The Kiss That Will Lasts Fore...

By LadyAkira

21.8K 556 123

[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007... More

Prologue:
Chapter 1: "Hindi ako buntis?"
Chapter 2: Morning sickness
Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?
Chapter 4: Ang Intern
Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!
Chapter 6: Little Xiang Qin at Little Zhi Shu
Chapter 7: Time of death...
Authors Note
Chapter 8: Nilalagnat si Zheng Chen
Chapter 9: Ikaw ang boyfriend ko!
Chapter 10: You're now my assistant
Chapter 11: She's mine now
Chapter 12: Our first night
Chapter 13: Sa mall
Chapter 14: Asawa mo ako
Chapter 15: Yung hairclip
Chapter 16: Nananaginip ka lang
Chapter 17: Top 1 and Top 2
Chapter 18: Buntis si Christine
Chapter 19: Gutom na ako
Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya
Chapter 21: She's born with it
Chapter 22: Hindi kita papagurin
Author's Note:
Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen
Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang
Chapter 25: Magkamukha o mag-ama
Chapter 26: Good Tree
Chapter 27: Ayaw ko
Chapter 28: High Royalty Residence
Chapter 29: Good night kiss
Chapter 30: One day miracle
Chapter 31: Ah Nou's Mission
Chapter 32: Unexpected Event Place
Chapter 33: Jun Ya's Side Story
Chapter 35: My Angel
Chapter 36:
Chapter 37: Reunion
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:

Chapter 34: Room 29

193 8 2
By LadyAkira

Kiss 34:

(Xiang Qin's POV)

May isang babae akong nakikita ngayon sa isang malaking salamin. Nakaputi siyang damit at bagay na bagay sa kanya ang kanyang kasuotan. Nakapony tail ang kanyang buhok. Light lang ang kanyang make-up. At makikita mo sa kanyang mukha na masayang masaya siya.

Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba itong nakikita ko? Waaah! Hindi ko maitago ang aking kagalakan.

"Xiang Qin... dyan ka na lang ba sa harap ng salamin?" Napatingin ako kay Zhi Shu na nakasandal sa may pinto habang nakacross arm siya sa akin. "Tara na."

"Okay!"

Sa wakas, after ng mahabang pahinga ay ito magtatrabaho na ulit ako. Dumaan muna kami sa kwarto ng kambal at binigyan sila ng matatamis na halik saka kami bumaba. Ibinigay na sa akin ni Mama ang packed lunch namin. Sabay na kami ni Zhi Shu na pumunta sa hospital gamit ang sasakyan niya. Pagdating namin sa hospital ay dumiretso muna kami sa office ni Zhi Shu para ilagay dun yung bag ng packed lunch namin. Sinabi sa akin ni Zhi Shu na may dalawa siyang major operation ngayon, kaya pinapapunta niya muna ako sa head nurse namin para sa duties ko kasi baka manibago raw ulit ako.

"Ano ka ba Zhi Shu! Ako yata si super nurse Xiang Qin!"

"Hala, hala, sige na. Malelate ka na." Tapos hinalikan niya ako sa noo.

Umalis na ako sa office ni Zhi Shu at dumiretso sa head nurse. Kinamusta naman ako ng head nurse namin tungkol sa pagiging isang ina. Sinabi ko sa kanya na sa una mahirap pero ngayon ay kinakaya. Natutuwa naman siya sa kalagayan ko. Sa ngayon ay yung dati kong load sa trabaho noong nag-uumpisa pa lang ako rito ang binigay niya sa akin. Katulad ng pag-uuli sa mga ward upang icheck ang mga pasyente at pagpapalit ng mga bedsheets. Pagkatapos akong kausapin ng head nurse ay pumunta na ako sa station ko at iniligay ko na ang bag ko sa locker nang biglang nandilim ang paligid ko dahil may isang kamay ang nagtakip dito. Kaya naman ay nagsisigaw na ako. Tapos bigla niyang tinakluban yung bibig ko na naging dahilan para kagatin ko siya.

"Aray! Xiang Qin!!" Kumawala na siya sa akin.

"Surprise!!" Tapos bigla silang sumulpot sa harapan ko.

"Waaahhh!! Nina, Zhi Yi!!" Niyakap ko sila.

"Hoy!" Napatingin naman ako kay Gan Gan tapos bigla niyang hinawakan yung pisngi ko. "Bakit mo ako kinagat?!" Panggigil niya sa akin.

"Aaaa! Gan Gan!" Pinagpapalo ko yung kamay niya at tumigil na siya sa pagpisil sa pisngi ko.

"It's good you're back!" Tuwa rin niyang sabi.

"Hmp! May ibubully ka na kasi ulit! Tch! Eyy... si Qi Tai, na saan?"

