Rain.Boys

By Adamant

399K 13.6K 618

[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na... More

Rain.Boys (Teaser)
Rain.Boys (DEDICATION)
Rain.Boys Chapter: 1
Rain.Boys Chapter: 2
Rain.Boys Chapter: 3
Rain.Boys Chapter: 4
Rain.Boys Chapter: 5.1
Rain.Boys Chapter: 5.2
Rain.Boys Chapter: 6.1
Rain.Boys Chapter: 6.2
Rain.Boys Chapter: 7.1
Rain.Boys Chapter: 7.2
Rain.Boys Chapter: 8
Rain.Boys Chapter: 9.1
Rain.Boys Chapter: 9.2
Rain.Boys Chapter: 10
Rain.Boys Chapter: 11.1
Rain.Boys Chapter: 11.2
Rain.Boys Chapter: 12
Rain.Boys Chapter: 13
Rain.Boys Chapter: 14.1
Rain.Boys Chapter: 14.2
Rain.Boys Chapter: 15.1
Rain.Boys Chapter: 15.2
Rain.Boys Chapter: 16.1
Rain.Boys Chapter: 16.2
Rain.Boys Chapter: 17
Rain.Boys Chapter: 18.1
Rain.Boys Chapter: 18.2
Rain.Boys Chapter: 19
Rain.Boys Chapter: 20.1
Rain.Boys Chapter: 20.2
Rain.Boys Chapter: 20.3
Rain.Boys Chapter: 21.2
Rain.Boys Chapter: 22.1
Rain.Boys Chapter: 22.2
Rain.Boys Chapter: 22.3
Rain.Boys Chapter: 23
Rain.Boys Chapter: 24
Rain.Boys Chapter: 25.1
Rain.Boys Chapter: 25.2
Rain.Boys Chapter: 26.1
Rain.Boys Chapter: 26.2
Rain.Boys Chapter: 27.1
Rain.Boys Chapter: 27.2
Rain.Boys Chapter: 28.1
Rain.Boys Chapter: 28.2
Rain.Boys Chapter: 29
Rain.Boys Chapter: 30
Rain.Boys Chapter: 31.1
Rain.Boys Chapter: 31.2
Rain.Boys Chapter: 32
Rain.Boys Chapter: 33 <>Finale<>
Rain.Boys II [Sneak.Peek]
RAIN.BOYS SAY

Rain.Boys Chapter: 21.1

4.5K 173 16
By Adamant

ARWIN'S POINT OF VIEW:

        Kitang kita ko sa mukha ng pinakamamahal kong si Luke ang pagkasurpresa sa ginawa ko sa kaniya, tulad niya walang mapagsidlan ang saya ko sa gabing iyon dahil sa panibagong sumpaan namin. Oo nga't halos buwan pa lang kaming nagtatagal pero mahalaga ba ang bilang ng oras para masabi ko lang na mahal ko siya? Of course hindi dahil alam ko sa isip at puso ko na totoo ang nararamdaman ko para sa kanya, at alam ko din sa isip at puso ko na totoong mahal ako ni Luke.

        Nakakatuwa ang munti kong prinsesa habang nagsasayaw kami, ramdam ko ang higpit ng yakap niya, sabi ko na at mami-miss ako nito.

        Natapos kaming sumayaw at naupo sa table kung nasaan sila Francis, nagkatinginan pa kaming talo nila Von at Russel, ano kala niyo wala ako no? He-he.

        Ilang sandali pa ay nagsimula na ang party spirit sa gabing iyon nang may lumapit sa akinat bumulong na tawaga daw ako ng isa sa mga professor namin, tumayo ako at nagpaalam kay Luke siyempre may kiss.

        Agad kong pinuntahan yung table kung nasaan yung mga professor namin, shoot napahiya ako ng isa't kalahti wala naman daw kasi tumatawag sa akin sa kanila, tinanong nila ako kung sino ang nagsabi pero hinid ko maituro dahil di ko naman namukaan dahil sa maskara na suot ng loko. Humingi na lang ako ng sorry sa pang-iistorbo ko sa chismisan ng mga prof at nagsimula na bumalik sa table namin.

        "Oh nasaan na si Drip?" ang tanong ko kila Russel ng makita kong wala na si Luke sa table.

        "Nagpaalam na aalis siya sandali, mukang importante kasi nagmamadali siya." ang sagot ni Chini habang puno ng pagkain ang bibig.

        "Saan naman daw siya pupunta?" ang tanong ko muli.

        "Wala siyang sinabi, ang akala nga namin ikaw ang pupuntahan kasi nagpaalam siya sa amin after niya tignan yung cellphone niya, tingin ko ay may nag-text sa kanya." ang sabat ni Russel. Pagkasabi pa lang ni Russel non ay biglang may anong kaba akong naramdaman.

