LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-P...

By helene_mendoza

842K 21.6K 1.5K

He left because he had to. He know that there won't be a future in a relationship founded with lies. She wai... More

• 1 •
• 2 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 18 •
• 20 •
• 21 •
• 22 •
• 23 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 27 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 32 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 42 •
• 43 •
🌟🌟🌟TAKE TIME TO READ🌟🌟🌟
•••ANNOUNCEMENT•••

• 19 •

14.3K 405 40
By helene_mendoza

Andie's POV

Wala ang atensyon ko sa trabaho maghapon. Pinipilit ko lang humarap sa mga kliyente para matapos ang mga responsibilities ko pero ang isip ko ay lumilipad sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ako kikilos para malampasan ko ang kalagayan ko. In my mind I am cursing Tim dahil sa ginawa niya. Paulit - ulit kong naiisip kung ano ang kasalanan na nagawa ko para iwanan niyang basta. Ibinigay ko lahat. Nagtiwala ako at ibinigay ko ang pag - ibig ko sa kanya. Mahal ko siya, eh. Kaya hindi ko matanggap 'to.

"Hey, past six na. Uwi na."

Nag - angat ako ng mukha at nakita kong nasa harap ko si Marco. Nakangiti siya sa akin at mukhang ready na rin siyang umuwi.

"Mauna ka na. Medyo marami pa akong tatapusin," pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Andie, puwede pa 'yan bukas. And you don't look good." Nag - aalala ang itsura ni Marco.

Umiling ako.

"Kaya ko. Okay lang ako," gusto ko na siyang umalis kasi wala naman siyang maitutulong. Ang taong kailangan ko ay naglahong parang bula.

Tumingin lang siya sa akin at halatang ayaw niya ng sinabi ko.

"I am really fine, Marco. Umuwi ka na. Titigilan ko na rin 'to." Ipinakita ko sa kanya na nililigpit ko ang mga gamit ko para tumigil lang siya.

Nagkibit siya ng balikat. "I was about to invite you for a dinner sana. Since I got back gusto ko sanang alam mo na, to know you more." Ngumiti siya ng mapakla. "Pero mukhang wala ka sa mood kaya sana sa susunod na lang."

Parang nakonsensiya naman ako. Marco has been so nice to me eversince na magkakilala kami. Kahit nasa malayo siya he never fails to send me messages, mangamusta. Tumatawag din siya pero lagi kong dinidismis kasi nga boyfriend ko si Tim. Namuo ang luha sa mga mata ko ng maisip ko si Tim. Si Tim na pinaglaanan ko ng panahon. Si Tim na minahal ko at ibinigay ang lahat. Nasaan?

Hindi ko napigil at biglang bumagsak ang mga luha ko kaya mabilis kong pinahid iyon.

"Andie, if you want to talk about it I am here." Sabi pa ni Marco.

Umiling lang ako at pilit akong ngumiti sa kanya.

"Sorry. Ayokong madamay ka sa problema ko. And it's too soon to tell it to anyone. Kaya pa naman." Hindi ko mapigil ang tuloy - tuloy na pagtulo ng luha ko.

Napahinga siya ng malalim.

"Can you please call me once you get home? That's the least I can do since ayaw mo namang intindihin kita." Malungkot na sabi niya.

Tumango lang ako. "Sure."

Alam kong labag sa loob ni Marco na umalis at iwan ako pero ayoko lang talaga siyang nandito. Gusto kong mag - isa. Gusto kong mag - isip. At kahit naman nandito siya, kahit samahan niya ako wala din naman siyang magagawa.

Inisang bitbitan ko lang ang mga gamit ko at tumayo na rin. Wala ng tao sa bangko kundi ang mga night shift guards. Panay ang tunog ng telepono ko at sunod - sunod ang mga text nila Kim at Jana. Naroon daw sila sa Pam's at pinapasunod ako. Napangiti ako ng mapakla at automatic na napahawak sa puson ko.

"I'll be good. Promise ko sa iyo hinding - hindi kita pababayaan. Mamahalin kita. Hindi kita iiwan tulad ng ginawa ng tatay mo." Mahinang sabi ko sa sinapupunan ko.

