Ways For Her To Dislike Him

_gette_ tarafından

18.5K 965 157

Complete. Thelistine High #1 l Caile is having a quite smooth academic life as the council president of the p... Daha Fazla

Prologue
Ch. 1: Caile Christian Lajara
Ch. 2: Their Plan
Ch. 3: First Encounter
Ch. 4: Off the record
Ch. 6: Agree
Ch.7: Campaign week l Election day
Ch. 8: His New Secretary
Ch. 9: Trouble
Ch. 10: Acquaintance party
Ch. 11: Acquaintance party: Seducing Andy
Ch. 12: Acquaintance party: Seducing Tamarra
Ch. 13: The undeclared Queen Bee
Ch. 14: Clash
Ch. 15: Interruption
Ch. 16: ...
Ch. 17: Pageant (Practice) I
Ch. 18: Pageant (Practice) II
Ch. 19: Pageant (Practice) III
Ch. 20: Pageant Night I
Ch. 21: Pageant Night II
Ch. 22: Pageant Night III
Ch. 23: Pageant Night IV
Ch. 24: Missing in action
Ch. 25: Caile's first move
Ch. 26: Caile's second move
Ch. 27: Caile being caring
Ch. 28: Locked up
Ch. 29: Little suspicion
Ch. 30: Quarrel
Ch. 31: Outcome
Ch. 32: Busy
Ch. 33: Fieldtrip
Ch. 34: Fieldtrip II
Ch. 35: Fieldtrip III
Ch. 36: Change of feelings
Ch. 37: Aimee x Andy
Chapter 38
Ch. 39: He suddenly wants to stop
Ch. 40: Range of anger
Ch. 41: Comfort Zone
Ch. 42: Over
Ch. 43: Rumors
Ch. 44: Caile x Tamarra
Chapter 45
Ch. 46: The Witch
Ch. 47: Sports Fest
Ch. 48: Sports Fest II
Ch. 49: Sports Fest III
Ch. 50: Sports Fest IV
Ch. 51: Bewitched
Ch. 52: Evade
Ch. 53: Confession
Ch. 54: Confusion
Ch. 55: Rejection
Ch. 56: Observation
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60: Christmas party I
Chapter 61: Christmas party II
Chapter 62: Aftermath
Chapter 63: After this
Chapter 64: After all
Chapter 65
Special Chapter
Thelistine #2: He's Mine
Thelistine 1.2: Wayward Love

Ch. 5: Trash

252 16 2
_gette_ tarafından


CAILE'S POV


l Student council office l


"President, may 18 candidates lahat para sa 6 open positions. So, tig-tatlo ang maglalaban para sa isang position"-Jade informed, the Council's Communications director.


1st-4th year representative, secretary, at treasurer ang open position. Iyong sa secretary and treasurer, grumaduate na ang may hawak ng position, ang sa representative naman, every year talagang napapalitan yan.


Bukod sa 1st-4th year representatives, the rest ng positions sa student council ay mabubuksan lang once na gumraduate o magresign ang may hawak sa pwesto. Ang taon na itatagal mo sa council ay nakadepende sa kung ilang taon pa ang natitira sa'yo sa high school. Halimbawa nalang ako, second year lang ako nang manalo ako as council president, ang termino ko tuloy ay hanggang sa makagraduate ako ng 4th year.


"Ba't tig-ta-tatlo? 2 lang diba?"-takang tanong ko pa habang inaayos ko ang final changes para sa school calendar.


Sinalo ni Pierro, ang vice president, ang pagsagot. "Diba na-open sa mga taga-Einstein ang election. Kaya ganon. Grabe nga eh, halos sa kanila na nanggaling lahat ng interview passers. At pinasakit nila ung ulo namin ni Jade dahil sa English nilang dila."


Napatango ako. Wala naman talaga akong pake kahit tig-iilan pa 'yan. "Gano'n? Pasabi sa kanila na bukas ang umpisa ng campaign week. Open tayong officers at candidates galing Newton sa Einstein, gano'n din ang candidates nila dito sa Newton."


"Copy! Pero, hindi mo ba ichicheck itong list of candidates?"


Napasulyap ako sa papel na hawak niya, saka umiling maya-maya.


"Hindi muna, makikita ko rin 'yan bukas. Magmeeting na kayo for the upcoming acquaintance party. Hindi ko na kayo tutulungan dyan, kaya niyo na yan."-walang ganang sabi ko sa kanya. Tumango siya at lumabas naman na ako ng SC room. Sumasakit ang ulo ko, buti nalang walang teacher ngayon, absent.


Lumabas nalang ako ng building at pumuntang garden. Sakto mahangin at makulimlim.


At sakto rin, may nakita ang mata ko na nagkalat na basura. Tss. Dahil presidente ako, dapat itapon ko 'to sa tamang basurahan, hindi pwedeng pakalat-kalat.


"You're alone, why?"-ayan, bago itapon ang basura, kakausapin ko muna.


Gulat na napalingon sa'kin ang kinausap ko. "Oh, hi. Nandyan pala?"-Wala ako dito, hindi ako sa harap mo nakatayo. "Ah, may inaabangan lang."-truck ng basura o basurera?


"Gano'n, pwede paupo?"-tanong ko. Umusog naman siya ng kaunti para makaupo ako.


"May I ask your name? You know, president ka namin pero hindi ko alam pangalan mo. Nakakahiya"


Palihim akong nagtaas ng kilay. Tama yan! MAHIYA ka talaga para sa maraming bagay.


"I'm Caile. How about you?"


"Ah, and I'm Tamarra."


I am meeting a trash whose name is Tamarra, beautiful.


