Possessive Nights (Completed)

By LoveUUUnot

436K 6.4K 231

Angela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her... More

Dedication
Prologue
CH.1 My Hero
CH.2 Change
CH.3.1 The Wedding
CH.3.2 In-laws Proposition
CH.3.3 The Unexpected
CH.3.4 Heartbreaking Moment
CH.3.5 The hardest Part
CH.3.6 At last (SPG)
CH.4 Brandnew Husband
CH.5 The Womanizer
CH.6 Failed
CH.7 Drowned
CH.8 Battered Wife
CH.9 Tears And Pain
CH.10 The Truth
Ch.11 Magnate
CH.12 In Danger
CH.13 That Woman
CH.14 Take Control
CH.15 Neighbor
CH.16 In his Arms Again
CH.17 Brown Out
CH.18 Busted
CH.19 The Cook
CH.20 Tragedy
CH.21 Lie to Me
CH.22 Spy Boys
CH.23 Caji
CH.24 The Gown
CH.25 The Rivals
CH.26 Letting Go
CH.27 Kidnapped
CH.28 King Cobra vs. Mariang Mapalad
CH.29 The Visitor
CH.30 He's Back
CH.31 Once Again
CH.32 The Party
CH.33 Big Announcement
CH.34 Kiss
CH.35 The Choice
CH.36 Why?
CH.37 Helpless
CH.38 Restricted
CH.39 Midnight Visitor
CH.40 Missing
CH.41 The Monster
CH.42 Tortured
CH.43 His Greatest Fear
CH.44 Wife Figure
CH.45 Bitter and Sweet
CH.46 Revelation
CH.47 The Warning
CH.48 Necklace
CH.49 Surprise
CH.50 The Search
CH.51 Premonition
CH.52 Ambushed
CH.53 The Chase Starts
CH.54 Lighthouse
CH.55 His Decision
CH.56 Sick
CH.57 Missing Her
CH.58 Heartache
CH.59 Acceptance
CH.60 Birthday Surprise
CH.61 Unintentional Sin
CH.62 A Mother's Love
CH.63 Last Wish
Ch.64 Granted
CH.65 Angela
CH.66 Engagement
CH.66 End of Tears
CH.67 This Time
CH.68 Gun and Roses
Epilogue

CH.69 The End

6.4K 59 16
By LoveUUUnot

~•The tragedy of life is not that it ends so soon, but that we wait so long to begin it.•~

-Anonymous









*THIRD PERSON POV*






Mahigpit ang pagkakahawak at hindi bumibitaw si Bryle sa kaliwang kamay ni Angela mula nang isakay ito sa ambulansya hanggang sa makarating sila sa ospital. Walang ibang bukam-bibig si Angela kundi ang iligtas ang bata.

Halos maging pula na ang damit ni Bryle pati narin ang kanyang mga braso dahil sa bahid ng dugo mula kay Angela pero hindi niya na ito pinansin pa dahil sa labis na pag-aalala niya kay Angela.

Takot.

Takot ang kanyang nararamdaman sa mga oras na 'to, takot na mawala sakanya ang taong mahal niya.

Doble-doble ang sakit na nararamdaman ngayon ni Angela, ang mga tama ng baril at ang napipintong paglabas ng kanyang anak ang sabay na nagpapahirap sakanya pero sa kabila ng lahat ng ito'y pinipilit niyang maging matatag at pilit na tinitiis ang sakit hanggang sa mailabas niya ang anak nila ni Bryle. Iyon lang ang gusto niya mangyari sa mga oras na ito. Matagal niya nang pinaghandaan ang lahat ng ito. Tanggap niya na ilang oras nalang ang itatagal niya pero bago 'yon ay gagampanan niya muna ang tungkulin niya, ang tungkulin ng lahat ng ina na magsilang ng isang supling. Ito lang ang tanging maiiwan niya bago siya tuluyang mamaalam.

"Sir. Hanggang dito nalang po kayo." sabi ng doktor kay Bryle pero hindi nito binibitawan ang kamay ni Angela, ni hindi niya pinansin ang doktor at mga nurse na sumalubong sa kanila kaya sila Brent at Xavier nalang ang pilit na naglayo sakanya mula rito.

