LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-P...

By helene_mendoza

842K 21.6K 1.5K

He left because he had to. He know that there won't be a future in a relationship founded with lies. She wai... More

• 1 •
• 2 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 18 •
• 19 •
• 20 •
• 21 •
• 22 •
• 23 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 27 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 32 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 43 •
🌟🌟🌟TAKE TIME TO READ🌟🌟🌟
•••ANNOUNCEMENT•••

• 42 •

15.7K 471 27
By helene_mendoza

Andie's POV

Inuna ko na munang asikasuhin si Marco bago ako bumalik para maglipit ng pinagkainan namin. Pagbalik ko ay naabutan ko si Tim na abala sa paghuhugas ng plato. Gusto kong matawa sa itsura niya. Ang laki - laki niyang tao pero ito at nagliligpit siya ng mga pinagkainan.

"Ako na 'yan," sabi ko at pilit na inaagaw ang mga plato sa kanya.

"Okay na 'to. Matatapos na naman. Sit down. I got something for you," sabi niya ay tinuyo ang kamay tapos ay may kinuha sa ref. Inilabas niya doon ang isang bote ng red wine. Katulad ng iniinom ko kagabi. Tanggal na ang cork sa ibabaw noon pero wala pa naman bawas. Halatang binuksan lang para hindi na ako mahirapan.

"Pasensiya ka na at inubos ko ang stash mo. Mahirap palang hanapin 'to," natatawang sabi niya at binalikan ang paghuhugas ng plato.

Natawa din ako at tiningnan ang bote ng wine. Iinumin ko pa ba 'to? Binuksan ko ang wine at inamoy iyon. Ang bango. Amoy pa lang nakakalasing na.

"Did you enjoy your day?" Tanong pa niya. This time, Tim is drying the plates that he finished washing.

"Yeah. Thank you. Sabi ni Marco you paid for it. Hindi mo na sana ginawa," sagot ko at nanatiling nakatingin sa bote.

"Hey, sobrang nalulungkot si Sebi dahil napapabayaan ka na daw niya. And he wanted to make it up to you. Tinulungan ko lang siya."

Hindi na ako nakatiis. Tumungga na ako sa hawak kong wine.

"Is it true? He is going to have a new heart?" Paniniguro ko. I looked at Tim and he is leaning both his hands on the counter from his back.

"I made some calls, used my connections. The doctor that will operate for Sebi is one of the best. He will be fine." Masayang sagot niya.

Napakagat - labi ako at muling tumungga sa wine.

"I am happy that he will have a second chance. You know, he is already giving up. Would you believe that he wanted to give up on our marriage?" Nilaro - laro ko ang bibig ng boteng hawak ko.

"He is just under stress kaya niya nasasabi iyon. I talked about him regarding that. Don't worry, he won't do it," sagot ni Tim at muling hinarap ang pagliligpit na ginagawa niya.

"Until when are you going to stay this time?" Hindi ko siya tinitingnan. Nakatitig lang ako sa bote ng wine na nasa harap ko.

"Until when do you want me to stay?"

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin kaya mabilis kong inalis ang tingin ko at dinampot ang bote para uminom uli. Buwisit si Tim. Bakit kailangan niya akong tingnan ng ganoon? Hindi ba niya alam ang epekto sa akin? Kumakabog ang dibdib ko. Nanginginig ang tuhod ko.

"Ayoko lang kasi na asang – asa si Marco na nandito ka at magtatagal ka pero may plano ka naman palang umalis uli. And please if you're going, matuto ka naman sanang magpaalam para hindi mukhang tinakam sa candy ang asawa ko," iyon na lang ang nasabi ko sa kanya.

Natawa si Tim sa sagot ko at tinuyo ng basahan ang kamay niya tapos ay umupo sa harap ko.

"Hindi naman ako aalis. I'll take care of Sebi, I want to be with Timmy. I want to see him grow up." Sagot niya.

Napatango – tango lang ako. Buti pa sila mahalaga kay Tim. Wala talaga ako.

"I want to see you grow old." Natawa siya. "Alam mo 'yun? We can't be together but still, we will grow old together. Katulad 'nung sa kantang Grow old with you? Okay na sa akin iyon."

