Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 28 - Sakripisyo

70.4K 3.3K 448
By blue_maiden

Sakripisyo

Ibang-iba ang itsura niya ngayon. Nakasuot siya ng polo, maong na short at puting sneaker. Ang dami rin niyang bitbit na plastic na akala mo ay nag-shopping galore siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Hahabulin ko 'yong bata, parang may alam siya tungkol sa Polaris," pilit kong inaalis ang kamay ko sa kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya. "Ano ba, Scion? Nagmamadali ako at baka makalayo na siya!"

"Hindi ka ba talaga nag-iisip?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May gana talaga siyang sabihin ang mga 'yon sa'kin? Sino bang hindi nag-iisip sa amin kahapon? Ako ba?

"Ilang beses ka na bang napahamak dahil sa mga taong hindi mo kilala? Iyong bata na 'yon, hindi natin alam kung kakampi ba siya o isa ring kaaway."

Sige na nga, may point siya do'n. Nagpadala ako sa bugso nang damdamin. Napahamak na nga pala ako noon dahil sa pagtitiwala ko kay Guison. "Sige, hindi ko na siya hahabulin."

"Mabuti naman, umuwi na tayo."

Hinila niya ako gamit ang kanang kamay niya at lahat ng plastic na dala niya ay nasa kaliwa. Sa tansya ko ay limang plastic 'yon na parang libro at damit ang laman.

"Sandali nga," tumigil ako at tumingin sa kanya nang seryoso. "Sabihin mo, saan mo nakuha ang pera pambili ng mga 'yan? Pati 'yong fifteen thousand na binigay mo kay auntie? Gumawa ka ba ng kalokohan?"

Ngumisi siya habang taas noong tumingin sa mga pinamili niya, "Malinis ko nakuha ang mga 'yan, pati ang pera na ibinigay konsa tiyahin mo. Magtiwala ka sa akin."

Tinitigan ko siya at mukhang nagsasabi naman siya ng totoo pero may pumito sa likod namin.

'Yong guard sa mall at nakatingin siya sa amin. Tinuro niya si Scion, "Sir!"

Gets ko na agad kung bakit niya tinatawag si Scion. Hinawakan ko agad ang kamay ni Scion, hindi ko na pinsin ang kuryenteng binibigay niya sa tuwing maghahawak kamay kami. Ang importante ngayon ay makalayo kami dahil gulo talaga ang mangyayari kapag nahuli siya.

Kinaladkad ko siya palayo, "Hindi ba sinabi ko sa'yo na h'wag kang gagawa ng kalokohan? Nagnakaw ka pa ng mga gamit? Anong klase ka?"

Parang maging poste 'yong hinihila ko. Napahinto ako bigla at nakaramdam ng sakit sa kamay ko.

"Wala ka talagang tiwala sa'kin, no?"

Nagpapalit dahan-dahan kulay ng mga mata niya sa pagiging abo. Nasasaktan ba siya ngayon? Anong dahilan?

"Sir!" Sigaw ng guard habang nakataas ang isang kamay niya na may hawak na isang plastic. "Naiwan niyo po sa store kanina."

Kinuha iyon ni Scion ang plastic at binigay niya si kuyang guard ng pera, "Salamat ho, kunin niyo na 'yan pangbili ng gatas ng anak niyo."

"Salamat talaga, Sir." Masayang umalis 'yong guard.

So.. hindi niya pala huhulihin si Scion dahil sa pagnanakaw?

"Sana naman minsan pagkatiwalaan mo rin ako. Ayos lang naman sa akin kung sa tingin mo ay hindi pa ako kasing perpekto ni Chaun, pero sana kahit bilang isang kaibigan, pagkatiwalaan mo ako."

Tuluyan nang naging kulay abo ang kulay ng mga mata niya, indikasyon na nasaktan siya o malungkot siya. Sa puntong 'to, nasaktan ko nga talaga siya.

"Kung kaibigan na nga ba talaga ang turing mo sa akin, o isa pa rin akong karakter sa libro mo na nagpapahirap sa buhay mo."

Natulala ako sa mga sinabi niya. Tagos na tagos 'yong mga patama niya, e. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao samantalang siya nga 'tong may atraso sa'kin kagabi.

"Alam kong hindi ka pa kumakain kaya pumasok tayo ulit sa fast food na kakain mo sana, kailangan mong magkaroon ng lakas."

Hindi niya hinintay ang sagot ko. Dala-dala ang napakadaming plastic bag ay pumasok siya sa loob. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sundan siya.

Wala naman siyang kakayahan na makakuha ng pera dahil una sa lahat ay wala naman siyang trabaho kaya mali ba na pag-isipan ko siya ng masama?

"Umorder ka na ng pagkain mo," utos niya.

The bossy captain strikes again.

O-order na sana ako pero naisip ko na wala na nga pala akong pera. Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahang tumayo, "Busog pa pala ako, mabuti pa umiwi na lang tayo."

Mabilis siyang tumayo para hawakan ang magkabilang braso ko. Nagkatitigan kaming dalawa at bumalik na sa kulay asul ang kulay ng mga mata niya. Tinulak niya ako para makaupo ulit ako sa upuan ko.

"Ako na ang bibili ng pagkain mo, hintayin mo ako d'yan ay h'wag kang aalis."

Ewan ko ba pero imbis na mainis ako dahil nagiging bossy na naman siya ay nakangiti pa ako ngayon.

