Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 26: Olats

72.8K 3.2K 697
By blue_maiden

Olats

Sabi nila kapag ang paghanga ay lumagpas ng three months, love na raw 'yon at hindi na lang basta crush.

Wala pa namang isang linggo 'tong nararamdaman ko para kay Scion kaya panigurado ay paghanga lang ito. At bago pa man mauwi sa kung ano ito ay pipigilan ko na ang sarili ko dahil hindi pwede.

Imposible.

"Natapos ko nang basahin lahat ng libro mo rito, meron bang silid aklatan malapit dito?" Tanong ni Scion.

Matagal ko na rin naisip na dalhin siya sa mga library kaso wala pa akong mahanap na oras para doon. Hindi ko naman siya basta iwan doon na mag-isa.

"May napakalawak na library sa Baguio. Doon mas maganda magbasa."

Tinignan niya ang gitara ko, "Tingin mo ba mananalo tayo mamaya?"'

Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko naman kasi napakinggan 'yong ibang tumugtog kahapon pero naniniwala ako sa ganda ng boses niya. Sana nga talaga ay manalo kami para mahanap na namin ang Polaris.

"Magdasal na lang tayo," sambit ko, actually kagabi ko pa ginawa ang bagay na 'yon. "Ready ka na ba?"

Ngumiti siya at tumango lang.

Minsan kapag napapatingin ako sa pagka-asul ng mga mata niya ay hindi ko maiwasan na mapatitig. Kumakalma ako sa tuwing nakikita ko iyon.


"May dumi ba sa mukha ko?"

Niyugyog ko ang ulo at tumalikod sa kanya. Madali nga pala siyang makaramdam nang kung ano sa paligid niya kaya kailangan ko nang pigilan ang sarili ko sa pagtitig sa kanya. Baka mahalata na niyang may gusto na ako sa kanya. Baka maging awkward na kami sa isa't isa kapag nalaman niya.

"Pakuha na lang ng gitara, mauuna na akong bumaba para magpaalam kay auntie."

Nagmadali akong bumaba para magpaalam kay Auntie pero laking gulat ko dahil wala siya sa kwarto niya. Saan na naman kaya siya nag punta? Napapadalas na ang pag-alis niya. Dapat ba akong ma-alarma?

****

Mas malakas ang kaba ko ngayon. Mas madaming tao ang nandito at talagang totoong laban na ito.

Nakadagdag pa sa kaba ko ang pagiging huli namin. Nakita ko kasi ang mga unang nag-perform at ang gagaling nila. Talagang sanay na sila sa mga ganitong contest, samantalang kami ni Scion ay baguhan pa lang.

"Kaya na'tin 'to," bulong niya habang tinatapik-tapuk ang likod ko. "Mananalo tayo, pangako ko 'yan." Kumindat pa siya habang ngumingiti.

Gusto niya ba talaga akong mahulog sa kanya? Minsan pakiramdam ko inaakit niya ako pero syempre biro lang, no. Minsan lang talaga kakaiba ang charm niya.

Ipinakilala kami ng host at lahat sila ay nagpalakpakan. Natuwa ako nang makita ko si Cooper at Fashia sa malayo. Kahit papano ay nabawasan ang kaba ko.

Kailangan kong mag-focus. Kailangan naming manalo rito. Kailangan ng matigil ang kahibangan ko.

Sinimulan ko na ang pag gitara ko.

Muling nagpalakpakan ang mga tao at hindi ko napigilan na mapangiti. Ang sarap sa pakiramdam na may nakaka-appreciate ng talent mo. Ang tagal ko na kasing hinahanap 'yon sa pagsusulat ko pero hanggan ngayon ay iilang tao lang ang nagagandahan sa mga isinulat ko.

Buong puso ang pagkanta namin ni Scion. Siya humuhugot kay Weiming pero ako humuhugot sa kanya.

Nagkatinginan ulit kaming dalawa pagkadating sa Chorus.

"Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"

Tinuloy ko ang pag gitara at pagkanta pero biglang natigilan si Scion. Natulala siya at nakatingin siya sa malayo.