Inirapan ko si Tim at pinigil ko ang sarili kong matawa. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ito. Magaling pa rin talagang mambola.

"In case you forgot, lumalandi ka sa babaeng may – asawa." Paalala ko sa kanya.

Natawa rin siya. "Hey, it's just a joke. Alam ko kung hanggang saan ako, Andie. I just want us to be normal."

"We will never be normal, Tim. Pinipilit ko lang maging maayos ang pakikitungo sa iyo para kay Marco. You know, kung ako ang masusunod, I don't want you here. Pero ng dumating ka, I felt him alive again. Masayang – masaya siya na nandito ka. So ano ang karapatan ko para pigilan ang kasiyahan ng asawa ko?"

Napatango – tango si Tim tapos ay pinilit na tumawa sa akin. "May I?" paalam niya at tinungo ang bote ng wine.

Tumango lang ako. Dinampot niya iyon at uminom doon.

"What if I didn't leave five years ago? Ano kaya ang nangyari?" Parang sa sarili lang iyon tanong ni Tim.

"Wala pa ring tayo. Kasi hindi naman ako ang pipiliin mo." Diretsong sagot ko.

Natawa si Tim. "How can you be so sure?"

Inirapan ko siya. "I am not in your priorities, Tim. You're ready to miss the adrenaline rush? You're ready to miss the fun with those bad guys? Are you ready to give up on that?"

"Yes. If I can only be with you." Diretsong sagot niya.

"Then why you didn't do it?" balik – tanong ko sa kanya.

Saglit na hindi nakakibo si Tim kaya napatango – tango ako. "See? I know kung saan lang ako buhay mo, Tim."

"Remember the night that we had a date in a rooftop?" Nasa itsura ni Tim na parang inaalala niya ang eksenang iyon.

"The night when you left me?"

Ngumiti siya ng mapakla. "I dealt with so many bad guys, Andie. And they would do anything just to hurt me even if they use the ones I love. When I met you, you were the first person that I let close in my heart. I was ready to die alone. I was ready to face everything by myself but you came." Napahinga siya ng malalim at ngumiti sa akin. "Just like Sebi, you gave me a reason to live, to enjoy my life. Pero hindi ko kayang madamay ka sa magulong buhay ko. Those fucking bad guys found out about you. They knew my weakness and it was only you."

Pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko sa mga sinasabi ni Tim.

"Puwedeng – puwede naman akong hindi lumitaw ng magkaroon ng trouble si Sebi five years ago. Ilang beses na rin naman siyang nagkaka – problema noon pero nalulusutan niya. But this time, involve ka, eh. They would do something bad to you kapag hindi sumunod si Sebi and I won't let that happen. I'll kill everyone who will hurt you even a single strand of your hair."

"So you see? I didn't come back for Sebi. I always came back because of you. Just you."

Hindi ako makapagsalita sa narinig kong sinabi ni Tim. Ayoko. Ayoko ng nararamdaman ko.

"What about Marco's operation? Everything will be fine?" ayoko ng pag – usapan namin ang tungkol sa amin kaya iniba ko na ang usapan.

"I'll be getting the donor heart myself from the hospital in Batangas. Tomorrow, ipi – prep na si Sebi. They will check if he can still you know, endure the long operation. I'll be with him every step of the way. Huwag kang mag – alala. Hindi ka mabibiyuda," nakatingin pa siya sa akin.

"Good." Sagot ko at tumayo na ako.

"Andie."

Nakatitig sa akin si Tim ng lingunin ko siya.

"You look beautiful today."

Pakiramdam ko ay nag – init yata ang pisngi ko sa narinig na sinabi niya.

"Good night, Tim." Iyon na lang ang nasabi ko at nagmamadaling iniwan siya.

Grabe ang kabog ng dibdib ko ng pumasok ako sa kuwarto namin ni Marco. Naabutan ko siyang tulog na tulog sa kama. Napailing ako at naalala ko ang mga sinasabi ni Tim. Aaminin ko, galit ako sa kanya pero may isang bahagi sa sarili ko na talagang bibigay anumang oras sa kanya. Ganoon ang epekto sa akin ni Tim. Noon, ngayon, walang pagbabago. Pero mali at hindi puwede. Natawa ako at napailing. Ngayon ko naisip na bagay sa amin 'yung salitang 'pinagtagpo pero hindi itinadhana.' Kasi iyon kami.