"Ipaubaya na natin siya sa mga doctor, Bryle. Hindi nila pababayaan si Angela." mahinahon na sabi ni Xavier.

Linapitan ni Isabel si Angela at hinalikan ito sa noo. "Sabi mo sa'min kakayanin mo. Pinangako mo 'yan. Kayanin mo anak, hah. Nandito lang si nanay."

"Kailangan na po namin siyang tignan. Masyado nang maraming dugo ang nawala sakanya." sabi ng doktor.

Hinawakan ni Isabel ang braso ni Bryle, tinignan naman siya nito. "Sige na, anak. Magdasal nalang tayo na sana'y walang mangyaring masama sakanya at sa bata."

"Bitawan mo na siya, Bryle. Si Angela, matibay 'yan. Hindi siya basta-basta bumibigay." mangiyak-ngiyak na sabi ni Brent. Hinaplos nito ang likod ng kanyang kapatid upang patahanin ito samantalang si Xavier ay hinawakan ang kamay ni Bryle upang tanggalin ang pagkakapit nito kay Angela.

"Nandito lang ako, Angela. Hindi kita iiwan. Ipangako mo sa'kin na mabubuhay ka at hindi mo na 'ko iiwan ulit." hinalikan niya si Angela sa labi. "Marami pa tayong plano. Ngayon palang ulit tayo muling magkakasama kaya please, 'wag ka umalis, 'wag mo muna ako iwan. Hindi pa 'ko handa e." tumatangis na wika nito kay Angela bago niya ito tuluyang binitawan.

Hinabol pa siya ng kamay ni Angela habang dinadala siya ng mga nurse sa emergency room. "I.........I love you, Bryle." ito ang huling salita na binitiwan ni Angela kay Bryle.

Napaupo si Bryle sa sahig samantalang si Xavier ay napasandal sa pader na hindi narin nakayanan ang mga nangyayari kay Angela. Napasapo si Brent sa noo niya at pilit na itinago ang kanyang munting pagtangis.

Yinakap naman ni Alice si Isabel upang aluin ito. Pareho silang ina kung kayat alam niya ang dinadala nitong sakit sa mga oras na 'to.

Dumating narin sila Shan, Blaze, Wayne at Blood.

"A-anong nangyari!?" nagaalalang tanong ni Shan na wala paring alam sa mga nangyayari. Base sa itsura ng mga ito'y batid niya na may hindi magandang nangyari.

"Nabaril si............na-nabaril si Angela." sagot ni Brent.

Otomotikong bumigay si Shan sa kanyang nalaman. Napatakip siya sa kanyang bibig, yinakap naman siya ni Blaze.

"H-hindi!!! Ang beshie ko." sabi niya at nasundan ito ng mga luha.

Yumuko si Wayne at umiling. "Nagawa naming ilihis si Tito Emmanuel pero hindi parin namin siya nagawang pigilan." sabi nito na punong-puno ng pagsisisi. Ganun din sila Blood at Blaze.

"'Wag niyo sisihin ang mga sarili niyo. Ginawa natin ang lahat para protektahan si Angela. Walang may gusto sa nangyari." sabi ni Alice sa mga ito. "Ang maganda lang na nangyari ngayon ay wala nang taong magpapahirap sa mga buhay natin, tapos na ang kasamaan ni Emmanuel at siguradong pinagbabayaran niya na ngayon ang lahat ng kasamaang nagawa niya sa ating lahat sa impiyerno."

Linapitan ni Isabel si Bryle. Higit sa kahit sinuman sila ang sobrang naaapektuhan sa mga nangyayari.

"Lumalaban si Angela kaya lumaban ka rin. Tatagan mo ang sarili mo para sakanya at sa magiging anak niyo." Aling Isabel.

