Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 31: Ama

65.4K 2.9K 339
By blue_maiden



Ilang segundo ko ring pinagmamasdan ang kwintas bago ko napansin ang maliit na butas sa likuran nito. Sinilip ko kung anong meron doon at nagulat ako dahil pagdilat ko mula ay bigla akong napunta sa ibang lugar. Mabilis ang mga pangyayari. Alam kong totoo ito at hindi isang panaginip. Ramdam na ramd ko ang malakas na hangin.

Nasa gilid ako ng isang malalim na bangin. Madilim ang langit at may kaunting pag-ulan pero napakadaming kidlat.

Nilibot ko ang ulo ko at may namita akong paparating mula sa malayo. Tinanaw ko siyang mabuti at isang lalaki ang papalapit na sa akin. Unti-unting nanlaki ang mata ko nang maaninag ko na ang mukha niya.

"Itay?" Bulong ko.

Huminto siya sa harapan ko pero parang hindi niya ako nakikita.

May kinuha siya sa bulsa niya at isa iyong kwintas na kaparehong kapareho ng nakuha kong kwintas.

"Serenity anak ko, kung mapapanuod mo man ito malamang ay patay na ako," nanginginig ang mga kamay niya hanang hawak ang kwintas.

Unti-unting tumulo ang mga luha sa mata ko. Ngayon ko lang narinig ang mga boses niya at ngayon ko lang narinig na tinawag niya akong anak. Pero ang mas masakit, baka nga totoong patay na siya ngayon.

"Isa itong mahika na inilagay ko sa kwintas, nagbabakasakaling baka makita mo ito kapag lumaki ka na."

May mga dugo sa mukha at buong katawan niya. Nawala lahat ang galit ko sa kanya ay gustong gusto ko siyang yakapin.

"Patawarin mo ako... patawarin mo kami ng iyong ina kung wala na kami sa iyong tabi ngayon. Gustuhin man naming magkasama tayo ay hindi maari dahil mapapahamak ka lang. Mahal na mahal ka namin, palagi mo 'yang tandaan."

May mga yabag ng kabayo akong narinig mula sa malayo. Pareho kaming napatingin sa kinaroroonan ng ingay na iyon.

"Wala na akong oras," sambit ni Itay. "Ayoko mang madamay ka sa gulo na ito pero ikaw na lang ang pag-asa ng mundo. Ikaw ang makakapatay sa kasamaan kaya mag-iingat ka. Gagawin ng mga kaibigan ko ang lahat para protektahan ka, Xiang. Gustuhin ko man na ako ang gumawa noon ay hindi ba maari. Kailangan naming isakripisyo ang buhay namin para mailigtas ka. Sana mainindihan mo ang lahat kapag lumaki ka. Mahal na mahal kita, Xiang Serenity."

"Matias!"

May isang grupo ng mga lalaki na nakasakay sa kabayo ang nasa likuran namin. May suot silang itim na hood na para bang isa silang miyembro ng kulto.

"Wala ka ng takas kaya mabuti pa ay sumama ka na sa amin at gawin mo na ang utos ni Haring Midas."

Inilapag ni itay ang kwintas sa sahig.

"Hindi niyo makukuha ang gusto niyo. Hindi kailan man maghahari ang kasamaan. Hindi pa huli ang lahat, may panahon pa kayong magbago."

Biglang naging pula ang bilog sa mga mata ng mga lalaki. Dahan-dahan silang bumaba sa mga kabayo nila at inalis nila ang hood sa ulo nila at... ang isang lalaki doon ay ang tatay ni Liam, si Mr. Jun.

"Ito ang nakatakda Matias, ikaw ang magbibigay sa ating hari ng kapangyarihan na kailangan natin. Hindi ka makakatakas dito. H'wag mo na kaming pahirapan at sumama ka na sa amin," sambit niya.

Ibig sabihin ay magkakilala talaga silang dalawa. Alam kaya 'to ni Liam?

Dahan-dahan na umatras si itay hanggang nasa pinaka dulo na siya ng bangin.

"Nagkakamali kayo, makakatakas ako at maghahari pa rin ang kabutihan."

Napahawak ako sa bibig ko nang tumalon siya sa bangin. Lahat kami at nagulat sa ginawa niya.

