Polaris (Published under Indi...

By blue_maiden

6.2M 218K 41.3K

Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng... More

Simula
Kabanata 1: Manunulat
Kabanata 2: Ex-boyfriend
Kabanata 3: City of Pines
Kabanata 4: Weird
Kabanata 5: Magic
Kabanata 6: Captain Warrior
Kabanata 7: Believe
Kabanata 8: Lost
Kabanata 9: Portrayer
Kabanata 10: Deal
Kabanata 11: Best Friend
Kabanata 12: Shunyi
Kabanata 13: Kapalit
Kabanata 14: Bayani
Kabanata 15: Mystery Savior
Kabanata 16: Investigation
Kabanata 17: Old feelings
Kabanata 18: Kamatayan
Kabanata 19: CCTV
Kabanata 20: Revelation
Kabanata 21: Kasintahan
Kabanata 22: Paligsahan
Kabanata 24: Practice
Kabanata 25: Nalilito
Kabanata 26: Olats
Kabanata 27: Paumanhin
Kabanata 28 - Sakripisyo
Kabanata 29: Kaibigan
Kabanata 30: Trade
Kabanata 31: Ama
Kabanata 32: Mr. Anderson
Kabanata 33: Bihag
Kabanata 34: Pagtakas
Kabanata 35: Itinakda
Kabanata 36: Tagapagligtas
Kabanata 37: Pagsasanay
Kabanata 38: Nararamdaman
Kabanata 39: Matalik na kaibigan
Kabanata 40: Pagsuko
Kabanata 41: Mogwai
Kabanata 42: Reyna Mogwai
Kabanata 43: Sakripisyo
Kabanata 44: Lunar Eclipse
Kabanata 45: Pamamaalam
Kabanata 46: Haring Midas
Kabanata 47: Huling Sandali
Katapusan
IKALAWANG YUGTO

Kabanata 23: Libing

87.6K 3.5K 653
By blue_maiden

Libing

Hindi ako makapaniwala na ie-expose ko pa siya lalo sa mundo namin. Tama nga ba talaga 'tong ginagawa ko?

Kaso sa tuwing titignan ko siya na nakatingin sa loob ng cafe, lalo na sa stage, kakaiba 'yong saya na meron sa mukha niya. Hindi ko naisulat kung gaano ba niya ka-gusto na kumanta basta ang nasulat ko lang ay maganda ang boses niya.

"Uhm, sasali po sana 'yong kasama ko--"

"Sasali po kaming dalawa sa singing contest," tumingin ako kay Scion habang nakataas ang kanang kilay ko. Anong pinagsasasabi niya? "Saan po ba 'yong susulatan naming form para makasali?"

"Ito," inabot nang matandang lalaki ang form. "Pagkatapos niyo ay ibigay niyo sa akin ang form. Sakto lang kayo dahil ngayon ang deadline para makasali."

Hinawakan ako si Scion sa kamay. Agad ako napatingin sa mga kamay namin. Sa tuwing ginagawa niya 'to, parang may kuryenteng dumadaloy mula sa kamay niya papunta sa buong katawan ko.

Walang kung ano-anong sabi ay hinila ako ni Scion papunta sa lamesa malapit sa registration, "Ikaw na 'yong magsulat dito." Utos niya sa akin.

"Sandali nga, bakit mo sinabi na dalawa tayo? Ikaw lang naman 'yong kakanta." Reklamo ko habang nakapatong sa magkabilang bewang ang mga kamay ko. "Hindi maganda ang boses kaya--"

Pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

"Narinig ko na ang boses habang natutulog ka. May kung anong kinakanta ka pero maganda ang boses mo kaya mas maganda na dalawa tayo."

Ako? Kumakanta habang natutulog? Posible ba 'yon? Alam ko sleep talking lang ang meron pero hindi sleep singing.

Pero hindi ko talaga alam kung maganda ang boses ko. Sa tuwing kumakanta kasi ako sa bahay ay palagi na lang nagagalit si Auntie at sinasabing kasing pangit at baho ng estero ang boses ko. Kaya kahit kailan, hindi ako kumanta sa harap ng ibang tao.

"Sige na, sulatan mo na 'to, gabi na at kailangan na natin umuwi."

