Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 27: Paumanhin

67.5K 3K 340
By blue_maiden

Paumanhin

Nakaalis na lang si Cooper sa bahay ay wala pa rin si auntie. Dapat na ba akong mag-alala para sa kanya? Kakaiba na ang ikinikilos niya lately.

"Serenity," napatalon ako sa sobrang gulat. Ang bilis nang tibok ng puso ko kaya napahakaw ako sa dibdib ko. "Anong ginagawa mo sa labas? Gabi na."

Hindi ko naiwasan na tarayan siya. Pagkatapos niya akong ipahiya sa harap ng madaming tao? Akala ba niya gano'n lang kadaling kalimutan 'yon?

"Pwede ba? H'wag kang umasta na para bang may pakialam ka sa akin."

Naglakad ako papasok sa bahay at nilagpasan ko siya. Mas nangingibabaw ang sakit kaysa sa galit.

Mas malala 'yon.

Sa lahat kasi ng tao, siya pa talaga 'yong mang-iiwan sa akin sa ere. Sabi niya hindi niya ako papabayaan at magtiwala lang ako sa kanya pero ano 'yong ginawa niya?

"Serenity!"

Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kwarto ko. Bago pa siya makapasok sa loob ay isinara ko na ang pinto at ni-lock ko ito.

"Sa sala ka matulog, ayokong makita ka."

"Serenity, pasensya ka na sa nangyari kanina. Sana maintindihan mo ako. Hindi ito madali sa akin. Patawad."

Aba, ayos ha, pagkatapos ng ilang oras ay nagawa na rin niyang humingi ng tawad. Better late than sorry, gano'n ba?

"Scion, pinipilit kitang intindihin pero ang hirap. Napahiya ako doon, naiwan sa ere at higit sa lahat ay natalo tayo dahil sa ginawa mo!"

Paano na 'yong premyo sa contest? Nawala na lang 'yon ng gano'n na lang. Naisio niya ba 'yon? Paano na kami makakapunta sa Baguio? Paano namin mahahanap ang Polaris? Paano na matatapos ang lahat ng ito?

"Alam mo naman kung gaanon kalakas ang epekto sa akin ng prinsesa, hindi ko napigilan ang damdamin ko! Sobra na akong nangungilila sa kanya!"

Gaanon kalakas? 'Yong tipong kaya siyang tangayin hanggang buwan?

"Nangugulila ka sa kanya pero siya ba, nangungulila rin ba siya sa'yo?"

"Hindi... alam ko naman na kahit kailan ay hindi niya ako naisip."

Natahimik siya ng ilang segundo. Inilagay ko ang tainga ko sa pintuan para marinig kong mabuti kung anong nangyayari sa kanya.

"Serenity.."

Sa pangalawang pagkakataon ay ginulat na naman niya ako. Mag shunyi ba naman papunta sa harapan ko? Papatayin niya ata ako sa kaba.

"Sa mga araw na nagdaan, tingin mo ba ay hindi pa rin ako karapatdapat para kay Prinsesa Weiming? Hindi mo pa rin ba kayang gawin na ako ang mahalin niya?"

Kulay abo pa rin ang mga mata niya at bakas sa mukha niya ang kalungkutan. Diretso ang linya ng bibig niya. Para ngang may mga luha na sa gilid ng mga mata niya.


Iniwas ko ang mga mata ko, "Hindi.. si Chaun pa rin ang nababagay sa Prinsesa."

Isa 'yong kasinungalingan kaya nga ayokong makita niya ang mga mata ko dahil hindi ako magaling magsinungaling.

Masasabi kong hindi perpekto si Scion pero mas totoo siya kaysa kay Chaun. Mahal niya si Weiming kaysa sa sarili niyang buhay at lahat gagawin niya para rito. Bagay na siya lang ang makakapagbigay sa prinsesa.. hindi kahit si Chaun.

Natahimik ulit siya pero ngayon ay narinig ko na ang paghikbi niya. Hindi ko man siya makita ngayon ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

Dumampi sa balat ko ang hangin na dulot nang pag shunyi niya.

Nasaktan niya ako at ngayon ay sinaktan ko rin siya. Quits na ba kami? O mas sobra ang nagawa ko?

Sumandal lang ako sa pintuan habang hinahayaan ang mga luha sa mata ko na dumaloy sa pisngi ko.

Kung kanina ay nasasaktan ako dahil sa ginawa ni Scion, ngayon naman ay nasasaktan ako dahil sa nagawa ko sa kanya. Mas masakit na makita mo ang taong mahal mo na nasasaktan nang dahil sa'yo.

Patawarin mo ako, Scion.

***

Sa huling pagkakaalala ko ay nakasandal ako sa pintuan kagabi. Nagising ba ako sa pagkakatulog ko kaya nandito na ako ngayon sa kama ko?

"Good morning world.." mahina kong bulong. "Magiging mabait ka ba sa'kin ngayon o papaiyakin mo na naman ako?"

