LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-P...

By helene_mendoza

842K 21.6K 1.5K

He left because he had to. He know that there won't be a future in a relationship founded with lies. She wai... More

• 1 •
• 2 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 18 •
• 19 •
• 20 •
• 21 •
• 22 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 27 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 32 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 42 •
• 43 •
🌟🌟🌟TAKE TIME TO READ🌟🌟🌟
•••ANNOUNCEMENT•••

• 23 •

14.6K 456 33
By helene_mendoza

Andie's POV

What is the probability that a person has the same exact name with someone?

I've been staring at my laptop for sometime and researching about people having same names. According to the research that I've read it is possible to happen. There are lots of Mason Gonzalez in the world. There are lots of Marco Gonzalez in the world. I've tried to search my name and I found two people who has my exact name.

But is it possible? Posible kaya na ang Tim na nakilala ko ay ang kapatid ni Marco? Shit. Ako na rin ang nagtama ng naisip ko. Sobrang imposible. Tim was not a soldier. He was an investigative journalist na napadpad dito sa amin. And he can never be a soldier. A soldier has principles. They protect people like Mason did to his brother Marco. He protected his younger brother. Si Tim? Walang prinsipyo ang taong iyon. Duwag siya. Ni hindi nga niya nagawang magpaalam sa akin na lalayasan na niya ako. Bigla na lang siyang nawala kasi nakuha na niya ang gusto niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim at marahan kong hinawakan ang tiyan ko. I told myself that I am over him. I told myself that I am moving on with my baby. Pero sa tuwing maiisip ko si Tim, hindi ko maiwasan na magalit sa kanya. He left me hanging. Mas mahirap 'yung ganito. 'Yung walang closure. All I want is an explanation because I think I deserve that.

"Mrs. Gonzalez," tonong nanunukso si Kim ng lumapit sa table ko.

Natawa lang ako sa kanya. Lahat naman kasi ng mga tao dito sa office ay nabigla ng magpakasal kami ni Marco. Hindi nga naman kami nagligawan. Parang acquaintance nga lang kaming dalawa tapos pagbalik niya galing Pampanga biglang kinasal na kami.

"What do you need Kim?" Natatawang tanong ko.

"Bagay na bagay sa 'yo ang pagiging Mrs. Gonzalez. Sosyal na sosyal. So, how's the pregnancy?"

Hinimas ko ang tiyan ko. "Okay naman. Panay ihi. Lagi akong may muscle cramps. But Marco is helping me."

"Mukhang alagang - alaga ka naman niyang asawa mo. Kahit na hindi na siya dito naka - assign, lagi ka namang sinusundo. At laging on the dot pagdating ng ala - singko ay nandiyan na para sunduin ka."

"Ayaw lang niya akong mapagod." Sagot ko.

"Oo nga pala. We have a new client. Gustong magpa - approve ng loan. Nandoon lang sa office ni Mam Susan. I think approve naman na. But siyempre dadaan pa rin sa 'yo kasi ikaw ang magdo - double check ng mga requirements niya." Sabi ni Kim.

"Sure. Papuntahin mo na lang dito."

"Pero girl, may napansin lang ako kay Marco. Bakit parang bumabagsak ang katawan niya? Namamayat. Guwapong - guwapo dati 'yun, eh. Baka naman kasi masyado mong pinupuyat," malisyosong sabi ni Kim.

Natawa lang ako pero nakaramdam ako ng pag - aalala sa sinabi ni Kim. Napansin ko na rin iyon. The past weeks, napapansin kong madalas hinihingal si Marco. I know he is taking his meds pero pansin na pansin nga ang biglang pagbaba ng timbang niya.

"May schedule naman siya for his doctor's check up. But everything is fine."

Pareho kaming napatahimik ni Kim ng lumapit sa table ko si Mam Susan at kasunod ang isang client. Mukhang bigtime client ito kasi talagang personal pang inasikaso ng Branch Manager namin.

"Andie, I want you to meet Mr. Harold Sanchez. He is the owner of Triple J Pharma. His papers are clean. Approved na 'yan ni Marco. Just prepare the necessary documents for him. Bring him to the conference room for signing," ngiting - ngiti si Mam Susan.

"Hello Andie," bati sa akin ng medyo may - edad na lalaki.

"Hello Sir. Please follow me," tumayo ako at nauna ng naglakad papunta sa conference room. Nakasunod naman sa akin ang client, si Kim at isa pang staff ng bank. Dumating na rin si Mam
Susan.

I presented the documents to the client. Signing is done in front of us. May picture taking pa. Nakakatawa nga, the client insisted on using his phone too para may souvenir daw siya.

