Oh my Angel!

By Pretzhele

34.1K 1.6K 657

• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members More

-Prologue-
-1-
-2-
-3-
***
-4-
***
-5-
-6-
***
-7-
-8-
***
-9-
-10-
***
-11-
-12-
***
-13-
-14-
-15-
-16-
***
-17-
***
-18-
***
-19-
***
-20-
***
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
***
***
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-51-
-52-
-53-
-54-
-55-
-56-
-57-
-58-
-59-
-60-
-61-
-62-
-63-
-64-
-65-
-66-
-67-
-68-
-69-
-70-
-71-
-72-
-73-
-74-
-75-
-76-
-77-
-78-
-79-
-80-
-81-
-82-
-83-
-84-
-85-
-86-
-87-
-88-
-89-
-90-
-91-
-93-
-94-
-95-
-96-
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue part 4

-92-

295 19 27
By Pretzhele

(Two weeks passed)
[Gail]
Dalawang linggo na ang lumipas patuloy parin ako sa pag iwas kay Xave at patuloy din siya sa pangungulit sa akin.

Bakasyon na namin kaya nakakabawi kami ng pasok sa coffeeshop. Sa sabado na yung bakasyon namin sa isang beach na plinano ni Trixie.

Nabalik naman ang atensyon ko sa trabaho ng may pumasok na bagong guest sa loob.

Nakangiti ko naman itong binati. Welcome po sa Mcafe! Nagulat naman ako ng makita ko ang nakangiting si Trixie.

Hi! Masayang bati nito sa akin kaya nginitian ko siya.

Table for how many? Tanong ko naman dito.

Para sa akin lang. Kaya agad ko siyang dinala sa mesa kung saan pang dalawahang tao lang.

Inabot ko naman sa kanya ang menu at inantay ang order niya.

Two strawberry milkshake and penne arabiata for me. Sabay balik ng menu sa akin. Agad ko naman kinuha ang order niya.

Maya-maya ay tinawag na ako para iserve ang order ni Trixie. Naabutan ko pa na kausap ni Trixie si ate Maggie kaya nag excuse ako para maserve ko ang pagkain.

Abala ako sa paglilinis ng table ng biglang tawagin ako ng kasama ko, pinapatawag daw ako ni ate Maggie.

Nang makalapit ako kay ate Maggie. Ngumiti muna ito sa akin.

Ate Maggie pinapatawag ninyo daw po ako? Magalang na tanong ko kay ate Maggie.

Yes, mag break ka na.

Po? Pero maaga pa po ate Maggie mamaya pa po ang break ko.

I know, pero gusto kang kausapin ni Trixie. Pinagpaalam ka niya sa akin. So don't worry. Tumango ako at nagpaalam kay ate Maggie.

Nang makalapit ako sa table kung saan kumakain si Trixie ay nginitian niya ako.

Upo ka Gail. Umupo naman ako sa harap niya, ibinigay naman niya sa akin yung isang milkshake na inorder niya. Sorry di ko kasi alam kung anong gusto mo. Ngumiti naman ako sa kanya.

Ayos lang. Bakit mo ako gustong makausap? Bigla naman siyang naging seryoso.

I'm here to know your reason about avoiding Vier. Natigilan naman ako sa tanong niya.

Patawad pero hindi ko pwedeng sabihin. Para sa ikakabuti din niya ang pag iwas ko. Yun lang ang naging sagot ko kay Trixie kaya napabuntong-hininga ito.

Its okay I'll respect your decision for not telling me but please kahit kay Vier lang masabi mo sana. If you saw him right now, makikita mo kung gaano siya kamiserable. Dalawang linggo niya pinag-iisipan kung ano yung reason mo kung bakit mo siya iniiwasan. Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumungo lang ako. Kaya sana before ako umalis ay matulungan ko siya.

Napatingin ako sa kanya. Aalis ka?! Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Yeah babalik na ako to continue my studies, pero hindi iyon ang concern. I want Vier to be happy Gail and I know na sayo siya sasaya.