Sinubukan kong tignan kung kanino siya nakatingin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jasmine, ang babaeng kamukhang kamukha ni... Weiming.

Anong ginagawa niya rito?

"Nandito siya..." sambit ni Scion.

Naghihintay ang lahat sa pagkanta niya pero halos hindi siya makagalaw sa kinakauupuan niya.

Itinuloy ko na lang ang kanta.

Akala ko magiging maayos ang lahat pero dahan-dahang tumayo si Scion at bumaba ng stage. Naglakad siya papunta sa kinakatayuan ni Jasmine.

Nakatingin sa kanya ang mga tao.

Nagulat ang lahat nang bigla niyang yakapin si Jasmine.

Ito na naman.. ang daming karayom na naman ang tumutusok sa puso ko. Ang sakit. Masakit pa 'to kesa nang makita ko si Liam na nagtaksil sa akin. Pero hindi siguro dahil 'to sa pagyakap ni Scion sa babaeng 'yon. Dahil ito sa kahihiyan na ibinigay niya sa akin at dahil sa pangalawang pagkakataon ay naiwan ako sa ere para sa iba.

Nagbubulungan na ang mga tao at para makadagdag pa sa kahihiyan ko ay nakita ko si Liam at Tyra na nakatingin din kala Scion.

Tawang bruha 'tong lintang babae na 'to. Tuwang-tuwa siguro sila sa nakikita nila.

Sumigw si Jasmine at itinulak niya palayo si Scion. "Anong ginagawa mo? Ayos ka lang ba?" Irita niyang sabi.

"Prinsesa, ako ito. Hindi mo na ba ako maalala?"

Para siyang tanga. Hindi. Tanga talaga siya dahil hindi naman si Weiming ang nasa harapan niya.

"What the hell are you talking about?"

Magpupumilit pa sanang lumapit sa kanya si Scion pero hinarangan na siya ng mga bouncer. Lumapit na si Cooper sa kanya para ilayo siya.

Nagpasya na rin akong dalhin nag gitara ko at umalis. Minsan na nga lang ako maging masaya sa isang bagay tapos kukunin naman agad.

Sinundan ko sila Cooper sa labas.

Ayaw pa rin magpaawat ni Scion pero dalawa ang humahawak sa kanya. Kinakalma ko ang sarili ko dahil ayokong magalit pero talagang nanginginig ang buong katawan ko.

Nangako pa siyang mananalo kami pero ano ba 'tong ginawa niya? Wala man lang kaming naging laban.

"Anong kalokohan 'yon?" Nagtaas na ako ng boses. Hindi ko 'yon mapipigilan. Ang laking kahihiyan ang ginawa niya kanina.

"Nandito si Weiming!" Sigaw niya.

"Hindi siya si Weiming! Siya lang ang pinag gayahan ko sa mukha ni Weiming pero hindi siya ang Prinsesa, naiintindihan mo ba?"

Umiling iling siya at dahan-dahang umupo sa semento. Niyakap niya ang mga tuhod niya at doon na siya umiyak.

Ramdam ko sa pag-iyak niya ang sakit na nararamdaman niya. Gano'n niya talaga kamahal si Weiming para kahit sa taong kamukha lang niya ay halos mabaliw na siya.

Litong lito ang mukha ni Fashia. Hindi ko pa napapakilala sa kanya si Scion pero panigurado naman na nasabi na ni Copper na magkasintahan kami.

"Sabi ko na nga, e!"

Nilingon naming tatlo si Tyra. Gusto pa talaga niyang gumawa ng eksena ngayon, ngayon na wala ako sa mood na makipagtalo.

"Hindi ka talaga girlfriend ng lalaki na 'yan. I mean, come on! Ang gwapo niya tapos samantalang ikaw halos nanghihiram ng mukha sa putik."

Lumapit agad sa akin si Fashia para pigilan akong sugurin ang isang makating higad.

"Ibang babae naman pala ang mahal niya. Hindi naman nakakapagtaka, ang ganda ni Jasmine kaya sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?"

