Oh my Angel!

By Pretzhele

34.1K 1.6K 657

• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members More

-Prologue-
-1-
-2-
-3-
***
-4-
***
-5-
-6-
***
-7-
-8-
***
-9-
-10-
***
-11-
-12-
***
-13-
-14-
-15-
-16-
***
-17-
***
-18-
***
-19-
***
-20-
***
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
***
***
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-51-
-52-
-53-
-54-
-55-
-56-
-57-
-58-
-59-
-60-
-61-
-62-
-63-
-64-
-65-
-66-
-67-
-68-
-69-
-70-
-71-
-72-
-73-
-74-
-75-
-76-
-77-
-78-
-79-
-80-
-81-
-82-
-83-
-84-
-85-
-86-
-87-
-88-
-89-
-90-
-91-
-92-
-93-
-95-
-96-
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue part 4

-94-

235 11 4
By Pretzhele

[Gail]
Lumipas ang mga araw, patuloy parin ang panghihina ko at alam kong nakakahalata na si Xave sa nangyayari sa akin.

Hindi ko parin magawang makausap si Shin hanggang ngayon. Paano ko ba siya makakausap?

Lumabas ako ng bahay para magtapon ng basura. Halos kagigising lang namin ni Cindy. Day off namin ngayon sa trabaho.

Paglabas ko napansin ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa harap at nang bumukas ito ay bumaba ang nakangiting si Trixie.

Good morning Gail! Masayang sabi nito sa akin matapos siyang makalapit.

Trixie, anong ginagawa mo dito? Nagtataka kong tanong kay Trixie.

Are you free today? Tumango naman ako. Napapalakpak siya at masayang kumapit sa kamay ko. Magbonding tayo. Wala sa sariling tumango nalang ako. Excited naman niya akong hinatak papasok ng bahay.

Pagpasok namin ng bahay, boses agad ni Cindy ang narinig namin.

Gail, ang tagal mo magtapon ng basu—hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagulat siya ng makita si Trixie na kasama ko.

Good morning Cinds! Masayang bati ni Trixie kay Cindy. Lumapit naman sa kanya si Trixie at inangkla ang kamay nito sa kamay ni Cindy. Magbonding tayong tatlo today. Tumingin naman sa akin si Cindy kaya nginitian ko siya.

Sure! Masayang sagot ni Cindy.

So, anong ginagawa ninyo? Tanong ni Trixie.

Magluluto kami ng breakfast. Sagot ni Cindy.

I want to help. Masayang sabi ni Trixie kaya tumango kami ni Cindy at pumunta na ng kusina. So, what are we gonna cook for breakfast?

Hmmm... mag aadobo kami kanina ni Gail since chicken lang yung available na stock namin. Napatango naman si Trixie.

Hinayaan ko na muna sila maghanda ng mga sangkap sa adobo, nagpaalam muna ako saglit para maligo at mag ayos.

Nang matapos ako ay agad ko silang binalikan sa may kusina. Naabutan ko na tinuturuan ni Cindy si Trixie kung paano magluto.

Nang inaantay nalang lumambot yung manok ay tinanong ko si Trixie.

Hindi ka marunong magluto?

Yes, I'm not good in cooking. Nasanay kasi ako na laging may nagluluto para sa akin. Sagot ni Trixie.

Si Gail din eh. Prito lang ang alam niyan at adobo dati. Kaya tinuruan ko siya ng ibang putahe. Sabi ni Cindy.

Tinuruan ako ni Nana Ising noon kung paano magluto ng adobo at mag prito tapos yung iba si Cindy na.

Oh! Nana is a good cook. Natikman ko na ang luto niya and sobrang sarap niya magluto.

Nang matapos magluto, sabay-sabay kaming kumain.

Naghanda na si Cindy para maligo dahil nagyaya si Trixie mag mall.

Nang matapos si Cindy mag ayos ay sumakay na kami sa sasakyan ni Trixie papuntang mall.

Medyo madaming tao ngayon sa mall. Una naming pinasukan ang isang tindahan ng mga damit. Sa pagkakatanda ko dito kami pumasok noon ni Sky.