A-Anong ibig mong sabihin? Gulat kong tanong kay Trixie.

Alam kong hindi magandang sakin manggaling ito, but I have no choice kundi sabihin sayo. Kinabahan naman ako sa maari niyang sabihin. Mahal ka ni Vier, Gail. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon ang aking nadarama. Vier and I broke up because he chooses you over me. Matagal ko ng alam na hindi na ako ang laman ng puso niya. The way he secretly stares at you, and the way he secretly smile whenever he's with you lahat iyon nakita ko. Ibang-iba ang Vier na kilala ko noon sa Vier na nakikita ko ngayon. He really love you Gail. Kaya sana bigyan mo sana siya ng chance to prove it to you. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o maiyak sa mga nalaman ko. Sobrang hirap ng sitwasyon. Alam kong malapit na ang oras na maari akong maglaho at ayaw kong masaktan si Xave.

Trixie pwede ba ako humingi ng pabor sayo? Agad naman itong tumango. Humugot muna ako ng lakas ng loob para sabihin ito sa kanya.

Maari ka bang manatili sa tabi ni Xave sa oras na kailangan niya ng taong masasandalan? Maari bang mangako ka sa akin na hinding-hindi mo siya iiwan? Napalunok ako matapos ko sabihin iyon.

Yes, I can promise that pero as a friend nalang Gail. I know na sa lahat ng tao ikaw ang pinaka gusto niyang makasama. Umiling ako.

Kung totoo ang sinasabi mo tungkol sa nararamdaman ni Xave sa akin, alam kong balang araw ay malilimutan din ni Xave ang nararamdaman niya sa akin Trixie, at pag nangyari ang oras na iyon gusto kong ikaw yung taong sasalo sa kanya. Pilit ko siyang naginitian. Tumayo na ako.

Salamat sa pakikipag usap sa akin pero kailangan ko na bumalik sa trabaho. Nginitian ko siya at tumalikod na.

Why're you doing this Gail? I can see and feel na you love Vier. Pero bakit?

Hindi ko naman siya sinagot at nagpatuloy na ako papunta sa back area.

Patawad Trixie. Hindi ko kayang isakripisyo ang buhay ni Xave para makasama lang siya.
——————————————————
(Kinabukasan)
Day off namin ni Cindy ngayon, mabuti nalang dahil gusto kong magpahinga. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa napag usapan namin ni Trixie tsaka iniisip ko din kung tama ba talaga ang desisyon ko. Idagdag mo pa na nag aalala ako kay Xave, base sa pagkwento sakin ni Trixie kahapon.

Gail!! Agad naman ako napatingin kay Cindy, nakita ko naman na napabuntong hininga siya.Tulala ka na naman! Siya na naman ba ang iniisip mo? Hindi naman ako sumagot kay Cindy. Bakit mo kasi siya iniiwasan Gail? Mahal ninyo naman pala ang isat-isa. Okay! Kahit wag mo na samin sabihin yung reason mo sa kanya nalang. Napabuntong hininga ulit si Cindy.

Alam mo ba kung anong nangyayari ngayon kay Uno? Kinuwento sakin ni Gray na palagi daw silang nag iinom sa condo ni Uno at lasing na lasing ito. Napaiwas naman ako ng tingin kay Cindy. Hindi ko naman maiwasan mag alala matapos marinig ang kwento ni Cindy. Sobrang naguguluhan na ako. Tama pa ba ang ginagawa ko?

Nung tanghaling tapat na, abala kami ni Cindy magluto sa kusina ng makarinig kami ng sigaw mula sa labas.

Gail!! Alam kong nandiyan ka!! Kausapin mo naman ako!! Boses ni Xave. Tiningnan naman ako ni Cindy kaya nag iwas ako ng tingin.

Hindi mo ba siya kakausapin? Tanong sakin ni Cindy.

