Oh my Angel!

By Pretzhele

34.1K 1.6K 657

• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members More

-Prologue-
-1-
-2-
-3-
***
-4-
***
-5-
-6-
***
-7-
-8-
***
-9-
-10-
***
-11-
-12-
***
-13-
-14-
-15-
-16-
***
-17-
***
-18-
***
-19-
***
-20-
***
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-29-
-30-
***
***
-31-
-32-
-33-
-34-
-35-
-36-
-37-
-38-
-39-
-40-
-41-
-42-
-43-
-44-
-45-
-46-
-47-
-48-
-49-
-50-
-51-
-52-
-53-
-54-
-55-
-56-
-57-
-58-
-59-
-60-
-61-
-62-
-63-
-64-
-65-
-66-
-67-
-68-
-69-
-70-
-71-
-72-
-73-
-74-
-75-
-76-
-77-
-78-
-79-
-80-
-81-
-82-
-83-
-84-
-85-
-86-
-87-
-88-
-89-
-91-
-92-
-93-
-94-
-95-
-96-
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
Epilogue Part 3
Epilogue part 4

-90-

266 13 14
By Pretzhele

[Gail]
Lunch break na, kaya nagsimula na kaming mag ayos ni Cindy. Usapan kasi na magkita-kita ulit sa may garden.

Tara na Gail. Pag yaya sakin ni Cindy kaya tinanguan ko ito. Nag usap lang kami ni Cindy habang palabas ng room. Nagulat naman ako ng may biglang humigit ng kamay ko at hinila ako palayo.

X-Xave??! Gulat kong tawag sa kanya. Pilit kong hinahatak ang kamay ko pabalik kaso desidido itong wag akong bitawan.

Nakarating kami sa tambayan niya, kaya malakas kong hinatak ang kamay ko. Hindi pa ako lubos na nakakabawi ng lakas kaya sigurado ako na kukunin na naman nito ang lakas ni Xave at mababawasan na naman ang life span niya. Kaya medyo lumayo ako sa kanya.

Ano bang kailangan mo?! Bakit bigla-bigla ka nalang nanghahatak?!! Galit na tanong ko sa kanya. Nabakas sa mukha niya ang pagkagulat marahil hindi niya inaasahan ang sinabi ko sa kanya. Wala akong magagawa kailangan ko itong gawin.


...para sa kanya.

I need to talk to you. Naging seryoso ang mukha niya. Hindi naman ako nagpatinag ginantihan ko din siya. Walang emosyon ko siyang tiningnan. Nung gabing iyon, I saw what you did. Ikaw ang gumamot sa akin that time. Nakita ko kung paano lumiwanag ang mga kamay mo na nakatapat sa sugat ko and Reign told me na you save her and she also saw your wings. Nagulat man ako sa narinig ko mula sa kanya ay pinanatili ko ang sarili ko na walang emosyon.

Naniniwala ka doon Xave? Peke akong tumawa. Xave, bata lang si Reign lahat ng—

Then how can you explain what I saw that night? Pagputol niya sa sinabi ko.

Halusinasyon mo lamang iyon Xave, dala ng nangyari sayo. Masama na ang pakiramdam mo ng mga oras na iyon kaya kung ano-ano na ang nakikita mo. Malamig ko siyang tiningnan. Patawad Xave hindi mo maaring malaman ang totoo. Iyan lang ba ang sasabihin mo? Kung ganun aalis na ako. Tumalikod na ako at nag umpisang maglakad paalis ng magsalita siya.

I know na hindi ka tao, and hindi ka rin nanggaling sa mundo namin that's why wala akong mahanap na information about sayo. Maybe isa kang angel na may misyon dito sa mundo namin, pwede din na tagasundo ka o kaya ay guardian angel gaya ng kinuwento sakin ni Nana noon bata pa ako. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Alam na niya?

Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bahala ka kung iyan ang gusto mong isipin. Malamig ko paring sabi at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.
——————————————————
[Xave]
I know na isa ka sa mga binanggit ko. Hindi ako titigil hanggat hindi ko ito napapatunayan.
——————————————————
(Fast Forward)
(Another week passed)
[Gail]
Isang linggo na akong hirap na hirap. Hirap na hirap sa patuloy na panghihina ko at sa patuloy na pangungulit ni Xave sa akin. Buong linggo niya akong kinukulit tungkol sa nalaman niya kaya hirap na hirap akong magpanggap na walang pakialam sa kanya.