Almost five pm na rin iyon. Hinihintay ko na lang na dumating si Marco. Kahit past office hours na ay nag - stay pa rin siya.

Inayos ko na ang gamit ko ng makita kong pumarada sa harap ng bangko ang kotse ni Marco. Bumaba siya at pumasok sa loob. Ang ganda ng ngiti niya sa akin ng makita ako pero agad ding napalis ang ngiti ng makita ang client na kausap namin.

"Let's go, Andie." Seryosong sabi ni Marco at agad akong hinawakan sa braso.

"Marco, hi. Uwi na kayo ni Andie?" Bati sa kanya ni Mam Susan.

"Yes. We'll go ahead," sagot ni Marco. Halatang gusto na niyang umalis doon.

"Mr. Gonzalez. Thank you for approving my loan. It's so nice to see you again," narinig kong sabat ni Mr. Harold Sanchez.

Parang napipilitang ngumiti lang si Marco at tumango. Tapos ay ang higpit ng hawak sa braso ko. "Come on, honey. We need to go."

"O - okay." Mabilis kong isinukbit sa balikat ang bag ko. Ang handbag ko na puno ng mga papeles ay kinuha na ni Marco at kulang na lang at kaladkarin ako paalis doon.

"It is so nice to meet your wife. Have a safe drive home, Mr. Gonzalez," sabi pa ni Mr. Sanchez.

Tipid lang na tumango si Marco at dire - diretso ng lumabas. May pagmamadali sa bawat hakbang niya. Inalalayan niya akong makasakay sa kotse at sumakay din siya. Ini - start niya ang kotse pero hindi siya agad na pinatakbo. Nanatili siyang nakaupo at hinawakan ang dibdib niya at marahang minasahe. Panay din ang buga niya ng hangin.

"Marco, is there something wrong? Are you okay?" Nag - aalala kasi ako sa itsura niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito na talagang iniinda niya ang nararamdaman niya.

Umiling lang siya at kinuha ang sling bag niya. Dumukot ng gamot at ininom iyon.

"Dumiretso na kaya tayo sa ospital?" Sabi ko. "You don't look good."

"Umuwi na lang tayo. Pahinga lang 'to," tipid na sagot niya at nagmaneho na paalis doon.

Nakatingin lang ako kay Marco habang nagda - drive siya. Something is not right. I know he is worried about something.

Nakatitig lang siya sa kalsada. Sobrang unusual na ang tahimik niya. Madalas kapag nasa biyahe kami, makuwento si Marco. He would tell me about his day, about his clients. He would tell me kapag may na - close siyang malaking accounts. But tonight, sobrang tahimik niya and I know something is bothering him.

"Marco, you can tell me if there is -"

"There is nothing wrong! Bakit ba ang kulit mo?!" Malakas niyang bulyaw sa akin.

Nagulat ako sa reaksyon niya. This is the first time that he shouted at me dahil lang sa nag - aalala ako sa kanya?

"Shit," mahina siyang napamura. "I'm sorry. I'm sorry." Paulit - ulit niyang sabi. Hinawakan niya ang dibdib niya.

"Don't think about it. If you don't want to talk about it, it's fine. Calm yourself. Baka mapaano ka," mas nag - aalala ako sa baka kung anong mangyari sa kanya.

Hindi na siya kumibo at nagpatuloy na lang magmaneho. Hindi na rin ako nangulit. Malalaman ko rin naman kung ano ang ipinag - aalala niya.

—————->>>>>

Mason's POV

Reports are keep on piling on my desk. Old cases, new cases. Pero mas tinututukan ko ang mga new cases na ibinibigay ng mga staff ko. I need to distribute this to my agents. Lalo na nga at high profile and classified cases ito.

I opened a folder and found out that Jaime Salazar got his sentence. Mukhang matagal talaga siyang magbabakasyon sa kulungan dahil sa kaso niyang drug smuggling. Napangiti ako. At least Andie will be safe because he will rot in jail. Ito na lang case ni Dale ang tinututukan namin. Sobrang complicated ng sitwasyon niya at sana malampasan niya lahat ito.

Napatingin ako sa laptop ko ng maka - receive ako ng email galing sa headquarters sa Japan. Urgent message. At lalong nakakuha ng atensiyon ko ang subject na nakasulat doon.

Subject: MARCO SEBASTIAN HALILI GONZALEZ

Agad kong binuksan ang encrypted email. Bakit magiging subject sa email ng agency si Sebi?

Kunot na kunot ang noo ko habang binabasa ang ilang pahina ng report. No. No. This is impossible. Hindi puwedeng maging kasangkot sa money laundering ang kapatid ko.