Umiling naman ako. Kaya mo yan Gail! Cindy, pwede mo bang sabihin sa kanya na wala ako dito. Ikaw na ang bahala gumawa ng dahilan. Pakiusap. Buntong-hininga naman itong tumango bago nagsimulang maglakad palabas.

Patawad Xave.
——————————————————
[Cindy]
Naririnig ko parin mula dito ang pagsigaw at pagkalampag ni Uno sa gate namin. Sa totoo lang, hindi parin ako makapaniwala na mahal ni Uno si Gail.

Ang tanong is mahal naman pala nila ang isat-isa pero bakit iniiwasan siya ni Gail?

Huminga muna ako ng malalim bago buksan yung gate.

Cindy! Mababakas mo sa mukha ni Uno na mukhang puyat siya at medyo namayat din. Alam kong nandiyan si Gail. Pakisabi naman sa kanya na gusto ko siyang makausap. Tiningnan ko lang siya.

Totoong mahal niya nga si Gail. Dahil ngayon ko lang nakitang ganito si Uno. Sorry Uno pero wala dito si Gail. U-Umalis siya kanina. Hindi ko naman mabasa yung expression niya.

Iintayin ko nalang siya hanggang sa makabalik siya. Mapait naman siyang ngumiti sa akin.

Mabuti pa Uno umuwi ka muna. B-Bukas ka nalang bumalik. Umiling naman ito.

No, Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko siya nakakausap. Tumango naman ako bago bumalik sa loob, sinulyapan ko pa siya bago ko isara ang gate. Naupo lang siya sa may motor niya.

Pagbalik ko sa loob, nakita kong nakasilip si Gail sa may bintana marahil tinatanaw si Uno.

Mukhang wala siyang balak umalis. Nagdahilan na ako para pauwiin siya pero desidido talaga siyang makausap ka. Naglakad naman si Gail papunta sa sofa at naupo dito.

Hayaan mo siya, kilala ko si Xave, maiksi lamang ang pasensya niya. Maya-maya ay uuwi din siya. Tiningnan ko muna siya bago bumuntong-hininga.

Hanggang kelan mo balak tiisin siya Gail? Tanong ko sa kanya. Nanatili lang siyang nakatungo. Kung ano man ang reason mo kung bakit mo ginagawa ito ay sana worth it. ...Sana ay worth it iyan dahil nasasaktan mo na siya Gail. Matapos ko sabihin iyon ay pumasok ako ng kwarto at iniwan siya doon.
——————————————————
[Gail]
Nang lumabas si Cindy para kausapin si Xave ay agad akong nagtungo sa bintana.

Sa loob ng dalawang linggong pag iwas ko sa kanya ay walang palya niya akong kinukulit para kausapin. Hindi ko magamit ang cellphone ko dahil pinatay ko dahil natatakot akong mabasa ang mga text niya.

Natatakot ako na baka pag nakita at nakausap ko siya ay makalimutan ko ang dapat kong gawin. Oo sa ngayon, maayos pa ang lagay ng proteksyon ko pero paano kung sa oras na kasama ko siya ay manghina ako? Hindi ko kayang kunin ang natitirang buhay ni Xave para lamang makabawi ako ng lakas.

Paano kung hindi lamang kalahati ng buhay niya ang mawala? Paano kung tuluyan na siyang mawala ng dahil sa akin. Hindi ko kaya...




...Hindi ko kakayanin.

Naramdaman ko naman ang pagpasok ni Cindy.

Mukhang wala siyang balak umalis. Nagdahilan na ako para pauwiin siya pero desidido talaga siyang makausap ka. Pagbibigay alam niya sa akin. Naglakad naman ako sa may sofa para umupo.

Hayaan mo siya, kilala ko si Xave, maiksi lamang ang pasensya niya. Maya-maya ay uuwi din siya. Sagot ko kay Cindy. Maaring mangyari ang sinabi ko pero maari ding hindi dahil ang sabi ni Cindy ay desidido si Xave na makausap ako.