"Patawarin niyo po ako sa lahat ng mga nagawa ko sa anak niyo. Sobra kong pinagsisisihan ang lahat. Sinaktan ko siya kaya gusto kong bumawi sakanya pero paano ko gagawin 'yon kung kukunin na siya sa'kin. Patawarin niyo ko kung hindi ko siya ipinaglaban, kung hindi ko siya nagawang protektahan kay dad. Sorry, patawarin mo 'ko." paghingi niya ng tawad kay Isabel.

"Wag mo sisihin ang sarili mo, Bryle. Nakikita ko sayo na nagsisisi ka na sa mga nagawa mo. Matagal narin kitang napatawad dahil alam kong mahal na mahal mo ang anak ko." yinakap ni Isabel si Bryle. Para niya narin itong anak.

"I can't afford to loose her again. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin. Mas mabuting mamatay nalang din ako kung mawawala siya." Bryle.

"'Wag mo sabihin 'yan, Bryle. Mayroon ka pang anak. Kung saka-sakaling mawala man si Angela, sakanya mo ibaling ang pagmamahal mo." Isabel.

"Hindi ko na alam, inay. Hindi....hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Sobrang na 'tong mga nangyayari sa'min. Hindi ko na kaya. Hindi na ako makahinga. Punong-puno na ako. Batong-bato na 'ko." mas hinigpitan ni Isabel ang pagkakayakap nito kay Bryle.

Ilang saglit pa'y lumabas na ang doktor mula sa E.R. Sabay-sabay silang tumingin dito.

"Doc!" Isabel.

"Doc. Kamusta po ang beshie ko." Shan.

"Ano po ang kalagayan ng mag-ina." tanong naman ni Xavier.

Isa-isa silang tinignan ng doctor bago ito nagsalita.

"May seryosong sakit ang pasyente. Nakitaan namin siya ng Ische---"

"Ischemic heart disease!" pagpapatuloy ni Brent.

Tumango ang doktor at sumang-ayon sa sinabi ni Brent.

Nagtaas ng tingin si Bryle at nalilitong tumingin sa kanilang lahat. Hindi nito maintindihan kung ano ang sinasabi ng doktor.

"Binigyan na siya ng taning ng doctor mula nang tumanggi siya sa heart transplant na inaalok sakanya." Brent.

"At ngayon na ang araw na 'yon." maluha-luhang sabi ni Xavier.

Mas lalong nadagdagan ang emosyon sa pagitan nilang lahat.

"Then we have no choice!" ani ng doctor.

"No," pagtanggi ni Brent. "Matagal nang napagdesisyunan 'to ni Angela and her choice is to save the baby's life."

"Okay, I get it." sabi ng doctor bago ito muling pumasok sa loob.

"A-anong sakit? Ang ischemic heart disease? Anong taning?" tumayo si Bryle habang nagtatanong. Batid ang kalituhan sa mukha nito.

Umiiyak na silang lahat.

"Ilang araw bago ka iniwan ni Angela, na-diagnosed siya na may ischemic heart disease also known as coronary heart disease, noon palang binigyan na siya ng taning ng doctor kahit hindi pa malala ang sakit niya. Pwede siyang gumaling, pwede pa niyang matakasan ang kamatayang nakaamba sakanya pero binalewala niya lang ang oportunidad niyang mabuhay ng mas matagal dahil mas inisip niya ang kaligtasan ng nanay niya at pati narin ang kapakanan mo." paliwanag ni Brent.

Hindi makapaniwala si Bryle sa mga naririnig niya. Bakit hindi niya alam 'to? Bakit wala siyang kaalam-alam na may malala na palang kalagayan si Angela noong mga panahon na nagsasama pa sila?

"Mas inuna ni Angela ang mga mahal niya sa buhay kaysa sa sarili niyang kapakanan. Sa dami ng mga problema niya'y ayaw niya nang dumagdag pa. Sakripisyo at hindi pagiwan ang ginawa niya sayo. Totoong tumanggap siya ng pera sa dad mo pero para 'yon sa pagpapagamot ni Aling Isabel."

Sa dami ng mga masasakit na salita na binintang niya kay Angela ni minsan ay hindi niya man lang tinanong dito kung para saan o ano ang dahilan kung bakit niya ginawa ang mga iyon.