May nararamdaman para sa isa't – isa pero kahit kailan ay hindi puwedeng maging isa.

------------------à>>>>>>>>

Mason's POV

Maagang – maaga ay narito ako sa opisina ko at nakikipag – usap kay Dr. Uy. Aayusin ko ang pagta – transport sa donor heart ni Sebi. My brother is in the hospital now getting prepped. Marami pang laboratories and tests na dapat gawin sa kanya and I am hoping na magiging maayos ang lahat.

Dr. Uy advised me that the typical storage time of a human heart is less than six hours. So after ma – harvest sa organ donor, kailangan ng mai – transfer agad sa patient. So every minute is crucial.

Kaya ito ako at bumibiyahe papunta sa Batangas para kunin ang donor heart na ilalagay kay Sebi. Dr. Uy called me na natapos na ang lahat ng test sa kapatid ko and everything is fine kaya fit for operation na siya. That is good news and I am so excited for my brother.

Pagdating ko pa lang sa ospital ay agad na akong sinalubong ng isang doctor na ini – endorse ni Dr. Uy sa akin. He gave me a special hard plastic storage na may naka-dikit na sticker na fragile.

Habang biyahe ako pabalik ay walang tigil ang pagtawag nila mommy sa akin. They are so happy to know that Sebi will have another chance. Sabi ko naman sa kanila, I'll do anything for them. Nandoon na pala sila sa ospital at naghihintay nalang. Sebi is under the care of Dr. Uy already. They are just waiting for the donor heart para maumpisahan ang operation.

Ngayon pa lang ay excited na ako para kay Sebi. He will have another chance to see Timmy grow old. Okay na sa akin na hindi ako makilalang totoong tatay ng anak ko. Nakilala ko siya, nakasama ko siya, masaya na ako. Masaya na ako ng ganito. Nakikita ko ang babaeng mahal ko, nakakasama sila. Babawi ako. Babawiin ko ang mga panahon na sinayang ko noon.

Paliko na ako papuntang Manila ng mapansin ko ang isang kotse na nakabuntot sa akin. Kanina ko pa ito napansin na nakasunod. Gustuhin ko man na magpaikot – ikot para mailigaw ito ay hindi ko na magawa dahil kailangan kong makabalik agad ng Maynila. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si JD. Pero ilang rings pa lang ay nakarinig na ako ng malakas na tunog galing sa likuran ng sasakyan at napasubsob ako sa manibela. Binangga ako ng kotseng nasa likuran ko!

Damn it! Mabilis kong ikinabig sa gilid ang minamaneho kong kotse. Hinigpitan ko ang hawak sa manibela para kontrolado ko pa rin ang pagtakbo ng sasakyan ko. Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo para makalayo sa kotse. Pero maya – maya pa ay isang na namang malakas na tunog ng pagbangga sa likuran ko at muli ay napasubsob ako sa manibela. Tumama ang noo ko doon sa lakas ng impact. This time ay hindi ko na makontrol ang kotse at dire – diretso ako sa gilid ng palayan. Ilang beses na nagpa – ikot – ikot ang sasakyan ko bago ako huminto at bumangga sa isang puno.

Pakiramdam ko ay kinalog ang ulo ko sa bilis ng mga pangyayari. Nararamdaman ko na may tumutulong kung ano mula sa noo ko. Pinilit kong magmulat ng mata at nakita kong umuusok ang unahang bahagi ng sasakyan ko kaya nagmamadali akong nag – alis ng seatbelt at lumabas ng sasakyan. Bahagya pa akong gumewang dahil nakakaramdam pa ako ng hilo. Ano na nga ba? What am I doing here? Sebi's heart!

Kahit hilong – hilo ay pinilit kong bumalik sa kotse at pilit na hinanap ang pinaglalagyan ng donor heart ni Sebi.

"You're looking for this, Agent Gonzalez?"

Mabilis kong hinanap ang nagsalita at nakita ko sa likuran ko na nakatayo doon si Jaime Salazar hawak ang container kung saan nakasulat ang salitang fragile.

