The Kiss That Will Lasts Fore...

By LadyAkira

21.7K 556 123

[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007... More

Prologue:
Chapter 1: "Hindi ako buntis?"
Chapter 2: Morning sickness
Chapter 3: Nagluluto si Zhi Shu?
Chapter 4: Ang Intern
Chapter 5: Xiang Qin gumising ka!
Chapter 6: Little Xiang Qin at Little Zhi Shu
Chapter 7: Time of death...
Authors Note
Chapter 8: Nilalagnat si Zheng Chen
Chapter 9: Ikaw ang boyfriend ko!
Chapter 10: You're now my assistant
Chapter 11: She's mine now
Chapter 12: Our first night
Chapter 13: Sa mall
Chapter 14: Asawa mo ako
Chapter 15: Yung hairclip
Chapter 16: Nananaginip ka lang
Chapter 17: Top 1 and Top 2
Chapter 18: Buntis si Christine
Chapter 19: Gutom na ako
Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya
Chapter 21: She's born with it
Chapter 22: Hindi kita papagurin
Author's Note:
Chapter 23: Walang pandinig si Yi Chen
Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang
Chapter 25: Magkamukha o mag-ama
Chapter 27: Ayaw ko
Chapter 28: High Royalty Residence
Chapter 29: Good night kiss
Chapter 30: One day miracle
Chapter 31: Ah Nou's Mission
Chapter 32: Unexpected Event Place
Chapter 33: Jun Ya's Side Story
Chapter 34: Room 29
Chapter 35: My Angel
Chapter 36:
Chapter 37: Reunion
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:

Chapter 26: Good Tree

212 8 3
By LadyAkira

Kiss 26

(Hao Mei's POV)
Iniwan na namin si Jun Ya sa hospital at umuwi na muna kami. Sinamahan pa rin ako ni Yu Shu sa pag-uwi. Inalalayan niya ako hanggang sa kwarto at inihiga niya ako sa kama.

"Salamat." Yun lang ang tangi kong nasabi at hinalikan niya ako sa noo ko.

"Magpahinga ka na muna."

Tumango lang ako at lumabas na siya ng kwarto. Ipinikit ko na ang mga mata ko, mga sampung minuto na ang nakakaraan ay iminulat ko ulit ang mga mata ko. Kahit na masama ang pakiramdam ko ay hindi ko maiwasan na hindi mag-isip. Sa totoo lang, hindi ako mapakali. Iniisip ko pa rin ang kalagayan ni Jun Ya.

Nakakaranas ba siya ng pambubully sa school nila?

Bigla kong naalala kagabi na halos wala siya sa mood at matamlay. Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Nawala ang pag-iisip ko ng bigla akong nakaamoy ng noodles.

Hindi pa naalis si Yu Shu?

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Dahan dahan akong pumunta sa kusina at nakita ko si Yu Shu na nagluluto. Tahimik akong umupo sa may lamesa habang pinapanuod ko siyang magluto. Hindi ko alam kung bakit, pero may bumabalot na puting liwanag kay Yu Shu. Naghahallucinate ba ako? Ang gwapo talaga niya!

"Hao Mei..." Waaahh! Ang lambing ng boses niya. Nakita kong lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. "Mainit ka pa rin. Bakit lumabas ka ng kwarto mo?"

"Nakaamoy kasi ako ng noodles. Akala ko kasi umalis ka na."

"Paano ako makakaalis dito? Ehh masama ang pakiramdam mo. Nagugutom ka na ba?" Mahinahon niyang sabi. Tumango lang ako.

"Malapit ng maluto." Tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Naalala ko, hindi ka pa pala nagpapalit ng damit. Magpalit ka na muna." Inalalayan niya ulit ako papunta sa kwarto at lumabas na siya. Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko kaya naiwan akong nakatayo dun. Tapos bigla ulit siyang pumasok na may dalang maliit na planggana at bimpo.

"Ano yan?" Inilagay niya ito sa may side table.