Dito tayo bumili ng mga damit. Magaganda ang mga items nila dito. This store is owned by Drix's cousin, ate Shelly. Nakangiti niyang sabi. Kaya ba nung panahon na pumunta kami dito ay parang kilala si Sky dito.

Namili lang ng mga damit si Trixie. Kami naman ni Cindy ay nagtitingin tingin lang habang iniintay matapos si Trixie.

Bakit hindi kayo bumili ng sa inyo? Kaya nga ako nagyaya dito kasi I want to treat you guys. Consider this as my gift since both of you are my only friends here.

Ngumiti naman kami at tumango. Nakailang tindahan pa kami bago kami magpasyang tumigil para kumain.

Saan ninyo gusto kumain, my treat? Tanong samin ni Trixie. Nahihiya naman kami kasi libre na nga niya kami sa mga damit pati pa ba naman sa pagkain.

Trix sa fast food nalang tayo. Ang dami mo ng nalibre sa amin. Sabi ni Cindy, sumang-ayon naman ako dito.

It's okay. Alam ko na! May alam akong masarap na restaurant dito. Lets go! Inangkla naman ni Trix ang kamay niya kay Cindy at masayang hinila na ito. Natatawang naiiling nalang ako sa kanilang dalawa.

Masaya ako at nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya nila. Medyo malayo na sila sa akin kaya sumunod na ako. Hindi naman sinasadyang mabangga ako ng isang lalaki kaya nabitawan ko ang mga dala ko. Agad ko naman kinuha ang mga ito at tinulungan naman ako nung lalaki.

Sorry. Iyon lang ang sinabi niya kaya ngumiti ako at nagsorry din nagsimula na akong maglakad papunta kina Cindy ng marinig ko ang sinabi niya. Mag ingat ka, Gail. Agad naman akong napatingin sa lalaking nakabangga ko. Naglalakad na ito palayo sa akin.

Gail! Bilisan mo! Ang bagal mo talagang maglakad. Napatingin naman ako sa direksyon nina Cindy nang tawagin nila ako.

Bago ako sumunod sa kanila ay tiningan ko muli yung lalaking nakabangga ko pero wala na ito, hindi ko na makita siya.

Anong ibig niyang sabihin?
——————————————————
Habang kumakain kami ay nagkwentuhan kami. Nagplano din yung dalawa ng sleep over.

Gail! Agad naman akong napatingin kay Trixie nang tawagin ako nito. Are you okay? Hindi mo ba gusto yung food? Gusto mo bang umorder ulit? Sunod-sunod na tanong ni Trixie. Umiling naman ako at ngumiti sa kanya.

Hindi, ayos lang ako may naalala lang. Nakangiti kong sagot sa kanya.

Mamaya mo na isipin ang boyfriend mo. Pang-aasar sakin ni Cindy kaya nagtawanan yung dalawa. Napanguso naman ako dahil sa sinabi ni Cindy.

Hindi naman kasi iyon ang iniisip ko kundi yung sinabi sakin kanina nung lalaking nakabangga ko.
——————————————————
Pauwi na kami ngayon, dumaan lang yung dalawa sa supermarket para bumili ng pagkain para sa sleep over mamaya. Nagpaiwan nalang ako dito sa labas para intayin sila.

Shin... mahinang tawag ko sa utak ko habang nakapikit, nagbabakasakaling makausap siya.

Sa pagmulat ko ng aking mata ay napansin ko ang pagtigil ng oras.

Nagulat ako kaya agad kong ginala ang aking mga mata para hanapin si Shin.

Nagulat ako sa ayos ni Shin kaya agad ko siyang nilapitan.

Shin!! Anong nangyayari sayo? Nagaalala kong tanong dito. Nakaluhod kasi ito at ang tanging suporta niya ay ang kamay at isang tuhod.

S-sa wakas nakausap din kita. Nanghihina niyang sabi. Naguguluhan ako, bakit nanghihina si Shin? Ilang beses kitang sinubukan kausapin pero sobrang nahirapan ako.

Ganun din ako Shin. Ano bang nangyayari bakit hindi kita magawang tawagin? Hinayaan ko lang siyang hawakan ang mukha ko dahil alam ko naman ang dahilan niya kung bakit niya gagawin iyon.








...para malaman ang lagay ko.