Nabalitaan ko kina Seven na may sakit si Xave  nung nakaraang araw, matapos kaming mag usap at alam ko na ako ang dahilan dahil nakabawi ako ng lakas nung araw na iyon.

Sa loob din ng isang linggong iyon ay napapansin ni Trixie ang kinikilos ni Xave.

Mabuti nalang tinutulungan ako ni Sky at ng 7aces na mapalayo kay Xave.

Gail, sigurado ka bang okay ka na? Nagiging sakitin ka ngayon ah. Masyado mo kasi inaabala ang sarili mo sa mga activities kaya sinisingil ka ng katawan mo.

Alam mo naman ang dahilan diba? Kailangan kong maghabol sa mga lessons at activities na nakaligtaan ko nung absent ako. Ayos lang ako Cindy pagod lang ito. Nginitian ko naman siya.

Malapit na kami sa room namin ng makita kong nasa labas ng room nila si Xave at Trixie kaya agad kong iniba ang ekspresyon ko. Diretso lang ako sa lakad ko na parang hindi ko siya nakita. Binangga niya pa ako na parang sinadya niya para pansinin ko siya kaya ang ginawa ko hinayaan ko nalang at hindi siya pinansin.

Nawala naman ang ngisi niya dahil wala akong reaksyon sa ginawa niya. Kaya naiinis itong pumasok ng room nila, sinundan na din siya ni Trixie sa loob.

Gail, iniiwasan mo ba si Uno? Tanong ni Cindy.

Yun naman ang dapat kong gawin diba? Balik kong tanong kay Cindy. Napatango nalang ito sa sinabi ko at pinagpatuloy na namin ang pagpasok sa room.
——————————————————
[Xave]
D*mn! Ano bang problema niya?!! Ilang araw ko na siyang kinukulit pero parang wala lang sa kanya. Mali ba ako? Hindi ba siya katulad ng iniisip ko? Pero hindi talaga ako pwede magkamali sa nakita ko. Sigurado ako sa nakita ko ng gabing iyon.

Vier, anong problema? Naramdaman ko naman ang paghawak ni Xie sa kamay ko. Hindi ko napansin na nagusot ko na pala ang papel sa ibabaw ng desk ko.

Wala. Sagot ko kay Xie. Tinitigan lang ako nito. Why? Umiling naman ito sa akin at ngumiti.

Date tayo later. May alam akong place na masarap ang food na hinahanda nila. I know mawawala iyang inis mo pag doon tayo kumain. Agad naman ako napaiwas ng tingin kay Xie.

I know na mali na si flat woman ang iniisip ko ngayon, dapat ay ang girlfriend kong si Xie ang pinagtutuunan ko ng pansin, but I can't help it. Hindi siya mawala sa isip ko.

O-okay. Nginitian naman niya ako bago binalik ang tingin sa board dahil dumating na ang teacher namin. And f*ck as hell!! bakit siya yung nakita ko nung ngumiti sakin si Xie?!!Anong nangyayari sa akin?
——————————————————
(Lunch break)
Sabay kaming lumabas ni Xie ng room, excited siya sa lakad namin ngayon.

Nang palabas na kami ng school nadaan kami sa school garden at naagaw ang atensyon namin sa isang grupo na masayang nagkwentuhan at nagtatawanan.

Tss.

Nakita ko siya. Bakit nakakangiti siya sa mga iyan pero pag sa akin palaging walang emosyon ang mukha niya? Tss.

Nawala na ako sa mood. Vier. Tawag ni Xie sa akin sabay tingin sa tinitingnan ko kanina.

Tss. Lets go. Dahan-dahan naman siyang tumango at sumunod sa akin.

Bakit naiinis ako? Tss.
——————————————————
[Gail]
Tapos na ang klase namin at pauwi na ako. Pinayagan ako ni Ate Maggie na mag off muna ng tatlong araw dahil hindi naman ganun ka abala sa coffeeshop.

Cinds sa garden nalang kita iintayin. Tatapusin ko pa itong pagkopya ko ng notes.

Sige, bibilisan ko nalang. Pasensya na talaga Gail bigla kasing nagtext si President.

Ayos lang, sige na magkita nalang tayo mamaya. At nagtungo na ako sa garden.

Inabala ko ang sarili kong kumopya ng notes na hiniram ko kay Cindy. Abala kasi si Cindy nitong nakaraang araw kaya hindi niya ako nagawang igawa ng notes.

Nang matapos ako ay nag unat-unat ako. Grabe ang dami kong sinulat.