"I'll do whatever you want. If you want me to clear your name, I'll do it. Just give it back to me." Nanginginig ang boses ko habang nakikiusap kay Salazar.

Natawa siya sa sinabi ko. "What is this?" nakakaloko pang tanong niya at inaakmang buksan ang container.

"No. No! Don't open it. Please. I'll do everything just give it back to me." Halos mapapiyok ako sa kaba.

Pero parang walang narinig si Salazar at binuksan ang container. Fuck! It's going to be contaminated.

"Donor heart?" paniniguro niya at muling tinakpan ang container. "Oh, I remember. Bukod pala sa babae mo, may kapatid ka nga pala na mahal na mahal mo. What is his name? What do you call him? I remember. Sebi."

Pigil ko ang hininga ko habang dahan – dahan na kinukuha ang baril na nakasuksok sa likuran ko.

"Don't do that. I'll drop this," nakangising banta ni Salazar at inakmang itatapon ang laman ng container. "Toss your gun." Utos niya.

Napahinga ako ng malalim at wala akong nagawa kaya pahagis na ibinigay ko sa kanya ang baril ko. Shit. Why is this happening? Talagang ngayon pa sumabay si Salazar? Of all the days na hinahanap namin siya.

"My men wanted to accompany me today. But I said, I'll deal with you myself and today is the best day to torture my worst enemy. And that is you. You see, you made my life a living hell Agent Gonzalez. Oh, it's Director. Director Gonzalez." He is laughing mockingly to me.

"Just tell me what do you want? I need that. Just let me bring that heart to my brother then you can do whatever you want to me." Pakiusap ko sa kanya.

"When I was inside, I studied everything about you. You made me obsessed on how I can do my revenge to you. You ruined my syndicate. You killed my brother in that encounter in Cebu. My fucking brother shot in the head." Nanggigigil si Salazar habang sinasabi iyon.

"You know the consequence of what you did. What happened to your brother, that is on you. You and your brother dug your own grave when you start selling those drugs." Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam na magiging ganito ka – kumplikado ang encounter ko kay Salazar.

Pinagtawanan niya ako. "Sinasabi mo bang kasalanan ko na pinatay mo ang kapatid ko?" Ang lakas ng halakhak ni Salazar sa akin at binuksan niya ang container na hawak niya. "So, what will happen to your brother right now is on you too." Walang sabi – sabing itinaktak niya ang laman ng container at nagbagsakan sa lapag ang mga ice cubes na laman noon kasama ang donor heart.

Nanlalaki ang mata ko habang bumagsak sa lupa ang donor heart na magdudugtong sa buhay ni Sebi.

Mabilis akong kumilos para damputin ang donor heart pero pinaputukan ako ng baril ni Salazar malapit sa paa ko. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo ng tapakan niya ang donor heart ni Sebi at durog – durugin iyon. Hindi ko alam na tumutulo na ang mga luha ko. Ang nag – iisang pag – asa ng kapatid ko ay dinurog ng taong ito.

"I'll let you live, Director Gonzalez. So you will feel what I feel for how many years. Masakit mawalan ng kapatid. Mararamdaman mo ngayon." Nakangisi pang sabi niya sa akin at sinipa pa niya ang container bago ako tinalikuran.

"That was your mistake. You let me live." I pulled the gun from my ankle holster and shot Salazar in the head. Bagsak agad siya katabi ng dinurog niyang donor heart.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo lang doon at nakatingin sa bangkay ni Salazar at sa donor heart ni Sebi na hindi na mapapakinabangan. Tears are flowing on my face thinking about what will happen to my brother. I failed him again. Hindi lang siya. My parents, they will lose a son. I will lose a brother. Andie will lose a husband and my son will lose a father.

I can't let that happen. I need to do something.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 81 18
"In every chapter, there's a painful scene. In every person you'll meet, there's the feeling you can't hold back. And in every love, there's a pain."
3.1K 682 40
People comes, people goes, as love comes, but does love goes? An infatuation become an true love that destiny can't defy. Hindi niya inakalang darati...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
798K 9.8K 47
[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsible father and a possessive husband..."...