"Wala pa, panggabi siya ngayon." Agad namang sabi ni Nina.

"Xiang Qin, masaya ako na bumalik ka na." Nakangiti naman na sabi sa akin ni Zhi Yi.

"Ako rin."

(Hao Mei's POV)

May tinuturo ngayon yung teacher namin tungkol sa isang psychologist, si Erik Erikson.

"The first stage of Erik Erikson Psychosocial Stage is the Trust vs. Mistrust. During this stage, the infant is uncertain about the world in which they live. To resolve these feelings of uncertainty, the infant looks towards their primary caregiver for stability and consistency of care. If the care the infant receives is consistent, predictable and reliable, they will develop a sense of trust which will carry with them to other relationships, and they will be able to feel secure even when threatened."

Todo take down notes ako sa sinasabi ng Prof. namin. Isa ito sa mga kailangan namin pag-aralan. Dapat alamin namin ang bawat stages na pinagdaanan ng mga tao ng sa ganun ay upang madali naming maintindihan ang pag-uugali ng bawat isa, lalong lalo na ang mga magiging estudyante namin. Sa totoo lang, wala akong maintindihan pa sa mga pinagsasabi ng Prof. namin. Magiging isang teacher kaya ako nito?

Natapos na ang klase namin kaya naman ay iniunat ni Ah Nou ang kanyang mga braso at ipinatong  ang kanyang katawan sa mesa niya. Sa nakikita ko sa kanya pagod na pagod ang awra niya.

"Ayos ka lang ba?"

"Hmm."

"Tara na. May next class pa tayo." Iniligpit ko na yung gamit ko at gamit niya.

Tumayo na rin siya tapos kinuha na niya yung bag niya. Lantutay ngayon si Ah Nou, bakit kaya? Hanggang sa makarating kami sa next room namin ay wala siya sa sarili niya.

"Anong nangyari diyan?" Agad na tanong sa akin ni Yu Shu pagkarating niya at tumabi na siya sa akin.

"Ewan ko nga eh."

"Nga pala, hindi ako sasabay maglunch sa inyo may meeting ang department namin."

"Okay."

Dumating na yung Prof. namin at nagsimula na yung klase. Siyempre, todo take down notes pa rin ako pero yung katabi ko... Napatingin ako kay Ah Nou nakahalumbaba lang siya at nakapikit. Samantalang si Yu Shu naman ay nakapatong lang yung dalawang kamay niya sa desk na magkadikit at nakikinig lang sa Prof. Ni halos walang notebook at ballpen siyang hawak. Napalingon sa akin si Yu Shu.

"May problema ba?" Umiling na lang ako.

Katabi ko nga pala ang top 1 at top 2. Yung isa tulog, yung isa nakikinig lang, samantalang ako ni halos hindi ko nga masundan at maintindihan yung sinasabi ng Prof. namin kahit na sinusulat ko na. Natapos yung klase namin at sinabi ng Prof. na magkakaroon kami ng quiz next meeting.

Umalis na si Yu Shu dahil may meeting pa sila kaya naman kami na lang ni Ah Nou ang nagdiretso sa canteen. Hindi umorder si Ah Nou, kaya ako na ang umorder ng pagkain niya. Inilapag ko na yung pagkain niya sa mesa.

"Ah Nou, nag-away na naman ba kayo ni Jun Ya?"

"Don't mention her." Sinasabi ko na nga ba ehh.

"Ayy naku, kumain ka na nga."

Nagsimula na akong kumain pero si Ah Nou, parang nasa kawalan.

"Ano ba kasi ang problema mo?"

"Tss!" Huminga siya ng malalim. "Ganito kasi yun..."

Hindi natuloy ni Ah Nou ang sasabihin niya kasi biglang dumating si Ru Hua. Tumabi siya sa akin at nakisabay na sa amin na kumain. Napatingin ulit ako kay Ah Nou, ano kaya yung pinagdadaanan niya?

(Xiang Qin's POV)
Kakatapos ko lang kumain. Hindi kami sabay ni Zhi Shu kumain kasi may operation siya ngayon. Niligpit ko na yung pinagkainan ko at nag-iwan ako ng isang sulat para kay Zhi Shu na nagsasabi na kumain na ako. Tapos lumabas na ako sa office niya at ipinagpatuloy ko na yung trabaho ko. Napatingin ako sa list of patients na dapat kong icheck.

"Liu Nong... sa room 29. One week in coma."

