LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-P...

By helene_mendoza

842K 21.6K 1.5K

He left because he had to. He know that there won't be a future in a relationship founded with lies. She wai... More

• 1 •
• 2 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 19 •
• 20 •
• 21 •
• 22 •
• 23 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 27 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 32 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 42 •
• 43 •
🌟🌟🌟TAKE TIME TO READ🌟🌟🌟
•••ANNOUNCEMENT•••

• 18 •

14K 436 29
By helene_mendoza

Mason's POV

I made everything in my life to become normal.  The past weeks was hell but I made sure that I will function normally in front of my boss and my other agents. I tried to forget everything about her. I ignored her calls even if she keeps on calling on my service phone. I ignored her messages even if I received a hundreds of messages. I'll treat her as any other mission that I did in the past. I will never look back. Para sa kanya na rin iyon at para mas madali ko na lang siyang makalimutan.

The agency is been going through some rough times. We have a problem with a previous case, Dale is in coma because his mission just went south. Fucking mission it almost killed him. Ferdie is transferred to US because he beat some guy that is a son of an influential politician. Si JD na lang ang tumutulong sa akin para maayos ang problema sa case ni Jaime Salazar.

Tumingin ako sa pinto ng maramdaman kong parang may tao doon.

"Sir," napatayo ako ng makita kong naroon si Jesus Dimalanta.

"Sit down," sabi niya at tuloy - tuloy na pumasok sa loob. "How's Dale?"

"Still unconscious but I know he can survive it." Napailing ako ng maalala ko ang nangyari sa kanya. Maka - survive man si Dale sa nangyari sa kanya, sigurado naman akong sobrang maaapektuhan siya ng nangyari.

"How bad is he?" Halatang nag - aalala din si Jesus.

"Several gun shot wounds, broken ribs, broken legs. He was beaten like a pulp and left for dead. Suwerte na lang talaga at dumating kami sa oras."

"How about the Senator's daughter?"

"She is fine, Sir." Hindi na ako nag - elaborate dahil ayokong may iba pang makaalam ng talagang nangyari sa mission ni Dale. What happened in Puerto Galera will really affect his life forever.

Napatango - tango si Jesus. "Ferdie's flight would be today. Ayoko ng magkaroon ng issue sa batang iyon. He is so hard headed. Maybe he really needs some time off. Our agents in US can train him well."

"I think that is a good call too, Sir." Sagot ko at muling itinuon ang atensiyon sa mga papel sa harap ko.

"I'll be stepping down, Mason."

Napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin kay Jesus. This is the first time that he calls me by my first name. He is really serious.

"Stepping down? Sir what are you talking about?"

"I'll be going back to my family."

Napaubo ako sa sinabi niya pero pinilit kong maging kalmado.

"Tatanggapin ko lahat ng panunumbat na gagawin ni Alice sa akin. Tatanggapin ko ang galit ni Andie. I just want my family to be whole again."

Napipilitan akong ngumiti sa kanya.

"You deserve to be happy Sir. After all you sacrificed for this agency, it's about time for your happiness too. It's not too late. I know your family will take you back," pinilit kong magpaka - normal ang boses ko.

Ngumiti siya sa akin.

"I processed your papers and sent it to the board. I told them good reviews about your work. You handle this agency very well Agent Gonzalez."

Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano ang sinasabi ni Dimalanta?

"Formality na lang ang pagbibigay ko ng report sa board about your work pero on going na ang transfer mo as the new Operations Manager for Office of Special Projects." Halatang tinatantiya ni Jesus ang reaksyon ko.

And I should be thrilled. Any high ranking agent in this agency would die just to be in Jesus' position. Siya kasi ang pinaka - head ng lahat ng branches ng International Circuit Agency here and abroad. Lahat ng utos niya ay hindi puwedeng mabali.

"S - sir I don't think I can accept that position." Sabi ko. Hindi. Hindi ko yata kaya. Masyadong mabigat na ang mga responsibilities noon. Ito ngang agency sa Pilipinas ay sumasakit na ang ulo ko tapos pati ang sa ibang bansa ay hahawakan ko pa?

Napahinga ng malalim si Jesus.

"You worked hard for this Agent Gonzalez. You deserve this. I know how you sacrificed everything for this agency and this is for you."