Ang bossy pa rin niya talaga. Siguro hindi na talaga maaalis 'yon sa kanya.

"Oo na, boss." Sagot ko.

Basic information lang naman ang hiningi nila sa amin at walang ID na kailangan ipakita. Mabilis kong nasagutan ang form at ipinasa na namin iyon doon sa matandang lalaki.

"Bukas may practice tayo dahil sa Sabado ay start na ng prelimination rounds."

Bukas agad? Ang bilis naman. Wala pa nga kaming na practice na kanta.

"Maghanda lang kayo ng minus one pero mas maganda kung may sarili kayong instrument."

"Sige po, babalik na lang po kami rito bukas ng hapon."

Mukhang walang tulugan ang mangyayari sa amin nito. Alam kong kaya ni Scion kahit na dalawang oras lang na tulog pero ako, kakayanin ko ba?

Naglakad na ulit kami pabalik sa bahay nang makita ko sa internet na ngayon na pala ang huling burol nang taxi driver na nagtangkang gahasain ako. Buti na lang at nakalagay ang address ng bahay nila.

Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil pakiramdam ko, may kinalaman ako sa pagkamatay niya. Masama man ang ginawa niya sa akin ay hindi pa rin dapat siya mamatay. Pakiramdam ko naman ay magsisisi siya sa kulungan at magbabago para sa pamilya niya.

"Pwede ba tayong pumunta saglit sa burol nang taxi driver?" Tanong ko kay Scion.

Nagsasalunong agad ang dalawa niyang kilay, "Nahihibang ka na ba? Dadalawin mo pa 'yong taong gusto kang gahasain?"

"Scion, alam kong mali siya pero may tamang proseso para pagsisihan niya ang kamalian niya. Hindi siya dapat mamatay at pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit nangyari 'yon. Kaya gusto kong humingi ng tawad sa kanya ng personal, sa huling araw ng burol niya."

Umiling siya habang kinakagat ang mga labi niya, "Hindi talaga kita maintindihan. Masyado kang mabait kaya ka napapahamak. Dapat lang naman talaga sa tao na 'yon ang mamatay dahil iyon ang kapalit ng kasalanan niya."

Inintindi ko na lang kung saan nanggagaling si Scion. Nakita niya kung paano naging miserable ang buhay ng nila dahil sa ginawang panggagahasa ng tatay niya sa nanay niya.

"Kung ayaw mo akong samahan, ayos lang. Mauna ka na lang sa bahay," sambit ko.

"Tsk, pambihira talaga. Dalian na natin, gusto mo ng umuwi."

Umiling ako habang nakangisi. Hindi rin pala niya akong kayang iwan mag-isa.

***

Hindi naman kalayuan ang bahay niya kaya nakarating kami agad doon. Maliit lang ang bahay nila at halatang naghihirap sila.

Nakita ko sa malayo ang sa tingin ko ay asawa ni kuyang driver. Iyak pa rin siya nang iyak habang nakatayo sa harapan ng kabaong ng asawa niya. Sa tabi naman niya ay may batang lalaki na nakatulala kung saan pero maya-maya at napatingin siya sa amin ni Scion.

"Nanay, may tao sa labas," kalabit niya sa babae. "Mukhang nandito sila para kay tatay."

Huminto siya sa pag-iyak ng makita niya kami. Namumula nang husto ang mata ng babae. Nakakunot siyang pumunta sa amin at nagulat ako dahil hinila niya ang buhok ko pababa. Nakaramdam agad ako ng sakit sa anit ko.

"Hayop ka! Ikaw siguro 'yong kabit ng asawa ko! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito!"

Wala akong makita dahil sa pagkakasabunot niya sa akin. Pilit kong hinahawakan ang kamay niya para maialis 'yon sa buhok ko pero malakas ang pagkakahawak niya.

"Lapastangan!" Sigaw ni Scion.

Nawala bigla ang pagkakahawak sa akin. Inangat ko agad ang ulo ko para tignan ang babae dahil baka mamaya nasaktan siya ni Scion pero mukhang hindi naman.

"Hindi siya kabit ng asawa mo dahil girlfriend ko siya. Naging pasahero siya ng asawa mo kaya nandito kami para dumalaw."

Napanganga ang babae habang dahan-dahang napaupo sa kinakatayuan niya. Nagsimula na naman siyang maiyak.