Bumangon ako at nag-ayos. Mataas na ang sikat ng araw kaya oras na para maghanap muli ng paraan para makapunta sa Baguio.

Pagkababa ko ay nagulat ako sa dami ng pagkain sa mesa.

"Good morning, Serenity!" Bati ni auntie. "Kain na, ang dami kong nilutong pagkain."

So, ibig sabihin ba nito, world, magiging mabait ka nga sa akin ngayong araw na 'to?

"Ang dami naman nito auntie pero salamat kasi gutom na ako," inikot ko ang ulo ko para hanapin si Scion pero wala siya kahit saang sulok ng bahay.

Nasaan na naman siya? H'wag mong sabihin na hinhanap niya kung nasaan si Jasmine?

Hindi ko na lang muna siya inisip dahil kanina pa nagwawala ang tiyan ko. Kung hindi pa ako kakain ay mawawalan na ako ng malay.

"Hindi ba mauubos ang budget mo ngayong linggo dahil sa dami nito?"

Baka mamaya kasi ay hingan niya ako ng pera. Naka-leave pa naman ako sa trabaho kaya for sure kapiranggot lang ang sasahurin ko nito.

"Hindi mo ba alam? Pera ni Scion ang pinangbili ng mga pagkain na 'yan,"

Halos maibuga ko sa kanya ang hotdog na kinakain ko. Buti na lang ay naharangan ng kanang kamay ko nag bibig ko.

"Kay Scion galing ang pera? Magkano?"

"Fifteen thousand pesos lang naman! Ang galante niya, hind ba? Jackpot na jackpot ka d'yan sa boyfriend mo. Finally ha, nagkaroon ka rin ng swerte sa buhay."

Saan naman niya nakuha 'yon? Ginamit kaya niya ang kapangyarihan niya sa masama para lang magkaroon ng malaking halaga ng pera?

"Nasaan siya?"

Pinanliitan niya ako ng mata kaso dahil talagang bilugan iyon, parang normal lang ang pagtingin niya sa akin, "Nag-away ba kayo? Parang kagabi pa kayo hindi nag-uusap. Serenity, sinasabi ko sa'yo, h'wag mo ng pakawalan ang lalaki na 'yan."

"Kailangan ko siyang makausap, nasaan siya auntie?"

"Lumabas siya, pupunta daw siya sa mall."

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kahit hindi ko pa nauubos ang dalawang bacon at isang hotdog ko ay umalis na ako. Minsan lang ako makakain ng masarap pero mas importante na mahanap ko ang lalaki na 'yon.

Sana talaga ay hindi siya gumawa ng kahit anong kalokohan.

Pumunta ako sa pinakamalapit na mall sa amin at aba, puro mukha ni Jasmine ang nakapaskil sa labas.

Hindi naman talaga siya gano'n kaganda para maging sikat siya nang sobra. Pakiramdam ko pa nga ay masama ang ugali niya.

Niyugyog ko ang ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? Ang laki ng galit ko sa kanya pero wala naman siyang ginagawang masama sa akin at isa pa, hindi ko pa siya kilala ng lubusan.

Nagseseslos ba ako?

"Ang landi mo rin kasi Serenity, nagmahal ka na naman ulit..." bulong ko sa sarili ko.

Tatlong oras lang naman ang inabot ko sa labas kakahanap kay Scion pero kahit saan ay hindi ko siya makita. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay sa sobrang gutom kaya pumunta ako malapit na fast food chain.

Sa totoo lang, sakto na lang talaga ang pera ko para maka-survive hanggang sa makabalik ako sa trabaho kaya kahit gutom na gutom ako ay kailangan kong tipirin ang sarili ko.

"Bawal dito ang pulubi, alis."

Hindi ko maalis ang tingin ko sa batang babae na ang dungis-dungis at parang isang linggo ng walang kain. Nakaramdam agad ako ng awa.

Naalala ko 'yong mga panahon na pinalayas ako ni auntie sa bahay dahil natapon ko sa kanal ang isang box ng seaweeds na dadalhin ko sana kala Liam.

Tatlong araw din akong palaboy laboy sa kalsada. Takot at gutom na gutom. Awang awa ako sa sarili ko no'n at naisip ko na rin magpakamatay pero buti na lang may isang babae na lumapit sa akin at binigyan ako ng masarap na pagkain.

Maging matatag daw ako dahil malaki ang magiging ambag ko sa pagkaligtas ng mundo. Hindi ko nga maintindihan kung anong ibig niyang sabihin pero simula noon, nagpakatatag pa ako lalo sa buhay.

Pinangako ko rin sa sarili ko na balang araw ay makakatulong din ako sa iba kagaya ng nagawang pagtulong sa akin ng babae na 'yon.

Ito na siguro 'yong araw na 'yon.

"Ito pagkain at inumin," alon ko sa batang babae. Biglang nagliwanag ang mukha niya at agad niyang kinuha ang pagkain sa akin.