Kaya ko 'to. Paulit - ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko. Binuksan ko ang kotse ko para sumakay pero bigla akong nakaramdam ng hilo. Automatic akong napahawak sa pinto at nabitiwan ko ang bag ko. Sumabog ang lahat ng laman sa kalsada. Talagang umiikot ang paligid ko. Damn. Ang hirap.

"Relax. Relax come on. I'll bring you home," naramdaman kong may umalalay sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Marco -"

"Don't tell me you are still okay because you are not." Putol niya sa sasabihin ko at inalalayan niya akong sumakay sa passenger side ng kotse ko. Tapos ay umalis siya. Nanatili lang akong nakasandal sa kinauupuan ko kasi talagang hilong - hilo ako. Naramdaman ko siyang sumakay sa driver side at inilagay sa backseat ang bag ko tapos ay nagsimulang magmaneho.

"Gusto mo dumiretso tayo sa ospital?" Seryosong tanongniya

"Hindi na. Pagod lang ako. I just want to go home." Ipinikit ko ang mata ko para medyo ma-relax ako. Naipagpasalamat kong hindi na nagsalita pa si Marco. Tahimik lang siyang nag - drive para maihatid ako pauwi.

Nagmulat ako ng mata ng huminto ang kotse. Nakita kong nasa tapat na kami ng bahay namin. Agad kong kinuha ang bag ko pero pinigilan ako ni Marco.

"Sige na. Ako na ang bahala. Just stay there," sabi niya at naunang bumaba. Kinuha niya ang bag ko tapos ay binuksan ang pinto sa tabi ko. Inalalayan niya akong makababa.

"Okay na ako. Hindi na ako nahihilo. Salamat. Salamat sa paghatid. You can use my car to go back to the bank. Alam kong sobrang hassle sa iyo 'to," sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman talaga. Sobrang naabala na siya dito.

"I told you okay nga lang. Ihahatid kita hanggang sa loob. Hindi ako mapapakali hangga't hindi kita nakikitang maayos," sabi niya. Hawak pa rin niya ako sa braso at inaalalayan sa bawat hakbang ko.

Napakunot ang noo ko kasi malapit na ako sa pinto ng makarinig ako ng pamilyar na boses na kausap ni mommy. Malakas ang boses ni mommy. Galit. Tonong nanunumbat. Sino ang kaaway ng mommy ko?

Bumilis ang mga hakbang ko at mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. Bigla ang bundol ng kaba sa dibdib ko. I don't expect to see him again. After so many years of abandoning us, hindi ko na inaasahan 'to.

"D - dad?" Halos sa sarili ko lang nasabi iyon.

"Andie." Nakangiti si daddy sa akin.

Medyo nagkaroon ng edad ang mukha ni daddy. Nagkaroon ng puting buhok. But still, he got the charm that he always have. He still got the smile that always makes my mom's knees weak.

"Dad," tuluyan na akong napaiyak at patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap. All those years that I hate him because of leaving us, nawala lahat iyon. 'Yung mga na-memorize kong mga sumbat para sa kanya, nakalimutan ko iyon lahat. Ang higpit - higpit ng yakap ko kay daddy. Pakiramdam ko kasi may kakampi na ako. Nandito na ang daddy ko na magtatanggol sa akin. Gusto kong isumbong sa kanya ang ginawa sa akin ni Tim. Gusto kong sabihin sa kanya may lalaking nanakit sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya na nagmahal ako pero sinaktan ako. Ang dami kong gustong isumbong sa kanya pero hindi ko magawang magsalita. Ang lakas - lakas lang ng iyak ko.

"Don't cry, sweetheart. Daddy is hear. I am not going to leave. I am not going anywhere," nanginginig din ang boses ni daddy.

Bahagyang lumayo sa akin si daddy at pinahid ang mga luha ko.

"I am sorry for leaving. But I promise I am here to stay. I am not going to leave you and mom," emotional na rin si daddy.

"Oh please Jess. You think we can just accept you like that na parang walang nangyari? After how many years of abandoning us. Ganoon na lang iyon? You can't even tell me what was the reason why you left us," galit na sabi ni mommy.

"Alice please. Give me some time and I'll tell you everything. But believe wala akong ibang babae, wala akong ibang pamilya. Kayo lang ni Andie." Punong - puno ng pakiusap ang boses ni dad. Tapos ay muli siyang tumingin sa akin. "I am sorry."

