Polaris (Published under Indi...

بواسطة blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... المزيد

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 23: Libing
Kabanata 24: Practice
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 25: Nalilito

75.9K 3.4K 676
بواسطة blue_maiden

Nalilito

Ano ba kasing katangahan 'tong ginawa ko? May pa-iyak iyak pa akong nalalaman kanina. Nakakahiya sa mga tao at lalo kay Scion. Ano kayang iniisip niya ngayon?

"Good job guys, I'll see you again tomorrow. Galingan niyo ha, hindi na practice bukas dahil totoong laban na." Sambit ng may-ari ng bar sa amin.

Nauna akong lumabas dahil nahihiya pa rin ako kay Scion. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Tingin niya siguro ang weird kong tao o baka na turn off siya sa akin? Pero ano bang pakialam ko sa nararamdaman niya para sa akin?

"Xiang!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Dalawa lang naman silang tumatawag sa akin sa pangalan ko na 'yon.

Huminto ako sandali para tignan kung sino 'yon.

Nagulat ako nang makita ko siya. isa pa 'to si Cooper. Wala rin akong mukhang maiharap sa kanya. Nagiging wala na akong kwentang best friend sa kanya. Hindi ko na masabi sa kanya lahat nang nangyayari sa akin.

"Sumali pala kayo sa contest?"

"Oo, kailangan kasi namin 'yong pera na premyo rito. Pasensya na ha, hindi ko nasabi sa'yo 'to. Patong patong na kasi 'yong mga nasa isip ko ngayon."

Ginulo niya ang buhok ko, ang bagay na miss na miss ko na sa kanya. Hinila niya pa ako papalapit para yakapin nang mahigpit, "Sana matapos na ang lahat ng 'to, miss na miss na kita."

"Sana nga.."

Hahang yakap ako ni Cooper ay papalapit naman sa amin si Scion. May kakaiba sa mukha niya pero hindi ko masabi kung ano 'yon. Ang hirap kasi basahin ng nasa isip niya.

Sa pag-ubo ni Scion ay napabitaw ako sa pagkakayakap kay Cooper.

"Tapos na ba kayo?" Tanong niya.

"Tapos saan?" Sabay naming tanong ni Cooper.

"Sa pagyayakapan niyo? Gutom na kasi ako, e."

Napakamot ng ulo si Cooper, tinignan niya ako habang bahagyang nakangiti. Lumapit siya sa tainga ko para bumulong, "Masyado niya atang sineseryoso ang pagpapanggap niyo."

Napataas ang kilay ko, "Anong pagpapanggap?"

"'Yong pagiging magkasintahan niyo. Isa lang 'yong pagpapanggap, hindi ha? Imposible naman na maging nobyo mo ang isang taong hindi nag e-exist sa mundo natin."

Ah.. oo, pagpapanggap lang ang lahat.

"Pwede na ba tayong kumain?" Atat na tanong ni Scion.

"Hayaan mo na lang, matatapos na rin ang lahat ng ito." Sambit ko.

Sa oras na maibalik ko na siya sa libro ay mawawala na rin ang kakaibang nararamdaman ko na ito. Kailangan kong paalalahanan palagi ang sarili ko na hindi nabubuhay si Scion sa mundo namin kaya hinding hindi ako pwedeng mahulog sa kanya.

Sa paboritong takoyaki house ni Cooper kami nagpasyang kumain. May bonus daw siya sa trabaho kaya ililibre niya kami.

Nagulat kami pareho ni Cooper dahil sa lakas nang pagkain ni Scion. Hindi ko na nga inubos ang pagkain ko para maibigay sa gutom na gutom na Captain warrior na 'to. Ayoko naman mapagastos nang malaki si Cooper.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pagkakaluto sa pugita. Pwede mo ba akong turuan kung paano ito ginagawa? Para sa oras na bumalik ako sa Qin dynasty ay makakain pa rin ako nito."

Ito naman ang gusto ko hindi ba? Ang bumalik siya sa mundo nila at para na rin matapos na ang mga problema ko pero bakit parang nalulungkot ako.

"Ayos ka lang ba, Xiang?" Tanong ni Cooper. "Hindi mo na naubos ang pagkain mo. May iba ka bang gustong kainin?"

