamilyar ang mukha saʼkin.

Dumapo ang tingin ko sa mga mata niya.

Teka..

Siya 'yong lalaki kahapon, ah? 'Yong naka-hoodie na naka-titig sa akin kahapon. Sino siya?


Hawak niya ang mikropono habang lumalapit sa akin. Napa-atras ako nang makalapit na siya sa akin ng tuluyan. Napatingin ako sa mukha niya, oo nga, gwapo siya.


"Iʼm scared that I might lose you. So, Iʼm formally introducing myself to you, lady." yumukod siya na para bang prinsipe sa isang teleserye.


"I am James, James Villanueva."

He gave me a pink tulip. He hugged me, tangina, kailan pa ako pumayag na yakapin niya ako!?

Pero 'yong yakap na iyon...

I felt weird.

That hug made me feel that I am safe in his arms.





Walong buwan, walong buwan tumagal ang panliligaw niya saʼkin. In a day, lagi niya akong sinasabihan ng mga mabubulaklaking salita. Masama na kung masama pedo nagpapanggap akong kinikilig ako kahit deep inside natatawa ako kasi biktima na rin ako niyan eh.

Pero hindi ko inakalang mahuhulog din pala ako sa kaniya.

Kasi alam niyo 'yon? Masasabi kong perpekto siya at boyfriend material. Hatid sundo niya ako sa school, protective, possesive, pero may limitations siya. Sinagot ko siya matapos ang walong buwang panliligaw niya saʼkin. Kung sweet siya noʼng mga panahong nanliligaw pa lang siya, well, nadoble pa iyon.

Hindi niya ako nililibre o pinaggagastusan except na lang sa monthsary at surprises niya.

Bakit ba hindi ako nagpapalibre sa kaniya? Ayoko kasing magmukhang gold digger, mayaman pamilya niya eh. Ayokong magmukhang pera dahil doon, at hindi rin ako dumedepende sa kaniya.

Walong buwan na kami. Hindi kami legal sa parents ko at pati na rin sa side niya. Ewan ko, ako kasi ang goal ko muna ay maipakita sa kanila na hindi nakakasagabal sa akin ang pagkakaroon ng kasintahan, kaya ito, aral dito, aral doon.


Hanggang sa dumating ang buwan na hindi na kami madalas magkita. Lagi na lang kaming magka-text, magkatawagan o kaya ay magkachat. Noong huling pagkikita namin ay nagtaka ako dahil plain black na lang lockscreen niya at plain gray ang wallpaper, he removed our relationship status in Facebook. Hindi na niya ako hinahawakan sa public, heʼs not sweet anymore.


Oo, masakit, parang hindi na niya ako ipinagmamalaki gaya noon. Hindi na rin siya nagsasabi ng kung ano-anong flowery words gaya ng dati.

Bigla akong napaisip.

Natauhan na ba siya?

Nakakatawang isipin pero umaasa ako sa mga salitang binitawan niya noon. Pero bakit unti-unti nang namamatay ang mga salitang iyon?

Iwinaglit ko iyon sa isipan ko. He gained my trust, please don't break it.

Umupo ako sa damuhan nang makita ang pigura ng isang babae at lalaki na magkaakbay sa ilalim ng puno. Medyo lumapit ako dahil ewan, ang hilis ng kabog ng dibdib ko.

Habang palapit ako ng palapit, naaaninag ko na ang mukha niya.

Hala? Heto 'yong lalaking mahal na mahal ko ah? Heto 'yong lalaking nangako sa akin na ako lang daw. Heto 'yong lalaking ipinaglaban ko sa mga kaibigan ko kahit ayaw nila sa kanya. Heto 'yong lalaking ibinalik ang tiwala ko sa mga mabubulaklaking salita na pwedeng magkatotoo. At heto 'yong lalaking sisira ulit sa tiwala ko at sa salita lang magaling.



Tumalikod ako at naglakad pauwi. Luhaan. Sira ang puso. Pinahid ko ang luha ko at kinuha sa ilalim ng kama ang isang kahon, kahon na naglalaman ng mga salitang ipinangakoʼt sinabi niya sa akin.


Trust me this time, ikaw lang ang mamahalin ko. Papatunayan ko sa iyo na hindi lahat ng salita at pangako ay mapapako.

Hey baby, I love you so much.

Ikaw lang ang mahal ko.

Ikaw ang mundo ko.

Pangako, ihaharap kita sa altar at papakasalan ng buong-buo.

I love you so damn much, wife.



Flowery words... Iʼm warning you... If someone told you some flowery words, those aren't true.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 154K 144
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
84.4K 3.6K 93
The head admin of a popular Facebook page found himself scrolling through the messages of their page, and accidentally opened a conversation from Jew...
31.1K 241 7
Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang na may halong karanasan sa nasasabing isturya na tungkol sa karanasang sexual nang lalaki sa lalaki. ...
26.2K 519 21
Gaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's...