Tumatango lang ako sa kanya. Kahit ano pa ang reason ni daddy ang mahalaga nandito siya. Sapat na iyon na bumalik siya.

Wala akong sagot na narinig kay mommy. Siguro ay naiinis siya dahil hindi man lang ako nagalit kay daddy. Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa bag ko na ipinatong ni Marco sa tabi niya. Hindi nga niya pansin si Marco na nakatayo lang doon. Naku, nakakahiya. Nakita pa ni Marco ang family drama namin. Kunot na kunot ang noo ni mommy at inilapit pa ang mukha sa bag kong nakabukas at may kinuha doon.

Oh my god. It's the ultrasound report!

"Andrea! What the hell is this?" Galit na sabi ni mommy at ipinakita sa harap ko ang papel na hawak.

Natataranta ako. Hindi ako handa dito. Maging si daddy ay nataranta na din at lumapit kay mommy para tingnan ang papel.

"Andie? Is this true? Is this yours?" Tanong ni daddy sa akin.

Hindi ako makasagot. Bumubuka lang ang bibig ko pero walang lumalabas ng salita doon.

"You are pregnant? Pero wala kang boyfriend," parang maiiyak na si mommy.

"M - mom, sorry." Iyon lang ang nasabi ko at napaiyak na ako.

"Andie, baby. Tell me. Who is the father of your baby?" Malumanay ang boses ni daddy. Gusto kong mahiya. Sobrang timing naman ng pagbalik ni daddy. Ito talaga ang salubong ko sa kanya? Dalagang - ina ang anak niya?

"D - dad it's too complicated." Umiiling lang ako habang umiiyak.

"Just tell me, honey. Tell me everything about him. I won't get mad. Who is he?" Hinaplos pa ni daddy ang mukha ko."

"I am. I am the father of her baby."

Pare - pareho kaming napatingin sa gawi ni Marco.

—————>>>>>>

Mason's POV

Kahit hindi ko naman kailangan na puntahan ng puntahan si Dale sa Baguio ay ginagawa ko para magdala ng mga supplies para sa kanya. The long travels give me peace sa mga nangyayari sa buhay ko. It gives me time to think of what is happening in the agency, with my agents, my missions. It gives me the time to think about her.

I could have easily ask one my my agents to follow her. Know her whereabouts, know her schedule. I can easily bug her phone and her house para malaman ko kung sino ang mga kausap niya. I can do that pero tiniis kong hindi gawin. Kahit miss na miss ko na si Andie tinitiis ko talaga na huwag siyang isipin pero ang hirap. It is so fucking hard to forget someone who took a part of my life.

I wanted her to forget me. I wanted her to get mad at me kasi madali niya akong makakalimutan kapag ganoon. I never told anyone about her because I want her memory to be sacred in my head. Siya lang ang minahal ko ng ganito.

Jesus step down and technically ako na ang overall head ng agency. So much responsibilites, so much work to do kaya tama lang na wala akong excess baggage. Mawala man ako wala ng iiyak para sa akin. I am just like a ghost to everyone I know. Lahat ng mga legal documents ko sa gobyerno ay naka - sealed at hindi basta puwedeng ma - access. Kahit nga sa pamilya ko ginawa ko iyon. When I made up my death, ginawa ko ang lahat para madali nila akong makalimutan. I asked my agents to do a fake robbery in our house. Pero ang gusto ko lang kunin nila ay ang mga personal kong gamit. Pictures and everything about me. Gusto kong parang hindi ako tumira doon para mas madali nila akong makalimutan. My heart was broken when I saw my mom crying when my agent took her phone. Ayaw niyang ibigay. Kunin na daw ang lahat huwag lang iyon dahil naroon ang mga litrato ko na tanging alaala niya sa akin. But I can't let her live and weep because of my death. I just want my family to forget about me. Ibuhos na lang nila ang atensyon nila sa kapatid kong si Sebi.

Lalo kong diniinan ang pagkaka - apak ko sa accelerator ng kotse. It's been three months after Dale almost died because of an incident in Puerto Galera. We thought we lost him pero mabuti ngayon at nakaka - recover siya. He is really trying hard to get back in shape kasi iyon ang pangako sa kanya. I'll tell him everything kapag magaling na siya.

Tumunog ang telepono ko at tumatawag sa akin si JD. I put him on speaker.

"What?" Nanatili akong nakatingin sa kalsada.