Agad naman niya akong hinila at niyakap. Naramdaman ko naman na parang may tumutulo sa akin balikat. Umiiyak ba si Shin?!!

Agad naman akong humiwalay kay Shin at tiningnan siya. Hindi normal para sa amin ang magkaroon ng emosyon kaya nagulat ako ng makita ang mga luha niya.

Shin, sabihin mo sa akin ano ba talagang nangyayari sa akin? Kinakabahan kong tanong.

Ilang araw mula ngayon maari ka ng maglalaho. Kasabay ng pagsasabi niya ay pag agos ng luha ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Bakit? Paano?

Paano nangyari iyon Shin? Nasa akin na ang proteksyon ko binalik na ni Xave. Lumuluhang sabi ko.

Hindi nakabuti sayo ang pagbabalik ng proteksyon mo. Hindi nagsanib ang dalawang proteksyon Gail, sa halip nilalason nito ang kalahati ng proteksyon mo. Naiiyak na paliwanag ni Shin. Ngayon kaunti nalang ang natitira sayo, patuloy ang paglason ng proteksyon mo dun sa isa. Sinubukan kong pigilan ang nangyari pero huli na ang lahat. Napabitiw naman ako sa pagkakahawak kay Shin at tuluyan ng umiyak. Marahil ito na ang huli kong pagkausap sayo Gail. Hirap na hirap akong makausap ka. Halos ikaubos na ng lakas ko. Wag kang mag-alala gagawa ako ng paraan para maligtas ka. Pangako iyan. May ilang araw pa ako para makahanap ng solusyon hindi ako papayag na maglaho ka.

Salamat Shin. Iyon ang huling salita ang sinabi ko bago tuluyan bumalik ang takbo ng oras.

Nanghihina akong napaupo mula sa kinatatayuan ko. Tumatak lang sa isip ko ang sinabi ni Shin.

Maari akong maglaho ilang araw mula ngayon. Bakit? Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito?!! Bakit kung kelan masaya na ako, kami?!!

Paano si Xave? Ang mga kaibigan ko?

Gail?!! Gulat na lumapit sakin si Trixie at Cindy. Anong nangyari sayo?! Tanong ni Cindy. Umiling lang ako at nginitian sila.

Wala. Nakabili na ba kayo? Naguguluhan naman silang tumango sabay pakita ng pinamili nila. Tara na? Nakangiti kong sabi sabay nauna na maglakad sa kanila.
——————————————————
Nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin na nag iintay sa labas si Xave kaya nauna na sila Trixie pumasok sa loob.

Tinatawagan kita. Hindi mo sinasagot. Sabi ni Xave sa akin.

Pasensya na hindi ko napansin. Abala kami nila Trixie. Dito kasi siya matutulog mamaya, mag bonding daw kami. Pinilit kong pasiglahin ang boses ko para hindi niya mahalata. Tinitingnan kasi ako ni Xave. Bakit ka nga pala nagpunta dito? Nagulat naman ako ng yakapin niya ako.

Namiss lang kita and I want to check you kung okay ka lang. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya.

May problema ba Xave? Ramdam kong may kakaiba sa kilos ni Xave.

Bumitiw naman siya sa yakap at tiningnan ako at nginitian. Nothing. Nanaginip kasi ako kagabi na you left me. I-I'm afraid that time kaya chineck kita. Siguro panaginip lang yun. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Iniwasan kong maiyak sa harap niya dahil ayaw kong malaman niya ang nalaman ko ngayon araw.

Panaginip lang iyon Xave. Hindi kita iiwan. Nangako ako sayo diba? Nakangiting sabi ko.

I know. Kung iiwan mo man ako I'll follow you kahit nasaan ka pa. Nginitian ko naman siya.

Iyon lang ba ang pinunta mo? Tumango naman ito. Hinalikan naman niya ako sa labi, mabilis lang.

Yeah, sige na pumasok ka na. Enjoy your girl bonding. Don't forget to call me okay? Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

Ingat ka. Tawagan mo ako pag nakauwi ka na. Tumango naman ito bago tuluyan ng sumakay sa kotse at umalis.

Pagpasok ko sa may gate at sinara ito ay unti-unting nalaglag ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

Patawad Xave, hindi mo maaring malaman na maglalaho ako. Gusto kong sulitin ang mga araw na kasama ka at masaya tayo. Umiyak lang ako sa tapat ng gate.