Hanggang kelan mo balak tiisin siya Gail? Tanong niya sa akin. Nanatili lang akong nakatungo. Hanggang kelan nga ba? Sobra din akong nahihirapan tiisin siya. Kung ano man ang reason mo kung bakit mo ginagawa ito ay sana worth it. ...Sana ay worth it iyan dahil nasasaktan mo na siya Gail. Nasasaktan din ako Cindy sa ginagawa ko at nagiging doble ang sakit sa tuwing nakikita ko si Xave na nasasaktan din.



Tama pa ba ang ginagawa ko? Mali ba na piliin ko ang kaligtasan niya kaysa sa kasiyahan ko?

Matapos sabihin sakin iyon ni Cindy ay pumasok na ito sa kwarto.

Nanatili lang ako dito sa sofa. Sandali kong pinikit ang aking mata para makapag isip-isip.
——————————————————
Gail! Gising! Nakaramdam ako ng mahinang tapik kaya agad kong minulat ang mga mata ko.

Nakatulog pala ako dito sa sofa. Anong oras na Cindy? Tanong ko kay Cindy.

Pasado alas siyete na ng gabi. Ang lakas ng ulan sa labas Gail at mukhang kanina pa umuulan. Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Cindy.

Siguro naman ay umuwi na si Xave? Ilang oras din akong nakatulog kaya siguradong naiinip na iyon at umuwi.

Nakita ko naman si Cindy na pumunta sa may bintana at sumilip. Gail!!! Agad naman akong napatingin sa kanya. Si Uno nasa labas pa din! Agad naman akong tumayo at kumuha ng payong.

Nababaliw na ba siya?!! Gusto niya ba magkasakit?!! Umiiwas ako sa kanya para maligtas siya tapos ito naman ang gagawin niya!!

Nang makarating ako sa may gate ay agad kong binuksan ito. Bumungad sakin ang basang-basa na si Xave, nakatungo ito habang nakatayo.

Agad akong lumapit sa kanya at pinayungan siya.

Nababaliw ka na ba ha Xave?!! Galit na sabi ko sa kanya. Gusto mo bang magkasakit?! Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Medyo namumutla na siya dahil mukhang kanina pa siya naliligo sa ulan. Bakit kasi hindi pa siya umuwi?!

Wag kang bibigay Gail! Kaya mo iyan! Tiisin mo lang siya.

Umuwi ka na. Malamig na sabi ko. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin kaya nabitiwan ko ang payong na dala ko. Unti-unti na din akong nababasa ng ulan.

Gail. Mahinang sabi niya. Why?...


...Bakit mo ako iniiwasan? Narinig ko naman ang hikbi ni Xave. Umiiyak siya. May nagawa ba akong mali Gail? Bakit ginagawa mo sakin ito? Pilit ko naman kinakalas ang pagkakayakap niya sa akin pero hinigpitan niya ito kaya hindi ko magawang makawala sa kanya.

Wala. Walang mali sayo Xave. Mahina kong sabi.

Then why are you avoiding me? Kumalas na siya sa yakap at tiningnan ako sa mata kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya.

Hindi mo maiintindihan.

THEN IPAINTINDI MO!! Sigaw niya sa akin. Gail, mahal kita. Mahal na mahal kita. Handa akong tanggapin kung ano at sino ka. Wala akong pakialam kung hindi ka kagaya namin. Handa akong ipaglaban ka Gail, kahit anong mangyari. Tuluyan ng kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Mahal din kita Xave sobra.

Hindi ko kaya Xave. Mahinang sabi ko. Hindi ko kayang isugal ang buhay mo para makasama ka. Oo, hindi ako kabilang sa mundong ginagalawan mo. Hindi ako mortal. Isa akong anghel Xave. Pag amin ko kay Xave. Isa akong anghel na may misyon sa mundo ninyo. At hindi mo ako maaring mahalin.

Why? Naguguluhan niyang tanong.