"Galing ka kay Dale?" Balik - tanong niya.

"Yeah. I brought some supplies for him."

"You don't have to do that. We have other agents that you can ask to do that." Natatawang sabi ni JD.

"Bakit ka napatawag?  It's past midnight." Sabi ko.

"Oo nga. Past midnight and yet nasa gitna ka ng kalsada. How are you, Maze?" May laman ang tanong na iyon ni JD.

"How am I? I am fucking fine. Trinabaho mo na ba si Jaime Salazar? What about the mole in the agency?" Tumaas ang tono ko kasi ayokong tanungin nila ako tungkol sa sarili ko. Why are they asking me if how am I?

"Hey, chill. Ang init ng ulo. Magmula ng bumalik ka galing sa private mission 'nyo ni Dimalanta naging ganyan ka. Masungit. Irritable. Kahit maliit na bagay nag - iinit ang ulo mo. People are talking, man." Halata ko ang concern sa boses niya.

"Talking about what? 'Yan naman ang trabaho diyan sa agency. Imbes na trabaho ang asikasuhin, buhay ng iba ang kinakalkal."

"What the fuck, man? Are you hearing yourself? Si Mason ka ba talaga?" Tonong pikon na si JD.

Bahagya akong kumalma.

"I'm sorry, man." Napahinga ako ng malalim. "Masyado lang occupied ang isip ko. I have a bigger responsibility to the agency. I don't know if I can do this."

"You can tell it to me. Hindi mo naman kailangan sarilinin kung may problema ka. Hey, we are here to listen to you. Hindi lang ikaw ang puwedeng makinig sa mga problema namin. Kaya ka rin namin pakinggan."

"Dimalanta resigned." Napasandal ako sa driver seat at nanatiling nakahawak sa manibela.

"What? When? Why?" Sunod - sunod ang tanong ni JD. Halatang gulat na gulat. Wala kasing nakakaalam ng pag - alis ni Jesus kundi ako at ang board of Directors.

"Personal reasons. Classified matter." Sagot ko.

"Oh fuck. For real? Lucy didn't tell it to me."

"Nobody knows it but me and the board and you. So kapag pumutok ang issue tungkol sa pag-alis ni Jesus, sa 'yo nanggaling."

"What the fuck?! Anong akala mo sa akin, chismosa? Ikaw nga ang nagkuwento sa akin so baka sa 'yo mag - leak ang issue na 'yan. May balita ka sino ang papalit?"

"Wala pa." Pagsisinungalin ko. "Jesus just wanted out from the agency. He will never look back. We cannot bother him anymore."

Narinig kong napabuga ng hangin si JD.

"Well good for him. Good luck on his new life. Tayo nandito pa din. Still chasing the bad guys."

"Why? You want to quit, JD? Lucy wants you to quit?" Tanong ko.

"Oh no. Lucy understands. She understands everything about our work. Naa - appreciate niya ang ginagawa natin. Althought there is the fear but tanggap niya kung ano ang ginagawa ko." Ramdam ko ang kasiyahan sa boses ni JD.

"Good. I am happy for you bro."

"May report nga pala ako about Jaime Salazar. According to our intelligence, sa Dumaguete daw nagtatago si Jaime. Legit sources 'to. I'll send you the reports para mapag - aralan mo. Mabilis lumipat - lipat ng lugar si Jaime kaya mahirap siyang mahuli."

"Sige. Send it to me. I'll check it once I get back to Manila."

"Ingat sa biyahe." Busy tone na ang narinig ko sa kabilang linya.

I like this. So much work to do. I'll keep myself busy para makalimutan ko lang siya.

———-

My apologies for the typos or missing words. This is raw update and no editing done yet.

Add me on FB (Helene Mendoza). for updates and news about this on going story.

Enjoy!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.4K 37
"It's Tito Rick, he's in his terminal stage and from what I have heard she's coming Dan. Mira is coming," may halong panunukso ang boses niya na bali...
6.4M 137K 69
R-18 Completed Bilang college instructor, mahalaga kay Sherrie Leones ang kanyang imahe. She was careful not to do anything stupid that would taint h...
730K 11.7K 28
JACOBSON ALFONSO RAMIREZ. I am the joker. I am the ladies man. I am the man you can always depend on and my friends knew me to be like that. I am th...
829K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.