Hindi ako nakasagot. Sacrificed everything? Yeah. I sacrificed the woman I love for this fucking agency and for her safety.

"And this position is really for you. You're not married, you're single." Napangiti siya ng mapakla. "Mukhang wala ka na naman yatang planong mag - asawa."

"In this line of job alam 'nyong walang puwang ang pag - aasawa. Ayoko ng mayroong umaasa sa akin. I'd rather stay alone all my life." Sagot ko.

"Then you're perfect." Nakangiting sabi niya.

Ewan ko kung bakit hindi man lang ako natuwa sa ibinalita niya sa akin. I should be celebrating because I'll be the overall chief of this agency. Pero hindi ako makaramdam ng saya. Kasi ano 'to? Konsolasyon sa pag - give up ko kay Andie?

Tumayo si Jesus at tinapik ako sa balikat.

"Congratulations Agent Gonzalez. Your change of status will take effect at the end of this month." Inilahad niya ang kamay ko at kinamayan ako.

Kahit napipilitan at kinuha ko ang kamay niya. His grip is so tight.

"Thank you for everything. Thank you for all your help. Thank you for looking after my family."

Gusto ko ng itaboy si Jesus. Sobrang inuusig na ako ng konsensiya ko. I didn't take care of Andie. I left her without saying why. I did what her father did. I made her feel worthless again.

Tiningnan ko lang si Jesus ng tuloy - tuloy siyang lumabas. Nakaupo lang ako sa harap ng mesa ko. Kinuha ko ang isang folder na natatabunan ng patong - patong na folders at binuklat iyon.

Andie's photo is smiling at me. Ito ang picture na ibinigay sa akin ni Jesus para sa misyon ko. Misyon kong protektahan ang anak niya. Pero nabigo akong gawin iyon dahil ako mismo ang nanakit sa kanya.

Isinara ko ang folder at napapikit ako ng mariin. Gustong - gusto ko na siyang tawagan. Gustong - gusto ko ng alamin kung ano na ang nangyari sa kanya. Pero tiniis ko. Pinigil ko ang sarili ko. Hindi ako tutulad kay JD na sinundan ng sinundan si Lucy. Kasi alam kong kahit anong gawin ko, Andie and I will never end up together. Babaunin ko na lang ang lahat ng alaala niya. I'll cherish those moments that we were together at least alam kong may isang parte ng buhay ko na nagmahal ako at minahal ako.

——————>>>>>

Andie's POV

Tulala ako habang nakasakay sa kotse ko. Paulit - ulit sa isip ko ang mga sinasabi ni Doctor Manotoc. First trimester is crucial, early stage of pregnancy. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang ultrasound report at tinitingnan ko ang black and white na litrato.

Buntis ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ko ito ipapaliwanag kay mommy? Nabuntis ako na walang boyfriend? Hindi naman nila alam na si Tim ang boyfriend ko. At saan ko siya hahagilapin? Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero parang tinaguan na niya ako.

Napasubsob ako sa manibela ng kotse ko. Why is this happening to me? Hindi ba talaga ako deserve na mahalin? Bakit lahat ng mga lalaking minamahal ko ay iniiwan ako? Si daddy. Si Tim. Nangako siya sa akin na hindi niya ako iiwan. But just like dad, bigla na lang siyang nawala ng walang paliwanag. Iniwan akong nag - iisip kung ano ang nagawa kong mali. Iniwan akong mag - isa sa pagsubok na ito.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at itinago ang ultrasound report sa bag ko. Wala pang makakaalam ng kalagayan ko. I'll try to function as normal as possible. Binitbit ko ang bag ko at bumaba sa kotse tapos ay diretso ako sa loob ng bangko.

Pinilit kong ngumiti sa mga kasama ko bago ako tumuloy sa cubicle ko. I took a deep breath kasi para akong naduduwal na hindi ko maintindihan.

"Girl, okay ka lang?"

Napatingin ako sa nagtanong sa akin at si Kim iyon.

"Oo naman," pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na nga talagang nasusuka na ako.

"Namumutla ka, eh. Nag - breakfast ka ba? Saka mukha kang haggard. Hindi ka mukhang fresh. May problema ba?" Ramdam ko ang concern sa boses ni Kim.

