Polaris (Published under Indi...

Από blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... Περισσότερα

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 30: Trade

76.3K 3.2K 886
Από blue_maiden



Pawis na pawis ako dahil sa kakatakbo papunta sa bodega nila Liam. Sinunod ko ang sinabi niya na h'wag kong isama si Scion.

Ayaw pa ngang pumayag ni Scion pero napilit ko rin siya. Tawagan ko raw siya agad kapag kailangan ko ng tulog.

Kinakabahan ako sa nangyari kay auntie. Madalas na siyang nawawala sa bahay kaya para bang konektado ito sa nangyari sa kanya ngayon.

Pagkadating ko sa grocery, nakakapagtaka na sarado ang grocery nila. Palagi itong bukas kaya bakit kaya sarado 'to? Kumatok ako sa gate at agad naman akong pinagbukasan ni Liam.

"Anong nangyari kay Auntie?"

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay isinara niya agad ang gate. Nagmadali siyang maglakad papunta sa bodega sa likod. Mas lalo akong kinabahan sa mga inaasal niya.

"Liam, ano ba talagang–"

Bumungad sa akin si Auntie na nakahiga sa kama pero ang nakakapagtaka ay dilat ang mga mata nito pero parang wala siyang malay.

"Anong nangyari sa kanya?"

Lumapit pa akong mabuti at hinawakan ko si Auntie. Sobrang lamig ng katawan niya at para bang namumuti ang itim na bilog sa mga mata niya. Tinignan ko ang pulso niya at nakahinga ako dahil tumitibok pa ito. Pero bakit ganito ang kalagayan niya? Anong nangyari?

"Hindi pa siya patay pero wala na ang kaluluwa niya," tumaas ang mga balahibo ko sa mga sinabi ni Liam. "Sinangla ng Auntie mo ang kaluluwa niya sa isang diyablo."

Alam naman ni Liam na seryosong bagay 'to kaya bakit ganito ang mga sinasabi niya? "Naka-drugs ka ba, Liam? Anong pinagsasasabi mo, ha?"

Pinagpapawisan siya at balisang balisa. Panay ang tingin niya sa paligid. Naka-drugs ba talaga siya?

"Alam kong mahirap paniwalaan pero nakita mo naman kung anong kapangyarihan meron ang Polaris, hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ko, mas malaki na nga ata sa mata ng tarsier. Paano niya nalaman ang tungkol sa Polaris? Hindi ko ito nabanggit sa kanya kahit minsan.

"Paano mo nalaman ang tungkol doon?"

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tinitigan niya ako. Pinapapawisan ang mukhan niya at kahit ang mga kamay niya ay nanlalamig.

"Wala na akong panahon para magpaliwanag. Mabubuhay pa ang auntie mo pero kailangan munang mamatay ng diyablo. Ialis mo siya rito at itago mo siya sa bahay niyo."

Magsasalita na sana ako nang takpan niya ang bibig ko. Sumenyas siya para manahimik ako. May ingay sa labas ng bodega.

"Magtago ka muna," bulong niya.

Ginawa ko ang sinasbi niya, nagtago ako sa ilalim ng kama. Sa totoo lang natatakot ako sa mga sinabi niya. Mukhang totoo ang mga ito at may alam pa siya tungkol sa Polaris.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi pa tapos ang pagtitipon natin."

Sinilip ko kung sino 'yon at muntik na akong makagawa ng ingay sa sobrang pagkagulat ko. 'Yong daddy ni Liam, ang daming ahas sa balikat pero hindi siya inaatake nito. Mukhang alaga pa nga niya ito pero ang mas nakakapagtaka ay ang mga mata nito na umiilaw na kulay puti.

"Nagbabakasali lang ako na nandito si Polaris," sandali, 'yong libro ba ang tinutukoy niya? "Babalik din ako doon."

"Pabayaan mo na ang bata na 'yon, wala na siyang silbi sa atin. Sinasayang mo lang ang oras mo. Konti na lang ang oras natin at kailangan na natin mahanap ang libro, doon ka mag-focus."