"Maligamgam na tubig na may alcohol." Ibinabad niya yung bimpo tapos piniga niya at lumapit sa akin. Dahan-dahan niyang pinunasan yung mukha ko. "Pampababa ng lagnat."

Anong pampababa ng lagnat? Pakiramdam ko lalong uminit ang mukha ko!

Kinuha niya yung kanang kamay ko at inilagay dun yung bimpo at ngumiti sa akin.

"Hanggang mukha lang muna ang pwede kong punasan sa'yo." Nakangiti pa rin niyang sabi.

"Huh?" Hinawakan niya ako sa ulo ko.

"Lumabas ka na lang kapag tapos ka na para makakain ka na rin."

Lumabas na si Yu Shu at bigla akong napaupo. Pakiramdam ko lalong nanlambot ang buo kong katawan. Ah! Grabe! Para akong magkakasakit sa puso nito! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim. Hao Mei! Relax! Hooo~ Pumunta ulit ako sa may planggana at ibinasa ko yung bimpo at pinigaan. Nagpunas na ako ng katawan ko. Pagkatapos nun ay nagbihis na ako ng pantulog ko. Nagsuot din ako ng jacket ko at saka ako lumabas ng kwarto. Nakita ko si Yu Shu na inihahanda na yung noodles sa lamesa kaya naman ay lumapit na ako sa kanya.

"Kumain ka na para makainom ka na ng gamot." Tumabi rin siya sa akin at kumain ng noodles.

Pagkatapos naming kumain ay pinainom na niya ako ng gamot. Siya na rin ang naghugas ng pinagkainan namin. Hindi niya ako pinapatulong. Pumunta na lang ako sa sofa at hinintay ko siya dun.

"Bakit hindi ka pa dumiretso sa kwarto para makapagpahinga ka na."

"Yu Shu... bakit ba ang bait mo sa akin ngayon?" Tumingin lang siya sa akin ng may pagtataka. "Simula kanina pa sa clinic sa school, sa clinic sa school ni Jun Ya, sa hospital hanggang ngayon dito sa bahay. Alam kong may sakit ako pero kasi..." Nagulat ako dahil bigla niya akong binuhat papunta sa kwarto at inihiga niya ulit ako sa kama.

"Baka lamigin ka." Inayos niya yung kumot ko. "Bakit? Ayaw mo ba na pinagsisilbihan kita?"

"Yu Shu naman..! Hindi ako sanay na ganyan ka sa akin. Pakiramdam ko kasi may ginagawa kang mali na pinagtatakpan kaya sobrang bait mo sa akin. May iba ka na bang nagugustuhan?" Iwas tingin kong sabi sa kanya.

Napatahimik lang din siya sa sinabi ko. Ewan ko ba kung bakit iyon ang nasabi ko. Gawa siguro sa mga novels na nababasa ko. May nabasa kasi ako na kapag biglang bumait o biglang naging sweet ang boyfriend mo ay it's either may iba na siya o may kasalanan siya sa'yo na pinagtatakpan lang niya. Narinig kong napatawa siya kaya naman ay muli akong napatingin sa kanya. Napaupo siya sa may tabi ng kama at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang lakas pala ng tama ng lagnat sa'yo." Ginulo niya yung malambot niyang buhok habang nakangiti sa akin. Bakit ba sobrang liwanag niya?! "Sa totoo lang, nasira lahat ng plano ko ngayong araw na ito."

"Anong plano? May mahal ka ng iba? Makikipagbreak ka na sa akin?!" Taranta kong sabi. Lalong lumakas yung tawa niya.

"Aiyooo! Bakit naman ako makikipagbreak sa'yo?" Pinisil niya yung pisngi ko. "Nakakagigil ka!"

"Aray! Ano ba!"

"Pasalamat ka may sakit ka ngayon... kung hindi..."

"Ano?"

"Natatandaan mo ba kung anong araw ngayon?"

"Thursday." Nasapo niya yung mukha niya. Tapos nanlumo siya. "Ah! Friday?" Napabuntong hininga lang siya.