"Alam niyang hindi na siya magtatagal. Ginamit niya ang kaunting panahon na mayroon siya para makasama ka Bryle kaya 'wag kang magtaka kung bakit hindi ka niya maiwan-iwan kahit na ano gawin mong pananakit sakanya. Gusto niya lang makasama ang mga mahal niya sa buhay bago siya mamatay." pagpapatuloy ni Brent.

"At ilang araw matapos ka umalis papunta dito sa Italy, doon palang namin nalaman ang tungkol sa sakit niya. Pinilit namin siyang mag-undergo ng operasyon pero sa pangalawang pagkakataon ay tumanggi siya dahil noong mga panahong iyon ay dinadala na niya ang anak niyo. Mas umiral ang pagiging ina niya." dagdag pa ni Xavier.

Mas lalong bumagsak ang loob ni Bryle na siya namang nagpataas sa lungkot na nararamdaman niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya.

Masakit.

Mahirap.

Ang hirap tanggapin na sa isang iglap ay maaring mawala ang taong mahal niya.

"H-hindi! Hindi totoo 'yan. H-hindi mamamatay si Angela."

"Wala na tayong magagawa, Bryle." Shan.

"Hindi. Hindi pwede. May paraan pa. May magagawa pa ako para mabuhay si Angela."

Tumakbo ito papunta sa ER at pilit na binuksan ang pinto nito.

"BUKSAN NIYO 'TO!!!! PAPASUKIN NIYO 'KO!!! KAILANGAN AKO NI ANGELA, BUKSAN NIYO 'TO!!!!" pagwawala ni Bryle habang kinakalampag ang pinto. Sinundan naman siya nila Blaze at Xavier upang pigilan.

"Bitawan niyo ko!!! Kailangan ako ng asawa ko. Hindi ko siya hahayaang mamatay!!!" nagpupumiglas si Bryle at pilit paring nagpupumilit na pumasok sa loob. Tumulong narin sila Blood at Wayne upang pigilan siya.

"Bryle, itigil mo na 'to. Hindi ito nakakatulong." Xavier.

"HINDI!! KAILANGAN KO PUMASOK SA LOOB KAYA PAPASUKIN NIYO 'KO!!!"

"Pre, tanggapin mo nalang ang lahat. Wala na tayong magagawa." sabi ni Wayne na isa din sa umaawat sakanya.

"HINDI PWEDE!!! AYOKO!!! AKO, AKO ANG MAGDEDESIYON AT HINDI KAYO!!! Kailangan ako ngayon ni Angela sa tabi niya."

"PUTANG*NA, BRYLE!!! PAKIUSAP, TUMIGIL KA NA!!! MAS LALO MO LANG GINAGAWANG KOMPLIKADO ANG LAHAT. E." hindi na nakapagtimpi si Xavier.

"PU*ANGINA!!! SABI BITAWAN NIYO KO E." buong lakas silang itinulak ni Bryle. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para puwersahang pasukin ang E.R. Mahirap pigilan si Bryle lalo na sa mga ganitong sitwasyon na bumubugso ang damdamin niya. Hindi niya intenyon na manggulo, gusto niya lang makita si Angela.

Nang makapasok siya'y saglit siyang napahinto. Agad napako ang tingin niya sa hospital bed na hinihigaan ni Angela at sa kumpulan ng mga nurse at doktor.

Walang malay si Angela.

"Bry---" napahinto rin ang mga kasama niya.

Tahimik ang buong silid ngunit napawi ito sa isang malakas na pagtangis mula sa isang kasisilang lang na sanggol.

'Woaaahh! Woaaahh!'

Gumuhit ang ngiti sa mga mukha nila maliban kay Bryle na nakatanim lang ang tingin kay Angela. Napawi ang mga ngiting ito nang marinig nila mula sa doktor ang mga salita na nagpatigil sa kanilang mga mundo.

Dahan-dahang dumaloy ang mga luha sa kanilang mukha.

"Time of death!"

"6:32 p.m!"