Napahawak ako sa kwintas na suot ko. Maari kayang 'yong batang Polaris na nag mamay-ari ng kwintas na 'to ang tinutukoy nila. Pero kaano-ano niya sila Liam?

"Bumalik na tayo," madiing utos ng daddy niya.

"Susunod din ako–"

"Hindi, sumama ka na sa akin."

Walang nagawa si Liam kung hindi isara ang bodega at umalis kasama ang daddy niya. Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay. Hinintay ko munang magbukas at sara ang gate bago ako umalis sa pinagtataguan ko.

Anong nangyayari?

Anong kinalaman nila Liam sa Polaris? At 'yong daddy niya ay parang kontrolado rin ang mga ahas katulad ni Guison. Posible bang ang tatay ni Liam ang boss nito Guison?

Nag-text ako kay Scion para humingi ng tulong. Wala pang ilang minuto ay nag-shunyi na siya papunta sa bodega.

"Anong nangyari?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "May nangyari ba sayo? Nasaktan ka ba?" Umiling ako at huminga siya nang malalim.

"Kaya mo ba kaming i-shunyi ni auntie pabalik sa bahay? Kailangan na natin makaalis dito sa lalong madaming panahon."

Tinginan niya si auntie at nanlaki rin ang mga mata niya sa nakita niya ito pero hindi na siya natanong pa at lumapit siya rito.

"Hindi ko kayo kayang dalawa kaya uunahin na lang muna kita," sambit niya.

"Hindi unahin mo siya, balikan mo na lang ako pagkatapos ng sampung minuto."

Pinangdilatan niya ako ng mata. Alam kong nag-aalala siya sa'kin at natatakot din naman talaga akong manatili pa rito pero pakiramdam ko may makikita akong sagot sa lugar na 'to. Maaring may malaman ako kapag naghanap pa ako rito.

"Nahihibang ka ba? Hindi pwede! Tignan mo nga ang nangyari sa auntie mo!"

Tinakpan ko ang bibig niya dahil baka may kung sinong makarinig sa amin.

"Alam ko pero kailangan ko 'tong gawin para matapos na ang lahat ng 'to. Wala na tayong oras, Scion. Ibalik mo si Auntie sa bahay, itago mo siya sa kwarto niya at balikan mo ako pagkatapos ng sampung minuto. Sige na."

Titig na titig pa rin siya sa mga mata ko pero diniinan ko nag pagkakahawak sa mga kamay niya. Kailangan niya akong sundin.

"Sampung minuto," sambit niya.

Lumapit siya kay auntie sabay shunyi. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at naghanap ako ng mga pwedeng malaman dito sa bodega.

Inuna ko ang mga drawer at nakakagulat na puro pendant na hugis ahas ang laman nito. Bukod doon ay wala na akong ibang nakita.

Lumabas ako sa bodega para tignan naman ang grocery. Tahimik lang akong naglalakad sa pasilyo at nagmamasid ng mga bagay na pwedeng may kinalaman sa Polaris.

Sa isang sulok at may nakita akong maliit na pintuan. Naka-lock ito kaya hindi ko mabuksan. Pakiramdam ko may makikita ako sa loob nito pero paano ako makakapasok? Malapit na mag sampung minuto at tingin ko ay hindi na ako papayagan pa ni Scion na pumasok sa loob nito.

Tiginan kong mabuti ang padlock at pamilyar ang hugis sa harapan nito. Mabilis kong naalala ang pendant na galing kay Polaris, parehong pareho ito. Sinukan ko itong ilapat sa padlock at bigla itong umilaw ng kulay berde.

Dahan-dahang bumukas ang pinto.

Pagkapasok ko sa loob ay napakadaming ahas agad ang bumungad sa akin. Lahat sila ay nagsitayuan at napatingin sa akin. Ang ilan pa sakanila ay umiilaw ang mga mata, ang iba ay kulay pula at ang iba ay kulay dilaw. Tumaas lahat ang balahibo sa katawan ko. Ganito rin ang nangyari noon sa kuweba kung saan ako dinala ni Guison.

Pero lahat ng takot ko ay nawala ng makita ko ang litrato ni tatay kasama ang daddy ni Liam... magkaakbay sila at parehong malaki ang ngiti. Nakatayo sila sa likuran ng isang malaking kastilyo. Parehong may ahas sa balikat nila. Anong ibig sabihin nito?