Umiling ako at ibinigay ko sa kanya ang natitira kong pagkain.

"Pakiramdam ko busog pa ako kaya ikaw na lang ang kumain niyan. Alam ko naman na paborito mo 'yan."

Tinignan lang ako ni Cooper at hindi niya ginagalaw ang pagkain na ibinigay ko sa kanya. Sa mga tingin niya ay alam ko nan nag-aalala siya.

"Pwede bang sa akin na lang?" Pareho kaming napatingin kay Scion. "Gutom pa ako, e."

Sa dami ng kinain niya ay hindi pa rin talaga siya nabubusog? May halimaw ata sa loob ng tiyan niya.

Sa munod nila ay hindi siya malakas kumain. Ayaw niya kasing pumangit ang katawan niya. Isa kasi sa katangian na gusto ni Weiming ay ang may matipunong pangangatawan. Teka, ang arte niya pala sa part na 'yon.

Lumapit muli sa akin si Cooper.

"Ano na ang plano mo para matapos ang lahat ng ito?" Bulong niya.

Napabuntong hininga ako, sa totoo lang kasi ay hindi ko talaga alam kung ano ba ang tamang gawin para matapos na ang problema ko. Lalo na ngayon na wala na sa akin ang libro ng Polaris.

"Asan na ang libro na nakuha mo sa Baguio? Siya lang ang magiging susi para matapos na 'tong kababalaghan na ito."

Hindi kami pinapansin ni Scion dahil busy siya sa pag-ubos ng takoyaki. Umorder pa siya ng isa pang plato. Buti na lang at may extra pa akong pera.

"Iyon ang problema, nawawala ito at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin."

Kumunot ang noo niya, "baka naman nandoon siya sa lugar kung saan mo siya nakuha, sa Baguio."

"Naisip ko na 'yan kaya nga sumali kami sa contest para may pamasahe at pang gastos kami papunta doon."

Idagdag mo pa ang ipangbabayad ni Scion kay auntie buwan-buwan. Pagkatapos ng contest na ito ay kailangan niyang maghanap ng trabaho kung sakaling hindi pa rin namin nahahanap ang libro.

"Hindi ba sabi ni Kuya Sanchi kapag gusto mong bumalik sa Baguio ay tawagan mo lang siya. Baka naman pwede kang humingi ng tulong sa kanya."

"Sinubukan ko na 'yan pero wala siya sa kanila. Mas madali nga sana ang lahat kung nakausap ko lang siya."

Asan nga kaya siya? Hindi niya rin sinasagot ang nga tawag at text ko. Ayos lang kaya siya?

"Sabihan mo ako kung kailan kayo pupunta sa Baguio dahil sasama ako. Hindi ako mapapanatag dito sa Maynila gayong alam ko na pwede kang mapahamak doon."

Niyakap ko siya. Kahit na naging walang kwenta akong kaibigan sa kanya ng mga nagdaang araw ay hindi pa rin siya nagbabago sa akin. Masaya ako na naiintindihan na niya ako ngayon at meron na akong pwedeng pagsabihan ng mga problema ko.

Naubo nang malakas si Scion, mukhang nabulunan pa ata. Tumayo agad si Cooper para itulak ang tiyan at nang lumabas ang nakabara sa lalamunan niya.

"Ayos ka lang ba, pre?"

Umubo-ubo pa siya bago siya tumayo, "Captain, iyan ang itawag mo sa akin."

Seryoso ba siya sa mga inaasal niya? Hindi man lang siya nagpasalamat at tinarayan pa niya talaga, ha. May problema ba siya kay Cooper?

Pambihira talaga 'tong lalaki na 'to. Minsan mabait pero minsan hindi mo maipinta.

Sinundan na lang namin siya sa labas.

"Pasensya ka na sa kanya," bulong ko kay Cooper. "Minsan talaga wala siya sa hulog."

"Alam mo minsan nakikita ko sa kanya si Liam," natigilan ako sa sinabi niya.

Gano'n ba 'yon ka obvious?

"Oo, pareho silang gago."

Umiling siya at natawa. "Hindi 'yong mga masasamang ugali ni Liam ang nakikita ko sa kanya. 'Yong pagiging seloso ng ex-boyfriend mo."

Pagiging seloso? Kanino naman siya magseselos at bakit?