Inayos ko na ang sarili ko bago pumasok ng bahay. Iyon nalang muna ang gagawin ko ang sulitin ang mga oras at araw na kasama ko sila.

Sana makahanap pa ng paraan si Shin. Ayaw kong maglaho at iwan si Xave.
——————————————————
(Few days passed)
Ilang araw na ang lumipas at patuloy ang panghihina ko. Pasakit ng pasakit at pahirap ng pahirap ang nararamdaman ko. Nahihirapan na akong itago ito kay Xave at kina Cindy.

Gaya ng plano ko, sinusulit ko ang mga oras na kasama ko sila. Panay ang bonding namin at oras-oras ko din kasama si Xave, kaso di maiwasan na manghina ako sa mga oras na kasama nila kaya tinitiis ko ito para hindi sila maghinala.

Nasa school kami ngayon, hindi na naman maganda ang pakiramdam ko buti nalang ay pagsusulit lang ang gagawin ngayon at walang kahit anong activities.

Naglalakad na kami ni Cindy pauwi dahil papasok na kami sa trabaho. Napatigil ako ng bigla ako makaramdam ng hilo.

Gail, ang dami-dami pinagagawa sa atin— oh! Bakit ka tumigil?  Humarap naman sa akin si Cindy nagulat pa ito ng makita ako. Hala! Bakit dumudugo iyang ilong mo?! Anong nang— Gail!!!!

Hindi ko na alam ang nangyari dahil nagdilim na ang paningin ko.
——————————————————
[Xave]
I'm on my way para sunduin si Gail ng makareceive ako ng tawag mula kay Cindy. Agad kumunot ang noo ko dahil dito pero agad ko din sinagot ang tawag niya.

Uno... si Gail! Agad naman akong kinabahan.

Why? What happened to her? Nag-aalala kong tanong.

Nasa clinic kami. Nahimatay siya.

Okay, papunta na ako. At binaba ko na ang tawag. I know na there's something na nangyayari sa kanya. I don't know kung ano pero sana mali yung hula ko.

Pagdating ko ng clinic ay agad kong kinausap si Xien.

Your girlfriend is now okay Xavier, nahimatay siya at dumugo ang ilong because of fatigue. Tumango naman ako kay Xien at nagpasalamat bago pumunta kay Gail.

Uno. Tawag sa akin ni Cindy.

Ate Xien told me na fatigue lang. Nag overworked ba siya sa coffeeshop?

Medyo madami kasi kaming guest nitong nagdaang araw tapos madami din projects and assignments na pinagagawa. Tss. Sinabi ng wag mag overworked eh!

Mabuti nalang at fatigue lang ang problema niya, mabuti at hindi yung dahilan na naiisip ko.
——————————————————
[Gail]
Nagising ako sa dahil nakakarinig ako ng mga boses na nag uusap kaya iminulat ko na ang aking mga mata.

Nagulat pa ako ng makita si Xave at Cindy na nag uusap.

Tss. Agad lumapit sa akin si Xave at nag aalala akong tiningnan. Are you okay? Do you feel anything? Umiling lang ako sa tanong niya.

Ayos lang ako. Pagod lang siguro. Nakangiti kong sabi sa kanila.

Sa labas lang ako. Pagpapaalam ni Cindy kaya kami nalang ni Xave ang naiwan dito.

Are you sure na okay ka lang? Do you feel weak Gail? Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

Oo ayos lang talaga ako. Napagod lang talaga ako. Lumapit naman ito sa akin at hinalikan ako sa ulo.

D*mn sobra akong nag alala sayo. I thought it was related to the protection thing. Peke ko naman siyang nginitian.

Hindi malakas naman ako dahil buo na ulit ang proteksyon ko. Pagsisinungaling ko.

I'll inform ate Maggie na hindi ka na mag work sa coffee shop niya. Agad naman akong napatingin kay Xave.

Xave, pe—

No buts Gail. Just focus first sa school activities then after that you can work ulit sa coffee shop. Tumango nalang ako sa sinabi niya. Mabuti na siguro ito para maipon ko ang lakas ko at makabawi.