I know he works in an International bank as an Account Specialist. Mataas na ang posisyon niya dito. He handles big name clients. He approves multi - million peso loans. May access siya sa lahat ng mga accounts ng mga kliyente niya here and in abroad. Kung ibang tao, puwede kong isipin na magagawa ang illegal na gawain na iyon. But not my brother. Hindi siya masamang tao. Like me, my brother has his own principles at kahit kailan hindi niya sisirain iyon dahil lang sa pera.

Narinig kong may kumatok sa pinto at si JD ang nakatayo doon. Seryoso ang mukha niya.

"What do you need?" Ipinahalata ko kay JD na wala akong panahon sa kanya ngayon. My brother is in trouble.

"I got news. Medyo may sabit si Sebi." Seryosong sabi niya.

"Fuck," mahina kong sabi. I thought this message is just for me? Paano nalaman ni JD? "Close the fucking door."

Ginawa naman niya ang sinabi ko.

"How did you know?" Tanong ko.

"Nabanggit ni Melissa kanina. Magkausap sila ni Bryan because she wants to track who is this Marco Gonzalez. I saw the name and I know it is Sebi. He is in deep shit. Malalaking pangalan ang nakadikit sa kanya. Those names are members of a deadly syndicate."

Oo nga pala. This kind of message will be distributed to high ranking officials ng agency at malalaman nila na kapatid ko ang involve then I will be off limits to this case.

"Alam ko iyon. This is impossible. Hindi puwedeng gawin ni Sebi 'to," tumayo ako at hinilot - hilot ko ang batok ko. Parang ako yata ang magkakaroon ng sakit sa puso dahil sa nalaman ko. Hindi puwedeng involve si Sebi dito.

"Don't get me wrong but how can you be so sure na hindi involve si Sebi?"

Gusto kong magalit kay JD but I know he is just being rational.

"Think about it, Maze. Matagal kang nawala. Hindi mo alam kung anong nangyari sa kanya. Maybe he got involved with wrong kind of people."

Napangiwi ako. Paano nga kung ganoon? My brother will be in danger. My mom and dad. Pati si Andie.

Dinampot ko ang telepono ko at tinawagan ko si Melissa.

"I want you to tell everyone to hold the investigation about Marco Gonzalez." Bungad ko sa kanya.

"Sir? I am pulling out all his records as we speak." Sagot niya sa akin.

"Stop it. I - hold 'nyo lahat. Lahat ng nakuha mong details about him, ipadala mo sa office ko." Matigas ang boses ko. I am the god damn head of this agency at kailangan sundin nila ang sinasabi ko.

"Pero kasi Sir medyo urgent ang case na ito. Billions of dollars ang perang involve kaya kailangang maimbestigahan na siya para malaman kung sino ang mga ka - connive niya," katwiran pa ni Melissa. "JD might handle this case."

"I said hold everything about him!" tumaas na ang boses ko. Hindi agad nakasagot si Melissa at halatang nagulat sa sinabi ko at binabaan ko siya ng telepono.

"Man, chill. Don't let this case affect you personally." Saway ni JD sa akin.

"Hindi puwedeng hindi ako maapektuhan. This is personal. This is about my brother." Muli kong binasa ang email at inis kong tinabig ang laptop na nasa harap ko.

What will I do? I cannot let my brother fall in the hands of that syndicate.

Pero paano nga kung tama ang sinabi ni JD? Paano nga kung nagbago ang kapatid ko at talagang ka - connive siya ng sindikato? He has all the resources. He can do this without a fuss.

"Maze, we can do something -"

"I'll do it." Putol ko sa sinasabi ni JD.

"Wait. What?" Parang hindi siya sigurado sa narinig niya.

"I'll do this case personally." Seryosong sagot ko.

"Are you sure? You're going to show yourself to them?" Paniniguro pa niya.

"If I need to do it just to clear the name of my brother, then yes. I'll let them know that I am alive."

Hindi nakasagot si JD sa sobrang kabiglaan.

I don't know if this is right. Siguradong magugulo ang lahat. But I cannot let something bad happen to my brother.

I cannot let something bad happen to Andie.

Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 137K 69
R-18 Completed Bilang college instructor, mahalaga kay Sherrie Leones ang kanyang imahe. She was careful not to do anything stupid that would taint h...
1.6M 42.4K 66
[FINISHED] Malaki ang pagpapahalaga ni Eros sa rules. He's a organize and order freak. Gusto niya lahat nasa ayos. Lahat gusto niya tama. Lahat dapat...
1.3K 81 18
"In every chapter, there's a painful scene. In every person you'll meet, there's the feeling you can't hold back. And in every love, there's a pain."
442K 10K 41
For the first time in her life, Daphne is in love. Kaya ginawa niya ang lahat para ma-recopricate rin ng kanyang sinisinta ang feelings niya. Sukdula...