Good timing. Agad naman naging seryoso ang ekspresyon ko matapos ko maring ang boses niya.

Hindi ko naman siya pinansin at inabala nalang ang sarili ko na ayusin ang nagkalat kong gamit sa mesa.

Ano ba naman iyan Xave! Wag mo naman ako pahirapan!! Ang kulit mo naman eh. Hindi mo ba magets na lumalayo ako sayo para sa ikakabuti mo?

Tss. Agad naman kinuha ni Xave ang kamay ko para pigilan ako sa pag aayos ng gamit ko.

Psh! Xave naman eh!! Makisama ka nalang pakiusap.

Ano bang problema mo Xave?! Pagalit kong tanong sa kanya. Ngumisi naman ito sa akin.

Tss. Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Anong problema mo? Bakit mo ako iniiwasan? Natigilan naman ako sa tanong niya.

Bakit ko naman gagawin iyon? Malamig kong sabi.

Bakit nga ba? Balik tanong niya. Dahil ba nalaman ko ang tinatago mong lihim? Malamig na sabi nito.

Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko alam ang sinas—

THEN WHY ARE YOU F*CKING AVOIDING ME?!! Nagulat ako ng bigla itong sumigaw. Akala ko ba no matter what happens hindi ka aalis sa tabi ko, now can you f*cking tell me na hindi mo ako iniiwasan?

Hindi naman ako nagsalita. Malamig ko lang siyang tiningnan. Gail, wag kang iiyak! Kaya mo iyan! Tiisin mo lang ang mga sasabihin niya.

You know what?! Dapat hindi na kita pinagkatiwalaan, dapat hindi na ako naniwala sa sinabi mo. Akala ko iba ka sa kanila but you f*cking proved me na I'm f*cking wrong!! Galit na sabi niya.

Wala na akong pakialam sayo. Iniiwasan mo ako? Fine! I don't f*ckin' need you. Malamig niyang sabi at binangga niya ako nang magsimula na itong umalis.

Nanatili lang akong nakatayo dito. Wag kang iiyak Gail. Kailangan mong gawin ito, para sa kanya. Mahina kong bulong sa sarili ko pero may sariling utak ang mga luha ko dahil unti-unti na silang lumalaglag.

Hindi ko naman binigo ang pangako ko sayo Xave. Hindi kita iniwan. Nasa tabi mo parin ako. Pinoprotektahan lang kita, dahil ayaw kong mawala ka. Mas gugustuhin ko pang magalit ka sa akin kaysa mawala ka dahil sa akin.

Hay! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na kahit maganda ka pag umiiyak mas maganda ka parin pag nakangiti. Nagulat naman ako ng may panyo sa harap ko kaya napatingin ako sa taong may hawak nito.

Treston. Mahinang tawag ko. Ngumiti naman siya sa akin. A-anong ginagawa mo dito? Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nakita na naman niya akong umiiyak.

Wala lang. Nakangiti nitong sabi. Pakiramdam ko kasi parang may nangangailangan ng panyo ko eh. At mukhang tama nga ako.

Naupo naman ako at tumungo, tumabi naman siya sa akin. Mahal mo na siya diba? Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin. Hindi mo siya iiyakan ng ganyan kung wala kang nararamdaman sa kanya. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na itatanggi pa dahil kahit itanggi ko ito sa kanya ay alam na niya ang totoo.

Hay! Ang swerte talaga ni Uno. Mahal siya ng babaeng mahal ni Dos, tapos mahal din siya ng taong mahal ko. Tapos makikita ko lang yung babaeng mahal ko na pinapaiyak niya. tsk...tsk... nagulat naman ako sa sinabi ni Treston kaya napatingin ulit sa kanya. Magsasalita na sana ako kaya lang inunahan niya ako.

Oo, ikaw yung tinutukoy kong babae na mahal ko. Haha. Napaka bad timing naman ng confession ko. Nahihiya naman hinawakan niya ang batok niya.

Treston. Mahina kong tawag.

Pero wag kang mag alala matagal ko ng tanggap na wala akong pag-asa sayo, tsaka ayaw ko sirain ang isa sa code namin. Nakangiti niyang sabi. Kaya wag ka mag alala crush nalang kita ngayon. Haha. Natawa naman ako sa sinabi niya. Loko-loko talaga. Tsaka alam ko naman kung sino yung nagmamay-ari ng puso mo eh. Okay na ako sa crush lang. Matapos niya sabihin iyon ay naging tahimik kami.