Dahil nakagawa ako ng isang bahay na naging dahilan para hindi tayo maaring magkasama. Ang kalahati ng proteksyon ko na nasa iyo ay unting-unti kinukuha ang life span mo. Nakita ko na parang nagulat si Xave sa mga sinasabi ko. Binigay ko ang proteksyon ko sayo sa pag-aakalang makakabuti ito pero nagkamali ako dahil ito pa pala ang dahilan kung bakit unti-unti kang mawawala.

Ang mga kagaya ko ay hindi maaring manatili ng matagal sa mundo ninyo. Sa oras na—

Sa oras na mangyari iyon ay manghihina kayo, mawawalan ng kakayahan at maglalaho. Pagtutuloy niya sa dapat ay sasabihin ko.

Tumango ako sa sinabi niya habang patuloy na lumuluha. Tuwing nanghihina ako ay kailangan ko ng lakas at ito ay ang life span mo at kapag ikaw naman ang nanghihina life span ko naman ang kinukuha mo. Kalahati na ang nababawas ko sa life span mo Xave at hindi ko na kaya pang bawasan it—

Kaya ba umiiwas ka sa akin, para iligtas ang buhay ko? Hindi ako sumagot sa tanong niya. Mas pipiliin mong maglaho para sa akin? Malamig na tanong niya. Umiyak lang ako at hindi sinagot ang tanong niya.

BULLSH*T!! Iniisip mo ang kaligtasan ko pero ang kaligtasan mo hindi?!! Sa tingin mo hindi ako masasaktan sa oras na mangyari iyon?!! Kahit umuulan, alam kong umiiyak si Xave.

Gusto lang kitang proteksyunan Xave, dahil MAHAL KITA! Umiiyak kong sabi. Hindi ko kaya na makitang unti-unting nauubos ang buhay ng lalaking mahal ko ng dahil sa akin. Kaya gagawin ko ang lahat para iligtas ka Xave! Handa kong isakripisyo ang buhay ko para sayo!

Then let me do the same. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang lumalapit siya sa akin. Tumigil ito sa tapat ko at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. I don't f*cking care if you take my f*cking life span, as long as I'm with you I'm fine with it.

...I love you Gail and I'll protect you no matter what happens kahit buhay ko ang kapalit. Agad niya akong hinawakan sa bewang ko at hinila papalapit sa kanya. Bumaba ang mukha niya sa mukha ko at doon ko naramdaman ang labi niyang dumampi sa mga labi ko.

Unti-unti kong pinikit ang aking mata at tinugon ang halik ni Xave.

(A/N: kasabay ng paghalik ni Xave kay Gail ay ang pagbalik din nito ng kalahati ng proteksyon ni Gail)

Nang humiwalay kami sa isat-isa ay agad kong nasalo si Xave matapos itong matumba at mawalan ng malay.

Xave!! Kinakabahan kong tawag dito. Agad ko naman siyang pinasok sa loob ng bahay namin, hindi ko na ininda ang bigat niya.

Hindi kaya dahil ito sa pagbabalik niya sa akin ng proteksyon ko. Tuluyan na ba siyang mawawala sa akin?

Gail, Anong nangyari?!! Gulat na tanong ni Cindy ng makita akong akay-akay si Xave papasok sa loob. Tinulungan niya akong maihiga si Xave sa sofa.

Hindi ko din alam Cindy, bigla nalang siyang nahimatay. Agad ko naman siya hinawakan sa noo. May lagnat siya Cindy. Pagkasabi ko noon kay Cindy agad naman itong umalis, di kalaunan ay bumalik din ito bitbit ang dalawang towel.

Inabot niya ito sa akin at ang isa ay para kay Xave. Magpalit ka muna ng damit Gail, baka magkasakit ka din. Ako muna bahala kay Uno. Nagmadali naman akong pumunta ng kwarto para mag palit ng damit at magtuyo para madali kong mabalikan si Xave.

Nang matapos ako ay bumalik na ako sa sala saktong tapos ng tuyuin ni Cindy si Xave. Tumayo naman si Cindy ng makalapit ako. Sandali lamang kukuha ako ng pamalit niya buti may naiwan ilang damit dito ang kuya ko. Nagpasalamat naman ako kay Cindy, ngumiti lang ito bago ako iwan para kunin yung damit.