Nagsimulang mag-ingay ang mga ahas. Humakbang ako patalikod pero mas lalo ko lang ata silang nagalit. Inilapit agad nila ang ulo nila sa akin. Akmang tutuklawin nila ako ay bigla akong nawala sa lugar na 'yon. Bumalik ako sa kwarto ko... iniligtas  na ako ni Scion.

"Salamat, Scion."

"Hindi ako si Scion," agad ko siyang tinignan at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ulit ang taong nakaputing maskara. "Xiang, mas lumalapit na ang kapahamakan sa iyo. Nakikiusap ako na lumayo ka na sa lugar na ito. May panahon pa. Mag-iingat ka."

Magsasalita pa lang sana ako nang biglag may puting usok na lumitaw sa harapan ko. Pagkawala ng usok ay siya ring pagkawala ng taong nakaputing maskara.

Siya na naman. Iniligtas na naman niya ako sa mga ahas. Sino ba talaga siya?

"Xiang!"

Napaupo ako sa sahig dahil sa pagsigaw ni Scion. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kanina pa 'to tumutibok nang mabilis.

"Hinanap kita sa lahat ng sulok sa grocery pero wala ka! Paano ka napunta rito?"

Huminga muna ako nang dahan-dahan bago magsalita. Nawala na sa isip ko si Scion dahil sa matitinding pangyayari kanina.

"Naalala mo ba 'yong taong nakaputing maskara? 'Yong nagligtas sa akin dati? Siya ang nagdala sa akin dito. Marunong din siya mag-shunyi."

Hinawakan ako ni Scion sa magkabilang braso ko sabay angat sa akin para makaupo ako sa kama ko.

"Ano bang nangyari doon sa grocery nila Liam? At nasaan na ang taong nakamaskara na 'yon?"

Sa tuwing naaalala ko ang mga titig ng mga ahas na 'yon ay hindi maalis ang pangingilabot sa akin.

"May isa pang kwartong nakakandado sa grocery. Nabuksan ko 'yon gamit ang kwintas ni Polaris. Pagpasok ko doon ang daming ahas at bago pa ako matuklaw ng mga iyon, dumating ang taong nakaputing maskara at dinala niya ako rito. Nawala rin siya agad pagkatapos niya akong bantaan na nalalapit na ako sa kapahamakan."

Kahit na malamig sa kwarto ko ay hindi pa rin tumitigil ang pagpapawis ng buong katawan ko. Nanginginig din pati ang mga kamay ko.

Kumunot ang noo ni Scion. Hindi pa rin malinaw sa kanya ang mga nangyari kaya detalyado kong kinwento ang lahat simula nang makarating ako sa grocery nila Liam kanina.

"Sabi na nga ba ay may kakaiba sa Liam na 'yon. Kung totoong may alam nga siya tungkol sa Polaris, totoo rin ang sinabi ng taong nakamaskara, malapit lang sa'yo ang kapahamakan."

Ang gusto kong malaman bukod sa anong koneksyon ni Liam sa Polaris ay paano niya malaman na nasa akin 'yon noon. At... anong koneksyon ng daddy niya sa tatay ko? Bakit sila magkakilala?

Si auntie lang sana ang makakasagot noon pero sa kasamaang palad, nakasangla ang kaluluwa niya.

"Mag-shunyi kaya tayo papunta sa Baguio para mas mabilis?"

Tinaasa ko siya ng kilay. Akala ba niya hindi ko papansinin ang madalas niyang pag-shunyi, "Umamin ka nga, ano ba talagang ginawa mo at hindi ka na nanghihina sa tuwing ginagawa mo 'yon? Nakaka-ilang beses ka na pero walang bakas ng kahinaan sa'yo. Anong ginawa mo?"

Tumalikod siya sa akin, doon pa lang alam ko ng may ginawa siyang kalokohan.

"Kinain ko ang isang dahin sa sequoia."

Nanlaki ang mga mata ko. Ginawa niya ang bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa dynasty. Paano niya nagawa 'yon? Tanging mga taong sakim lang ang gagawa noon.