"Akala ko pa naman babae ang pinakang excited sa mga ganitong araw." Hindi ko talaga siya maintindihan. May dinukot siya sa bulsa niya at ibinigay niya sa akin. Isang maliit na box. "Buksan mo."

Binuksan ko yung box at bumungad sa akin ang isang silver necklace na may pendant na kurting puno at may puso sa gitna at may nakasulat na 好樹, pinagsamang pangalan namin ni Yu Shu.

"Hao Shu?"

"Good tree."

Napatingin ako kay Yu Shu. Kinuha niya ulit sa akin yung box at inilabas niya yung necklace mula dun sa box.

"Ito ang magsisimbolo ng pagmamahalan natin sa isa't-isa. Good tree. Na kahit anong mangyari sa atin ay hinding hindi basta tayo masisira dahil ang puno natin ay may magandang pundasyon at iyon ay ang ating pag-ibig. Kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano ano kung bakit kita pinagsisilbihan ngayon dahil handa akong pagsilbihan ka habang buhay. Handa akong protektahan ka sa kahit na anong paraan. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko magmula pa kanina kung paano ko sa'yo ito maiibigay, dahil gusto ko na maibigay sa'yo ito in a romantic way. Kaya lang nasira lahat ng plano ko. Alam mo ba na pagkatapos sana ng klase natin ngayong araw na ito ay manunuod sana tayo ng sine. Pagkatapos nun ay kakain tayo sa isang restaurant. Pupunta tayo sa park, maglalakad habang magkaholding hands. At sa ilalim ng bilog na buwan. Ibibigay ko sa'yo ito. Pero dahil sa nangyari sa'yo kanina, hindi na natuloy. Haayy... Hindi ko na nga alam kung dahil ba sa lagnat mo o talagang dahil sa nakalimutan mo na ang araw na ito at hindi ko rin akalain na ganito tayo magcecelebrate.." Lumapit siya sa akin at inilagay niya sa leeg ko yung necklace sabay bulong ng...

"Happy Anniversary..."

Sandaling huminto ang paligid ko. Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Pasensya ka na kung hindi ito kasing romantic sa mga napapanuod mo. Hindi ko naman kasi akalain na..."

Hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya dahil hinawakan ko siya sa kwelyo niya at binigyan siya ng isang matamis na halik na ikinagulat naman niya.

"Mas romantic pa ito sa lahat ng mga novels na nabasa ko, mga drama na napanuod ko. Yu Shu..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya at napaiyak na ako.

"Hao Mei... bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Masakit ba ang ulo mo?" Umiling lang ako.

"Hmm! Sobrang sa'ya ko Yu Shu. Akala ko kasi nakalimutan mo na ehh. Hindi naman kasi ako nag-eexpect ng kahit na ano. Atleast, batiin mo lang ako ng Happy Anniversary, masayang-masaya na ako. Ibig sabihin hindi mo nakalimutan." Hinigpitan din niya ang yakap niya sa akin.

"Ikaw nga ang nakalimot. Hindi mo pa ako binabati." Pagtatampo niyang sabi. Kumawala na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Happy Anniversary!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Pinahid niya ang mga luha ko. "Pasensya ka na, nang dahil sa nangyari sa akin ganito tuloy natin sinelebrate ang Anniversary natin. Kaya pala sobrang sweet mo sa akin. Napagkamalan pa tuloy kita na may iba ka na. He he he. Pero huwag kang mag-alala babawi ako sa'yo." Nakangiti ko pa rin sabi.

"Kung ganun..." Bigla niya akong inihiga sa kama. "Tabi tayong matulog."

(Ah Nou's POV)
Matapos naming makausap si Mr. President ay umuwi na ako. Pagkauwi ko ay nagpahinga lang ako ng kaunti at nagshower. Pagkatapos kong magshower ay umupo ako sa may sofa at kinuha yung envelope na binigay sa akin ni Mr. President.