Parang gumuho ang mundo ni Bryle sa narinig niya. Narinig niya ang iyakan ng mga tao sa sakanyang likuran.

"A-angela!"

Naglakad siya palapit sa hinihigaan nito.

Yumuko siya at yinakap si Angela. "Angela, gumising ka. Hindi pa tapos ang kasal natin. Magse-celebrate pa tayo, magha-honeymoon pa tayo. 'Wag ka muna matulog, Angela." hinaplos niya ang mga pisngi ni Angela. Tinaniman niya ito ng mga halik sa kanyang labi at pisngi.

"Sabi mo hindi mo na 'ko iiwan ulit. Magsisimula pa lang tayo ng panibagong buhay 'di ba. Ano ba'ng ginagawa mo diyan, Angela? Gumising ka! Wag mo 'ko iwan!" patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.

"Please stay with me, huwag mo muna ako iwan."

"I'm sorry but she's dead." malungkot na sabi ng doctor.

Pumikit siya ng mariin at hinawakan ng mahigpit ang damit ni Angela. Tumayo siya at kinuwelyuhan ang doktor. "Buhayin mo si Angela, buhayin mo siya. Ibalik mo siya sa'kin!!!" 

"Doctor lang ako, hindi ako Diyos. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin pero masyado nang malala ang kalagayan niya. Again, I'm sorry.....hindi na namin maiibabalik ang buhay niya." sabi ng doktor.

"'Wag mo sabihin 'yan. Tungkulin niyo ang magsagip ng buhay 'di ba? Wes buhayin niyo siya, buhayin mo ang asawa ko. Magkano ba ang gusto niyo? Babayaran ko kayo kahit ilan basta buhayin niyo lang siya. Nakikiusap ako sa inyo buhayin niyo siya, pakiusap."

"I'm sorry!" iyon na lamang ang nasabi ng doktor.

Binitiwan ni Bryle ang doktor at bigong lumuhod sa tabi ni Angela. Linapitan siya ni Alice upang patahanin.

"Bryle, alam ko mahirap tanggapin pero wala na siya. Wala na si Angela."

"Hindi, hindi pa siya patay. Natutulog lang si Angela. Sabihin mo mom, hindi pa siya patay 'di ba? Sabihin mo...please, mom...hindi pa siya patay 'di ba?" wala nang nagawa pa si Alice kundi ang yakapin ito.

"Bryle!" Alice. "Iniwan na tayo ni Angela."

Naglakad si Isabel papunta sa hinihigaan ni Angela. Gusto man niyang magwala tulad ni Bryle ay hindi niya magawa. Matagal niya nang hinanda ang sarili niya sa pagkawala ng kanyang anak at ganun din si Angela pero hindi niya parin maiaalis sa sarili niya na 'wag masaktan. Masakit para sa isang ina na mamatayan ng anak. Ito ang pinakamasakit na mararanasan ng isang inang tulad niya.

"Para ka lang natutulog, Angela." hinaplos niya ang buhok nito.

"Salamat sa lahat ng sakripisyo mo, anak. Alam kong pagod ka na kaya mabuti narin na nangyari ito para makapagpahinga ka na. Magkakasama na kayo ng tatay mo. 'Wag ka mag-alala, aalagaan ko si Bryle, ang anak mo at ang lahat ng naiwan mong mahal sa buhay. 'Yon lang ang magagawa ko para masuklian ko ang lahat ng sakripisyo mo. Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ka ni inay." yumuko ito at hinalikan ang kanyang anak.

"HINDIIIIII!!! ANGELAAAAAA!!!!" sigaw ni Bryle. Rumaragasa ang luha at emosyon sa mga oras na 'to.

Wala silang magawa kundi ang umiyak ng umiyak habang pinapanood nila si Bryle na nagwawala na dahil sa kinahantungan ni Angela. Inaawat na siya ng mga kasama niya pero sa huli'y hinayaan nalang nila ito upang kahit papaano'y mailabas niya ang labis na kalungkutan na namamayani ngayon sa loob niya.