"H'wag mo akong bigyan ng ganyang tingin, Xiang. Kailangan ko 'yong gawin."

"Kailangan? Ano bang pinagkaiba ko sa ama mo na sakim sa kapangyarihan?"

Biglang nagbago ang kulay ng mga mata niya. Naging pula ito, indikasyon na galit siya. Nakakagalit naman talaga makumpara sa taong kinakamuhian mo pero ano nga ba ang pinagkaiba nila sa ginawa niya ngayon?

"Wala siyang pakialam sa ibang tao pero ako, meron! May pakialam ako sa'yo, Xiang! Kinain ko ang dahon na 'yon dahil gusto kitang protektahan at hindi para maging katulad ng ama ko!"

Tumalikod siya at lumabas ng kwarto.

Sumobra ba ako sa mga sinabi ko? Ngayon na lang ulit siya nagalit nang ganito. Ngayon ko na lang ulit nakita ang pula niyang mga mata.

Gayon pa man ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Ginawa niya talaga ang bagay na ipinagbabawal para lang ma-protektahan ako. Oo alam ko naman na Weiming ang mahal niya pero hindi naman masama maging masaya dahil mukhang mahalaga na rin ako para sa kanya.

Hinayaan ko munang lumipas ang mga oras para na rin lumamig ang ulo ni Scion. Nakakatakot kapag kausap ko siya na pula ang kanyang mga mata.

Bumaba ako para tignan siya at tignan na rin ang kalagayan ni auntie. Hindi ko nakita si Scion sa sala kaya pinuntahan mo muna si auntie sa kwarto niya. Pareho pa rin nag lagay niya. May pulso pa rin siya pero nakadilat pa rin ang mga mata niya at kulay magenta ang mga labi niya.

"Auntie, bakit mo nagawang isangla sa diyablo ang kaluluwa mo? Anong dahilan mo? Sawa ka na ba sa buhay nating mahirap? Pangko ko naman sa inyo ni lola na kapag nakaangat ako sa buhay, isasama ko kayo."

Hinawakan ko ang kamay niya. Nakakapagtaka na ang lamig-lamig niya pero tumitibok pa rin naman ang puso niya.

Nakarinig ako ng tunog na "ssss" na tunog ng isang ahas. Laking gulat ko dahil may isang maliit na ahas na kulay itim at dilaw ang tumayo sa harapan ko.

Bigla siyang may iniluwa na isang kwintas. Nakatitig lang siya sa akin habang kagat-kagat ang kwintas.

Kahit mukhang hinihintay niyang kunin ko ito ay hindi ko ito ginawa.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ko peto mabilis din siya lumayo. May kulay dilaw na aura na nakapalibot sa kanya. Inikot ko ang ulo ko at nakita ko si Scion na kinokrontol ang ahas pati na rin ang kwintas.

Pinaghiwalay niya ang dalawa at maya-maya ay sumabog ang ahas kaya nagtalsikan ang dugo nito na kulay berde.

"Pinatay mo ang ahas?" Tanong ko.

"Delikado sila kaya hindi mo sila dapat hinahayaan na lumapit sa'yo. Nasaktan ka ba?"

Kulay asul na ulit ang mga mata niya pero sa ibaba ay parang may kulay abo pa ito.

"Hindi, salamat sa ginawa mo pero parang wala naman balak na masama ang ahas sa akin. Parang gusto lang niyang ibigay sa akin ang kwintas," kinontrol ni Scion ang kwintas papunta sa kamay ko.

"H'wag kang magtitiwala kahit kanino... kahit pa sa akin. Ingatan mong mabuti ang sarili mo."

Tumalikod ulit siya sa akin. Hindi ko na lang muna siya pinigilan dahil baka kailangan niyang magpag-isa.

Ang kailangan ko ngayon ay malaman kung anong meron sa kwintas na ibinigay ng ahas na ito.

---

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

8.7K 493 62
Si Cheryza Alustre ay mahilig gumawa ng facebook account at isa siyang roleplayer kung saan marami na siyang nakilalang kaibigan sa internet. She val...
20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
114K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
89K 2.9K 40
(On-Going)