Hindi ko na naitanong pa kay Cooper ang ibig niyang sabihin dahil tumawag na sa kanya ang nanay niya at pinagmamadali na itong umuwi.

Pagka-alis niya at biglang hinawakan ni Scion ang kamay ko. Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa ginagawa niya kaya hindi ko na gano'n iniinda ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa tuwing hahawakan niya ako.

"Bilisan natin umuwi dahil malapit ng magdilim," seryoso ang boses niya. "Baka may sumunod na naman sa atin at mapahamak ka pa."

Napangiti ako nang bahagya sa sinabi niya. Kung ano man ang rason niya kung bakit ayaw niya akong mapahamak ay hindi mahalaga pa. At least, may concern siya sa akin.

Mahalaga na kaya ako sa kanya?

Ano kaya ako para kay Scion?

Importante pa ba 'yon? Hindi naman siya magtatagal sa buhay ko. Aalis din siya katulad ng ibang taong dumaan sa buhay ko.

"Bakit ngayon lang kayo?" Bungad ni Auntie.

Nagkatinginan kami ni Scion. Bago ko mabuksan ang bibig ko ay nakapagsabi na siya ng alibi, "Sinamahan po ako ni Serenity ayusin ang bank account ko dahil nagkaroon po ng kaunting problema pero h'wag kayong mag-alala, pagkatapos ng ilang araw ay makukuha ko na rin ang pera ko doon."

Pumapalakpak na naman ang tainga ni auntie. May dollar sign na akong nakikita sa mga mata niya. Buti na rin para good mood siya.

"Ayos lang 'yan, Scion. Mabuti ay kumain na kayo at naghanda ako ng hapunan."

Ngayon na lang ulit ako nakatikim ng luto ni auntie, salamat kay Scion. For sure naman dahil sa pera ang kabaitan na ipinapakita niya ngayon sa amin pero iniisip ko na lang na ito talaga ang good side niya. Ang sabi nga ni lola, h'wag kong sukuan si auntie dahil balang araw ay magbabago rin siya.

Ginawan pa niya kami ng leche plan.

Napalitan ng kaba ang tuwa na nararamdaman ko. Paano na lang kapag bumalik na si Scion sa libro at wala na ang inaasahan niyang pera? Babalik siguro ulit siya sa pagiging halimaw.

Pinaakyat na niya kami sa itaas. Siya na raw ang bahala sa mga pinagkainan namin.

Susulit ko na lang ang mga araw na 'to, ang araw na ako naman ang pinagsisilbihan niya.

Humiga na agad ako sa kama ko. Kada araw mas tumitindi ang pagod ko. Mas mahirap pala kapag ang utak mo ang pagod at hindi ang katawan mo.

"Mahilig ba talaga kayong magyakapan ni Cooper?" Biglang tanong ni Scion habang nakaupo sa computer chair ko. "Hindi ba ginagawa lang iyon ng mga magkasintahan?"

Napaupo ako sa mga tanong niya. Ang akala kong itatanong niya sa akin ay kung bakit ako umiyak kanina.

"Malapit lang talaga kami sa isa't isa kaya kahit magyakapan kami magdamag ay ayos lang. Isa pa, hindi lang magkasintahan ang gumagawa noon, no. Pwede mo iyon gawin sa kapamilya o kaibigan mo."

Tinitignan niya ako at tila ba titignan niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Hindi ka ba talaga nagkagusto o nahulog kay Cooper?"

Natawa ako sa mga pinagsasasabi niya. Ano bang point niya sa pagtatanong na ito?

"Best friend ko lang siya at hanggang doon na lang 'yon. Kay Liam lang ako nagkagusto at nahulog."

Dahan-dahan siyang tumango, tingin ko naman ay kumbinsido siya sa mga sagot ko. Totoo naman talaga ang lahat ng sinabi ko.

"Pero alam mong may gusto sa'yo ang best friend mo? Baka nga mahal ka na niya nang higit pa sa kaibigan lang."

Sa totoo lang hindi ko talaga alam dahil pinili kong isara ang nararamdaman ko para sa kanya dahil mas mabuting maging magkaibigan lang kami. Kaya kung may mga panahon man na nagpaparadaman siya ay hindi ko iyon nakikita.