Pero di kalaunan ay binasag ni Treston ito. Bakit mo ba siya iniiwasan? Sa nakikita ko na may mahalagang reason ka kung bakit mo ginagawa ito. Hindi ka naman siguro masasaktan kung ginusto mo talaga ang ginagawa mo?

Tumungo naman ako. Hindi ko naman talaga ginustong iwasan si Xave pero kailangan ko itong gawin para maligtas siya.

Okay lang kung hindi mo pa kaya sabihin ang dahilan mo. Alam kong para sa ikakabuti ni Uno iyan.  Ganyan lang si Uno pag alam niyang binabalewala siya ng taong importante sa kanya at MAHAL niya. Ngumiti naman si Treston at ginulo ang buhok ko. Pag kailangan mo ng kausap. Tawagan mo lang ako Crush, kahit nasaan ako dadating ako para sayo. Nginitian naman niya ako bago nagpaalam na aalis na. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

Salamat Treston.

Agad naman nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang sinabi ni Treston...

...Importante at mahal? Imposible mangyari iyon.
——————————————————
(Fast Forward ulit)
(One week passed)
[Gail]
Matapos namin mag usap ni Xave ay tinotoo talaga nito ang sinabi niya. Hindi na niya ako pinapansin at parang hangin lang ako sa kanya. Mabuti naman kung ganoon. Hindi na ako mahihirapan.

Kahit magkakasama kami ay may sarili silang mundo ni Trixie. Kaya kami-kami lang ang nagkakatuwaan kaya ang ending nag wawalk out si Xave at susundan siya ni Trixie. Tulad nalang ngayon.

Tss. Annoying. Sabay padabog na umalis.

Vier!! At sinundan siya ni Trixie.

Hindi naman siya pinansin ng ibang 7aces marahil ay nasanay na, sa buong linggo ba naman na ganun ang ginagawa niya di pa ba sila masasanay?

Bumubuti na din ang pakiramdam ko. Medyo nakakabawi na ako ng lakas. At sa tingin ko ay nasa magandang kondisyon din ang proteksyong na kay Xave.

Sa loob din ng isang linggong iyon ay naunawaan ko na ang totoong misyon ko. Naunawaan ko na ang nais ipakahulugan ni Clyne sa akin noon. Ang misyon ko ay hindi lamang umiikot sa buhay ni Xave, kundi pati din sa mga tao sa paligid niya at masaya ako na napagtagumpayan ko ito. Masaya ako na nakilala ko sila at naging kaibigan bago ako maglaho ng tuluyan.
——————————————————
[Trixie]
Sinusundan ko lang si Vier ngayon. Matagal ko na napapansin ang kakaibang kinikilos niya pero nagbubulag-bulagan ako. Natatakot ako sa maari niyang sabihin at sa maari kong malaman pero hindi ko na kaya pang magpatay malisya.

Xie, stop following me.

Vier. Tumingin muna ako sa paligid and thank God walang tao sa lugar kung nasaan kami. Tiningnan ko naman siya ng seryoso. Vier, what's happening to you? Lagi ka nalang bad mood and annoyed.

Nothing. Iniwas naman niya ang tingin sa akin.

Oh com'on Vier!! You're always acting like that whenever she's around. Sa tingin mo ba hindi ko iyon napapansin? Now tell me!! Are you inlove with her?!! Please say no...

...Please say no Vier.

I-I d-dont k-know... natigilan ako sa naging sagot niya. Hindi niya alam? Ibig sab—





















...what you're talking about. Pagtutuloy niya. Pwede ba wag mo muna ako tanungin ng kahit ano? I'm not in the mood. At iniwan na niya ako doon.

Wala ka ba talaga sa mood Vier o iniiwasan mo lang na tanungin kita tungkol sa nararamdaman mo sa kanya?

Hindi ko napansin na may tumutulong luha na pala sa mga mata ko. Agad ko itong pinahid at ngumiti.

Wala pa naman siya sinasabi Trixie, magtiwala ka lang, ikaw ang mahal ni Xavier.
——————————————————
[Xave]
F*ck I don't know what's happening to me. Bakit ba hindi siya mawala sa isip ko. Trixie is my girlfriend pero bakit sa tuwing magkasama kami siya ang iniisip ko.