Nang medyo umayos na ang pakiramdam ko ay napili akong ihatid ni Xave sa bahay. Pinauna ko na si Cindy kanina para pumasok sa trabaho dahil malalate siya.

D*mn! Okay pupunta na ako diyan. Sabi ni Xave sa kausap niya sa cellphone.

May problema ba? Tanong ko dito.

Wala naman, pinapapatawag lang kami ni coach, mabilis na meeting lang daw. Tumango naman ako dito. Gusto mo bang sumama muna? Umiling ako.

Hindi na, mabilis lang naman diba? Iintayin nalang kita sa sasakyan mo. Tumango naman ito, inabot naman niya sa akin ang susi para makapasok ako. Nagpaalam na ako kaya humalik na siya sa ulo ko.

Hintayin mo ako doon, mabilis lang ako. Tumango naman ako at nauna nang umalis.
——————————————————
Pagdating ko dito sa parking lot ay agad kong hinanap ang sasakyan niya.

Nang magawa ko ito ay agad kong pinidot ang susi at tumunog ito hudyat na bumukas na ito. Hawak ko na ang pinto ng sasakyan para pumasok sa loob ng may tumawag sa akin.

Gail Dizon. Paglingon ko ay agad akong sinalubong ng isang panyo, pilit ko itong inaalis sa ilong ko dahil may kakaiba itong amoy pero unti-unti nang nadidilim ang paningin ko. Bago ako tuluyan mawalan ng malay ay nakita ko ang pag ngisi ng lalaking naglagay sakin ng panyo.
——————————————————
[Someone]
Agad akong napangisi ng makitang mag isa lang si Gail naglalakad papunta sa sasakyan ni Uno. Nang tumalikod ito mula sa direksyon ko ay agad ko iyon kinuhang pagkakataon para dahan-dahang lumapit sa kanya.

Gail Dizon. Tawag ko sa kanya kaya agad itong lumingon sa akin. Agad kong nilagay sa kanya ang panyong hawak ko, nagpupumiglas pa siya pero mas malakas ako sa kanya kaya wala siyang nagawa. Nakita ko naman na unti-unti ng umeepekto ang pinaamoy ko sa kanya at nang mawalan siya ng malay ay agad ko siyang binuhat.

Napangisi ako ng magawa ko itong isakay sa sasakyan ko at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.
——————————————————
[Xave]
D*mn that meeting! sobrang tagal. Akala ko ba mabilis lang? Sigurado ako na inip na inip na si flat woman sa sasakyan ko.

Naglalakad na ako papunta ng parking lot habang tinatawagan siya. Hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Tss.

Nagmadali nalang akong pumunta doon.

Pagdating ko ng parking lot ay agad akong nagtaka dahil hindi ko siya nakita sa loob ng sasakyan kaya lumapit ako.

Where is she? Agad naman akong napatingin sa paanan ko ng may matapakan ako. Kumunot ang noo ko ng mapansin na susi ito ng sasakyan ko.

Agad akong kinabahan at kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan siya.

Nag riring ang cellphone niya kasabay ng naririnig kong tunog dito sa parking lot. F*ck! Agad akong tumakbo para hanapin kung saan nanggagaling ang tunog.

Nakita ko sa sahig ng bakanteng parking space ang cellphone ni Gail.

Hindi mapakali at kinakabahang napamura ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

F*ck! May kinalaman dito yung nagpapadala sakin ng threats tungkol kay Gail. Agad kong tinawagan ang security.

I need the cctv footage of the whole school, including the parking lot. Matapos ko sabihin iyon ay ang 7aces ang sunod na tinawagan ko.

Code 1. At binaba ko ang tawag ko. Kung sino man ang nasa likod nito. Humanda siya ipapakilala ko sa kanya si kamatayan pag may nangyaring masama kay Gail.
——————————————————
A/N: Chapter 94 is done! 😊

Ano kayang mangyayari? Sino kaya yung kumuha kay Gail? 🤔

Kapit lang guys sa nalalabing dalawang huling chapter ng OMA! 😊

See you next chapter, happy reading everyone! 😊

Xoxo 😘

Continue Reading

You'll Also Like

8M 276K 88
Book 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Mis...
64.1K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
1.6M 64.5K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...