"I'm giving you a task. Before this month ends, I want you to make Miss Zhang Jun Ya sign a contract here in Rising Star Company."

Isa-isa kong inilalabas ang nakalagay sa envelope na iyon.

"This will tell you the reason why I want her in our company."

Mula sa envelope na iyon ay may nakita akong mga pictures at papers. Kinuha ko yung isang picture at tiningnan ko ng mabuti.

The Legendary Model of Rising Star Company: Ivan

Kung titingnan sa picture ay mga nasa 20s pa lang yung age niya rito.

"Wow! No wonder na isa siyang legend. His eyes, lips, nose, hair, the angle, everything is so perfect!"

Kinuha ko naman yung isang papel at binasa ko ang nakasulat dun. Information about Zhang Yan Jun.

"Zhang Yan Jun?" Familiar sa akin yung pangalan. Saan ko na nga ba ito narinig?

"I'm Zhang Jun Ya. Daughter of You Ya Jing and Zhang Yan Jun."

Naalala ko bigla ang mga sinabi ni Jun Ya. She's the daughter of Zhang Yan Jun? Anak siya ni Ivan? Napatingin ulit ako dun sa picture ni Ivan. Tapos kinuha ko yung ibang mga pictures, may picture din si Jun Ya, yung mga solo shots niya na pinagtripan lang namin. Tama ako ng hinala, magkahawig nga sila. Pero paanong nangyari? Ang pagkakaalam ko, isang bachelor si Ivan.

Teka lang ibig sabihin...

Biglang may nagflash sa memory ko 7 years ago sa isang hospital, Zhang Yan Jun, iyon ang nakalagay na pangalan dun sa paanan ng kanyang kama. Nasa 40-50 na ang edad nung matandang lalaki, gayunpaman ay ang liwanag pa rin ng mukha niya.

"Bakit ka po palaging nakangiti?" Tanong ko sa kanya. Tapos may dinukot siya sa bulsa niya at binigay niya sa akin. Isang picture ng batang babae na nakangiti.

"Ayaw ko kasing mawala ang mga ngiti niya."

"Sino po siya?"

"Si Ya'er..." Tinitigan ko lang yung picture at may biglang dumating na mga doctor na kinausap siya. "Paano ba yan? Kailangan ko ng umalis."

"Saan po kayo pupunta?" Pagtataka kong tanong. Ngumiti lang siya. Tapos inilahad ko ulit sa kanya yung picture.

"Keep it." Mahina niyang sabi. "Kapag dumating ang time na magkita kayo, can you please promise me one thing?" Tumango lang ako. "Can you please don't let her smile fades away?"

Hinawakan na lang niya ako sa ulo ko at kinuha na siya ng mga doctor. The next morning, hindi na siya bumalik.

Kinuha ko yung wallet ko at may inilabas akong isang picture.

Is this coincidence? Or Fate? Or is it your will?

Tumingin ako sa picture ni Ivan at sa picture ni Jun Ya.

Finally, I found you...

"Ya'er..."

(Zhi Shu's POV)
Hindi sana ako uuwi dahil dinala sa hospital si Jun Ya pero tinawagan na ako ni Mama. Kaya naman ay inihabilin ko si Jun Ya sa ka-co-doctor ko. Sinabi ko na tawagan ako kapag may nangyaring masama. Pasado alas-onse na ng makauwi ako.

"Zhi Shu!!" Agad namang lumapit sa akin si Mama.

"Ma, bakit mo ba ako pinapauwi agad? Alam mo bang nahospital si Jun Ya?"

"Alam ko. Kumain ka na ba?" Tumango lang ako. "Mabuti ka pa kumain ka na dahil yung asawa mo kaninang tanghali pa hindi nakain!"

"Si Xiang Qin?"

"Sino pa ba ang asawa mo?" Pinameywangan niya ako.

"May nangyari ba sa kambal?"