Mas inisip ko si Scion. Mas kailangan niya ng atensyon ko kaysa sa babaeng 'to.

"Ano bang pakiramdam na palagi kang iniiwan ng mga lalaking minamahal mo? Masakit hindi ba?" Tumigil siya sandali para tumawa nang malakas. "Ikaw naman kasi, e. Palagi mo na lang ipinag pipilitan ang sarili mo sa mga lalaki. Serenity honey, walang magmamahal sa'yo dahil isa kang patapon na babae! You are a trash!"

Humakhang si Fashia para sugurin si Tyra pero pinigilan ko siya. Laban ko 'to kaya ako ang tatapos nito.

"Trash? Gusto mo talagang malaman kung anong pakiramdam na nasa basurahan? Sige, ibibigay ko!"

Tumakbo ako papunta sa kanya. Wala akong pakialam kung nasa likod niya si Liam. Mas mabuti ngang makita niya kung anong gagawin ko sa girlfriend niyang walang kasing sama.

Ubos na ang pisi ko kaya hinding hindi ko na pipigilan ang sarili ko na bigyan ng leksyon ang babae na 'to.

Hinila ko ang buhok niya at hinila ko siya papunta sa malapit na basurahan. Walang kahit sinong pumigil sa amin, hindi kahit si Liam. Subukan lang nila dahil isasama ko sila sa pagngudngod ko sa babaeng 'to!

"Trash pala, ha?"

Ibinigay ko ang buong lakas ko para ingudngod ang mukha niya sa mabaho at nakakasulasok na basurahan.

"O, ayan ang trash! Lamunin mo! Bagay naman kayo, pareho lang kayong basura!"

Halos mabulunan na siya ginagawa ko. Pasalamat na lang siya at mabait pa rin ako dahil hindi ko hinayaan na mamatay siya sa basurahan.

Nilapitan siya ni Liam para tulungan.

"Xiang-"

Pinutol ko agad ang sasabihin niya, "Wala ka nang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko na 'yan. Tandaan mo na inalis na kita sa buhay ko!"

"Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganito!"

"Matagal na akong nagbago, Liam. Simula nang saktan at lokohin mo ako, namatay na ang Xian na kilala mk. Hindi na ako 'yong babaeng patay na patay sa'yo. Hindi na ako, yon. Tandaan mo 'yan."

Tinalikuran ko siya at hinarap ang totoo kong problema.. si Scion.

Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin siya sa sahig at umiiyak. Hindi pa rin nawawala ang galit kaya nakiusap ako kay Cooper na alalayan niya ako para itayo si Scion at iuwi sa bahay.

"Fashia, umuwi ka na. Ayokong gabihin ka sa labas at baka pagalitan ka pa ng daddy mo," sambit ko. Ayoko rin muna siyang madamay sa gulo na 'to.

"Sigurado ka ba? Kaya ko naman tumulong."

Ngumiti ako at niyakap siya, "Ang dami mo ng tulong sa akin. Sige na umuwi ka na, mag-iingat ka."

****

Wala pa rin sa sarili niya si Scion. Hanggang pagdating namin sa bahay ay nakatulala pa rin siya at paunti-unting tumutulo ang mga luha sa mata niya.

Ang asul niyang mata ay nagkulay abo na. Iyon nga siguro ang senyales na malungkot siya.

"Iwan muna natin siya mag-isa," hinawakan ni Cooper ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng kwarto.

Wala pa rin si auntie sa bahay pero mas minabuti kong sa labas ng bahay kami mag-usap.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Cooper habang nakasandal sa pader at nakatingin sa akin.

Itinawa ko na lang ang lahat kahit na ang totoo ay nasasaktan talaga ako, "Ayos lang ako, napahiya konti pero mawawala rin 'to. Sanay naman ako na maiwan sa ere, e."

"Kahit kailan naman hindi kita iniwan sa ere, ikaw mga ang nang-iiwan sa ere d'yan."