Siguro kasi ngayon kahit na ganyan ang ugali niya ay nag-aalala na siya para sa akin. May rason na kung bakit siya nagagalit at nagiging mainipin, hindi katulad dati na dahil lang sa gusto niya.

Tinignan ko lang siya habang ino-order ang pagkain ko. Mukhang parte na talaga siya ng mundong 'to pero ang masakit na katotohanan ay hindi, parte siya ng ibang mundo o dimensyon.

"Kumain ka nang marami," inilapag niya ang pagkain sa harapan ko. Inayos niya pa iyon at inilagay pa niya ang straw sa inumin ko. "Siguro kung mararanasan mo ang tag gutom sa mundo namin ay mamatay ka agad. Panigurado ako na lahat ng pagkain mo ay ibibigay mo sa tingin mo ay mas nangangailangan."

Paano kaya niya nalaman na ibinigay ko kay Polaris ang pagkain ko, "Kanina mo pa ba ako nakita?"

Tumango siya at itinuro na naman ang pagkain ko, "Kumain ka muna at masama ang malipasan."

Mas malala pa siya mag pangaral kaysa kay Cooper. Hindi ko aakalain na makyu-kyutan ako sa pagiging bossy niya.

"May sasabihin ako pero h'wag kang magsalita at kumain ka lang, ha?"

Bigla akong kinabahan, ano kaya 'yong sasabihin niya? Pero sinunod ko ang utos niya, kumain lang ako habang nakikinig sa kanya.

"Tungkol kagabi, patawarin mo ako sa nagawa ko.."

Palunok ako nang malaki sa sinabi niya, muntik pa nga akong mabilaukan pero agad akong nakainom ng tubig.

"Alam kong binigyan kita nang malaking kahihiyan at nasaktan kita pero sa maniwala ka man o hindi, hindi ko 'yon sinasadya. Ayokong saktan ka dahil alam kong hindi mo deserve 'yon, hindi mo deserve ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko."

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang namumuong mga luha sa magkabilang mata ko. Ngayon lang kasi may nagsabi sa akin ng mga 'yon at sa lahat, si Scion pa talaga.

"Aaminin ko na nasaktan ako kanina dahil pinag-isipan mo ako na nagnakaw ako para magkaroon ako ng pera," pinutol ko muna ako sasabihin niya.

Kailangan kong humingi ng sorry sa nagawa ko, "Patawarin mo ako sa nasabi ko, hindi ko lang talaga alam kung saan ka makakakuha ng gano'ng kalaking pera."

Ngumiti siya nang bahagya, "Naiintindihan ko na naman ngayon kung bakit mo 'yon nasabi at hindi kita masisisi."

In fairness naman, hindi na makitid ang utak niya. Nakikinig na siya ngayon at pinipilit intindihan ang mga bagay-bagay.

One point for captain warrior.

"Ako ang dahilan kung bakit natalo tayo kahapon kaya nararapat lang na ako rin ang gumawa ng paraan para maasyo ang gulong dinala ko."

Pilit na ang mga ngiti niya. Kahit na hindi nagbago ang kulay nga mga mata niya ay hindi niya maitatago sa akin ang pagkalungkot niya.

"Nabasa ko sa diyaryo kaninang umaga ang proseso ng pagsasangla kaya naisip ko na gawin 'yon. Isinangla ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Ina."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Iisa lang naman ang kwintas na ibingay sa kanya ng nanay niya, iyon ang gintong kwintas na may jade na pendant.

Importante sa kanya iyon. Kada laban sa mga mogwai o ibang sundalo ng ibang dynasty ay hahawakan niya muna iyon para makuha nang lakas.

"Bakit mo ginawa 'yon? Pwede pa rin naman tayo makahanap ng ibang paraan, e. Importante sa'yo ang kwintas na 'yon at baka hindi mo na ulit 'yon makuha pa."

Hinawakan niya ang kamay ko, siguro para na rin pakalmahin ako. Pinilit na naman niyang ngumiti pero hindi uubra sa akin ang mga pekeng ngiti na 'yon.

"Ikaw ang tatanungin ko ngayon, nag-iisip ka ba talaga ha, Scion?"

Huminga siya nang napakalalim, "Iyon na lang ang naisip kong paraan para makapunta tayo sa Baguio, para mahanap na natin ang libro at para makabalik na ako sa amin."

Unti-unting tumulo ang mga luha niya, automatic na nagbago na naman ang mga kulay ng mata niya.

"Habang tumatagal na wala ako sa tabi ng prinsesa ay mas lalo akong nanghihina. Ikakamatay ko ang pangungulila ko na ito."

Biglang may kung anong pumiga sa puso ko. Hahihirapan akong huminga.

"Isipin man niya ako o hindi, wala na akong pakialam. Ang importante ay makita ko na siya, kahit mawala pa sa akin ang kwintas ng jade, siya naman ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko."

Kahit anong kagat pa ang gawin ko sa labi ko ay hindi nito napigilan ang pag-iyak ko.

Ganito pala ang pakiramdam kapag harap-harapan na sinabi ng taong mahal mo kung gaano niya kamahal ang taong mahal niya.

Ngayon lang ako nagselos sa isang babae.. ngayon lang.

Sana ako na lang si Weiming.. sana ako na lang ang bida sa istorya na isinulat ko.




---

Continue Reading

You'll Also Like

46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
366K 27.3K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
21.3K 635 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?
27.9K 640 23
Let's follow and get to know the musical love story and drama brought by Charlene Alfonso, the rich girl cutie and kikay who loves to sing. The girl...