Ouch. Kawawa naman. Sino kaya yun? Pumunta na ako sa room 29. May mga pasyente ang bumati sa akin pagkapasok ko. Binati ko rin sila at kinamusta. Anim ang tao sa room 29. May dalawang bata, isang matandang lalaki at tatlong lalaki. Binasa ko yung mga pangalan na nakakabit sa kanilang kama. At yung tao na may benda sa ulo, sa kanang braso, at sa kanang paa na nakasabit sa dulong kanang bahagi ng mga pasyente ay si Liu Nong. Wah! Grabe ang sinapit ng isang ito. Nilapitan ko at tiningnan siya. Chineck ko ang kanyang pulse rate, BP, at yung IV niya.

"Pitong araw na po yang tulog." Wika naman nung bata kabilang side. "Magigising pa po ba siya?" Lumapit ako sa kanya.

"Oo naman. Magigising pa siya." Hinawakan ko siya sa ulo niya.

Matapos kong icheck yung pasyente ko ay lumabas na ako. Ang next task ko ay palitan ng mga bedsheets ang room 60-65. Pumunta na ako sa laundry room para kunin yung mga bagong labang bedsheets nilagay ko yun sa cart at dumiretso na ako sa room 60. Namiss ko rin gawin ito. Sinunod ko ng palitan ng bed sheet ang room 61 hanggang sa matapos ko ito hanggang room 65. Waah! Hindi ko akalain na nakakapagod din pala ito. Pero ayos lang. Pabalik na ulit ako sa laundry room at sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang babae na naka-hospital gown ang naglalakad habang tinutulak niya yung pinagkakabitan ng dextrox niya.

"Lin Xia?" Tapos lumiko na siya. "Si Lin Xia ba yun?"

"First day mo pa lang ulit dito ay nakatunganga ka lang diyan." Biglang may bumulong sa akin na ikinagulat ko kaya naman ay muntik na akong ma-out balance mabuti na lang ay nahawakan niya agad ako sa beywang ko.

"Zh-Zhi Shu... he he he." Itinayo na niya ulit ako.

"Tapos ka na ba sa duties mo?"

"Tapos na ako sa mga bedsheets. Tapos maya maya ay may ichecheck akong pasyente ko. Nagkain ka na ba?"

"Kanina pa. Sino yung tinitingnan mo kanina?"

"Ah. Hindi ko nga maaninag masyado kung sino, pero sa pagkakatingin ko parang si Lin Xia."

"Yung kaibigan ni Jun Ya?" Tumango lang ako. Hindi na ako nakaimik pang muli kasi may nurse na tumawag kay Zhi Shu, may isang pasyente raw sa emergency room. Kaya ayun, hinawakan lang ako ni Zhi Shu sa pisngi ko at umalis na siya.

Haayyy... ang asawa ko sobrang busy na. Sa pagitan ng life and death, always siyang to the rescue. Kaya naman... ako si Super Nurse Xiang Qin! Ready to fight! Hmm!

Tama! Kailangan ko ring magsumikap pa. Fighting! Dumiretso na ako sa laundry room. Kasunod nun ay magkasama kami ngayon ni Zhi Yi na nagchecheck ng mga pasyente. Nakakatuwa lang kasi ang totoo nan, marami kaming napapagkwentuhan ni Zhi Yi. Katulad na lang na palaging nagdadate sila Chuan Jin at Nina. Si Gan Gan naman ay napaassign sa mga seniors. Si Qi Tai naman ay may business na tinatayo kaya sa gabi lang siya naduty. Grabe! Hindi ko akalain na marami na pala ang mangyayari sa panandalian kong pagkawala rito sa hospital. Sa ngayon, halos kami lang ni Zhi Yi ang magkasama. Tinuruan niya ulit ako ng mga bagay na dapat ko ulit matutunan.

(Hao Mei's POV)
Finally! Kakatapos lang ulit ng last class namin. Aah! Ang sakit ng ulo ko. Halos lahat ng klase namin ay may quiz next meeting. Bakit sila nagsabay sabay? Ang dami pa naman nun! Naglakad na kami papuntang gate kasi sigurado kami na nag-aantay na dun si Yu Shu.

*Ting*

Bigla akong nakarecieve ng isang message mula sa Movie Club.

"Attention! To all members, we are now choosing partners for your monthly tasks. Go to studio right now."

"Ah Nou... nagtext din ba sa'yo ang movie club." Kinuha niya yung cellphone niya at tiningnan niya.

"Oo."

"Tara na."

Dumiretso na kami sa studio. Kung nakatanggap kami ng text mula sa Movie club ibig sabihin ganun din si Yu Shu kaya sigurado ako na naandun na rin siya. Sabay kaming pumasok ni Ah Nou sa studio.

"Okay, our 8th pair." Biglang nagsalita yung President namin.

"8th pair?"

"Hm! Kayong dalawa ang ika-8 na pair na pumasok. Kaya kayo ang magkapartner sa next tasks natin."

"Kami?!" Nagkatinginan kami ni Ah Nou.