        "Oh nasaan si girl?" ang tanong ni Francis nang bumalik sila sa table namin.

        "Umalis daw, may pinuntahan daw siya." ang sabi ko, "Kayo saan ba kayo galing? Hindi niyo ba siya napansin?" ang dagdag kong tanong.

        "Galing kaming C.R. eh, hindi naman namin siya napansin nung pabalik na kami dito." ang sagot ni Clarence.

        "Ganon ba, sige hahanapin ko muna siya." ang sabi ko, "hindi kasi maganda ang kutob ko eh, bigla ako kinabahan." ang dagdag ko at nakita kong nagbago ang mood nila lalo na sila Von at Russel, nakita ko din ang pag-aalala sa kanila.

        "Sige tutulong ako." ang sabi ni Russel sabay tayo sa kinauupuan at umalis na agad para mag-umpisang maghanap.

        "I'll search for Luke din at subukan ko siyang i-contact." ang sabi ni Von, kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan niya si Luke."Naka-off yung phone niya." ang sabi nito.

        "Shoot!" ang tangi kong nasabi at dali dali na akong umalis para hanapin siya, saan ko siya hahanapin? Nasaan ka Luke?

        Nagpunta ako sa parang mini park sa venue to look for him, I even check ang bawat cubicle ma pa-boys or girls pa ito, I don't care kung may magalit ayoko lang ng kabang nararamdaman ko.

        Tumunog ang cellphone ko, agad ko itong kinuha sa bulsa ko, si Francis tumatawag. "Hello Francis nakita niyo na ba siya?" ang tanong ko agad.

        "Hindi pa Yummy Papable, nagtanong tanong na din kami kung may nakapansin sa kanya, kaso wala daw eh." ang sabi ni Francis.

        "Shit, please Francis, pakitanong at pakicheck lahat ng possible na puntahan niya, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko about this." ang sabi ko at ibinaba ko na agad ang tawag.

        Luke nasaan ka na ba, halos para akong baliw ng lumabas ako sa last C.R. ng resort, wala akong tigil na nagpaikot-ikot sa venue I even check pati mga sulok.

        Duwende ka saang punso ka ba nagsuot, nag-aalala na ko sayo, please give me a sign na makakapagturo sayo ang sabi ko sa sarili ko, ewan ko hindi ako mapakali sa nararamdaman ko talaga, parang mat part ng utak ko na nagsasabing kailangan ko makita agad si Luke, na kailangan niya ako, nangingilid na ang luha ko sa pag-aalala hanggang sa makarating ako sa nakasarang private pool area ng venue.

        "Hindi imposibleng nandito siya, takot sa tubig yon ang alam ko." ang sabi ko pero bago pa ako makaalis, sa step ng entrance ng private pool area isang blue feather ang nakita, yung feather na to, sa mask ni Luke to, isang daan porsiyento akong sigurado dahil ako ang nagdesign ng mask niya.

        Hindi na ako nagdalawang isip pa na i-check ang pool area, napansin ko na hindi naman talaga pala nakasara yung gate, sinira yung lock ng gate para may makapasok dito.

        Inikot ko ang pool area, medyo may pagka-asul ang pool water, hanggang sa mabaling ang tingin ko sa bandang gitna nito... "Tang ina, Drip! Shoot!" ang sabi ko sa pagkabigla at agad akong tumalon sa pool, lumangoy ako ng mabilis para sagipin si Luke, ng makuha ko siya ay agad ko siyang iniahon, sa pool side ay inihiga ko siya.

        "Drip gumising ka! LUKE!" ang sigaw ko, at ginawa ko ang CPR para subukan na iligtas si Luke, "Please open your eyes, please..." ang sabi ko habang pini-press ko siya sa bandang chest niya, at inulit ko ulit, "Please Drip don't give up, please nandito na ako, nandito na ko to save you." ang sabi ko, at naglabas ng tubig sa bibig niya si Luke, akala ko okay na pero hindi pa rin niya idinidilat ang mata niya kaya binuhat ko siya agad.

        "Ambulansiya, pakiusap tumawag kayo ng ambulansiya!" ang sigaw ko habang bitbit ko si Luke, lahat ng naroon ay nataranta at nagulat ng marinig yon mula sa kin.

        "Shit! Arwin anong nangyari?" ang sabi ni Von ng makita niya si Luke na buhat ko.

        "Tang ina tumawag muna kayo ng ambulansiya, kailangan madala agad siya sa hospital." ang sabi ko sa sobrang pag-aalala.

        Ilang sandali pa ay dumating na nga ang isang ambulansiya, at agad kong isinakay si Luke para malapatan o magawa ng mga naroon ang pangunang lunas o procedure para ma-save si Luke.