Mas gusto ko hanggang dito na lang kami dahil mas magtatagal kaming magkasama kapag ganito lang ang istado ng relasyon namin.

"Kaibigan ko lang siya, tapos," diin ko.

Nagkibitbalikat siya at tumalikod sa akin. Nakatingin siya sa lyrics ng kinanta namin kanina.

"Iyong kinanta natin kanina, ang lalim ng mga liriko, sabihin mo.. para ba 'yon kay Liam?"

Para nga ba kay Liam o para sa'yo?

Hindi ko siya sinagot. Humiga ulit ako sa kama ko. Akala ko ay tatantanan niya ako pero tumabi siya bigla sa akin.

"Anong ginagawa mo?"

Nakaupo siya sa tabi ko habang nakatapat ang mukha niya sa mukha ko, "Sabihin mo, mahal mo pa ba si Liam? Kaya ba umiyak ka kanina habang kumakanta?"

Mas mabuti na siguro na iyon ang maging dahilan ko kaysa sa dahilan na nagkakagusto na ako sa kanya.

"Hindi talaga mabilis maghilom ang puso kaya minsan talaga nasasaktan na lang ako bigla dahil sa kanya."

Umiling iling siya at halatang dismayado.

"Maganda ka, mabait at maaalahanin kaya hindi ka mahihirapan na makahanap ng ibang lalaking magmamahal sa'yo ng tama. Ang payo ko sa'yo ay kalimutan mo na siya at maging masaya ka na."

Ginulo niya ang buhok ko, pero hindi ito kagaya ng ginagawa ni Cooper dahil pagkatapos niya sa buhok ko ay pipisilin niya nang bahagya ang ilong ko.

"Seryoso ako, karapat-dapat kang maging masaya. Hindi man ako nanalangin pero makikiusap ako sa bathala na ibigay niya sa'yo ang magagandang bagay."

Kahit kailan ay hindi nasabi sa'kin ni Liam ang mga bagay na sinabi niya. Kahit sino maliban sa kanya.

"Matulog ka na, kailangan natin ng lakas para bukas. Kailangan natin manalo bukas para makapunta na tayo sa Baguio at para mahanap na natin ang Polaris."

Mukhang gustong gusto na niya talagang bumalik sa mundo niya. Hindi ba siya nasiyahan dito sa Earth? Kung tutuusin ay mas advance ang mundo na ito kaysa sa mundo nila.

Umiwas ako ng tingin sa kanya kahit na ang sarap titigan ng asul niyang mga mata na lumiliwanag tuwing gabi.

"Paano kung ibalik kita sa mundo niyo pero si Chaun pa rin ang makakatuluyan ng Prinsesa Weiming? Mas gugustuhin mo pa rin ba na bumalik?"

Tinanon ko 'yon habang nakatigin ako sa kisame. Tingin ko kasi alam ko na kung ano ang isasagot niya sa akin.

"Kung mas karapatdapat si Chaun kaysa sa akin ay tatanggapin ko. Kung mas sasaya ang prinsesa sa kanya, kahit masakit ay tatanggapin ko. Masaya na ako kahit makita ko lamang siya sa malayo. Iyon lang ay sapat na para magkaroon ako ng lakas para mabuhay."

Sabi nga sa bibliya, "Love always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails."

Hindi katulad ni Liam, ang pagmamahal ni Scion para kay Weiming ay walang hanggan.

"Matulog ka na, Serenity."

Tumayo siya at dumiretso sa sofa. Nakatalikod siya sa akin habang nakahiga. Siguro ay pinagmamasdan niya ang mga bituin.

Tumalikod rin ako sa kanya para hindi niya makita ang pag-iyak ko.

Alam ko sa sarili ko na nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para kay Liam kaya hindi siya ang dahilan ng pag-iyak ko kanina..

Si Scion ang dahilan ng mga luha ko.

Hinawakan ko ang kanang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Para na naman kasi siyang tinutusok ng daan daang karayom.

Bakit ba kasi ako nahulog sa taong may mahal namang iba?

Sa tao na kahit kailan ay hindi ko pwedeng mahalin.


---

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

56.2K 1.7K 64
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
Song of The Rebellion بواسطة Yam

الخيال (فانتازيا)

9.9M 494K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...