"Patawarin mo ako, akala ko kasi ikaw 'yong pinaghihinalaan kong kabit niya. Nababaliw na ata talaga ako dahil sa pagkawala ng asawa ko," humagulgol na siya sa pag-iyak.

Lalapit sana ako sa kanya pero hinawakan ni Scion ang kamay ko.

Ito na naman ang kuryente na dumaloy sa katawan ko.

"Nahihibang ka na naman! Lalapit ka sa taong nanakit pa lang sa'yo?"

Hinawi ko ang kamay niya, "Hindi niya sinasadya ang ginawa niya. Kailangan niya ng comfort. Scion intindihin mo naman siya, namatayan siya."

Nilapitan ko ang babae at itinayo ko siya. Niyakap ko siya habang hinihimas ang likuran niya. Ganito ang ginagawa sa akin ni Lola sa tuwing umiiyak ako at agad naman akong nagiging okay.

Nakita ko ang anak niya na natingin sa akin at nakangiti nang bahagya.

"Pasensya na talaga, miss. Hindi ko sinasadya na masaktan ka. Nadala lang ako ng damdamin ko kaya ko 'yon nagawa."

"Ayos lang po, h'wag niyo na 'yon isipin."

Sinamahan niya kami papunta sa kabaong ng asawa niya na ang pangalan pala ay Roberto. At siya ay si Angela. Mabait naman daw ang asawa niya pero talagang mahilig ito sa babae. Masyado rin daw kasi siyang busy sa paglalabada kaya hindi na niya na aasikaso ang asawa at anak niya.

Nakakapagtaka lang dahil walang ibang tao sa burol niya maliban sa kanila ng anak niya.

"Galit sa kanya ang buong pamilya niya dahil pinakasalan niya ako. Para sa pamilya niya, isa akong salot kaya ayaw nilang lumapit sa amin," nagsimula na naman siyang maiyak.

Hinawakan ko ang kamay niya para kahit papano ay gumaan nag pakiramdam niya. Hindi ko na maramdaman ang galit na naramdaman ko sa asawa niya. Mas nangingibabaw ngayon ang awa ko para sa kanila.

"Kahit sa huling araw man lang ng burol niya ay hindi sila nagpakita kaya ang sakit-sakit. Maloko man ang asawa ko pero hindi siya nagpapabaya sa anak namin."

Nakakalungkot lang na may mga ganitong tao sa mundo. Ang sakit isipin na sarili niyang kadugo ang gumagawa nito sa kanya. Sabagay, ako nga mismo, iniwan na lang ng mga magulang ko.

Siguro nga, tama si Lola na lahat ng tao ay isinilang na mabait pero ang hindi nakita ni Lola ay napuno na ng galit ang mundong ito kaya ganon na lang kung mabaon sa pinakailalim ng puso nila ang kabaitan na taglay nila.

"Paano ka naman naging salot? Masipag ka naman at hindi mo pinapabayaan ang pamilya mo," tanong ni Scion. Ayan din ang nasa isip ko. Paano siya naging salot kung mukha naman siyang mabait na tao?

Nagtinginan silang mag-ina.

"Hindi ko alam kung maniniwala kayo o hindi pero twenty three years ago.. may mga kakaibang bagay akong nakikita," tumingin siya sa malayo at nabalot ng takot ang mga mata niya. "Sinabi ko 'yon sa asawa ko at sa pamilya niya pero hindi sila naniniwala sa akin at para sa kanila ay isa akong baliw. Hanggang sa isang gabi, nakita ko na lang na kinain ng isang kakaibang ahas ang kapatid ni Roberto,"

Biglang tumaas ang mga balihibo sa buong katawan ko. Isa na namang ahas. Namatay si Kuya Roberto dahil sa kamandag ng isang ahas. May kinalaman ba ang kamatayan nila ng kapatid niya? Pero twenty years ago na ang nakakalipas.

"Natakot akong sabihin sa kanila ang totoo kaya itinago ko iyon pero nang sunod-sunod na ang pagkawala ng kapatid at pinsan niya ay sinabi ko na ang mga nakita ko pero nagalit lang sila sa akin at sinabing isa akong salot. Simula raw ng dumating ako sa buhay nila ay minalas na sila. Ipinaglaban ako ng asawa ko kaya nga umalis na kami sa Iloilo at dito sa Maynila nagbakasakali."