"Ayoko, Angela....ayokong mawala ka!!! 'Wag mo 'ko iwan....nakikiusap ako, 'wag mo muna ako iwan."

Unti-unti nilang linapitan si Bryle upang yakapin ito. Kailangan niya ngayon ng makakapitan at makakaramay sa pagdadalamhati niya.

"Paalam, Angela." umiiyak na sabi ni Shan.








*BRYLE'S POV*





I'm just looking at her face.




She's like a princess sleeping with a lot of flowers surrounded her.




I am her prince but I can't do anything to make her awake.




My kiss seems not effective.




Even my hugs and tears.




Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakatayo dito sa tabi niya. Hindi kumakain, hindi natutulog, at hindi umiinom, parang siya lang. I want to be with her from this day until the last day of her life on earth dahil pagkatapos ng araw na 'yon siguradong hindi ko na siya makikita at makakasama pa.




Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap.




Masakit parin.




Mahirap pa rin.




Sariwang-sariwa parin sa'kin ang mga nagyari na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Parang kahapon lang nangako pa kami sa isa't isa na magsasama kami hanggang kamatayan. Sinabi niya sa'kin na hindi niya na ako muling iiwan pero.....pero hindi niya na naman tinupad ang pangako niya.

Sa huli'y iniwan niya parin ako.

"Hindi ko pinagsisihan na pinakasalan ko ang babae na siyang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, mahal na mahal......ikaw lang ang tanging lalaking mamahalin ko, ikaw lang Bryle."

"Kailangan ko lang alisin ang galit sa puso mo at doon ka palang tuluyang makakalaya. Sana magawa ko pang pasiyahin ka at muling punuin ng pagmamahal ang puso mo. Ramdam ko na malapit na ako, pero bago ang lahat ay iiwan ko sayo ang isang bagay na magbibigay sayo ng kasiyahan at panibagong pag-asa na may kahalong pagmamahal."

"Kasi naniwala ako na pwede ka pang magbago, na may pag-asa pang bumalik ang Bryle na minahal at pinakasalan ko, kung hindi dahil do'n baka wala ako dito ngayon."

"Hindi natin alam ang mga mangyayari sa hinaharap, hindi natin masasabi na mananatili tayong magkasama hanggang sa dulo pero ang tanging mapapangako ko lang sayo ay mamahalin kita hanggang sa kahuli-hulihang hininga na itatagal ko. Mahal na mahal kita, Bryle. At kahit ano man ang mangyari sa'tin panghawakan mo lang ang mga salitang 'to. I love you, Bryle! Tanging kamatayan lamang ang kayang paghiwalayin tayong dalawa."

Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay nang wala ka, Angela.

Parang ang hirap. Ngayon palang hirap na hirap na ako. Paano pa bukas? Paano pa sa mga susunod na araw, buwan at taon? Dahil sa pagkawala mo habang buhay akong madudusa sa kalungkutan.

Ito ba ang ganti niya sa'kin? Na dahil hindi ko pinahalagahan ang pag-ibig kukunin niya sa'kin ang taong mahal ko.

Hindi ko na alam, pagod na ako, pagod na ang isip ko. Parang gusto ko nalang din mamatay para makasama na kita.

Linapitan ako ng mga kaibigan namin. Pare-pareho lang kaming pinahihirapan ng nararamdaman naming sakit. Lahat kami ay naging parte ng buhay niya kaya hirap na hirap kaming bitawan siya.

"Kakayanin natin 'to, Bryle. Mga pagsubok lang 'to, hindi ito ang tatalo sa'tin." sabi sa'kin ni Aling Isabel.

"Maraming nagawang kabutihan si Angela kaya sigurado akong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon." Blaze.

"Hindi natin alam baka nandito lang siya sa tabi natin, pinapanood tayo. Baka malungkot 'yon dahil nakikita niya tayong nagkakaganito." sabi naman ni Shan.

"Kung nandito man siya, pwede ba...pakisabi sakanya, halikan niya ako, yakapin niya ako ng mahigpit, iparamdam niya sa'kin na nandito lang siya sa tabi ko at hindi niya ako iniwan." muli na namang nagising ang mga luha ko at namalayan ko nalang na dumadaloy na ito sa mukha ko.