        "Luke please, wake up..." ang sabi ko habang hawak ko ang kamay niya at naksakay kami sa ambulansiya.

        Pagdating sa hospital ay agad na dinala si Luke sa emergency room.

        "Nurse please, please save him..." ang sabi ko.

        "We will do what we can, just relax sir." ang sabi ng nurse sa akin at isinara na nito ang pinto ng E.R.

        Dahil basa ang cellphone ko ay nakitawag ako sa information desk ng hospital para makausap ko si mommy. Nang makausap ko siya ay nagsimula ng bumuhos ang luha ko sa takot.

        "Mommy, si Luke." ang sabi ko.

        "Anong nangyari kay Luke? Bakit ka umiiyak?"

        "Nandito kami sa hospital ngayon, nawawala kasi si Luke sa party kanina and then nung hihanap namin siya, nakita ko siya... nakita ko siyang nakalubog na sa pool at wala ng malay..." ang sabi ko habang umiiyak.

        "Kalma lang anak." ang sabi ni mommy.

        "Pero mommy, I did C.P.R. to save him pero hindi pa din siya gumigising, mommy natatakot ako, ayokong mawala sa akin si Luke." ang sabi ko.

        "Shhh tahan na Win, magpakatatag ka makakaligtas si Luke ano ka ba. Pupunta na ako diyan sabihin mo kung saang hospital yan." ang sabi ni mommy at ibinigay ko sa kanya ang lugar at pangalan ng hospital kung nasaan kami.

        Ibinaba ko na ang tawag at mayamaya ay may isang nurse na lumapit sa akin.

        "Uhmm sir kayo po ba yung kasama ng pasyenteng nalunod na isinugod dito ngayon ngayon lamang?" ang sabi ng nurse.

        "Opo ako nga po, ano na png lagay niya?" ang tanong ko habang pinapahid ko ang mga luha ko.

        "Sir wala na po kayong dapat ipag-alala, ligtas na po siya, masiyadong maraming tubig ang naintake ng biktima pero nagawan na po namin ito ng paraan, nailipat na po namin siya sa room 225 sa may second floor po." ang sabi ng nurse sa akin, nang masabi niya yon ay agad akong tumakbo papunta sa hagdan ng hospital hindi ko na mahintay na mayakap ulit si Luke.

        May ngiti sa labi ko habang papalapit na ako sa room 225 kung saan inilipat si Luke, ang takot ko nawala na, agad kong binuksan ang pinto, pero pagbukas ko ay nakita ko si Luke na nakapikit pa din at hindi gumigising, at nakita ko dun ang doktor na tumulong kay Luke.

        "Ah doc kamusta na po siya?" ang tanong ko.

        "Stable na siya, pero siguro kung hindi siya agad naitakbo dito baka hindi na siya nakaligtas, masiyado kasing maraming tubig ang na-intake niya pumasok sa baga niya ang karamihan dito, but good thing na nagawan natin ng paraan kaya wala na tayo mag-alala pa." ang sabi ng lalaking doctor na hindi pa naman gaanong katanda nasa mid 30's pa lang siya siguro.

        "Eh bakit di pa siya gumigising doc?" ang tanong.

        "May ganyang mga pasenyente talaga, it's between life and death din ang naging situation niya kanina kaya bumabawi pa ang katawan nito, but as I said okay na siya, once na magising na siya at masigurado na natin na walang problema pwede na agad siya i-release." ang sabi nito.

        "Maraming salamat po doc." ang sabi ko at naupo ako sa tabi ni Luke at hinawakan ko ang kamay nito.

        "Oh paano maiwan na kita. Pindutin mo lang yung button na pula diyan sa upper right side ng bed ng pasiyente if anything happens." ang sabi ng doktor at agad na itong umalis ng kwarto.

        "Luke gumising ka na please..." ang sabi ko mulit at hinalikan ko ang kamay niya.

        Mayamay pa ay biglang gumalaw ang kamay niya at napatingin ako sa kanya, nakadilat na ang mga mata niya at nakatitig siya sa akin kaya naman isang wagas na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

        "Drip sa wakas gising ka na, salamat sa Diyos." ang sabi ko sabay akap sa kanya.

        "Ah sino ka?" ang sabi niya, at bigla akong bumitiw sa pagkakayap ko sa kanya at muli kaming nagkatitigang dalawa...

Continue Reading

You'll Also Like

401K 16.5K 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...
156K 5.4K 48
[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking...
259K 8K 76
Yuan Sebastian... panganay ng isang leader ng isang tanyag na company at CEO ng isang sikat na clothing brand... Buhay prinsipe... lahat ng gusto...