Sabi ko sa sarili na iiwasan ko na siya dahil iyon ang gusto niya pero f*ck! Nakikita ko nalang ang sarili ko tinatanaw siya mula sa malayo. Para akong asong sumusunod sa kanya and I've been following her hanggang sa bahay nila to make sure na nakauwi siya ng ligtas kahit alam kong hinahatid siya ni Dos and nauuwi lang sa pagkabadtrip dahil magkasama na naman sila.

Pag magkakasama kaming lahat nauuwi lang sa pagkabadtrip whenever I see her laughing with Dos and 7aces.

Kahit nasa bahay ako hindi niya ako tinatantanan, palaging sumasagi sa isip ko ang mukha niya.

Kahit may sakit ako, pinupuntahan ko ang bahay niya kahit hindi ko siya makita. Okay na ako.

Nandito ako sa mansion ngayon, hindi na ako papasok naguguluhan ako sa nangyayari sa akin.

Nakadagdag pa ang tanong sakin ni Xie. Totoo naman eh! Hindi ko alam...






...hindi ko alam kung may nararamdaman ako para sa babaeng iyon.

Nakita ko naman ang phone ko na nakapatong sa coffee table kaya kinuha ko ito. Lilibangin ko nalang ang sarili ko. Nagkakalikot lang ako sa phone ko habang nakasalampak sa sofa dito sa living room, hanggang napadpad ako sa photos section ng phone ko. Dahil sa bored ako swipe lang ako ng swipe.

Natigilan naman ako ng makita ang isang picture.

Picture niya noong may party sa school. Nakatingin siya sa fireworks.

(A/N: pa imagine nalang ng background ay may fireworks wala ako mahanap na ganun picture kay pareng google eh.)

I don't know kung bakit ko siya kinuhanan that time, maybe her beautiful smile captivated me kaya kinuhanan ko siya.

Ang aga mo ata, son! Cutting classes again?

Tss. Natawa naman ito sa naging sagot ko kaya tumabi ito sa akin.

Problem? Tiningnan ko naman siya. Why? You can have a good advice from your great father. At natawa naman ulit ito. Bakit ba ako nagkaroon ng baliw na tatay? Girl problem? You know expert ako diyan! Sabay taas baba ng kilay nito.

Tss. I will tell this to Mom. Agad naman ako nitong pinigilan.

Biro lang. Napakaseryoso mo naman son. So, babae nga?

Wala naman sigurong mawawala kung magtatanong ako sa tatay ko. Napabuntong hininga naman ako.

Dad, paano ninyo nalaman na inlove na kayo kay Mom?

Hmm... paano nga ba? Alam mo naman diba yung personality ko nung iniwan tayo ng Mommy noon diba? Tumango naman ako sa kanya. I know kung gaano ka miserable si Dad noon time na yun. But everything's change when I met Celine. He change me for a better. When I met her nagkameron ulit ako ng reason to continue life and hindi ito basta nagtapos noong umalis ang nanay mo. She make me smile without knowing na ngumingiti na pala ako. And pag kasama ko siya I'm so comfortable and happy. Yung kontento ka na nakikita mo siya at nakakasama mo siya. Yung tipong magkasama na kayo maghapon pero parang kulang ang oras, pag magkalayo kayo hinahanap-hanap mo ang presensya niya at hindi siya mawala sa isip mo. And kapag naalala ko siya hindi ko maiwasan mapangiti. That's the time na narealized ko na I'm inlove with your Mom. So son, tell me sino ang unang pumasok sa isip mo ng mga oras na kinuwento ko sayo ang mga dahilan kung bakit ako nainlove sa Mommy Celine mo? Natigilan naman ako sa sinabi ni Dad. P-paano niya nalaman?

Is it her? or your girlfriend? Com'on son, I knew you have feelings for her. Tinapik naman niya ako. Alamin mo na ang nararamdaman mo son, before mahuli ang lahat and wag kang gumaya sa amin ng Mommy Celestine mo na nakulong sa pagmamahal na hindi naman dapat. Tinapik ulit ako nito bago tuluyang pumasok ng kitchen.



Tama si Dad! May naitulong din pala ang baliw kong tatay kahit papaano.

Thanks Dad!! Sigaw ko bago ako umakyat sa kwarto ko.
——————————————————
A/N:

how's Chapter 90 everyone?

Kaya pa ba? Keri pa ang mga shoking revelations. 😂.

Hope you like this Chapter.

Nakabawi na ba ako sa ilang araw na walang update? Haha 😊

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 175K 57
Good and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pangakong iyon ay ang pangako rin na matutu...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
49.1M 1.3M 54
Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. Isa lang din pala siya sa mga babae na pi...