"Hindi naman talaga nawala si Angela. Hanggang nandito siya." itinuro ni Shan ang dibdib ko. "Lagi natin siyang makakasama. Gagabayan niya tayo sa bawat araw na dadaan at babantayan bilang isang anghel ng mga buhay natin. Hindi siya magsasawang mahalin tayo, Bryle at habang nandito ang pagmamahal na 'yon hindi siya mawawala."

"Alam kong mahirap para sayo ang pagkawala niya pero nandito pa kaming mga kaibigan mo." Wayne.

"At nandito pa siya." naglakad si Brent palapit sa'min. Yakap-yakap nito ang isang supling na mahimbing na natutulog sa kanyang bisig.

"Binigyan tayo ni Angela ng bagong pag-asa. Binigay niya sa'tin ang batang ito upang hindi natin makalimutan ang pagmamahal niya." nakangiting sabi niya habang nakatingin siya sa bata.

Huminto si Brent nang makarating siya sa harap ko. Hindi ko nakikita ang kalungkutan sa mukha niya. Tinignan niya ako at iniabot sa'kin ang bata.

"Sabi sa'min ni Angela, John Amber ang pangalan niya. Ikaw daw ang nagpangalan nito sakanya." sabi nito sa'kin.

Nakatingin lang ako sa bata at walang  reaksyon. Tumalikod ako na siyang ikanabigla nilang lahat.

"Ilayo niyo sa'kin ang batang 'yan. Ayoko siya makita, ayoko siya mahawakan." mariin na sabi ko.

"Bryle, ano ba'ng sinasabi mo?" Shan.

"Narinig niyo naman ang sinabi ko 'di ba? Ayoko siyang makita!" ako.

"Pero kuya, anak mo 'to. Anak niyo ni Angela." naguguluhang sabi ni Brent.

"Basta ilayo niyo siya sa'kin." pagmamatigas ko.

"Bryle!" Blaze.

"Bryle, naiintindahan namin ang pinagdadaanan mo pero kailangan mo siya sa buhay mo at kailangan ka rin niya bilang ama niya." sabi din ni Wayne.

"Hindi siya ang kailangan ko. Si Angela lang ang kailangan ko, siya lang." hinaplos ko ang kabaong ni Angela.

"PATAY NA SIYA, BRYLE!!! PATAY NA SIYA!!! Tan*ina, Bryle. SA TINGIN MO MATUTUWA SI ANGELA SA MGA PINAGSASABI MO NGAYON? ISINAKRIPISYO NIYA ANG BUHAY NIYA PARA MABUHAY ANG BATA DAHIL MAHAL NA MAHAL NIYA 'YAN, TAPOS IKAW ITATABOY MO LANG NA PARANG LIGAW NA ASO SA KALSADA." nagtaas na ng boses si Xavier.

"YON NA NGA E, SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY SI ANGELA. DAHIL SA BATANG 'YAN!!!! KAYA 'WAG NIYO KO PILITIN NA TANGGAPIN AT MAHALIN SIYA DAHIL HINDI 'YON MANGYAYARI." mariing sabi ko.

Bugggsh!

Sinuntok ako ni Xavier sa mukha dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"XAVIER! BRYLE! ANO BA!!!?" Shan.

Kinuha ni Shan ang baby mula kay Brent. Umiiyak na ito dahil sa mga naririnig niyang ingay.

Inawat nila Wayne at Blaze si Xavier. Pinunasan ko naman ang labi ko na may bahid na ng dugo. Hindi ako gumanti bagkos ay tinignan ko lang siya ng masama.

"BOBO KA!!! 'WAG MO ISISI SA BATA ANG PAGKAMATAY NI ANGELA DAHIL WALA SIYANG KASALANAN!!!" galit na galit na sabi ni Xavier.

Tumingin lang ako sa isang gilid at hindi nagsalita. Sarado ang isip ko para pakinggan sila.