"Mabuti tinanong mo na." Huminga siya ng malalim. "Sinabi ng Doctor na walang pandinig si Yi Chen." Natigilan ako sa sinabi ni Mama. "Tinanong namin kung bakit at papaanong nawalan ng pandinig si Yi Chen. Sabi ng doctor ay mas magandang humanap tayo ng Otologists na pwedeng tumingin sa kalagayan ni Yi Chen dahil may posibilidad na baka sa proseso ng pagbubuntis, sa proseso ng panganganak at baka namana ng bata. Sa totoo lang, kanina pa kami nag-aalala rito dahil simula nung malaman namin iyon ay hindi na umimik si Xiang Qin at nagkulong sa kwarto, hindi na siya kumain. Ngayon nasa kwarto siya ng kambal natutulog." Dirediretsong sabi ni Mama.

"Salamat Ma."

Yun lang ang tangi kong nasabi at pumanhik na ako sa taas. Dumiretso ako sa kwarto ng kambal. Nakita ko na tulog na yung kambal kaya naman ay dahan dahan akong lumapit kay Xiang Qin. May bakas ng mga luha sa kanyang pisngi.

Xiang Qin, diba sabi ko sa'yo, kapag may problema tawagan mo ako.

"Hmmm... Zhi Shu...?"

"Nagising ba kita?" Mahinahon kong sabi. Umiling lang siya. "Tara na sa kwarto."

Dahan dahan ko siyang binuhat at dinala sa kwarto namin saka inihiga sa kama.

"Zhi Shu... ngayon ka lang nakauwi." Umupo siya sa pagkakahiga niya.

"Sabi ko sa'yo kanina na gagabihin ako ng uwi." Hinawakan ko siya sa pisngi niya. "Nasabi na sa akin ni Mama ang nangyari, sinasarili mo na naman ang problema. Bakit hindi mo ako tinawagan?" Tapos bigla niya akong niyakap.

"Zhi Shu... si Yi Chen... walang pandinig si Yi Chen... kasalanan ko kung bakit nawalan ng pandinig si Yi Chen... Zhi Shu, patawarin mo ako... namana niya sa akin yun..."

"Xiang Qin... tumingin ka sa akin." Kumawala siya sa pagkakayakap niya sa akin. "Ang sabi ng doctor, walang pandinig ang anak natin, hindi bulag. Paano niya yun mamamana sa'yo?" Sandali siyang natahimik sa sinabi ko.

"P-pero, sabi ng Doctor..."

"Kasama ka ba talaga nila kanina sa pagpunta sa clinic? Naintindihan ko kaagad yung sinabi sa akin ni Mama na ang sabi ng Doctor, baka nasa proseso ng pagbubuntis mo, sa proseso ng pagpapaanak sa'yo o baka namana. Sino ba sa atin ang walang pandinig?"

"Ahh... Wala..."

"Nagpabaya ka ba nung nagbubuntis ka?"

"Ah... hindi, alagang alaga nga ako ni Mama ehh."

"Ehh di ang ibig sabihin sa proseso ng pagpapaanak sa'yo. Sino ba ang nagpaanak sa'yo?"

"Huh? I-ikaw diba?" Tumango ako.

"Kaya wag mo ng sisihin ang sarili mo, dahil ako yung naging pabaya sa pagpapaanak sa'yo."

"Pero Zhi Shu..." Niyakap ko siya.

"Xiang Qin, huwag kang mag-alala, maghahanap tayo ng isang Otologists para tumingin sa kalagayan ni Yi Chen. Huwag mo ng sisihin yung sarili mo." Hinalikan ko siya sa noo niya.

*Gruu*

Napatingin kaming dalawa sa tiyan niya.

"Ah.. he he he... hindi pa nga pala ako nakain."

Tumayo na ako sa kama at inilahad ko sa kanya yung kamay ko.

"Tara na sa kusina."

----------------------------
*好樹 - Hao Shu means good tree
*Support Idol Producer Season 2.

Thanks for reading!!! 谢谢!
-LadyAkira

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
81.9K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...