Tumakbo ang mga lalaki papunta sa dulo ng bangin. Hindi ako makagalaw a kinakayuan ko.

"Pumunta kayo sa ilalim ng bangin at habulin niyo siya!" Sigaw ng tatay ni Liam, tila ba siya ang lider ng grupo nila. "Madali kayo bago siya ulit makatakas sa atin!"

"Kapitan, isa ito sa pinaka delikadong bangin at walang nakakaligtas dito. Patay na si Matias."

Nanginginig ang buong katawan ko at hindi muli matigil ang pag-iyak ko. Ayokong maniwala na patay na si itay pero iyon ang katotohanan.

"Hindi maari! Hindi siya maaring mamatay!"

Galit na galit siya pero bigla niyang nakita ang kwintas ni itay. Kinuha niya ito at pinagmasdang mabuti. Tumingin din siya sa butas na tinignan ko pero wala siyang kung anong nakita hindi kagaya ko. Iyon ba talaga ang kwintas na nakuha ko? O magkaiba sila?

Nilagay na lamang niya ito sa bulsa niya.

"Hanapin niyo ang katawan niya, madali kayo!" Sigaw niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg niya.

Nagmadali ang mga tauhan niya. Naiwan siyang nakatayo sa gilid ng bangin hahang nakatingin pa rin sa ilalim.

"Bakit mo ito nagawa, Matias? Itinuring kitang matalik na kaibigan pero isa ka pa lang traydor. Paano kita mapapatawad?"

Matalik silang magkaibigan pero bakit tila magkagalit silang dalawa? Ano ba talaga ang nangyari at sino ang Hari na sinasabi niya?

Nawala ang mga iniisip ko nang biglang may humila sa akin at sumunod na lang na nakita ko ay nasa kwarto ko na ulit ako.

Punong puno ng pawis ang buong katawan ko. Hinahabol ko rin ang aking paghinga. Isa man 'yong mahika na inilikha ni itay, alam kong totoo ang lahat ng nangyari. Totoong wala na siya, wala na sila ni inay pero ang masakit sa lahat ay nawala sila nang dahil sa akin.

Buong buhay ko kinamuhian ko sila pero hindi pala dapat dahil wala silang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako. Hindi ko man maintindihan ang lahat pero sa ngayon pero nang sandaling nakita ko si itay kahit pa isa lang 'yong mahika ay alam kong totoo ang mga sinasabi niya.

"Kasalanan ko ang lahat," inilagay ko ang mukha ko sa dalawa kong palad. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko. "Ako ang dahilan kung bakit sila namatay. Kung hindi dahil sa akin ay hindi sila mag sa-sakripisyo."

"Nakita ko ang lahat," inangat ko agad ang ulo ko para makita siya. Hindi ko namalayan na nasa malapit lang siya. "Wala kang kasalanan sa nangyari kaya h'wag mong sisihin ang sarili mo."

"Paano mo nakita ang nakita ko?" Hindi naman siya sumilip sa kwintas kagaya nang ginawa ko.

"Kaya kong pasukin ang isip mo, isa 'yon sa mga kapangyarihan ng sequioa."

Pinasok niya ang isip ko? Ano naman ang naisipan niya at ginawa niya 'yon? At kailan niya pa 'to ginagawa sa akin?

"Alam mo bang invasion of privacy 'yon, Scion?"

"Pasensyan na kung nagawa ko iyon. Umiiyak ka kasi habang nakapikit kanina kaya gustong malaman kung bakit. H'wag kang mag-alala, ayan ang una at huli na gagawin ko ito sa'yo." Tatalikuran na sana niya ako pero pinigilan ko siya.

"Ano naman sa'yo kung umiiyak ako? Bakit gusto mo 'yong malaman?"

"Ayokong nakikitang umiiyak. Hindi ko rin maipaliwanag ng lubusan pero nasasaktan ako tuwing nasasaktan ka... siguro dahil ikaw ang gumawa sa akin. Hindi ko rin alam."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero bukod doon ay nag-init ang magkabilang pisngi ko. Hindi agad ako nakapagsalita kaya umalis na si Scion.

Ayaw niya akong nakikitang umiiyak at nasasaktan. Isa lang naman ang ibig sabihin no'n hindi ba? Special na ako para sa kanya. Hindi man niya direktang sabihin pero gano'n na rin 'yon, e.