Umupo kami sa labas at doon siya kumain. Sa sobrang bilis niyang kumain ay nabulunan na siya. Inalalayan ko na nga siya sa paginom ng juice niya.

"Dahan-dahan lang, masama rin ang biglaang pagkain nang marami," payo ko.

Wala pang limang minuto at natapos na siyang kumain. Umiiyak siya habang marahang tumatawa. Ayos lang kaya siya?

"Salamat po sa ginawa niyo," umiyak na naman siya pero sandali lang ay tatawa naman siya. "Alam niyo po, gusto ko ng tapusin ang buhay ko ngayong araw na 'to kung hindi pa rin ako papalarin pero dahil po sa ginawa niyo ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang laban."

Tumama sa puso ko lahat ng mga sinabi niya. Ganyang ganyan ako dati.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabantang pagtulo ng mga luha ko. Ayokong ipakita sa kanya ang kahinaan ng loob ko. Kailangan niyang maging matatag.

"Ako nga po pala si Polaris."

Nagulat ako sa pangalan niya, sa lahat ba naman ay ng pangalan ay iyon pa. Nananadya ba ang mundo?

"Binase raw po nila ang pangalan ko sa isa sa pinakamaliwanag na bituin."

Maganda nga talaga ang pangalan niya. Kung magkakaroon ako ng anak ay baka iyan din ang ipangalan ko sa kanya, 'yon ay kung hindi na ako papahirapan ng libro na 'yon.

"Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ka nila pinapabayaan?"

Umiling siya, "Hindi po nila ako pinapabayaan. Palagi nila ako binabantayan doon sa langit."

Nanikip bigla ang dibdib ko. Mas lalo akong naawa sa kanya. Sa murang edad ay wala na rin siyang mga magulang.

"Pasensya ka na, hindi ko alam.."

"Ayos lang po.. matagal ko naman nang tanggap ang katotohanan. Lahat naman po tayo ay kukunin sa mundo kaya alam kong isang araw ay magkakasama rin kaming tatlo."

Tama siya.. lahat naman kami ay babalik sa pagiging abo. Pero buti pa siya, ginugusto niya na makita at makasama ang mga magulang niya.

Ako? Hindi na siguro. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba sila o patay na.

"Kanino ka tumutuloy ngayon? May natitirahan ka ba o nagpapalaboy ka sa daan?"

"Ah..." iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Sa ngayon po wala akong tinitirahan."

Hindi ko alam kung papayag si auntie na patuluyin ko siya sa bahay namin. Alam kong mabait siya ngayon pero dahil lang naman 'yon kay Scion.

Kung hindi sana kami nagkahiwalay ni Liam, baka pwede ko pang pakiusapan ang pamilya niya na kupkupin ang batang 'to.

"Ate, ano pong pangalan niyo?"

"Ako si Serenity, Xiang Serenity."

Tinitigan niya ako nang mabuti at maya-maya ay nanlaki ang mga mata niya pero ang ikinabahala ko ay ang takot sa mga mata niya.

Natatakot ba siya sa sakin? Bakit? Anong nagawa ko?

"Ayos ka lang ba, Polaris?"

Hindi siya mapakali at dahan-dahan na namang tumulo ang mga luha niya, "Pwede bang makiusap ako, ate? H'wag na h'wag mo akong babanggitin sa ibang tao. Isipin niyo na lang po na hindi niyo ako nakita."

Nagmadali siyang tumayo dala ang mga gamit niya pero bago siya makahakbang ay hinawakan ko ang braso niya. Kailangan kong malaman kung may nasabi o nagawa ba akong mali kaya siya nagkaganito.

"May nagawa ba akong mali?"

"Wala po, wala kayong nagawa. Basta, mag-iingat po kayo at palagi kayong lalayo sa mga ahas."

Inalis niya ang kamay ko sa braso niya tska kumaripas ng takbo palayo.

Naiwan akong nakatulala sa kinakaupaan ko at hindi ako mabagabag sa mga salitang sinabi niya.

Lumayo ako sa mga ahas?

Bakit niya nasabi ang mga 'yon? Nakakapagtaka dahil ilang beses na akong napapahamak dahil sa mga ahas.

Sandali.. may alam ba siya tungkol sa mga nangyayari sa akin? Coincidence lang ba talaga na Polaris ang pangalan niya?

May kwintas pa siyang naiwan. Isa itong bato ng jade na hugis bituin.

Pamilyar ito sa akin pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.

Tumayo ako at nag desisyon na habulin siya. Maaring may kasugatan siya sa mga tanong ko. Maaring maging daan siya para makita ko ang libro.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang may biglan humawak sa kanang kamay ko.

Dumaloy na naman ang para bang kuryente sa buong katawan ko. Isang tao lang ang nakakagawa nito sa akin.

Pagkalingon ko ay nakumpirma ko kung sino nga siya, "Scion..."



---

Continue Reading

You'll Also Like

370K 27.5K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
116K 4.1K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
32.7K 1.8K 33
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.