Sunod - sunod ang iling ko.

"Okay lang ako. Okay lang talaga," pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Sure ha? May food sa pantry. May dala si Jana na palabok. Punta ka na lang doon."

Tumango uli ako. Hindi ko na yata mapipigil ang masuka kaya sumenyas ako kay Kim na magbabanyo. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nagmamadali akong nagtungo sa banyo at doon nagduduwal ng nagduduwal.

Wala naman akong maisuka. Basta ang asim - asim lang ng sikmura ko. Para akong nanghihinang napatingin sa salamin at tiningnan ang itsura ko. Totoo ang sinasabi ni Kim. Haggard ang itsura ko. Nanlalalim ang mata. Namumutla ang kulay ko. Gabi - gabi kasi akong hindi makatulog. Pilit kong iniisip kung ano ang nagawa kong mali bakit ako iniwan ni Tim. Galit ako sa kanya kasi iniwan niya ako. Naaawa ako sa sarili ko kasi bakit niya ako ginanito? Bakit niya ako pinaasa? Bakit niya pinaramdam sa akin na mahal na mahal niya ko pero sa bandang huli ay iiwan din niya?

Mabilis kong pinahid ang luha ko at mabilis na naghilamos ng marinig kong may kumatok sa pinto ng banyo.

"Andie." Boses ni Kim iyon.

"Bakit?" Pinilit kong pa - normalin ang boses ko.

"Okay ka lang talaga? Kumain na muna tayo."

"Okay lang talaga ako. Susunod ako." Sagot ko. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ako ng banyo. Nagulat pa ako ng paglabas ko doon ay nakatayo si Marco at nakangiti sa akin.

"Surprise." Sabi niya na may hawak na isang bungkos ng bulaklak. Sa likuran niya ay naroon ang mga kasamahan namin sa trabaho at pare - parehong nagtutuksuhan.

Hindi ako makapagsalita. Sa laki ng problema ko, talagang sasabay pa itong si Marco.

"Girl, tanggapin mo naman ang bulaklak. Galing pa ng Pampanga 'yan at dito na agad dumiretso," sabi ni Jana.

Alanganin akong tumingin kay Marco at nakangiti lang siya sa akin.

"Tapos na 'yung trabaho ko sa Pampanga. Dito na ulit ako naka - assign." Halata sa boses ni Marco na excited siya.

Tumango lang ako at napipilitan akong tanggapin ang bulaklak na bigay niya. Umasim na naman ang tiyan ko. Konti pa ay masusuka na naman ako.

Pinilit kong ngumiti sa kanya at sumenyas ng sandali tapos ay nagmamadali akong pumasok ulit sa banyo.

Tulad kanina, duwal na naman ako ng duwal. Nanghihina na ako. Siguro dapat mag - halfday na lang ako ngayon. Sobrang sama talaga ng katawan ko.

Pagbukas ko ng pinto ay wala na doon ang mga kasama ko at tanging si Marco na lang ang naghihintay sa akin. Hindi na siya nakangiti. Nakatingin lang siya sa akin.

"Salamat sa flowers. Saka welcome back," halatang pekeng - peke ang ngiti ko sa kanya.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Okay lang. Sige ha? Salamat uli dito," itinaas ko pa ang bulaklak na bigay niya at tinungo ko na ang cubicle ko. Naipagpasalamat kong hindi na ako sinundan ni Marco.

Napahinga ako ng malalim at kinuha ko ulit ang ultrasound report sa bag ko at tiningnan iyon. Tapos ay kinuha ko ang telepono ko. Kahit alam kong wala din namang sasagot ay sinubukan kong i-dial ang number ni Tim. Pero tulad ng nakaraan, cannot be reached na ang telepono niya.

Napapikit ako at hindi ko na napigil ang pagtulo ng mga luha na pumatak sa ultrasound report na hawak ko.

Continue Reading

You'll Also Like

819K 35.1K 50
El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows that loving someone like Gaston, who's bey...
6.4M 137K 69
R-18 Completed Bilang college instructor, mahalaga kay Sherrie Leones ang kanyang imahe. She was careful not to do anything stupid that would taint h...
829K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
705K 19.3K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...