Ibig bang sabihin ba na, twenty three years ago ay may mga kakaibang nilalang na talaga katulad ni Guison at ng mga may sa malignong ahas? Pero sandali, kung konektado nga sila sa mga nangyari dati ay ibig sabihin posibleng konektado rin ito sa Polaris.

"Aling Angela, baka kagagawan lang ng imahinasyon niyo ang lahat," sambit ni Scion. "Mabuti pa magpahinga na lang kayo at mukhang wala pa kayong pahinga."

Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi na imahinasyon lang 'yon. Alam naman niya ang tungkol kay Guison at sa mga ahas at alam din niya na sa kamandang ng ahas namatay si Kuya Roberto.

"Totoo ang mga sinasabi ko," nagsimula na naman siyang umiyak kaya tinignan ko nang masama si Scion. Hindi ito ang oras para sa pakikipagtalo. "Ayaw pa ipakita sa akin ng inspektor ang autopsy report pero malakas ang kutob ko na kinagat siya ng isang ahas dahil sa pangingitim at ng dalawang maliliit na butas sa leeg niya."

Hindi ako makatangin sa kanya. Totoo ang hinala niya, totoong kinagat ng isang kakaibang ahas ang asawa niya kagaya nang nangyari sa akin.

Bigla akong napahawak sa leeg ko. Hanggang ngayon kaya ang nangingitim pa ito?

"Anong dahilan kung bakit ayaw pa ibigay sa inyo ng inspektor ang autopsy report? Karapatan niyo 'yon bilang asawa niya."

Sandali nga, may naalala ako bigla, si Sir Raymond nga pala ang Chief Inspector na humahawak sa kaso ni Kuya Roberto.

"Siya rin ang inspector na humawak sa kaso ng kapatid ni Roberto twenty three years ago at sabi niya may kailangan pa siyang imbestigahan gamit ang autopsy dahil baka konekto nga ang pagkamatay nila ng kapatid niya. Sa totoo lang, siya lang ang nakikinig sa akin dahil ang sabi niya may kakaibang bagay din siyang nakikita na katulad ko."

"Ano 'yong ibang bagay na nakikita niyo?" Tanong ni Scion.

Mula sa malayo ay may nakita akong isang sasakyan na parang gagarahe sa tapat ng bahay nila. Hindi ko agad nakita ang plate number dahil sa headlights pero nang mamatay ang makina ng kotse ay nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ako pwedeng magkamali sa plate number na 'yon. Sigurado akong sa kotse 'yon nila Fashia.

Hindi kami pwedeng makita ni Sir Raymond dito dahil mas lalo lang siyang maghihinala sa amin ni Scion.

Ibubuka pa lang sana ni ate Angela ang bibig niya pero pinigilan ko na siya, "Pasensya na po, may emergency lang kami. Aalis na po kami."

Hinila ko agad si Scion palabas ng bahay. Buti na lang at may kinuha pa sa trunk si Sir Raymond kaya hindi na niya kami nakita pa.

Naglakad na kami palayo sa bahay nila ate Angela. Nakakailang hakbang na kami nang marinig ko ang malakas sigaw at hagulgol niya. Gusto kong malaman kung anong nangyari at ganoon ang naging reaksyon niya pero hindi pwede.

Niyakap ko ang sarili ko, hindi dahil sa lamig ng hangin, kung hindi dahil sa kunsensya. Ngayon na wala na ang asawa niya ay mas lalo silang maghihirap.

Ano ba 'tong ginawa ko?

May isang pamilya ang magiging miserable nang dahil sa akin.

Dahan-dahang nag init ang mga pisngi ko.

"Tsk, h'wag kang umiyak. Wala kang kasalanan sa nangyari," sambit ni Scion habang nakatingin sa akin. "Hindi ikaw ang pumatay sa kanya."

"Pero pakiramdam ko ako ang dahilan kaya siya pinatay ng ahas na 'yon."

Huminto siya sa paglalakad at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang nakatingin siya sa mga mata ko, "Wala kang kasalanan, itanim mo 'yan sa utak mo. Kung namatay siya, 'yon ay dahil oras na niya at wala kang magagawa doon."