Pero gaano ba ako ka-special sa buhay niya?

"Ayan umaasa ka naman, baka sa huli masaktan ka lang." bulong ko sa sarili ko.

May bumisina sa harapan ng bahay. Napatayo agad ako at ngayon lang ulit pumasok sa isip ko na may inarkila nga pala kaming van papunta sa Baguio.

Bumaba ako para harapin ang driver pero kausap na pala siya ni Scion.

"Ako na lang po ang pupunta sa Baguio," sambit niya. "Pwede ba kayong maghintay ng ilang minuto para sa akin?"

"Anong ikaw na lang ang pupunta?" Singit ko.

Hinila niya ako palayo sa driver, "Delikado na lumabas ka pa ng bahay kaya dito ka lang. Sigurado akong hinahanap ka ng tatay ni Liam."

Tumaas ang kanang kilay ko kasabay ng pagkunot ng noo ko. Ano bang pinagsasasabi niya?

"Ako na ang maghahanap sa libro. Mas kaya ko 'yon kaysa sa'yo. Kaya paki-usap Xiang, dumito ka na lang at bantayan mo ang tiyahin mo."

Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa kwarto ni auntie. Balak pa sana niyang isara ang pinto pero pinigilian ko siya.

"Scion, ano bang ginagawa mo? Kailangan kong sumama! Kailangan kong maintindihan ang lahat," inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. "Mga magulang ko ang pinaguusapan dito kaya hindi mo akong pwedeng pigilan. Isa pa, kaya ko ang sarili ko."

"Delikado ang buhay mo, Xiang! Naiintindihan mo ba? Kaya sa ayaw at gusto mo, dito ka lang sa bahay na 'to!"

Napaatras ako at nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagtaas ng boses ni Scion. Nagiging pula ang ibaba ng mga mata niya, indikasyon na nagagalit siya.

"Bakit mo ba 'to ginagawa, Scion?"

Sige, once in for all, alamin na natin ang katotohanan. Ayoko na rin naman umasa na nag-aalala siya sa'kin dahil may lugar na ako sa puso niya.

"Xiang, mahalaga ka sa akin kaya ko 'to ginagawa," unti-unting nawala ang kulay pula sa mga mata niya. "Kaya paki-usap, makinig ka na lang sakin."

Mahalaga ako sa kanya? Pero bakit? Anong dahilan? 'Yon ang gusto kong malaman.

"Kaya ka lang naman nag-aalala sa akin kasi wala nang makakapagpabalik sa'yo libro kapag nawala ako! Tama ako hindi ba? H'wag kang mag-alala, sa oras na makita natin ang libro, ibabalik agad kita at makakasama mo na si Weiming!"

Natapataas na rin ang boses ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Wala kang karapatan para pakialamanan ang buhay ko, Scion."

Kung bibigyan ako ng isa pang pagkakataon ay hindi ko 'yon sasabihin sa kanya pero dahil sa bugso ng damdamin ay nasabi ko iyon.

Wala akong kung ano mang narinig sa kanya. Tumalikod lang siya at umakyat sa kwarto ko.

Sapat na 'yong pananahimik niya para malaman kong nasaktan siya sa mga nasabi ko.

"Ang tanga mo rin no, Xiang." Bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto lang ay bumaba na siya dala ang mga gamit niya. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil naka-shades siya. May suot pa siyang sumbrero at jacket na maong.

"Kung gusto mo talagang sumama, hindi na kita pipigilan. Wala naman akong karapatan para pakialaman ang buhay mo, hindi ba?"

Hindi man lang niya hinintay ang sasabihin ko. Dali-dali siyang lumabas ng bahay.

Huminga ako nang malalim. Ang bigat bigla sa dibdib. Ako dapat 'yong nasasaktan ngayon pero bakit parang mas nasaktan ko si Scion?

Patawarin mo ako Scion.

Siguro ginagawa ko 'to para hindi na tayo tuluyang magkalapit pa dahil sa huli, hindi pa rin naman ako ang pipiliin mo, hindi ba?

Hindi pa rin naman ako ang mamahalin mo...

***

Continue Reading

You'll Also Like

115K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
90.1K 3.4K 45
(On-Going)
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
24.3M 984K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...