"Hi, sorry we're late..." Mula sa pinto ay biglang pumasok si Ru Hua, kasunod niya si Yu Shu.

"Okay, our 9th pair." Napatingin ako kay Yu Shu.

"9th pair?"

"Oo, kayo ang magkapartner para sa next tasks."

"Pwedeng makipagpalit." Seryosong sabi naman ni Yu Shu.

"I'm sorry. First come, first serve. At isa pa, bagay naman kayo ni Ru Hua. Hindi ba galing kayo sa iisang school. Ayieeee~ High school sweethearts~" Narinig kong panunukso nila kina Yu Shu at Ru Hua.

Napayuko na lang ako. Sa totoo lang ayos lang sa akin kung may ibang partner si Yu Shu sa mga ganitong tasks hindi naman maiiwasan iyon, ang hindi ko lang matanggap ay hanggang ngayon pa rin pala ay hindi nila ako pinapaniwalaan na boyfriend ko si Yu Shu. Pakiramdam ko ay tutulo na yung luha ko.

"Are you done?" Sobrang cold na ng boses ni Yu Shu kaya nagsitigilan sila. "Uuwi na kami ng girlfriend ko."

Tapos bigla niya akong hinila. Naiwan namin dun si Ah Nou. Dirediretso pa rin ang paglalakad namin ni Yu Shu hanggang sa makalabas na kami ng University.

"Yu Shu... sandali." Huminto na siya at bigla niya akong niyakap.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, niyakap ko rin siya. Sa pagkakataong ito alam ko na maraming mga tao ang nakatingin sa amin ngayon pero ang makulong sa mga bisig ni Yu Shu, alam kong wala dapat akong ikabahala. Nawala na agad yung kakaibang pakiramdam ko kanina.

"Hao Mei, ang ayaw ko sa lahat ay yung makita kang malungkot." Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

(Xiang Qin's POV)
Salamat natapos ko na din yung mga duties ko. Dumiretso muna ako sa office ni Zhi Shu. Wala siya dun ibig sabihin hindi pa rin tapos yung operations niya. 7:30pm na. Bigla naman akong nakarecieve ng text mula kay Zhi Yi, tinatanong niya kung pwede ko ulit siyang samahan. Since hindi pa tapos ang trabaho ni Zhi Shu, kailangan ko pa rin magtrabaho kaya naman ay pumayag na ako kay Zhi Yi. Sinabi niya sa akin na magpapakain lang siya sa pasyente niya. Isang matandang lalaki ehh may pagkamataray raw.

"Anong room pala?" Muli kong tanong sa kanya.

"Sa room 29."

"Room 29? May pasyente rin ako dun."

"Ah talaga!"

Kinuwento ko sa kanya yung kalagayan ng pasyente ko na nacoma ng one week. Agad na kaming pumasok sa room 29. Ang pasyente pala ni Zhi Yi ay yung matandang lalaki na katabi ni Liu Nong. Chineck ko muna ulit yung pasyente ko. Nakita ko naman na stable naman siya. Biglang tinapon nung matandang lalaki yung kutsara na ikinagulat ko kaya napalapit agad ako sa kanya.

"Diba sabi ko na hindi ako kakain ng lugaw!!" Sigaw niya. At nagwawala nga siya. Nakita ko na paiyak na yung dalawang bata dun dahil sa inaasal niya kahit na pinapahinahon siya nung anak niya. Pinatabi ko si Zhi Yi.

"Lolo, hindi naman po ata tama na ibato mo yung kutsara. Paano kung may natamaan ka?"

"Wala naman akong natamaan ah!"

"Ehh paano nga kung meron?! At isa pa, ang doctor mo na mismo ang nagsasabi na lugaw ang kainin mo." Kinuha ko yung tray ng lugaw kay Zhi Yi. At humarap ulit sa kanya. "Paano po kayo gagaling kung hindi kayo kakain? Gusto mo pa po bang umalis dito sa hospital?" Nakita ko na napatahimik siya.

Hmm! Ako pa ang susungitan mo? Ehh mas masungit pa sa'yo si Lola Qiu!

Ilalapag ko na sana yung pagkain niya sa may side table ng biglang dumilim ang buo kong paningin. Wala na akong makita. Bakit wala akong makita?

"Block out!"

Narinig kong nagsigawan yung mga pasyente sa loob pati si Zhi Yi. Nataranta na ako kasi wala na akong makita. As in! Walang wala na. Ano na ang gagawin ko? Nanginginig na ako hanggang sa na out balance na ako at naitapon ko yung lugaw kasunod nun ang pagkaupo ko sa sahig.

"Aaaahhh!!"

-----------------
*Salamat po sa pagbabasa! 谢谢!
-LadyAkira

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 76 28
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...
339K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
48.5K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
205K 6.3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...