Nakatingin lang ako kay Xave ngayon dahil sobra akong nag alala. Ano kaya ang magiging epekto ng pagbabalik niya ng proteksyon sa akin. Makakabuti kaya o makakasama?

Nang makarating si Cindy ay agad namin pinalitan ng damit si Xave, mahirap nga kasi parehas kaming hindi nakatingin.

Nang matapos kami ay nagluto na si Cindy ako naman ay tinawagan si Tita Celine para ipaalam na nandito si Xave.

Matapos ko gawin iyon ay bumalik na ulit ako sa tabi ni Xave mabuti nalang pumayag si aling Martha na papasukin dito si Xave.
——————————————————
Lumipas ang mga oras, nagpaalam na sakin si Cindy na matutulog na siya. Nagpaiwan naman ako dito para alagaan si Xave. Mabuti at medyo bumaba na ang lagnat niya.

Tumayo naman ako para palitan yung tubig na ginagamit ko para punasan siya. Malapit na ako sa kusina ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng dibdib. Muntik ko ng mabitiwan ang aking dala.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko halos mamilipit na ako sa sakit. Basang-basa na din ako ng pawis. Agad akong nagkulong sa banyo para hindi ko magising si Cindy. Parang unti-unti nauubos ang lakas ko. Nakakapanghina. Kumuha ako ng suporta sa dingding kaya di ko sinasadyang mabangga yung lagayan ng sabon. Napasigaw ako sa sakit dahil sa sobrang init ng pakiramdam ko para akong unti-unting nauupos.

Gail. Nakarinig ako ng ilang katok sa pinto ng banyo kaya agad kong kinagat ang labi ko para wag makagawa ng ingay. Okay ka lang ba?

H-ha! A-Ahh oo. Ayos lang ako. Nabangga ko lang yung lagayan ng sabon. Pagdadahilan ko sabay hilot sa aking dibdib.

Ahh sige. Mag ingat ka akala ko kung ano na nangyayari sayo diyan. Narinig ko naman ang pag alis ni Cindy kaya ininda ko na muli ang sakit na aking nararamdaman.

Bakit ganito ang nangyayari?
——————————————————
(Kinabukasan)
Maaga akong nagluto ng pagkain. Nang maramdaman ko na may yumakap sa akin.

Good morning. Mahina at malambing niyang sabi sa akin. Kaya humarap ako sa kanya nanatili parin siyang nakayakap sa akin.

X-Xave?!! Gulat kong sabi. Nginitian naman niya ako.

How are you? Agad naman kumunot ang noo ko ng marinig ang tanong niya.

Ha? Bakit ako ang tinatanong mo niyan eh diba ikaw yung may sakit?

Tss. Agad naman akong napahawak sa noo ko dahil masakit ang pagkakapitik niya.

Aray! Ano na naman ba?! Bakit ka namimitik diyan? Nakanguso kong sabi sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin.

Tss. Stop doing that. I'll asked you that because I was weak yesterday so maybe it affects you. Agad ko naman nakuha ang ibig niyang sabihin. Umiling ako at nginitian siya.

Ayos lang ako, Binalik mo na sakin ang proteksyon ko diba? Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako.

Pinili kong ilihim kay Xave ang nangyari sa akin kagabi hanggat hindi pa ako sigurado sa nangyayari sa akin.

Kailangan ko ulit makausap si Shin.
——————————————————
A/N: Chapter 92 is up! Thank you for waiting. Ginagawa ko na po ang chapter 93 so pakiintay nalang po.😊😊

Kahapon chineck ko yung ranking ng OMA and I'm so happy sa outcome nito. 😊

Biruin ninyo may nagbabasa pala ng story ko 😂. Again nagpapasalamat po talaga ako sa inyo.

Xoxo 😘

Continue Reading

You'll Also Like

811K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...