"Tandaan mo, Bryle. Hindi lang ikaw ang nawalan dito, nawalan din ng ina ang bata." mahinahon na sabi ni Brent.

Tumayo ako at hindi inintindi ang mga sinasabi nila. Naglakad ako sa gitna nilang lahat.

"Bryle! 'Wag mo gawin 'to." sabi sa'kin ni Shan na parang nagmamakaawa.

Linagpasan ko ang bata at hindi ito liningon. Gaya ng sabi ko, ayaw ko siya makita.

"Kung hindi mo siya kayang tanggapin at kung hindi mo kayang maging ama sakanya. Kami, kaming lahat ang tatayong ama at ina niya. Hindi namin siya ipauubaya sa taong hindi siya kayang mahalin. Ayaw ko sana sabihin ito pero hindi namin hahayaang mangyari sa bata ang naranasan ni Angela sayo. Natuto na kami."

Iyinukom ko ang mga kamay ko. Nagsalubong ang aking dalawang kilay, at naningkit ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Xavier. Pinigilan ko ang namumuong galit sa loob ko at hindi nalang sila pinansin. Wala akong panahon para makipagbasag-ulo sakanya.

"Kung gusto niyo kunin ang bata, sige lang, akuin niyo siya, alagaan niyo siya, mahalin at ituring na parang sarili niyong anak, mga bagay na hindi ko kayang ibigay sakanya. Tama kayo, baka gawin ko lang sa bata ang mga ginawa ko kay Angela pero hindi ibig sabihin no'n tinatalikuran ko na ang pagiging ama sakanya. Bigyan niyo lang ako ng panahon. Kapag tanggap ko na ang lahat, kapag buo na ulit ako, kapag handa na ang sarili ko na mahalin at maging ama sakanya, babalikan ko siya. Baka doon palang ako maging mabuting ama sakanya. Gusto ko siya alagaan at mahalin gaya ng pagmamahal sakanya ni Angela pero hindi ko pa maibibigay sakanya 'yon, hindi pa ngayon." pinikit ko ang mga mata ko at pilit na ikinubli ang aking pagtangis. Pakiramdam ko ang sama-sama ko, napakasama at napakawalang kuwenta kong ama. Walang pa kamuwang-muwang ang bata sa paligid niya pero agad niya nang pinagdudusahan ang mundong sinilangan niya.

"Pasensya na anak. Patawarin mo si daddy. Aalis ako at iiwan kita pero nangangako ako na babalikan kita. I love you, anak. I love you." bulong ko sa aking isip.

"Kayo na muna ang bahala sakanya." nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng Cathedral kung saan nakaburol si Angela.

Sinalubong ko ang pagbuhos ng ulan. This symbolizes my tears which continuously dripping over my face. Nakikiayon ang langit sa pinagdadaanan ko ngayon.

Marahil naglalakad ako sa pinakamadilim na sandali ng aking buhay pero pagkatapos ng dilim, darating ang bagong liwanag at bagong pagasa. At pagkatapos ng ulan, uusbong ang mga damo at bulaklak na siyang kukulay sa bago kong buhay na wala si Angela, ang tanging babae na minahal ko sa buong buhay ko.

Muling kaming pinaghiwalay ng panahon pero binigyan nila ako ng isang pangako. Isang pangako na sa dulo ng buhay ko, muli kaming magkakasama sa isang magandang lugar at hindi na kami muling magkakahiwalay pa.





~••~
The End
~••~




......................................................

Please Vote and Comment

......................................................

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 257 7
All her life she only wants three things and that includes her mother's happiness, a peaceful life and travel around the world. For Hexxin Amanadayle...
272K 3.4K 35
WARNING This story is not suitable for minors. But if gusto mo talaga basahin, bahala ka. "YOU'RE MINE ATASHA. Simula ng maangkin kita, akin ka na...
6.2K 158 42
When her parents get divorced her mother met a new man that can make them happy,they decided to get married, that's when he and she met. but is it ok...
198K 5.7K 33
~UNDER EDITING~ A story of a woman who went to a bar just to have 'fun'. Ends up being with a terrible and horrible man, just like a predator waiting...