Binitawan niya ang mga balikat ko pero hinawakan naman niya ngayon ang kamay ko. Halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko kaya kailangan pa akong hilahin ni Scion pauwi.

Hindi man ganon kagaling mag-comfort si Scion pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

Baka nga talaga oras na niya kaya siya namatay pero...

"Tingin mo ba 'yong ahas na kumagat sa akin ay pareho lang sa ahas na pumatay kay Kuya Roberto?"

"Hindi ko alam," tipig niyang sagot.

"Ano nga kaya 'yong mga kakaibang bagay na nakikita ni Ate Angela? May kinalaman ba 'yon sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon?"

Nauuna siyang maglakad sa akin at hindi niya ako nililingon. Mabilis ang paglalakad niya na para bang hinahabol siya ng kung sino.

"Scion, ayos ka lang ba?"

Hindi pa rin niya ako sinasagot.

Hinila niya ako papunta sa isang masikip na eskinita at pagkatapos ay niyakap niya ako.

Napapikit ako at naramdaman ko na naman na para akong nahuhulog sa isang napakalalim na bangin.

Nag shunyi ba siya?

Pagdilat ng mga mata ko ay nasa kwarto na kami. Gumamit na naman siya ng kapangyarihan? Pero bakit? Pwede naman kaming maglakad papunta rito sa bahay.

"Anong ginawa mo, Scion?"

"Naramdaman ko ulit 'yong enerhiya ng taong sumusunod sa atin kanina kaya naisipan ko nang mag-shunyi pabalik dito."

Napaupo ako sa kinakatayuan ko at ang tanging nagawa ko na lang ay huminga nang malalim. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging kumplekado ang lahat sa buhay ko.

Una, lumabas ang character sa istorya na sinulat ko. Pangalawa, kinidnap at binalak pa akong patayin ng isa lalaking may kapangyarihan, nakagat pa ako ng isang kakaibang ahas. Pangatlo, namatay ang taong muntik na akong gahasain at ang pagkamatay niya ay dahil din sa kakaibang ahas. At ito naman ngayon, may sumusunod sa amin na hindi ko alam kung anong klaseng nilalang.

Idagdag mo pa na malapit na ata akong makulong sa isang bagay na hindi ko naman talaga ginawa.

Ang sakit na talaga sa bangs kahit wala naman ako no'n. Maglagay na kaya ako no'n para ma-justify ko na 'yong expression na "ang sakit mo  sa bangs".

"Kailangan mo nang mag doble ingat simula ngayon, Serenity. Hindi maganda ang kutob ko sa lahat ng mga nangyayari." Sambit ni Scion na mas lalo lang nagbigay sa akin ng takot.

Posible kasing kasamahan ni Guison ang sumusunod sa amin at baka kunin na naman nila ako at itali sa gitna ng napakaraming ahas. Pipilitin na naman nila akong sabihin kung nasaan ang Polaris. At kapag hindi sila naniwala sa akin ay...

"Papatayin nila ako!"

Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko. Nakaramdam ako ng sobrang panlalamig sa buong katawan ko pero dahan-dahang ding nag-init ang mga braso ko.

Ayon ay dahil sa mainit na kamay ni Scion.

"Serenity, hindi ko hahayaan na may gawin silang masama sa'yo kaya simula ngayon at h'wag ka ng aalis sa tabi ko."

Nagkatitigan kaming dalawa.

Tanging ilaw lamang sa lamp shade ko ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto ko. Gano'n pa man ay kitang kita ko pa rin ang asul na mata ni Scion. Para itong umiilaw sa dilim. Ang ganda at ang sarap pagmasdan.

Napahawak ako sa kanang dibdib ko.

Bakit ganito? Sobrang bilis nang tibok ng puso ko at halos nahihirapan akong huminga.

Ano bang nangyayari sa akin?

Nagkakagusto ba ako kay Scion?

---

This chapter is dedicated to @SachiSana21

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 494K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
5.5K 231 26
The Tagalog translation of the Thai Novel: Blank: fill in the blank with the word love Written and credits to Chao Pla Noi
20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
21.3K 635 42
Sa pagdalisdis ng damdamin, ito ba'y dapat sundin? Makapangyarihan ang pag-ibig, ika'y ba'y magpapalupig?