"It's nice to finally know your name."-sagot ko nalang kunwari. 


"Nice meeting you too, Caile"-nakangiting sagot naman niya.


Hindi ko na siya sinagot pagkatapos no'n. An awkward silence filled us tuloy. Nagsisimula na akong mag-isip ng first move pero wala akong alam sa ganito!


Dapat ba nagtanong muna ako kina Millie? Kaso kalahati ng makukuha ko mula sa kanila puro pang-aalaska, sigurado ako doon.


Ah tama, magtatanong nalang ako kunwari.


"You're a transferee right?"-Tanong ko sa kanya ng sa malayo ang tingin. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong lumingon siya sakin.


"Yes. Paano mo nalaman?"


I almost rolled my eyes at the question. Presidente nga ako diba? 


"Halos kabisado ko na kasi ang mukha ng mga estudyante dito, at bagong mukha ka so I assumed na transferee ka."


"Yes. Transferee nga 'ko. From Helene School."-Helene School? Eh doon din galing iyong isa pang bruha di'ba?


Baka doon nagsimula ang grudge ni Aimee sa isang 'to? Well, hindi ko alam ang kwento.


"Ganon..."-kunwaring tumango ako. Caile, think of a topic.


"Magkakilala pala kayo ni Aimee?"-tanong niya bigla. Nilingon ko siya pero hindi siya sa akin nakatingin kung hindi sa lupa. At mula doon ay saka palang siya lumingon sa'kin "Close kayo?"


Yung bruha? Hindi! Hinding-hindi!


"Close kahit papano. Bakit natanong mo?"-hinding hindi ko pwedeng sabihin na hindi.


"Talaga? Uhm, kasi...mahirap makipaglapit sa kanya eh. Dati kaming magschoolmate pero hindi kami naging magclose ni minsan."


"Parehas kayong galing Helene ... bakit hindi kayo naging magkaibigan?"-baka sakaling mabanggit niya kung bakit may galit sa kanya si Aimee.


Curious na 'ko sa pinanghuhugutan ng babaeng yon eh. Galit siya at nakita ko iyon sa mata niya sa dalawang pagkakataon na nakita niya si Tamarra habang kasama ako. 


Only inimitable hatred could drive a person to do things to harm or make another person suffer. I don't think Aimee could harm her physically, but she's trying to stab her emotional. Hence her proposal.


She suddenly become hesitant. "W-Wag mo na tanong kasi maguguluhan ka lang."


Nawalan ako ng masasagot. I respect what she said naman, kung ayaw ipaalam, edi wag. 


"Caile!"


May bigla rumigodon sa dibdib ko pagkarinig no'n.


"Andy."-Si Tamarra. Sandali akong napalingon sa kanya bago lumingon kay Andy.


Bitch ako 'yung tinawag, bitch. Hehehehe. Bitch.


Nakalapit sa'kin si Andy at nagulat at nagtaka pa ata siyang makita rin ang girlfriend niya sa tabi ko. "Tam, nandito ka pala? Ba't magkasama kayo?"


Nilingon ko si Andy ko. Napatingin siya sakin pagkalingon ko sa kanya.


"Tinawag mo 'ko kanina? Bakit?"-balik tanong ko. Mula sa likod ay lumipat siya sa harap ko ... or sa harap pala ni Tamarra.


Edi sige.


"Wala, akala ko kasi mag-isa ka lang dito. Hindi ko napansin 'to."-sabay pisil niya sa pisngi ni Tamarra. Napaiwas nalang ako ng tingin. "Nga pala, Caile tatakbo 'to bilang secretary sa election."


Tumango ako. Kunwaring masaya ako sa narinig ko. Binigay ko sa kanya ang welcoming smile ko. "Yeah, nabanggit nga niya nang itanong ko."-humarap ako kay Tamarra. "Magiging secretary pala kita kung sakaling ikaw ang manalo."-magdilang demonyo sana ako. Walang mangyayari sakin kung sakaling makakasama ko 'yang babaeng yan.


"Maganda 'yon! Ay Caile, girlfriend ko pala 'to. Nabanggit ko na ba sayo?"-tanong pa ni Andy. Sumasakit ang bangs ko. Ang sarap umirap. Pero syempre hindi ko gagawin 'yon sa harap nilang dalawa.


Umiling ako, still, nakangiti. This is a lowkey torture. "Hindi pa."


"Gano'n? Oh ayan, alam mo na."


Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Girlfriend now, ex later, Andy.


"Tam, may quiz kayo ngayon ..."-narinig kong paalala ni Andy. Nilingon ko lang sila nang narinig kong magreact si Tamarra.


"Quiz? Ay, God! Oo nga pala, 'yung quiz."-bigla siyang tumayo. "Andy una na 'ko. Caile, ano, bye."-tumango lang ako saka nagbigay ng pekeng ngiti. Tinapik ako ni Andy na kinagulat ko naman.


"Uuna na rin ako ha?"-at nakaalis na si Andy bago pa man ako makasagot. Bigla akong nanghinayang. Akala ko pa naman masosolo ko na si Andy.


Tumayo na ako. Pwede bang madaya 'yang election? Ay ewan!


At kung akala ko makakahinga na ako ng maluwag.


Akala ko lang pala 'yon kasi mula sa kung saan bigla lumitaw sa harap ko si Aimee.


"Tatakbo siya bilang SC secretary? Madapa sana siya."-siya habang nakatingin sa daang dinaanan ni Tamarra. 


Napailing nalang ako at nasapo ang noo. Nagsisimula palang ang school year pero ba't parang stress na stress na ako?

_____________________

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

39.2K 2.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
118K 5.5K 42
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...