Sapul na sapul ako sa mga sinabi niya. Wala akong pwedeng idahilan sa kanya dahil nang dumating sa buhay ko si Scion ay nawala na sa isip ko ang pagkakaibigan namin.

Dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Nagrereklamo ako sa iba pero gano'n din pala ako. Napaka walang kwenta ko ba talagang tao?

Ito na naman ang mga luha ko.

"Xiang.." sinamahan ako ni Cooper sa kalungkutan ko. Umupo rin siya sa tabi ko at marahang ginulo ang buhok ko. "Naiintindihan kita kaya h'wag kang mag-alala. Pero may gusto lang akong malaman.."

Nagtagpo ang mga mata namin. Bago siya magsalita ay pinunasan niya muna ang mga luha ko.

"Ano 'yon, Cooper?"

"Sabihin mo sa akin ang totoo.. may gusto ka na ba kay Scion?"

Umiwas agad ako nang tingin sa kanya. Tumawa ako sa hindi ko alam na dahilan, iyong tawang halata namang pilit. Ganito ba ako maging indenial?

"Ano bang sinasabi mo? Paano ako magkakagusto sa isang tao na hindi naman talaga nag e-exist? Tska magkaugali kaya sila ni Liam kaya paano ako magkakagusto sa kanya?"

Natahimik siya sandali. Unti-unti ko siyang tinignan at nakatingin siya sa langit na puno ng mga bituin.

"Alam ko kung paano mo tignan si Liam noong mga panahon na mahal na mahal mo pa siya at nakikita ko ulit 'yon pero ngayon kay Scion."

Kung may tao man na mas nakakakilala sa akin maliban sa sarili ko, 'yon ay si Cooper. Bata pa lang kami ay nagsasabihan na kami ng mga problema o nang kung ano pa man na pwedeng pag-usapan. Hindi pala talaga uubra ang pagsisinungaling ko sa kanya.

"Oo, nagugustuhan ko na si Scion at tingin ko nga unti-unti na akong nahuhulog sa kanya pero alam kong mali.. alam kong hindi tama."

Nagsimula ulit pumatak ang mga luha sa mata ko. Konti na lang siguro ay magiging manhid na ako sa sakit.

"Hindi mali ang magmahal pero mali na mahalin ang taong hindi ka kayang mahalin pabalik."

Alam ko naman 'yon, kaya nga mali ang mahalin ko si Scion dahil hindi niya ako mamahalin pabalik. Iisa lang naman ang nasa puso niya at 'yon ay si Weiming.

"Pero alam mo, hindi kita masisisi.. kahit naman ako, e. Nagmahal din ako ng taong alam kong kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin pabalik."

Ngumiti siya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Iilang beses ko lang siyang nakitang umiyak pero ngayon ang pinakamasakit sa lahat.

Gusto kong isipn na hindi ako ang taong tinutukoy niya. Kahit kailan ay hindi ko gustong saktan ang damdamin niya. Sinubukan ko rin naman siyang mahalin noon pero mas nangingibabaw pa rin ang pagiging matalik naming magkaibigan.

"Sa oras na mahalin mo na talaga siya ay sabihin mo sa kanya dahil ayokong magsisi ka sa huli na katulad ko. Ayokong mawala sa'yo ang pagkakataon na masabi ang nararamdaman mo."

Sumandal ako sa balikat niya at dahan-dahan ko siyang niyakap.

Ito ang dahilan kung bakit mas minabuti ko na maging magkaibigan na lang kami, dahil ayoko siyang mawala sa buhay ko.

"Salamat dahil nand'yan ka palagi sa tabi ko.. Cooper."

Bumigat ang mga mata ko.

Hindi lang katawan at utak ko ang pagod, pati na rin ang puso ko.

Bakit kaya ang utak, pwedeng turuan? Pero ang puso ay hindi.

---

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 494K 80
β—€ SEMIDEUS SAGA #04 β—’ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
114K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
8.7K 493 62
Si Cheryza Alustre ay mahilig gumawa ng facebook account at isa siyang roleplayer kung saan marami na siyang nakilalang kaibigan sa internet. She val...
3.8M 228K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...